Hindi ako nakaramdam ng excitement o kasiyahan sa kaalamang pauwi na ako.Dahil itanggi ko man ay alam kong nahahati ang puso ko sa naiwan kong tao sa islang yun at sa taong nasa harapan ko.
I admit nadisappoint ako kay Julio pero I dont want to judge him.Kaya lang sa mga araw na nakasama ko si Eduardo mas lalo akong nacucurious sa pagkatao nito.
He's handsome a model like masculine body a gorgeous smile a deep brown eyes and his pinkish kissable lips yun ang anyo ng isang alipin sa panahong ito.
Eduardo is such a godlike features kung si ginoong Julio ay isang prim and proper with pride ang personality Eduardo is hardheaded hot tempered and a cynical lunatic for me.But it didn't made me hate him dahil mas parang natural at malaya ang mga galaw ko nung sya ang kasama ko kesa ngayon.
I need to be this lady like because of Julio.I sighed.
I hate pretending.
"Narito na tayo binibini.."pagbibigay alam nya ng huminto na ang karwahe napakatagal ng naging byahe namin kaya pagod akong bumaba hinayaan kong alalayan nya ako hanggang sa bumungad sa akin ang pamilyang nagbigay kirot sa pagkatao ko.
"Iha.."ang naluluhang si ina ang yumakap sa akin ng napakahigpit.
"Mabuti naman at nahanap mo ang suwail kong anak ginoo.."napahiwalay ako kay ina ng marinig ko ang sinabi ng ama ko.
"Sana ay magtino ka na kapatid.."ate Isabela said bago ngumiti kay ginoong Julio.
"Saan mo sya nahanap ginoo?"interesadong tanong pa nito habang nakatingin sa likuran ko kung saan nakatayo si Julio.
"Sa isang isla.."maikling sagot naman nito.
"Isla?!Veronica!"galit na bumaling sa akin si ama.
"Talaga bang sinisira mo ang ating pangalan?nakihalubilo ka sa mga alipin?!"napayuko ako sa singhal nya.
"Ginoo wag mo na syang pagalitan batid kong may mali rin tayong nagawa ngunit hindi nya ito pinamukha sa atin.."saway ni Julio kay ama.
Napansin ko naman ang pagtaas baba ng dibdib ni ama at halatang nagpipigil ng galit.
"Sa kinikilos mong yan ay talagang iisipin namin na pumatol ka sa isang hamak na tagapagsilbi!"ang bulyaw ni ama pag alis ni ginoong Julio ang narinig ko pagpasok ko sa bahay.
"Hindi ka ba nahihiya sa mga De Silva?!"dagdag pa nito.
Naipikit ko nalang ang aking mata at mariing kinagat ang aking labi para pigilan ang sarili kong sumagot.
Nilingon ko si ama at pagod na tinignan lang sya na ngayon ay nanggagalaiti na sa galit.
"Tama na pagpahingahin mo naman ang anak mo.."singit ni ina.
"Pagpahingahin?bakit saan ka ba napagod?sa paghahanap ng bagong Eduardo kung kaya at pumunta ka sa lugar ng mga alipin?"asik ni ama.
I sighed.
No wonder why Veronica killed herself.
"Will you be quiet if I just kill myself so your family's reputation wont get dirty?"tamad na saad ko.
Sa panlalaki ng mata ni ama ay alam kong naintindihan nya ang sinabi ko hindi katulad ni ate at ina na kunot ang noo na nakatanga sa amin.
"Talaga bang sumusuway---"
"Tell me then..what will you do if you found out that because of your nonsense words I decided to kill myself?"natahimik si ama sa aking tinuran.
"Binabalaan kita Veronica wag na wag kang magkakamaling gawin ang kabaliwang yan!"sigaw ni ama.
"Bakit?ano ang tinuran nya?"nag aalalang tanong ni ina.
"Say it ama..so when it happens they knew its because of you.."malamig na wika ko sa napamaang kong ama.
"W-Wala..nagrerebelde lamang sya sa akin.."sambit ni ama na ikinailing ko.
Tinignan ko muna silang tatlo bago ako umakyat sa silid ko.
Pagod ang katawang nahiga ako sa kama.Tulalang pinagmasdan ko ang kisame.
"Senyorita.."napabangon ako ng makita ko ang naluluhang si Felisita ngunit agad kumunot ang noo ko ng makita ko ang mga pasa nya.
"Napano ka Felisita?"nilapitan ko sya at iginiya na maupo sa aking kama.
"Pinipilit nilang sabihin ko kung saan ka naroon ngunit maging ako ay walang alam..akala nila ay pinagtatakpan lamang kita kaya ito ang aking natamo.."agad nagtagis ang bagang ko at tumakbo pababa sa sala kung nasaan sila ama.
"Nagulat ako mahal ko ng marinig yun sa aking paboritong anak.."natigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni ama.
"H-Hindi nya tayo iiwan mahal.."sagot ni ina.
"Ngunit natatakot ako hindi para sa pamilyang ito kundi para sa bunso nating anak..mahirap kalaban ang mga De Silva at batid mong lubos na kinagigiliwan ni ginoong Fernan ang ating anak.."halata sa boses ni ama ang pag aalala.
"Magtiwala tayo kay Veronica.."saad ni ina.
Bumaba na ako.I cleared my throat to get their attention.
"A-Anong nangyari kay Felisita?"mahinang tanong ko.
"Si Isabela ang kumakausap sa kanya upang malaman kung may alam sya sa iyong kinaroroonan bakit iha?"takang baling sa akin ni ina.
"Si ate!"gulat na anas ko na ikinatango nya.
"May probl---"
"Bakit may mga pasa sya ina?!"asik ko at kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila.
"H-Hindi namin alam iha.."maang na sagot ni ina.
Darn!
Si lola ang may gawa non?
Agad akong umakyat at pabalang na binuksan ko ang pinto ng kwarto nya.
"Ano ba Veronica?!"inis na napaupo ito sa kanyang kama.
"Anong ginawa mo kay Felisita?!"asik ko.
"Sinong Feli-- ah! Ang tagapaglingkod mo ba?"she smirked at me at ayoko ng inaasta nya.
"Inalam ko lamang kung talagang hindi nya alam ang iyong kinaroroo---"
"Sa pamamagitan ng p*******t?!"puno ng galit na putol ko sa sinasabi nya.
"Nag uumpisa ka nanaman..masyado mo atang kinagigiliwan ang mga mabababang uri.."lalo kong naikuyom ang palad ko sa narinig.
"Napakasama mo!"asik ko at dinaganan sya pinagsasampal ko sya at hinila ko rin ang buhok nya hanggang sa malaglag sya sa kanyang kama.
"Ano ba Veronica!tama na!"tili nito pero hindi ko sya tinigilan.
"Napaka mo napupuno na ako sayo!"sigaw ko habang hinihila ang buhok nya.
Pinagkakalmot nya ako pero hindi ko yun ininda dahil mas gusto kong kalbuhin ang ipokrita kong lola.
"Itigil nyo yan!"naramdaman ko na may yumakap sa akin at hinila ako palayo kay ate.
Luhaang mukha ni ate ang bumungad sa amin at sa nanlilisik na mata ay tinignan nya ako.
"Ano bang nangyayari sayo?!"galit na anas nito.
"Kulang pa yan..tandaan mo ate wala kang karapatang saktan ang tagapaglingkod ko.."galit na wika ko.
"Totoo ba anak?"gulat na nilingon sya ni ina samantalang si ama ay tahimik lamang na nakahawak sa akin.
"Tagapaglingkod lamang sila ina!"napailing ako sa way of thinking ni ate.
"Napakabulok mong tao ate..nakakadiri ang kaalamang kadugo ko ang isang tulad mo.."wika ko bago ako naglakad pabalik ng silid ko.
"S-Senyorita.."kinakabahang napatayo naman si Felisita mula sa pagkakaupo sa aking kama.
"Halika at gamutin natin yan.."napansin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.
"Maraming salamat po.."yumuko ito at nagpunas ng mata.
Napangiti ako sa kanya.Nilapitan ko sya at kinuha ko narin ang first aid kit sa lamesa ko.
Nailang man ako dahil sa titig ni Felisita ay pinagpatuloy ko ang paggamot sa mga sugat at pasa nya.
"Simula ngayon Felisita ay magsasabi ka sa akin kung may gumugulo sa iyo..wala ng mananakit sayo pagkat narito na ako..akong bahala sayo.."mahinang usal ko lalo naman syang napaiyak dahil don.
Pagkatapos ko syang gamutin ay pinagpahinga ko na sya sa kanyang tulugan.Halata ang pagod sa mga mata nito at batid kong natrauma sya sa nangyari.
I sighed.
This era is f*****g trash.