"Hanapin nyo!"
"Ginoong Fernan kailangan bang palakihin pa ito?magbabalik rin naman ang aking kapatid.."
"hindi ako mananatili rito at hahayaang mawala ang babaeng iniibig ko binibining Bela.."
"ngunit ginoo---"
"batid kong lubos na dinamdam ni binibining Veronica ang lahat ng nangyari kung kaya mas kailangan ko syang hanapin.."
"nakasisiguro ka ba?"
"oo..ano mang mangyari ay walang makakapigil ng nakatakdang kasal maging ikaw binibini ay walang magagawa.."
"J-Julio.."
Namulatan ko ang walang reaksyon na mukha ni Eduardo.
"mabuti at gising kana marahil ay sabik kana sa iyong iniibig na si ginoong Fernan pagkat maging sa iyong panaginip ay sya ang laman.."napatikhim ako sa sinabi nya.
Hindi ako makaalma dahil totoong sya ang nasa panaginip ko at pakiwari ko ay hinahanap nya ako.
"hinahanap nya ako Eduardo.."anas ko.
"kung gayon ay halughugin nya ang buong sentro tignan natin kung makita ka ng iyong ginoo.."walang sabi sabi na lumabas ito.
I sighed.
Sinundan ko sya at natagpuan ko syang nakaupo sa malaking bato malapit sa dagat.
"a-anong ginagawa mo?"nakita ko kasing binubutasan nya ang isang kawayan.
"isang uri ng bagay na maaring maglikha ng musika.."sagot nito.
"talaga?maari ko bang marinig?"excited na sabi ko.
He didn't talk basta nalang nyang dinala sa kanyang labi ang maliit na kawayan na para bang flute.
Nakangiting hinintay ko ang pag ihip nya sa bagay na nasa kanyang bibig.
Nang magsimula na syang tumugtog ay nabura ang ngiti sa aking mukha.
That sound is familiar saan ko nga ba---
"lola bakit po ito ang lagi nyong tugtog pagnag pepaint tayo?"ako yun nung bata pa ako.
"ito ang paboritong musika ng aking kapatid..parati nya itong pinapatugtog bago sya mamatay.."malungkot na anas ni lola.
"paborito nya po?"tanong ng batang ako.
"oo apo..Ingles ito ngunit gusto nya ang mga kataga nito..pinag aralan pa ng aking kapatid ang ibig sabihin ng kantang ito.."paliwanag ni lola.
"s-saan mo natutunan ang tugtog na yan Eduardo?"putol ko sa pagtugtog nya.
"ito?hindi ba at tinanong ko sa iyo ang mga liriko nito pagkat nais kong maintindihan at ito ay aking paborito.."napamaang ako sa narinig.
"i-ikaw ang may paborito ng musikang ito?"tumango sya sa akin.
"ma-aring ko bang awitin?"gusto kong makatiyak kung tama ako ng pagkakarinig.
"talaga?magagawa mo ng bigkasin ang Ingles na salita nila?"tumango ako sa kanya at marahang ngumiti.
"o sya halika at gawin natin.."muli nyang binalik sa kanyang labi ang kawayan.
Tired of feeling all by myself
Being so different
From everyone else
Somehow you knew
I needed your help
Be my friend forever
I never found
My star in the night
Filling my dream was
Far from my sight
You came along and
I saw the light
We'll be friends forever..
Napatingin ako sa kanya dahil bigla syang tumigil sa pagtugtog.
"bakit ka huminto?"takang tanong ko sa kanya.
"bakit ka lumuluha?"ganting tanong nito agad akong napahawak sa pisngi ko.
"hindi ko namalayan.."usal ko.
"maghanda ka..dalawang araw mula ngayon ay pasasamahan kita kay tay Isko at sya ang bahalang maghatid sa iyo sa sentro.."napaawang ang labi ko sa narinig.
"napatunayan ko na binibini..na hindi ako ang laman ng iyong puso..kung kaya ibabalik na kita sa talagang nag mamay ari nito.."bumagsak ang mga luha ko sa mga sinabi nya.
"Eduardo.."humihikbing anas ko.
"kaligayahan mo ang aking hangad Veronica..nawa'y makamit mo iyon kay ginoong Fernan.."tumayo na sya mula sa pagkakaupo sa malaking bato.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit habang pinagmamasdan ko ang papalayong bulto sa akin ni Eduardo ay lalong nahihirapan akong huminga.Mas naninikip ang dibdib ko at walang tigil ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Eduardo.."umiiyak na usal ko at napaupo ako sa buhangin naramdaman ko rin ang pagkabasa ng paa ko dahil sa paglakas ng alon ng dagat.
Umiyak ako ng umiyak tanaw ang karagatan.Isang nakakapagod na bagay palang gawin ay ang umiyak.Ang bigat sa loob at parang may nakabara sa akin na hindi ko magawang alisin.
Tahimik akong bumalik sa kubo kung saan kami tumutuloy ni Eduardo hinanap ko sya pero wala sya doon.Nagmamadaling tumakbo ako sa labas para hanapin sya.
Natigil ako sa pagtakbo ng sa pagliko ko ay makita ko syang may kausap na babae at mukhang masaya at giliw na giliw sila sa isat isa.Mukhang napansin ako ng babae dahil napatingin sya sa akin dahilan para sundan ni Eduardo ang tinitignan nya.
"si Veronica isang kaibigan.."pakilala nito sa akin sa babae.
Kaibigan?
"Magandang araw sa iyo Veronica.."wika ng babae sa akin.
"bago lamang ba sya rito Eduardo?"baling nito kay Eduardo.
"napadaan lamang sya rito sa makalawa ay sasama na sya sa sentro kay tatay Isko.."balewalang saad nito.
"ah.."napansin ko ang pagkislap ng mga mata ng babae kaya napakunot ang noo ko.
"ikaw sino ka?"walang ganang tanong ko.
"ako si Esme taga kabilang baryo ako ngunit minsan ay dumadalaw ako sa lugar na ito dahil sa mga mangingisda..at mukhang mapapadalas na ang pagpunta ko rito.."saad nito bago tumingin kay Eduardo.
Naikuyom ko ang kamao ko.Hindi ko gusto ang karakas ng babaeng to!Naiinis ako sa kanya at gusto ko syang sakmalin!
Pero syempre pinigilan ko ang sarili ko at plastick na ngumiti sa bruha.Dapat dalagang pilipina lang Onica.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Eduardo pero inirapan ko lang sya na mas lalong nagpasalubong ng kilay nya.
"Mauna na ako sa inyo sige ituloy nyo na ang pag uusap nyo.."I sound so sarcastic pero siguro sa panahon nila ay di pa nila alam ang mga ganito.
Naglakad na ako palayo sa kanila at naisipan ko na lamang bumalik sa malaking bato.
"Umiyak iyak pa ako dahil sa emote nya na ilelet go nya na ako yun pala may kalandian na!"inis na bulong ko.
"Tapos si babae naman naku po!akala ko ba mahinhin ang mga babae sa panahon na to?eh mukhang sa kanya nagmana ng kalandian ang mga babaeng malantod sa panahon ko!"napakamot ako sa ulo dahil sa inis.
"Binibini.."nawala ang pagsalubong ng kilay ko at napalitan yun ng takot ng mamukhaan ko kung sino ang nasa harapan ko.
"A-Anong kailangan mo?"agad akong tumayo at humakbang paatras.
"Hindi ako masamang tao binibini.."anas nito.
"Wow!last time I checked you were so ready to r**e me!"napansin ko naman ang pagkunot ng noo nya.
"Ano ang iyong tinuran?"napailing ako sa sarili ko.
Nakalimutan ko na matalino nga pala ako sa lugar na ito.
"Ang ibig kong sabihin paano mo nasabing mabuti ka kung pinagtangkaan mo na akong minsan?"mataray na tanong ko sa kanya.
I saw him gulped.
"Gusto kong humingi ng tawad binibini..tama si Eduardo hindi ko dapat ginawa yun pagkat parang wala narin akong pinagkaiba sa gumahasa sa aking kapatid.."natahimik ako sa sinabi nya.
"Patawad sa aking kapangahasan binibini..nadala lamang ako ng aking galit.."sabi pa nito.
"Bakit galit ka sa mga katulad ko Danilo?"nakita ko ang panlalaki ng mata nya ng tawagin ko sya sa pangalan.
"Wala pang maharlika ang sumambit ng aking ngalan tanging ikaw pa lamang.."nabura ang takot ko at pinaupo sya sa aking tabi nahihiya man sya ay hinatak ko na sya sa tabi ko.
"Maari mo bang ikwento ang paggahasa sa iyong kapatid?"umiwas sya ng tingin sa akin at tumitig sa maalong dagat.
"Tagapaglingkod kami ng pamilya Suarez.."nakuha nya ang atensyon ko dahil kaibigan ng ina ko dito ang may bahay ng Suarez.
"Dalawang linggo pa lamang ng manilbihan din doon ang kapatid ko naging masaya sya pagkat nagkakaipon sya..isa akong hardinero at humingi lamang ng tulong sa mayordoma upang maipasok sya.."napatango ako sa kanya nag uudyok na ituloy ang kwento.
"Hanggang isang gabi hindi sya umuwi kaya nag alala kami..napag alaman kong may iniutos raw si ginoong Juancho ang ama ng tahanang pinaglilingkuran ko kaya hindi na ako nagsalita pa.."he sighed ng tumingala sya.
"Dalawang araw ko syang hindi nakita hanggang sa malaman kong kinitil nya ang kanyang buhay.."napasinghap ako sa narinig.
"A-Anong nangyari bakit daw sya nagpakamatay?"tanong ko.
"Pinatignan ko ang kanyang labi sa kakilala naming manggagamot..nagahasa raw ang aking kapatid..kasabay nito ay may sulat sa bulsa ng pumanaw kong kapatid.."
"Hindi ko ninais na humantong sa ganito ang lahat..minahal ko si Felipe ngunit ako'y dinungisan ng kanyang ama..hindi ko makakaya ang mawala sya..yun ang aking nabasa.."nakita kong naiiyak sya kaya I patted his shoulder.
"Sige iiyak mo lang yan..darating din ang araw na babalik sa kanila ang kahayupang ginawa nila.."wika ko.
"Ang mas kinasama ng loob ko ay ang lalaking inibig ng aking kapatid!hindi ko man lang nakitang nagtatangis sya sa pagkawala ng kapatid ko.."humihikbing anas nito kaya hinimas ko na ang likod nito.
"Anong ibig sabihin nito?"pareho kaming napatayo ni Danilo ng makita namin ang madilim na anyo ni Eduardo.
Patay!