Malungkot na naglalakad ako sa isang lugar na ako lamang ang nakakaalam.Tiningala ko ang isang treehouse at malungkot na ngumiti.Tumingin ako sa paligid at ng masiguro na walang ibang tao ay umakyat ako.
Malapit sa bukiran ang treehouse at halatang kagagawa lamang nito.Pag akyat ko ay mga larawan ni Eduardo ang bumungad sa akin.
Sa naginginig na mga kamay ay kinuha ko ang isa kung saan ay magkatabi kami at halatang masaya.
Ibang iba ang itsura ni Eduardo dito kesa sa itsura nya ng huli kaming magkita.He looked so handsome and cool.
Sa litrato ay pareho kaming nakangiti pero batid ko na si Veronica pa ang kasama nya sa panahong ito.Nakatitig sya kay Veronica habang ang isa naman ay nakatingin sa camera na kapwa may masayang ngiti.
Isasauli ko na sana ang litrato ng makita kong may nakasulat sa likuran nito.
Ang araw na nabatid kong ikaw na ang aking minamahal..taliwas man sa aking pamilya at sa ating estado makakaasa kang hindi kita bibitiwan..
Hindi man nakalagay kung sino ang sumulat ay malalaman mo agad na si Veronica ito.
Kung ganun ay natutuhan nyang mahalin si Eduardo.Bagay na nagpasikdong muli sa aking damdamin dahil nagsimula nanamang tumulo ang luha sa aking mga mata.
Wala sa sariling naglakad ako sa aking silid.Nagsulat ako ng isang pamamaalam at humingi ng kapatawaran sa lahat ng kahihiyang dinulot ko sa aking pamilya.
Nang magdilim na ay palihim akong naglakad papunta sa dagat.Nagtataka ako dahil hindi ko kontrolado ang aking katawan.
Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko ang nangyayari.
No!no!no!
Umiiyak na ako pero hindi ko mapigilan ang katawan ko na pumunta sa malalim na parte ng karagatan!
Stop it Veronica!
Pero patuloy parin itong nagpakalunod naramdaman ko ang lamig ng tubig na syang lumamon sa aking katawan hanggang sa unti unti nang nagdilim ang kapaligiran.
Itama mo ang mali..
Napadilat ako at napasinghap na para bang ang tagal kong hindi humihinga!
Naalimpungatan ako at tinignan ang paligid.Nandito parin ako sa batuhan at mukhang nakatulog ako sa kakaiyak.
Panaginip lang ba yun o totoong nangyari kay Veronica?
Yun ba ang dahilan kung bakit maagang namatay ang nakababatang kapatid ni lola?
Nagsuicide sya?
Totoo ba yun?
Isang bagay lang ang pwedeng magpatunay nito.Nagpagpag ako ng damit dahil sa mga buhangin na dumikit sa akin at naglakad papunta sa bukiran sa kabilang dayo.Magdidilim na kaya alam ko na wala namang makakakita sa akin.
Ganun na lamang ang pagkamangha ko ng bumungad sa harapan ko ang treehouse na nasa panaginip ko.Lumingon ako sa paligid para masiguradong walang tao bago ako umakyat.
Nanlambot ang mga tuhod ko at agad akong bumagsak ng makita ko ang paligid na puno ng litrato nila Eduardo at Veronica.
Nagsimula na akong umimpit ng iyak.
Totoo kung ganun ang nangyari at nagpakamatay si Veronica dahil sa sobrang kalungkutan.
"Eduardo.."daing ko habang patuloy sa pag iyak.
Kinaumagahan na ako umuwi dahil mas gusto kong magpalipas ng gabi sa lugar kung saan ako may kalayaan.Sa lugar kung saan saksi ang paligid sa pag iibigan nila Eduardo at Veronica.
"anak!"umiiyak na salubong sa akin ni ina sa pintuan pa lang.
"saan ka ba naroon?buong gabi kang pinahanap ng iyong ama at ni ginoong De Silva?"napaiwas ako ng mukha sa sinabi nya.
Hindi ko na magagawang makaharap pa ang dalawang yun lalo pa at nalaman ko na ang sinapit ni Veronica dahil sa kalupitan ng panahong ito.
"anak.."nag aalalang tawag sa akin ni ina pero hindi ko na sya pinansin pa at naglakad na ako patungo sa aking silid.
