Sikat ng araw ang gumising sa akin.Tinakpan ko ang mata ko dahil sa nasisilaw na ako muli sana akong pipikit ng may magsalita.
"gumising kana at marami pa tayong gagawin.."napadilat ako.
sino yun?
Bumaling ako sa likuran ko at ganun na lamang ang pagkagat ko ng lihim sa labi ko.
Hindi naman kasi ako na inform na nakatopless pala ang lalaki na to!
Bumangon na ako at nag inat.
"maghanda ka na ng pagkain nakaluto na ako Veronica.."utos nito.
"Veronica?"pag ulit ko.
Oo nga pala medyo lutang ako bumalik nga pala ako kahapon dito at tulad noon ay mas magulo ang kinalalagyan kong sitwasyon ang peg nito ay tanan kahit pa si Eduardo ang syang nagdala sa akin dito ay oo nga pala akala nila patay na ang isang to.
"oo Veronica..hindi ka maharlika sa lugar ko kaya kumilos ka na.."lumabas na sya ng kubo kaya nakasimangot na lumabas din ako at halos mapanganga ako sa bumungad sa akin.
"a-anong.."hindi makapaniwalang pinagmasdan ko ang ibang tao na naghahanda ng pagkain sa kani kanilang mesa.
"teka Eduardo!"habol ko dito ng magpunta ito sa kung saan.
"bakit?"napalunok naman ako dahil sa seryosong mukha nito.
"wag ka namang masungit itatanong ko lang kung bakit ang daming tao?"nakayukong wika ko.
"tss..mga katulad ko silang tumakas sa kanilang mga malulupit na amo.."nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"tumakas?!baka hinahanap na sila!"anas ko.
"at sa tingin mo ba ay mag aaksaya ng panahon ang mga katulad mo na hanapin ang isang alipin lamang?"napamaang ako sa kanya.
"nais kong malaman mo Veronica na kaya naming mamuhay ng wala kayo pero kayong may mga sinabi sa lipunan ay hindi makakaya ng walang aliping tagalingkod.."puno ng galit na baling nya sa akin.
"a-ano bang nagawa ko sayo at ganyan ka?"kinakabahang tanong ko pero ngumisi lamang sya at bahadyang umiling.
"maghanda kana ng pagkain sa lamesita natin.."yun lang at tinalikuran na nya ako.
Padabog na bumalik ako sa kubo at sa harap nito ay inasikaso ko ang hapag.Sa bahay namin ay tumutulong naman ako kay mom at sa ibang katulong kaya medyo may alam ako.
Lumingon ako sa paligid.Tinignan ko rin ang loob ng kubo.Kumakamot sa ulong lumabas ako para tignan uli ang lamesa.
Nasaan ang mga pinggan at spoon and fork?kahit baso wala?parang isang paso lamang ang nandito sa gitna.
Namataan ko na ang pagbalik ni Eduardo nanlaki ang mga mata ko at halos magkumahog akong pumasok sa loob para hanapin ang mga utensils.
"ano pang ginagawa mo dyan hindi ba at sinabi kong maghanda kana ng makakain?"hindi ako nakaimik kay Eduardo.
"ano?"asik nito.
"a-ano kasi..nasaan ang mga pinggan at---"
"sa tingin mo may panahon pa kami para maghakot ng mga yan?"napamaang ako sa kanya.
"pa-paano ako makakapaghanda kung wala ang---"
"ano nga bang aasahan ko sa isang senyorita.."nang uuyam na wika nito kaya naman nagsalubong ang kilay ko.
"malay ko ba kung anong gagawin ko sa pasong nandun sa mesa!"sigaw ko.
"paso?"tumawa ito ng pagak.
"palayok ang tawag doon Veronica..at ito ang mga gagamitin natin.."nanlaki ang mga mata ko ng maglabas sya ng isang kawayan at mga dahon ng saging.
Parang sa boodle fight?
Pinagmasdan ko nalang si Eduardo na ayusin ang hapag.
"para saan ito?"turo ko sa kawayan.
"buho yan..nag saing ako ng kanin at dito ang ulam.."napatingin naman ako sa loob ng paso este palayok daw pala.
Napangiwi ako ng makita ko ang loob.Parang pagkain ng baboy.
"bakit ganyan?"reklamo ko.
"paumanhin ngunit yan lamang ang aking nakayanan.."wala sa tono nya ang sinseridad.
"bakit mo ba ako kinuha sa amin?"inis na bulong ko.
Kung parang ayaw mo naman pala na nandito ako at parang nakukunsumi ka lang din naman bakit dinala mo pa ako dito!
Reklamo ko sa isip.
"kumain ka na.."nilahad nya sa akin ang pagkain sa mesa.
"nakakamay?"taas kilay na tanong ko sa kanya.
"ikaw bahala kung gusto mong gamitin ang iyong paa.."balewalang naupo na ito at nagsimula ng kumain gamit ang kamay.
Napangiwi ako dahil mainit pa ang kanin.Nakakapaso yun!
"ano pang tinitingin mo?"puna nito.
"ito na nga.."napalunok ako at nag umpisa ng magkamay pero agad ko ring nabibitiwan ang pagkain dahil sa init.
"ano ka ba naman Veronica napaka arte naman ng iyong kinikilos.."sita nito.
"mamaya na lamang ako kakain kapag wala kana ng sa ganun ay hindi ka maasiwa sa kaartihan ko.."masungit na wika ko at tumayo na.
"umupo ka.."hindi ko sya pinansin at inirapan lang sya.
"hindi mo ba narinig ang winika ko?!"nagtindigan ang balahibo ko sa sobrang pagkaseryoso ng boses nito.
"upo.."napaupo ako na para bang may magnet ang pwet ko.
"hintayin mong lumamig hindi yung nagpapakabayani ka na suungin ang init ng kanin.."wika nito bago muling kumain.
Napabuntong hininga ako.
Kailangan ba talagang ako ang makaranas nito imbes na ang totoong Veronica?wala naman akong kasalanan sa lalaki na to pero bakit ba ako ang sumasalo ng lahat?
Alam ko naman na kaya ganito si Eduardo ay dahil sa pangakong hindi tinupad ni Veronica hindi ba?
Napapikit ako ng may maalala.Ako nga ata ang may kasalanan kung bakit nakulong si Eduardo.Naalala ko na tinanggap ko ang alok na kasal at inentertain ko pa si Julio!
speaking of Julio ano na kaya balita sa kanila?hinahanap ba nila ako?bigla akong napatingin sa nakataas paa na si Eduardo habang kumakain.
Pakiramdam ko ay nasa probinsya ako at nagbabakasyon dahil sa paligid.Ginawa ko ang sinabi ni Eduardo at kumain na ako ng matantya kong hindi na mainit ang pagkain.
"pagkatapos mo ay lulunin mo ang banig sa kubo.."napanganga ako sa narinig.
"lulunin?"napalunok ako.
"oo hindi mahirap yun Veronica.."
"hindi mahirap?ayos ka lang?"may problema ata sa isip ang isang to.
"hindi ko kayang lulunin ang banig kung gusto mo ikaw nalang!"asik ko.
"makinig ka Veronica ililigpit mo lamang ang hinigaan mo anong mahirap doon?"nag uumpisa nanamang magsalubong ang kilay nito.
"ang sabi mo ay lulunin ko mahirap yun kung ililigpit kaya ko!"natawa ito sa akin.
"ano bang pagkakaintindi mo sa aking tinuran Veronica?"nanunuyang tanong nito.
"pinapalunok mo sa akin ang banig!"
"ha?!"napasigaw ito at maya maya pa ay tumawa.
Anong nakakatawa?baliw na nga ata ang ex convict na to sayang gwapo pa naman!
"lulunin o itupi irolyo o ano pa man yun ang ibig kong sabihin.."umiiling na paliwanag nito.
"ah..yun ba yun.."malay ko ba naman kasi sa mga sobrang tagalog na salita.
"gawin mo na yun at sasama ako kila tatay Isko sa pangingisda.."saad nito.
"iiwan mo ko dito?"
"marunong ka bang mangisda?"taas kilay na tanong nito.
"h-hindi.."mahinang usal ko.
"kung ganun ay dito ka lamang.."lumabas na sya ng kubo at wala na akong palag.
Wag ka mag alala Eduardo pasasaan pa at matututunan ko rin ang lahat ng ito at sisiguraduhin ko na maiinis ka sa akin sa puntong ibabalik mo na ako sa amin!
Madilim na ng makarinig ako ng ingay.Para akong nasa baryo sa isang isla.Pakiramdam ko nasa isolated place ako.
"this is so unfair.."malungkot na bulong ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa kahoy na pintuan namin ng makarinig ako ng katok.
"sino yan?"binuksan ko ang pinto at isang binata ang naabutan ko at mukhang kakatok pa sana sya uli.
"paumanhin hindi ko batid na may iba pang tao sa tahanan ni Eduardo.."hindi daw alam pero kumakatok.
"kung ganun bakit ka naparito?"tanong ko nalang.
"hinahanap ko si Eduardo.."sagot nito.
"wala sya at nangisd---"natigilan ako dahil ngumisi ang lalaki sa akin.
"kung gayun ay mag isa ka lamang tama ba binibini?"napaatras ako ng lumapit ito sa akin.
"s-sino ka?!wag kang lalapit!"umaatras na wika ko.
"hindi ko maintindihan kung bakit nasa baryo ka namin samantalang isa kang maharlika.."nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
Paano nya nalaman?
"kasama ako ni Eduardo ng dalhin ka namin sa lugar na ito..hindi ka dapat pinapakitaan ng kabutihan pagkat isa ka ring malupit at walang puso gaya ng iyong mga kauri!"bulyaw nito na nagpaatras sa akin lalo at dahil biglaan ay nawalan ako ng balanse at natumba ako.
"aw!"napahawak ako sa ulo ko na tumama sa simento.
"halika rito!"hinila nito ang paa ko at nilapit sa kanya.
"isang makinis na binibini..pakiwari ko ay ikaw ang dahilan kung bakit nagpapakapagod kumayod si Eduardo.."ngising wika nito.
"lumayo ka sa akin!"pinagsisipa ko sya na ikinagulat nito.
"hindi ka mahinhin binibini..mas masaya ito.."akmang lalapit nanaman ito sa akin kaya tumakbo ako palabas ng pinto ng bumangga ang katawan ko sa isang matigas na bulto.
"Veronica?anong ginaga--"
"Eduardo..."umiiyak na tiningala ko sya.
"bakit ka lumuluha anong---"napatingin sya sa likod ko.
"bakit nandito ka sa aking tahanan Danilo?"biglang naging seryoso ang tinig ni Eduardo.
"hindi ko malaman kung bakit nandito ang babaeng yan---"
"wala kang karapatan na pumasok dito isang kalapastanganan ang ginawa mo!"napapikit ako sa lakas ng bulyaw ni Eduardo at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sa akin.
"hayaan mo akong makaganti sa mga maharlika na yan Edua---"
"umalis ka hanggat nakapagpipigil pa ako Danilo ngayon din!"inis man ay padabog na lumabas ang m******s na yun.
"maayos ka lamang ba Vero---"
"nahihilo ako.."bulong ko.
"ano?"inilapit nya sa akin ang tenga nya.
"Eduard---"
Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa mga bisig nya.
God help me!