"kamusta ang iyong pakiramdam?"
Nag aalalang mga mata ni Eduardo ang namulatan ko.Napadaing ako sa sakit ng ulo ko kaya agad itong lumapit sa akin.
Magdamag kang may lagnat Veronica.."napatingin naman ako sa kanya.
He sounded so worried.
"salamat sa pagdating mo marahil ay kung ano ng nangyari sa akin kung ako ay---"
"ssh..wag mo nang pakaisipin pa yun ang mabuti pa ay magpahinga ka at dadalhan kita ng makakain ng makainom ka ng panlunas.."marahang tango nalang ang sinagot ko sa kanya.
Pinagmasdan ko lang syang lumabas siguro nasa labas ang gamot ko at pagkain.
Muli akong nahiga at pumikit hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Nagising ako na may papel sa aking kamay.
Napangiti ako ng makita ang sulat ni Eduardo.Marunong naman pala itong sumulat.
Hindi na kita ginising pa pagkat napakahimbing ng iyong tulog sa paggising mo tantya kong nakaalis na ako para mangisda may pagkain sa lamesa sana ay mapagtyagaan mo ito.
Sumilay ang ngiti sa akin.Walang sweet words o ano pa man ang sulat nya pero napasaya ako nito dahil ramdam ko ang pag aalala nya sa bawat letra.
Maghahapon na ng marinig kong muli ang ingay ng pagdaong ng mga bangka ibig sabihin ay nandito na si Eduardo.
Nagmadali akong lumabas para salubungin sya ngunit lumubog ang paa ko sa isang napakalalim na putik.
"argh!s**t!"inis na sigaw ko.
"Veronica?"napatingala ako at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Eduardo na nagtatakang nakatingin sa akin.
"E-Eduardo ano kasi---"
"bakit narito ka sa labas?hindi ba at dapat ay nagpapahinga ka?"
"ano kasi gusto sana kitang salubungin---"
"didiretso naman ako sa ating tahanan bakit lumabas ka paano kung lumala ang iyong sakit?"napayuko ako dahil sa sermon nya pero kinilig ako sa ating tahanan term para kaming mag asawa akekeke!
"ano pa ang iyong tinatayo dyan?"nagulat ako na malayo na sya sa akin susunod sana ako kaso huhuhu hindi ako makaalis ang bigat ng paa ko sa putik.
"Eduardo!"sigaw ko salubong namang ang kilay na humarap sya.
"maari mo ba akong tulungan dito?"nakangiting pakiusap ko sa kanya pero ang mokong ngumisi lang at tinignan ako.
"nakaya mo ngang pumunta dyan makakaya mo ring umuwi hindi ba?"naglakad na sya pauwi at iniwan talaga ako?
"hoy Eduardo!"pero hindi nya na ako pinansin pa.
"pag ako nakaalis dito ipapalunok ko lahat ng putik ko sa paa sa lalaking yun!"asik ko habang tinatanggal ang paa ko sa putikan.
"may sinasabi ka?"
"ay butiki!"napahawak ako sa dibdib sa pagsulpot nya.
"ano ba Eduardo bakit ginulat mo ako!"inis na anas ko.
"akala ko ay kailangan mo ang aking tulong..sa pakiwari ko ay hindi naman pala.."akmang aalis na to ng hawakan ko sya sa braso.
"teka..tulungan mo na ako..sige na naman.."ngumisi ito at hinawakan ako sa magkabilang bewang ko.
Awkward.
Inangat nya ako at sa wakas nakahinga ang mga paa ko!huhuhu!
Pero ako naman ata ngayon ang hindi makahinga dahil buhat ako ngayon ni Eduardo pabalik sa bahay.
"Maari mo na akong ibaba.."nahihiyang usal ko.
"sa loob na Veronica at pakiusap wag ka ng makipagtalo pa sa akin.."tinikom ko na lang ang bibig ko dahil sa tinuran nya.
Nang makatating kami sa kubo namin ay agad nya akong pinaupo feeling ko ako si Cinderella.Kumuha sya ng tubig at lumuhod sa harap ko.
"a-anong gagawin mo?!"tinignan nya lang ako sandali bago pinagpatuloy ang ginagawa nya nanlaki ang mata ko ng hubarin nya ang nagpuputik kong tsinelas.
Napakagat ako sa labi ng maramdaman ko ang dantay ng kamay nya sa aking balat.
"sandali lamang ito.."wika nito pero hindi ko na magawang sumagot dahil pigil ko na ang aking hininga at ramdam kong nag iinit ang aking pisngi.
I'm blushing!
