"sabi ko na nga..ako ay tama.."nakairap na sabi ni ate Isabela habang nakatingin sa mukha kong luhaan.
Maging ako ay naguguluhan kung bakit ako umiiyak.Marahil ay ang totoong Veronica ang umiiyak at hindi ako.
Ibig sabihin nasa katawan ko sya?!
Napayuko ako para tignan ang sarili ko.
"Nahihiya ka ba sa iyong tinuran mahal kong kapatid?"napaangat ang tingin ko at naabutan ko ang tingin nyang naniningkit.
"Isabela anak wag mo---"
"Bakit mo pinagtatakpan ang taksil na yan ina?!nasa harap mo na ang ebidensya!hayan at umiiyak dahil sa pagkamatay ng isang pipitsuging tagapaglingkod!"
"Tumahimik ka Isabela!"napaigtad kami pareho sa sinigaw ni ina.
"Hindi ko kailanman tinuro sayo ang maging mapangmata.."pagkasabi nun ni ina ay lumingon sya sa akin.
"At ikaw ayusin mo ang iyong sarili wag mong hayaang makita ka ng iyong ama sa ganyang estado at maaaring makarating ito sa mga De Silva.."malumanay na wika nya bago tumayo.
"Sumunod ka sa akin Isabela ngayon din.."mariing wika ni ina bago lumabas ng aking silid.
Samantalang si ate ay umirap muna bago lumabas at sumunod kay ina.
Kung di ko lang lola yun sinuntok ko na sya!nakakainis sya napakamaalam masyadong concern sa De Silva na yun!
Lantutay!
"senyorita.."ang malamlam na boses ni Felisita ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyang kinalalagyan ko.
Mugto ang mata nya at namumula ang ilong.Alam ko na nakarating na din sa kanya ang balita tungkol kay Eduardo.
"patawarin mo ako Felisita..wala akong nagawa para iligtas si Eduardo sa kamatayan.."nagsisimula nanamang manlabo ang mga mata ko dahil sa namumuong luha.
Umiling sya sa akin at pilit na ngumiti siguro ay para itago sa akin ang kalungkutan nya sa nangyari.Masakit mawalan ng mahal sa buhay naranasan ko yan ng kunin sa akin si lola na ngayon ay nakakasama ko pero dito bruhilda sya.
Paano ko maitatama ang mali kung unang una hindi ko alam kung ano ang mali at tama?
"naparito ako upang sabihin na nasa ibaba ang ginoong De Silva at nais kayong makita.."nang marinig ko yun ay agad kong inayos ang sarili ko at tumingin muna sa salamin.
Hindi sa nagpapaganda ako pero parang ganun na nga dahil mukha akong namatayan at kapag nakita nila akong ganito ang itsura magdududa nanaman sila sa akin dahil kay Eduardo.
Napabuntong hininga ako.
Nakakalungkot ang sinapit ng isang lalaki na nagmamahal ng lubos sa isang mataas na babae.Sayang talaga at hindi sya sa panahon ko nabuhay.Inalalayan ako ni Felisita bumaba siguro ay napapansin nya ang panghihina ko dahil sa balitang gumulat sa aming lahat.
Agad namang napatayo si ginoong Julio ng makita nya kami ng aking tagalingkod na pababa.Ngumiti sya sa akin bagay na hindi ko nasuklian kahit pa pinipilit ko ang sarili kong maging masaya dahil sa pagkikita namin.
Pakiwari ko ay nabasa nya ang kalungkutan sa aking mukha dahil agad na nabura ang nakasilay na ngiti sa kanya ng sya ay aking lapitan.
"binibini.."wika nya.
"maupo ka ginoo..Felisita maari mo ba kaming dalhan ng maiinom?"tumango sa akin ang tagapaglingkod ko bago umalis.
Sabay kaming naupo ni ginoong Julio sa magkatapat na upuan para bang sinisipat nya ang itsura ko dahil sa pagkakatitig nya.
"maari ko bang malaman ang iyong pinagparito?"wala sa mood na tanong ko.
"ahm..binibini.."mukhang hindi nya alam ang sasabihin sa akin napairap nalang tuloy ako.
"diretsuhin mo na ako ginoo kung ang pakay mo dito ay para sabihin sa akin ang nangyari kay Eduardo ay makakaalis ka na pagkat alam ko na ang mga yun.."agad akong tumayo para iwan sya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Kailan lang ay kinikilig ako sa lalaking nasa harapan ko ngunit ngayon hindi ko sya kayang makita lalo pa at nakakaramdam ako ng sakit.
"binibini patawarin mo ako kung wala akong nagawa upang tulungan ang iyong tagalingkod.."
"walang nagawa?o talagang sinadya mong walang gawin upang mamatay sya?!"bumuhos ang luha ko na pareho naming ikinagulat.
"bakit ganyan ang iyong turan binibini?"nagtatakang lumapit sya sa akin pero umatras ako palayo sa kanya.
Umiwas ako ng tingin at malalim na huminga para kalmahin ang aking sarili.
"hindi ko rin alam..basta na lamang akong nalungkot at nasaktan sa balita siguro ay dahil sa mabuting tao ang namatay at kakilala ko.."pagpapaliwanag ko.
Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit ako nagkakaganito.
"o baka naman dahil talagang iniibig mo ang tagapaglingkod na yun?"pareho kaming napalingon ni ginoong Julio sa nagsalita na walang iba kundi ang ate ko sa panahon na ito at ang lola ko sa panahon ko.
"ano ang nais mong ipahiwatig Bela na ako ay niloloko lamang ng iyong kapatid?"tanong ni ginoong Julio.
Napailing nalang ako.Hindi ko inakala na aabot kami sa ganitong senaryo ni lola.Sorry lola pero talagang pag ako nainis na sayo sisiguraduhin kong makakalbo ka.
"ate.."pagpigil ko sa kanya at alam ko na mababakas sa boses ko ang isang babala kaya napataas ang kilay nya at ngumisi sa akin na para bang sinasabi na alam nya ang kahinaan ko.
"hindi ka ba nagtataka sa kinikilos ng kapatid ko ginoo?pagmasdan mo sya.."tinignan naman ako ni ginoong Julio.
"galing sa pag iyak ang magaling kong kapatid dahil sa sinapit ng kanyang pinakamamahal na si Eduardo.."napahigpit ang hawak ko sa aking palda dahil sa mga sinabi nya.
"totoo ba?"hinarap ako ni ginoong Julio ng may pagtatanong sa kanyang mga mata.
Umiwas ako at nagtangkang aalis nalang dahil maging ako ay walang naiintindihan sa mga pangyayari at nararamdaman ko ngunit pareho kaming napasinghap ni ate Isabela ng pigilan ako ni ginoong Julio na makaalis.
"sagutin mo ako binibini totoo ba ang lahat ng mga sinabi nya?"mababakas ang galit at panibugho sa kanyang mga mata.
Hindi ko masagot ang mga bagay na yan dahil maging ako ay naguguluhan.Nanlaki ang mata ko ng alugin ako ni ginoong Julio.
"aray ko!"tinulak ko sya palayo sa akin.
"kung maniniwala ka naman pala sa lahat ng sasabihin ng babae na yan maari bang kayong dalawa na lamang ang ikasal at wag nyo na akong idamay pa sa kalokohang yan!"asik ko.
"Veronica!"nanindig agad ang balahibo ko dahil sa sigaw na dumagundong sa buong bahay.
"ama!"sigaw ni ate na para bang aping api sya.
"magandang hapon ginoo.."bati nito kay ginoong Julio bago puno ng bagsik ang pagmumukhang humarap sa akin.
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.Halos masubsob ako sa hamba ng hagdan dahil sa lakas nun.
"ganyan ka ba namin pinalaki?bastos at walang modo?!"bulyaw ni ama.
"hindi mo naiintindihan ama.."naiiyak na humarap ako sa kanya.
"tama na ang narinig ko upang maintindihan ang lahat!"sigaw pa nito.
Lumabas naman mula sa kusina ang natataranta naming ina.Nag aalala syang tumingin sa akin at pinagmasdan ang mukha ko.
"ano ba ang kaguluhan na ito Hector?"halata ang kaba sa mukha ni ina ng pagmasdan ang aming ama.
"ang anak mong yan ang tanungin mo!balak pa atang dungisan ang ating pangalan dahil lamang sa isang tagalingkod na namatay!"
"dahil lamang sa isang tagalingkod na namatay?"pagak na inulit ko ang sinabi ni ama.
"anak tama na.."awat sa akin ni ina pero hindi ako tumigil.
"isang buhay ang nawala ama dahil sa akin sa tingin mo ba ay makakaya kong balewalain ang lahat ng yun?"puno ng hinanakit na baling ko sa kanya.
"patawad binibini naiintindihan na kita..patawarin mo at ako ay nagduda sayo--"
"wag mo syang ipagtanggol kay ama ginoong Fernan.."singit ni ate.
"sya ba ang sanhi ng pagkakaganyan mo ha?!isang hamak na tagabukid!"napapikit ako sa kahihiyan.
Kahihiyan na may dugong nananalaytay sa akin na galing sa kanya.Na ito ang pinagmulan ng angkan ko!
"tama na ama!kung magsalita ka ay parang isang hayop lamang ang namatay!wala kang puso!"tumakbo ako palabas ng bahay na kahit anong pagtawag nila sa aking pangalan ay hindi ko sila pinansin.
Nagtungo ako sa batuhan at pinagmasdan ang malakas na alon sa dagat dala ng malakas na hangin.Tinatangay ang mahabang buhok ko pero hindi ko yun alintana.Umiiyak na umupo ako sa mga bato.
Napakasakit ng iyong kalagayan Veronica sorry at mukhang wala akong nagawa para iligtas si Eduardo.Yumuko ako at pumikit habang patuloy lamang sa pag iyak dala ng lungkot na aking kinasasangkutan.