Makapananghali na ako bumaba at naabutan ko silang kompleto sa hapag.
"nandito na pala ang suwail kong anak.."bati ni ama.
"Hector..pakiusap naman wag sa hapag.."si ina.
"saan ka nagpalipas ng gabi kapatid?wag mong sabihin na naghanap ka ng magbubukid tulad ni Eduar---"
Hindi na ako nakapagpigil at malakas na hinila ko ang buhok nya hanggang sa bumagsak sya sa kinauupuan nya.
"ano ba!"sigaw nya.
"anong kalokohan ang ginawa mo sa kapatid mo Veronica!"sigaw ni ama na inaawat naman ni ina.
"tss..ako ang masama dahil nakita nyo ang ginawa ko..pero hindi nyo ba narinig ang sinabi nya sa akin?ininsulto nya ako!"asik ko.
"wag mo kaming lokohin Veronica alam namin na hindi ka nainsulto nasaktan ka lamang dahil tunay na pumatol ka sa isang magbubukid na tagalingkod!"bulyaw ni ama na galit na galit habang nakatingin sa akin.
Samantalang si ina ay tahimik lamang at hindi alam ang gagawin.Si ate Isabela ang bumasag sa pananahimik ng lahat.
"masakit ang katotohanan bunso..katotohanang patay na ang irog mo!"
"tumahimik ka!"sigaw ko na nagpagulat sa kanila.
Siguro ay timid at laging tahimik lang ang dating Veronica pero hindi ako!Hindi ako magpapa api sa kanila!
"anak.."si ina na para bang gulat na gulat.
"kung wala naman kayong sasabihin sa akin na ikagaganda ng loob ko manahimik na lamang kayo.."seryosong wika ko bago ako muling lumabas ng bahay.
Muli akong bumalik sa treehouse.
Thank God at meron akong mapupuntahan.Napag alaman ko na si Eduardo ang gumawa ng bahay na ito sa tuktok ng puno.
Kinuha ko ang diary ni Veronica at dito nagbasa sa treehouse.Gusto ko pang mas makilala si Eduardo at habang ginagawa ko yun ay mas lalo akong nalulungkot.
Dahil hindi ko sya nagawang ipaglaban.
Tanga ka ba Onica hindi naman ikaw ang nangako bakit ka nalulungkot dyan?!
Feeling ko mababaliw na ako.Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Feelings ko ba ito o feelings to ni Veronica para kay Eduardo?
Mag iisang linggo na ganito lang ang gawain ko.Gigising ng umaga magdadala ng pagkain na gawa ni Felisita at tatambay na dito hanggang sa maggabi.
Tulad ngayon ay nandito ako at malungkot na hinahaplos ang mga litrato ni Eduardo.He really looked like a model.Matipuno ang katawan kayumanggi at lalaking lalaki kamukha nya nga si Rico Yan may dimple din sya.Ganito ba talaga ang mga may ganitong mukha madaling kinukuha ng diyos?
He really looked like him pero mas matipuno mas lalaki ang dating at ang mga titig nya mas nakakatindig balahibo.
"sayang.."anas ko habang hinihimas ang litrato nya.
"kung sana ay may katulad mo sa panahon ko hinding hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin.."malungkot na wika ko.
Napabaling ako sa pinto ng treehouse ng makarinig ako ng kaluskos.Kinabahan ako bigla.
May iba pa bang nakakaalam ng lugar na ito o may nakakita nito na ibang tao?
Napakataas ng bahay at hindi ito kita mula sa ibaba kaya imposible.Napatili ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaki na walang pang itaas habang nakapangmagsasaka naman ang get up sa ibaba.
Nakasumbrero sya kaya hindi ko makita ang mukha nya.
"s-sino ka?!"kinakabahang tanong ko.
"umalis ka rito!hindi mo ba alam na pag aari ko ang bahay na ito!"kahit kinakabahan ay nagawa ko pang sabihin yun.
Pero hindi man lang nagsalita ang hudyo at sinara pa ang pinto kaya lalo akong napaatras.
"a-anong gagawin mo?!lumayo ka sa akin!"sigaw ko.
Napansin ko ang pag igting ng panga nya kasabay ng pagtanggal ng sombrero ay ang pagkagitla ko.
"kamusta na binibini?"pinagmasdan nya muna ang kabuuan ko then he smirked at me.
"E-Eduardo?"