"sa susunod ay tignan mong mabuti ang iyong daraanan.Iba ang lugar na ito sa nakagisnan mo.."napatango nalang ako sa kanya dahil hindi ko na magawang magsalita lalo pa at hinahaplos nya ang paa ko at binabasa ng tubig.
"ayos na ang paa ko Ed---"
"gusto kong humingi ng tawad sa nangyari kahapon Veronica..Wag kang mag alala pagkat nag usap na kami ni Danilo.."napaiwas ako ng tingin ng tumayo na sya at tumitig sa akin.
"Ako na ang humihingi ng dispensa.."dugtong pa nito.
"bakit mo ako dinala rito Eduardo?kung sa pakiwari ko ay galit ang mga tao dito sa akin dahil lamang sa isa akong maharlika at nakaaangat sa buhay hindi mapapanatag ang kalooban ko hanggat nandito ak---"
"hindi ko hahayaang umalis ka rito.."napamaang ako ng biglang magseryoso ang kaninang masuyo nyang boses.
"ngunit di mo ba nakikitang ako ay nahihirapan at natatakot?"asik ko.
"nakita nyo rin kaming mahirapan at matakot Veronica..buong buhay namin ay yan ang aming kinakaharap dahil sa mga among malupit tulad ng pamilya mo at ng lalaking iyong nakatakdang pakasalan."malamig na tingin ang pinukol nya sa akin habang sinasabi yun.
"wala akong kasalanan dito Eduardo.."mahinang usal ko.
Totoo naman!
Anong malay ko ba kasi na may ganito palang eksena sa buhay ng mga lola ko!
"batid mong may pagsinta si binibining Isabela sa lalaking iyong nakatakdang pakasalan hindi ba at kaya nga humingi ka ng tulong sa akin upang ilayo sa iyo ang binatang yun?"napakagat ako ng labi sa sinabi nito.
Oo.Nabasa ko to sa diary ni Veronica.
"ngunit Eduar---"
"hanggang sa dumating sa puntong tulad ko ay nagkaroon ka ng pagsinta sa akin?"napapikit ako dahil sa galit na nakikita ko sa kanyang mga mata.
"Hindi ka sumipot..ako ay iyong nagawang ipakulong at ngay---"
"ipakulong?"nangunot ang noo ko sa kanya.
"oo habang naninibugho ako sa iyong pagtalikod sa ating usapan..sumugod sa pahingahan ng mga alipin ang iyong ginoong Fernan at basta na lamang akong pinadampot---"
"hindi!"natigil sya sa pagsasalita dahil sa sinigaw ko.
"h-hindi kita pinakulong..iba ang sinabi sa akin ni Julio maging ng mga humuli sayo nambulabog ka raw at at pinagsigawan ang ating relasyon.."nagtatakang tinignan ko ang lalaking ngayon ay nakangisi na sa akin.
"nagsisinungaling ka nanaman Veronica katulad ng ginawa mong pagsisinungaling na ako ay iyong sinisinta.."
He's mocking at me.
Lalo akong naguluhan sa inaasta nito.Ano bang ginawa ng totoong Veronica?
"wala akong ginagawang masama sa iyo Eduardo maniwala ka---"
"ito.."napatingin ako sa papel na kanyang inilabas.
"ano yan?"takang tanong ko.
"ito ang papel na lagi mong ginagamit tuwing ikaw ay susulat sa akin basahin mo at tsaka mo sabihin sa akin na hindi mo ako nagawang pagtaksilan Veronica.."pagkasabi nun ay lumabas sya ng kubo at iniwan ang papel sa aking harap.
Pinulot ko yun at dahan dahang binuklat.Ang halimuyak ng aking pabango ang unang sumalubong sa akin.
Aking Eduardo,
Nais kong humingi ng tawad pagkat hindi ko na magagawang tumupad sa ating kasunduan pagkat napagtanto kong si ginoong Fernan ang totoo kong iniibig.Batid kong mahihirapan kang tanggapin ang lahat kung kaya naman naisip kong ipadakip ka sa mga bantay at ikulong hanggang sa kami ay maikasal.Muli ay humihingi ako ng tawad.
Veronica
Unti unting bumagsak ang luha sa aking mga mata.Napapikit ako dahil sigurado akong sulat nga ito ng totoong Veronica.
"ano ng gagawin ko?"napayuko ako habang hawak ang sulat na nag umpisang sumira sa buhay naming lahat.
Pati tuloy ako nadamay dito.
Sino ang nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo?
Iba ang mga sinabi ni Julio sa akin maging nila Felisita at Eduardo.
Sino ang dapat kong paniwalaan?