Akda 11

1625 Words
"E-Eduardo.." Nag umpisa ng magtuluan ang luha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.Dahan dahan akong tumayo para malapitan sya ng bigla akong makaramdam ng pagsakit ng ulo. "Aaah!"muli akong napasalampak sa sahig. "Veronica?"tila naguguluhang lumapit naman sa akin si Eduardo. "E-Eduar--do.."sambit ko bago ako tuluyang nawalan ng malay. Nang muli akong magising ay puting kisame ang bumungad sa akin.Masakit ang buo kong katawan at parang may nakatusok sa mga braso ko. Pinagmasdan ko ang paligid kasabay ng pagkunot ng noo ko. Nasaan si Eduardo?!buhay sya! Napaiyak ako sa isiping yun. "Anak!"napatanga ako ng bumungad sa harap ko ang namayat kong ina at ang halatang puyat kong ama. "A-Anong---" "Ver buti naman gising kana you made us all nervous and worried!"saad ng isang lalaki. "K-Kuya?"naiiyak na pinagmasdan ko sila. Nakabalik na ako?nandito na ako sa talagang panahon ko? "Call the doctor Darius!"utos ni dad at agad namang tumalima si kuya. "My baby.."umiiyak na niyakap ako ni mom. "Two months anak..two months mo kaming pinag alala!"umiiyak na sambit nito. "Tama na yan..pagpahingahin mo muna si Onica hindi dapat sya nagagalaw gawa ng aksidente.."dad said at nilayo sa akin si mom. "Aksidente?"takang tanong ko. "Yes..naaksidente ka sakay ng motor iha.."napamaang ako sa nalaman. I'm really back. Napangiti ako ng muli kong makita si kuya kasama ang doctor. I miss him ang nag iisang kakampi ko sa bahay. "Kuya!"umiiyak na tawag ko sa kanya. "Ssh..tahan na sis.."he kissed my hair. "Thank you for waking up.."he added na nagpatigil sa akin. Paano si Eduardo?ibig bang sabihin ay naitama ko na kung ano man ang mali sa nakaraan kaya nakabalik na ako? Nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi ko man lang personal na nakilala at nakausap ng matagal si Eduardo. Di bale atlis buhay sya! 2 weeks din akong nanatili sa ospital before nagdecide ang doctor ko na pwede na akong umuwi.Masaya sila mom at dad na uuwi na ako pero napansin ko ang pananahimik ni kuya Darius. "Kuya bakit?"tanong ko. "Naisip ko lang na hindi na bumalik yung taong tumulong sayo at nagdala sayo dito sa ospital.."nagulat ako sa nalaman. "Really?someone helped me?"tumango si kuya sa akin. "Mom and dad was so worried kaya di na namin natanong ang pangalan nya.."he stated. "Babae ba?"kaya siguro nagkakaganyan yan haha! "No..a guy.."nabura ang ngisi ko sa narinig. "Bakit naalala mo sya bigla?"tanong ko nalang. "Gusto kong pasalamatan sya..isa pa hindi nya tinanggap ang reward na pera na binibigay ko sa kanya nung gabing maaksidente ka.."napatango nalang ako. "Well he's a good guy.."sabi ko nalang bago ako bumaling kila mom at dad na nag aasikaso ng papers ko for discharge. "Ver I need to go to batanes this coming weekend.."muling bumalik ang tingin ko kay kuya dahil sa sinabi nya. "B-Batanes?"he nod. "Anong gagawin mo dun kuya?" "Dad and mom decided to sell the propert---" "No.."matigas na iling ko. "Kilala mo sila Ver alam mo na---" "I said no!"sigaw ko na nagpatigil kay kuya. Kung noon ay ayaw kong ibenta yun dahil kay lola Isabela ngayon ay ayoko dahil kay Veronica at Eduardo. "Gustong bilhin ng mga De Silva ang property Ver.."saad ni kuya. "Ayoko kuya..hindi ako papayag.."matigas na wika ko bago ako naglakad papunta sa sasakyan kung saan ay naghihintay na sila mom. Tahimik lang kami ni kuya sa likod habang nag uusap sila mom at dad.Alam ko na nakikiramdam lang si kuya sa mood ko. Padabog akong bumaba ng makarating kami sa bahay hindi nakaligtas sa akin ang nagtatakang tingin ni dad kay kuya. Bahala kayo dyan! "Onica!"agap na tawag ni mom pero hindi ko sya pinansin. "May problema ba?"nagtatakang habol samin ni dad. "Ayaw nya na ibenta ang lupa sa Batanes dad.."singit ni kuya na pinaningkitan ko ng mata. "Anak---" "Ayoko dad..dont start kung ayaw nyong tuluyan akong mawala sa inyo.." "Ver!"galit na hinarap ako ni kuya. "Watch your word!hindi maganda ang lumalabas sa bibig mo kanina pa!"he shouted. "Nakita mo na ang resulta ng pagkunsinti mo dyan sa kapatid mo Darius?"dad pointed me. "Why?wala ba akong say sa pamilya na to?"natahimik sila sa sinabi ko. "Ibenta ang lupa..paano ang sinabi ni lola paano ang kahilingan nya---" "Wala na ang lola mo Onica!"sigaw ni dad. "Ganun nalang yun?pera pera nalang dad?ano?mukha kana ring pera tulad ni tita---" Pak! "Dad!"agad na umawat si kuya. Napahawak ako sa nasaktang pisngi ko.Puno ng galit na binalingan ko sila ni mom. "Please dad..dont make me hate you more.."nakikiusap na baling ko. "Hate me for all I care!" "Fine!"sigaw ko. "Ibenta nyo!makikita nyo na kasabay ng pagkawala ng lupang yun ay ang pagkawala rin ng bunso nyong anak!" "Bakit ba napakabig deal sayo ng lugar na yun?!"mom hissed. Natahimik ako.Hindi ko masabi na sa lugar na yun ako nagkaroon ng isa pang buhay.Sa lugar na yun nakilala ko ang lola ko na hindi ko na naabutang buhay. "Nandito ang anak ni Mr. De Silva sa manila kaya wag ka ng kumontra Onica!ibebenta ko sa kanila ang lupa!"dad said in a serious tone. "Why them dad?alam mong ayaw ni lola sa kanila!"sigaw ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na patay na ang lola mo!" "I cant believe this!"asik ko bago tumakbo at nagkulong sa sarili kong kwarto. "Eduardo.."nag umpisang tumulo ang luha ko. "Sorry lola..wala akong nagawa.."napahagulgol ako habang nakadapa sa kama. Kinabukasan ay malamya akong lumabas ng kwarto ko.Tahimik silang kumakain sa hapag ng dumating ako. "Mind your manners Onica parating ang anak ni Mr. De Silva.."natigil ako sa tangkang pag upo at natawa ng pagak. "Okay I'll let myself to die because of hunger dahil baka masira ng manners ko ang bentahan nyo..baka pera na maging bato pa.."I mocked. "Ver.."nakikiusap na bumaling sa akin si kuya. "Fine.." Tumalikod na ako at naglakad paakyat sa hagdan. "Dadalhan kita ng pagkain---" "Dont bother kuya..I'll eat outside nalang.."wika ko bago umakyat. Naligo na ako at naghanda para kumain nalang sa labas at mamasyal na rin.Binalak kong makipagkita nalang kay Daisy tutal ay namimiss ko narin naman ang bruha na yun. Tumatakbo ako pababa ng hagdan ng matigilan ako dahil sa lalaking nakatingala sa akin mula sa ibaba.Bigla syang napatayo mula sa pagkakaupo ng makita nya ako pero ako hindi ko magawang ihakbang ang paa ko para sa ikahuling baitang ng hagdan. "good afternoon.."yumuko sya para batiin ako. "J-Julio?"kinakabahang wika ko sa kanya. Napansin ko ang pagkunot ng noo nya at ang simpleng pagtikhim nya bago ngumiti sa akin at nagsalita. "wala pang tumawag sa akin sa second name ko kundi parents ko lang..besides we're not that close..to make it clear its not Julio..still I'm wondering paano mo nalaman ang second name ko.."he smiled at me napalunok tuloy ako. Anong ibig sabihin nito?kamukhang kamukha nya si Julio! "Mr. Ferdinand come here.."napalingon ako sa nakangiting si dad habang sinasalubong ang bisita. "Ferdinand?"pag ulit ko. "yes babe..I'm Ferdinand Julius De Silva pero Julio ang tawag sa akin sa amin.."he winked at me bago sya naglakad palapit kay dad. What is happening?! "Ver.."napalingon ako kay kuya. "k-kuya.."anas ko medyo kinakabahan ako kaya nagstutter ako. "may problema ba?"nilapitan nya ako at agad na hinawakan nya ang nanlalamig kong mga kamay. "whats wrong?"nag aalalang tanong nya sa akin. Sasagutin ko sana sya ng makaramdam ako ng pagkahilo.Agad akong napakapit sa kanya. "Ver?" "kuya.." "anong nangyayari sayo?"nagpapanic na hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "I-I'm dizzy.."ramdam ko ang malamig na pawis na lumalabas mula sa katawan ko at alam ko na may kinalaman dito ang pagkakakita ko sa De Silva na yun! "teka iuupo kita!"inalalayan nya ako papunta sa sofa pero bigla akong bumagsak. "Sis!"agap ni kuya. "dad!mom!"yun ang huling narinig ko mula sa kanya bago ako nilamon ng dilim. "hindi ka maaaring mawala binibini!"napabangon akong bigla at ganun na lamang ang panlulumo ko ng makita ko ang salubong na kilay ni Eduardo. "E-Eduardo..nasaan ako?"napahawak ako sa ulo ko. "nandito ka sa aking bahay.."sagot nito. "bahay?"nilibot ko ang paningin ko. "B-Bakit mo ako dinala dito?!"asik ko. "tinupad ko lamang ang bagay na hindi mo nagawa..itinakas na kita sa kanila.."napamaang ako sa narinig. Tinakas? Nandito nanaman ako sa panahon ni lola?Akala ko ba ay tapos na ang misyon ko na itama ang mali? "E-Eduardo..bakit mo ginawa ito?"nanghihinang tanong ko sa kanya. "pagkat nais kong patunayan mo sa akin na si ginoong Julio ang iniibig mo at hindi ako.."nakita ko ang galit sa mga mata nya. "a-ano?"teka naging slow ata ako bigla. "gusto kong malaman kung totoong siya ang pinili mo at hindi ako!"napaatras ako sa bulyaw nya. "kapag napatunayan ko na sya nga..pakakawalan kita.." "ngunit ang akala namin ay wala ka n--" "pagkat yun ang ninais nila!"sigaw nito. "anong ibig mong sabihin?"naguguluhang pinagmasdan ko sya. May peklat sya sa gilid ng noo hindi ko yan nakita noon ng huli kaming mag usap sa piitan. "wala.."malamig na sagot nya. "Edua---" "sisiguraduhin kong mararanasan mo ang ginagawa samin ng iyong mga ka uri binibining Veronica.."ngumisi sya sa akin na nagpakaba sa akin. Anong nangyari?bakit ng bumalik ako ay parang mas lalong naging magulo ang lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD