Akda 15

1293 Words
Hindi ko maapuhap ang tamang salita lalo na at kaharap namin ang madilim na mukha ni Eduardo.Idagdag mo pa ang mapanuring mga tingin nya sa amin ni Danilo.Sino nga ba naman kasing hindi magdududa sa amin kung minsan na akong muntik mapahamak dahil sa isang to. "hindi ba at sinabihan na kitang wag gambalain si Veronica?"baling nito sa katabi ko. Napansin ko naman ang pamumutla ni Danilo kaya naman sumingit na ako. "Eduardo nag uusap lamang kami.."saad ko. "nag uusap?"iritadong tinignan ako nito. "wari ay nakalimot ka Veronica sa ginawa sa iyo ng lalaking yan.."puno ng galit na sabi nito. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil sa kaba. "pakiusap Eduardo hayaan mo kaming ipaliwanag ang nadatnan mong eksena.."kinakabahang pakiusap ko. Pero mukhang wala syang naririnig dahil naniningkit na ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aming dalawa ni Danilo. "paano mo maipapaliwanag sa akin?"puno ng pang aasar na tinapunan ako ng tingin nito. "humingi lamang sya ng tawad sa kanyang padalos dalos..mabuting tao si Danilo.."pagkasabi ko non ay nilingon ko ang namumutlang binata sa tabi ko nginitian ko sya kaya maging ito ay napangiti narin sa akin. "paano mong nasabi na isa syang mabuting tao at ano ang ngitiang yan?"salubong ang kilay na tinignan ako ni Eduardo. "Eduardo naman.."naiirita na ako sa inaasal nito. Aba pagkatapos nyang makipaglandian dun sa Esme na yun magdadrama sya ngayon ng ganyan sa harap namin! "tigilan mo iyan para kang naninibugho sa nakita mong pag uusap namin.."natatawang anas ko at ng manlaki ang mga mata nya ay gusto kong humalakhak pero syempre pinigilan ko. Babaeng Pilipina yeah!hahaha! "nangangarap ka lamang ng gising Veronica kaya kung ano ano ang iyong sinasambit.."masungit na wika nito. "talaga ba?"tanong ko pero kay Danilo ako humarap ng natatawa. "tigilan nyo ang ngitiang yan at hindi magandang makita ng iba!"dumagundong sa amin ang boses na yun ni Eduardo na parang kulog. "hindi ka nga naninibugho ng lagay na yan Eduardo.."pang aasar ko kasabay ng pagkarinig ko sa impit na tawa ni Danilo sa tabi ko. This is fun.I'm having so much fun dahil sa denial king na to!kung anong kinaprangka ni ginoong Julio ay syang pagiging denial ng isang to eh halata namang head over heels inlove sa akin este kay original Veronica pala yun nga lang may konting landi ito sa katawan. "kaibigan pala ah.."usal ko sa salubong nyang kilay at binangga ko pa sya bago ako naglakad paalis. "sa susunod muli Danilo!"sigaw ko ng makalagpas ako sa kanila at kitang kita ko ang panlalaki ng mata ni Danilo at napapalunok itong bumaling sa madilim na anyo ni Eduardo sa harap nya. Goodluck!hahaha! Masaya akong naglalakad pabalik sa kubo kung saan kami namamalagi ni Eduardo ngunit bigla akong napahinto ng makakita ako ng mga guard I mean gwardya sibil. Nakatayo sila malapit sa tinutuluyan namin ni Eduardo at maging si mang Isko ay halata ang kaba habang nakatayo sa harapan nito. "Uulitin ko nasaan ang binibini?!"napaigtad ako sa sigaw na yun mula sa loob. Sino ang naroon? "Hindi ko talaga alam na isang maharlika ang binibining kasama ni Juaquin patawad.."napakunot naman ang noo ko. Sino naman si Juaquin?at bakit parang si Esme ang nagsasalita sa loob ng tahanan namin. "Hanggang hindi nyo sinasabi sa akin ang kinaroroonan nila ay parurusahan namin kayo!"lalapit na sana ako ng biglang may humatak sa akin upang magtago. "Eduardo!"gulat na anas ko ng makilala ko ang pangahas na humila sa akin. "Mukhang nakita na tayo ni ginoong Fernan.."napamata ako sa sinabi nya. Nandito si Julio? "S-Sino si Juaquin?"naguguluhang tanong ko sa kanya pero mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng mapansin ko ang mapait nyang ngiti sa akin. "Talaga nga bang ako ay sadyang nilimot mo na..hindi lang ng iyong puso maging pati ng iyong isip.."he said while shaking his head as if he's so disappointed. "H-Ha?"naguguluhang anas ko. "Magpakita ka na sa kanila Veronica..hindi ako maaaring magpakita pagkat hudyat din yun na katapusan ko na..malaya ka na binibining Veronica.."parang gusto kong umalma dahil hindi ako sigurado kung talaga bang gusto ko ng bumalik sa bahay namin o mag stay nalang kasama ang lalaking ito. "Wag mo akong pakitaan ng nalilitong emosyon binibini..ayoko ng umasa.."yumuko sya at kinuha ang kanang kamay ko. "Sana ay hindi na magtagpo ang ating landas binibini pagkat ayokong maalala pa ang sakit ng aking unang pag ibig..paalam.."saad nito bago hinalikan ang likod ng kamay ko. Milyong milyong boltahe ang gumapang sa kalamnan ko dahil sa halik na yun. "Eduardo.."malungkot na anas ko ng magsimula na syang humakbang palayo sa akin. He's setting me free. Naiiyak na nilingon ko ang tahanan namin sa di kalayuan at muli ay binalik ko ang tingin ko sa malayong bulto nito sa aking harapan. I want to stay and get to know him more. Naglakad ako para habulin si Eduardo pero napahinto ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Esme. "Parang awa nyo na wag nyo itong ituloy!"umiiyak na sigaw nito. Wala na akong nagawa kundi ang habulin nalang ng tingin ang bulto ng lalaking naging parte na ng buhay ko sa panahong ito. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa tahanan namin kung saan naroon ang mga gwardya. Napahinto ako ng makita ko mula sa bintana si ginoong Julio na nakatingin lamang kay Esme habang ang ibang gwardya ay winawasak ang damit nito. What the--- Napapikit ako ng biglang hiniklas ng gwardya ang palda ni Esme dahilan ng paglantad ng maputinv legs nito. Naningkit ang mata ko ng umismid si ginoong Julio habang nakangisi naman ang dalawang gwardya dahil sa nahantad na katawan ni Esme. Naiinis ako sa kanya pero mali ang ginagawa ng mga ito. "Parang awa nyo na..wala akong alam.."kita ko ang pag atras ni Esme sa dalawang m******s. "Ginoong Julio.."matigas na tawag ko sa kanya dahilan para mapaangat ang tingin nya at pumantay sa akin. He looked so shock at agad nyang tinignan ang paligid. "Tama na yan!"sigaw nito at nagmadaling lumabas sya upang salubungin ako. "Binibini.."masayang ngumiti sya sa akin na para bang wala syang ginawang mali. Ganito ba ang mayayaman sa panahong ito? "Ano ang iyong ginagawa ginoong Julio?"hindi nya ako magawang tignan sa tanong ko. "Nais lamang kitang mahanap pagkat napag alaman kong may kumuha sa iyo at dinala ka rito..nag alala ako binibini.."napailing ako sa tinuran nya. "Walang kumuha sa akin pagkat kusa akong sumama.."anas ko. "Binibini anong nais mong sabihin?"napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nakatatak pa sa aking memorya ang pait at sakit sa mukha ni Eduardo. "Nawala sa akin ang isang malapit na kaibigan ginoo..at ang mga kauri nya lamang ang nagbigay sa akin muli ng saya pagkat dito ay malaya ako..walang nag uutos ng dapat gawin at walang gumugulo sa aking isipan.."mahabang paliwanag ko. "Si Eduardo ba ang iyong tinutukoy?"nakita ko ang galit sa mata nya ng banggitin nya ang pangalan na yun. "Oo ginoo..ngunit sasama ako ngayon hindi dahil nais ko kundi dahil ayokong mabahiran ng galit ang nararamdaman ko para sa iyo..sana ay wag mong sirain ang pagkakakilala ko sa aking ginoo.."puno ng pagkadisappoint sa tinignan ko sya bago ako naglakad pasakay sa isang karwahe. "Binibi---" "Nais kong magpahinga sa buong byahe.."putol ko sa kanya bago ako sumandal sa upuan at pumikit. Ramdam ko ang mga titig nya pero binalewala ko yun. Who's the enemy? Naguguluhan ako lalo na at nasaksihan ko ang kalupitang narinig ko lamang kila Eduardo at Danilo. I sighed. This is hard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD