Akda 17

1410 Words
Nagising ako na maliwanag na.Napahikab pa ako dahil parang bitin ang tulog ko. Naligo na ako at nag ayos ng sarili napahinga nalang ako ng malalim dahil sa saya na sinusuot ko. "Oh life.."bulong ko nalang. Nilagay ko sa buhok ko ang payneta at gumora na ako pababa. "Totoo ba ginoo?"boses ni ate ang bumungad sa akin. "Oo..natitiyak kong sya ang nakita ko sa lugar na yun.."sagot ni teka ang aga naman nito dito. "Ginoong Julio?"singit ko sa seryosong usapan nila. Napansin ko ang lihim nilang pagtitigan sa isat isa na para bang may tinatago.Bumaba na ako at hinarap silang dalawa na mukhang hindi alam kung saan titingin dahilan kung bakit mas lalo akong nagduda sa kinikilos nila. "may problema ba?"baling ko kay ate. "wala naman..may pinag usapan lamang kami ni ginoong Fernan.."umiwas sya ng tingin sa akin kaya kay ginoong Julio naman ako bumaling. "anong importanteng bagay ba ang inyong napag usapan?"napalunok ito sa akin at halata sa kanya ang kaba. "anong problema bakit wari ko ay ayaw nyong ipaalam sa akin ang inyong napag usapan?"kumunot ang noo ko sa kanila. "wala bang nais sumagot sa inyong dalawa?"naiinis na wika ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Julio bago sya seryosong tumingin sa akin. "bakit ka nasa isla na yun binibini?"napamaang ako sa tanong nya. "bakit nyo ibinabalik sa akin ang tanong?"sagot ko. "pagkat nakita ni ginoong Fernan si Eduardo sa islang yun.."sabat ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim upang hindi nila mapansin ang pagkagulat ko.Hindi nila maaaring malaman na buhay si Eduardo at nakasama ko ito sa islang yun. "tapos na ba kayo?"kumunot ang noo nila sa reaksyon ko. "binibining Veronic---" "si Eduardo parin ba ang problema niyong dalawa?patay na sya!hindi ba at kayo ang nagsabi at nagbalita sa akin noon?ano at ngayon ay maririnig ko iyan sa inyo?"nag iwas uli sila ng tingin sa akin. "b-buhay ba sya?"arte ko pa na kunwari ay naiiyak. "hindi pa kami sigurado sa bagay na yan Veronica pero kung sya nga ang nakita ni ginoong Fernan sa islang yun ay malamang na nandun sya pagkat naroon ka..at isa pa kailangan syang mahatulan.."napasinghap ako sa sinabi ni ate/lola Isabela. "kung gayon ay ipagdadasal ko na sana ay hindi sya si Eduardo upang hindi na sya mahirapan pa..sana ay hindi nyo matagpuan ang taong iyon.."matapang na sagot ko. "totoo ngang may pagtatangi ka sa tagapaglingkod na yun binibini.."napabaling ako sa salubong na kilay ni Julio. "wag mong masamain ang aking kinikilos ginoo--" "ngunit iyon ang ipinupunto ng iyong mga kilos binibini..at naninibugho ako kung kaya sa aking makakaya ay hahanapin ko ang lalaking nakita ko.."napalunok ako sa narinig mula sa kanya. "kung yun ang nais mo ay bahala ka.."masungit na anas ko bago ako naglakad at nilampasan sila. Ipinagsalikop ko mga palad ko dahil sa panlalamig dulot ng kaba na nararamdaman ko hindi para sa akin ngunit para kay Eduardo. Nanganganib nanaman ito dahil sa akin.Sana ay nilayuan na lamang ako nito ng makaligtas ito mula sa kamatayan.Napaupo ako sa batong hagdan sa labas ng bahay. "this is insane.."bulong ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balustre at pumikit.Hindi ako papasok hanggat nandun pa sila ginoong Julio at ate sa sala. "anong dahilan at narito ka senyorita?" napadilat ako ng marinig ko ang tinig ng aking tagapaglingkod. Ni hindi ko magawang tignan ang nagtatanong na mga mata ni Felisita na diretsong nakatingin sa akin dahil sa katotohanang alam ko. "nais ko lamang magpahangin.."dahilan ko. "kung gayon ay maari bang maupo sa iyong tabi senyorita?"tumango na lamang ako sa kanya. Nang makaupo sya sa aking tabi ay huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. "maari ba akong magtanong sa iyo Felisita?"nilingon ko sya. "opo naman senyorita.."magalang na sagot nya. Hinugot ko ang lahat ng lakas ng loob ko upang magawa kong itanong ang bagay na gumugulo sa aking isipan, "nais kong malaman ang totoo Felisita kung kaya at sana ay sabihin mo sa akin ang totoo.."seryosong pinakatitigan ko ang kunot nyang noo. "a-ano po ba iyon?"nauutal na tanong nya. "nais kong malaman kung may sama ka ba ng loob sa akin dahil sa ginawa kong paggamit kay Eduardo noon?"napansin ko ang pagdaan ng galit sa mata nya kasabay ng pighati dahil marahil sa nasaktan sya ni lola Veronica na ngayon ay ako. "batid kong nasaktan ka sa mga sinabi at ginawa ko noon Felisita..humihingi ako ng kapatawaran sa aking nagawa.."she looked at me. "bakit mo naitanong ang bagay na yan senyorita?ano bang halaga ng nararamdaman namin?hindi ba at tulad nila ay wala ka ring pakialam?"natahimik ako sa narinig ko dahil pareho sila ng pananaw ni Danilo sa mga maharlika. "kung gayon ay tapatin mo ako.."lumunok ako bago sya hinarap at tinignan ng seryoso. "lahat ba ng iyong mga winiwika ay totoo?"hindi ito nakasagot sa akin kaya napapikit na lamang ako. "maari mo ba akong iwanan muna Felisita?"wika ko habang nakapikit. "ngunit senyo---" "nais ko munang mapag isa.."tumayo ako at dumilat para pagmasdan ang paligid. Napapalibutan ako ng kasinungalingan kung ganun.Ngayon ay nahihirapan na akong magtiwala pa dahil mukhang sa panahon na ito ay wala akong kakampi. Naglakad ako papunta sa dagat at marahang naupo sa buhangin sakto lang para hindi ako maabot ng alon at mabasa. "si Eduardo..kakampi ba sya o kaaway rin?"I sighed on that thought. Sa tagal kong nakatanaw sa karagatan ay hindi ko napansin ang oras hanggang sa may magsalita sa aking likuran. "siya ba ang iniisip mo?"napalingon ako sa nagsalita. "pakiwari ko ay si Eduardo ang iyong iniisip pagkat napakalalim nito sa puntong hindi mo naramdaman o napansin man lamang ang aking pagdating."ngumiti sya sa akin pero bakas ang pait sa mga ngiting yun. "hindi na mahalaga kung sino o ano pa ang iniisip ko sa panahong ito ginoong Julio.."mahinang usal ko. "nagkakamali ka pagkat iyon lamang ang mahalaga para sa akin binibini.."naumid ako ng hawakan nya ang malaya kong kamay. "kung alam mo lamang binibini kung gaano ko pinangarap na sana ay iniisip mo rin ako tulad ng kung paano kitang laging iniisip.."puno ng lungkot na anas nito. "pero--" "pinilit kong iwasan binibini pagkat batid ko ang nararamdaman ng iyong nakatatandang kapatid..ngunit kusa ka paring pumapasok sa aking isipan..pilit man kitang iwaksi ay hindi ko magawa.."hindi na ako nakaimik lalo pa ng halikan nya ang likod ng palad ko. "nais ko lamang na katulad ng dati ay maging masaya tayo.."bulong nito na ikinakunot ng noo ko. "a-anong ibig mong sabihin?"kumunot ang noo nito at takang pinakatitigan ako, "alam mo ang aking sinasabi binibini.."dagdag pa nito sa litong mukha. "ha?hindi ko nakukuha ang iyong winiwika maari mo bang ipaliwanag?"gulong gulo ang isip na tanong ko. "sigurado ka ba na nais mong pag usapan natin ang bagay na iyon dito mismo?"lakas loob akong tumango sa kanya. "hindi ko alam kung bakit ganyan ang iyong inaasta ngunit binibini..bago pa ang ating nakatakdang kasal ay iniirog na kita.."seryosong wika nito. "alam ko ang bagay na---" "oo..alam mo ang bagay na iyon at sinabi mo ring ganun rin ang iyong damdamin para sa akin.."nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "s-sinabi ko yun?"utal na tanong ko. "maging ako ay nagduda noon..kaya naman sumulat ka sa akin at nakipagtagpo ka sa akin pasado alas dose ng madaling araw at doon ay ibinigay mo ang iyong sarili sa akin.." "what?!"napaatras ako sa sinabi nito. "kung kaya at minadali kong maikasal sayo ngunit ngayon ay nalilito ako at nasasaktan sa iyong inaasta para sa iyong tagapaglingkod na si Eduardo.."napatigagal ako sa mga nalaman. May nangyari na sa kanila ni lola Veronica pero iba ang mahal nito? "kaya kahit anong mangyari ay pakakasal tayo aking irog..sisiguraduhin kong ako ang una at huling lalaki sa buhay mo at ikaw lang din ang babae para sa akin.."lumuhod ito at hindi pinansin ang pagkabasa sa agos ng dagat. "iniibig kitang totoo binibini..hindi kita hahayaang masaktan pangako.." Isang katanungan ang pumasok sa isip ko ng marinig ko ang tinuran nya. Sa panahong ito ba ay napapako rin ang mga pangako tulad sa panahon na pinanggalingan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD