Akda 18

1508 Words
Pakiramdam ko ay lalong sumakit ang ulo ko dahil sa mga nalaman ko kay ginoong Julio.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko. "bakit lalong gumugulo ang sitwasyon ko rito!argh!"napasabunot ako sa buhok at nanghihinang napaupo ako sa kama. "tila may gumugulo sa aking kapatid.."napaangat ako ng tingin kay ate. "maari mo bang sabihin sa akin ang gumugulo sayo ng sa gayon ay matulungan kita.."umupo siya sa tabi ko. Nag atubili akong sabihin sa kanya ang pinoproblema ko pero naisip ko na lola ko parin siya at kailan man ay hindi ako ipinahamak ni lola. "ate..totoo bang sinabi ko mismo kay ginoong Julio na iniibig ko sya?"napansin ko ang pagkabura ng ngiti sa mukha nito dahil sa tinanong ko. Tumingin sya sa paligid at sinara ang pintuan ng kwarto ko bago muling bumalik sa tabi ko at naupo roon. "oo..sinabi mong iniibig mo sya noon nakalimot ka na ba dahil sa tagapaglingkod na si Eduardo?"I bit my lower lip as I heard her answer. "n-nakipagkita ba ko sa kanya ng hating gabi?"natigilan ito sa tinanong ko. "ate..wala akong maalala na nakipagkita ako sa kanya.."hindi yun nakalagay sa diary ni Veronica, imposibleng hindi niya ito isulat roon pagkat malaking bagay yun. "oo..pinigilan kita noon ngunit nagmatigas ka.."oara akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Ibig sabihin hindi na ako virgin?! For God sake! Pati ba naman sa panahong ito mapusok ang mga tao. At hindi lang basta tao kundi mga kadugo ko. "I just wanna go back.."bulong ko. "ano yun Veronica?"baling sa akin ni ate. "wala..nais ko munang magpahinga kung hindi mo minamasama ay maari mo ba akong iwanan?"tumango ito sa akin at lumabas. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip sa nangyari at sa mga nalaman ko.Nagising lamang ako ng makarinig ako ng umaawit malapit sa aking tenga. I want you to take me wherever you go I wanna learn the things that you know.. Napabalikwas ako ng bangon para lang uling mapahiga dahil sa lalaking ngayon ay nakadagan na sa akin at takip ang aking bibig. "sshh.."nilagay nito ang daliri sa labi nya na parang sinasabi na tumahimik ako kaya tumango ako sa kanya para malaman niyang naiintindihan ko sya. Tinanggal na niya ang kamay niya sa bibig ko at umalis na rin siya sa pagkakadagan sa akin. "patawad binibini..ginawa ko lamang iyon upang hindi ka gumawa ng ingay.."bulong nito. "bakit narito ka Eduardo?alam mo bang pinaghahanap ka nila ginoong Julio?"ngumisi lamang ito sa akin. "anong hahanapin nila sa islang yun kung narito naman ako?"he smiled na nagpakalma sa akin. Pakiramdam ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko ng masilayan ko siya.Naiiyak na niyakap ko siya.Ramdam ko ang pagkagulat niya sa biglaan kong reaksyon. "salamat at ligtas ka.."tinignan ko ang mukha nya at masuyo kong hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Nabura ang ngiti ko ng tanggalin niya ang mga kamay ko na nakahawak sa pisngi niya. "naparito ako upang magpaalam na binibini.." "anong ibig mong sabihin?"kunot noong tanong ko. "may barkong dadaong mamayang gabi sa norte at doon ako sasakay papuntang Tsina.."napalayo ako sa kanya dahil sa sinabi nya. "iiwan mo ako?"nagsimula ng magtuluan ang mga luha ko sa di mawari na dahilan ay para akong hirap huminga. "hindi ba at iyon ang nais mo?"ngumiti ito sa akin ng may buong pait. Umiling ako sa kanya at wala na akong pakialam sa iisipin nito dahil niyakap ko ito ng mahigpit sobrang higpit na ayoko na siyang pakawalan pa. "binibini.."naramdaman ko ang pagtaas at baba ng dibdib nito na para bang napakahirap na desisyon ang gagawin nito. "wag Eduardo..pakiusap..w-wag mong ituloy.."tuloy tuloy na dumaloy ang luha ko habang sinasabi ang mga katagang yun. "patawarin mo ako binibini..ayokong maging mahirap ang iyong buhay dahil sa akin..tama si ginoong Fernan..hindi ka nararapat sa akin..ang maharlika ay para lamang sa isang maharlika rin..isa lamang akong alipin at hindi ako nararapat sa isang katulad mo.."nanlamig ako ng ilayo niya sa akin ang katawan niya. "no..no.."puno ng takot na hinabol ko siya ng lumabas na siya gamit ang bukas kong bintana at doon ko lamang napansin na madilim na pala. Tinanaw niya ako mula sa ibaba tinanggal nya ang suot nyang sumbrero at yumukod siya.I saw him walked out pero hindi nakaligtas sa akin ang pagpunas nya ng kanyang mga mata habang naglalakad palayo. "Eduardo.."humihikbi na sambit ko. Napasalampak ako sa sahig at patuloy na humagulgol.Halos mawalan na ako ng boses sa sobrang iyak ko. "AAAAah!"sigaw ko. Tumingin ako sa paligid at lalo akong naiyak ng makita ko ang isang gold ring. Paalam aking mahal na Veronica..nais kong ibigay ito, ito sana ay singsing nating dalawa bilang mag asawa kung natuloy ang ating plano.Pagpasensyahan mo na kung ito lamang ang aking nakayanan.. "AAAAAah!"kinuha ko ang singsing at niyakap ko ito, Nagwala ako at nagbasag ng lampara.Hinila ko rin ang kobre kama at itinapon iyon sa sahig maging ang vase na nasa lamesita ko ay binato ko. Mga yabag ang sunod kong narinig. Humahangos na si ina ang nagbukas ng pinto at nagulat ito sa bumungad sa kanya. "Anak!"anas nito at agad na lumapit sa akin. "a-anong.."maging si ate ay nagulat sa nabungaran niya. "anong kalokohan nanaman ito Veronica?!"umalingawngaw ang boses ni ama sa buong bahay. Kinuha ni ate ang papel sa kamay ko at binasa.Nakita ko ang pagngisi niya sa akin at pagkatapos ay binigay niya ito sa aming ama. No! "tama ang hinala ni ginoong Fernan ama..buhay ang taksil na tagapaglingkod natin.."sumbong nito habang binabasa ni ama ang sulat. Masamang tingin naman ang ibinigay sa akin ni ama ng matapos basahin ang sulat. "halika rito!"hinila ako nito kaya lalo akong napaiyak. "ilang beses mo pa ako ipapahiya ha!"sinabunutan ako nito at kinaladkad pababa sa sala. "nasasaktan ako ama!"umiiyak na anas ko. "talagang sasaktan kitang malandi ka!"tinulak niya ako pasubsob sa sahig na marmol. "Hector tama na!"awat ni ina sa amin. "wag si Veronica parang awa mo na!"umiiyak na usal nito kay ama. "at sino dapat ina?ako?"singit ni ate. "wala akong sinasabing ikaw iha.."umiiling na anas nito. "wag kang mangialam dito!"sigaw ni ama kay ina. "pero Hector naman maari natin siyang kausapin hindi ganito.."pakiusap ni ina. "hindi nakakaintindi ng matinong usapan ang anak mong ito kaya tuturuan ko ito ng leksyon!"bulyaw ni ama. Nakatingin lamang sa amin ang lahat ng kasambahay at tagapaglingkod. Sa nanlalabong mga mata dahil sa luha ay tiningala ko si ama. "gawin mo ama..nang mawalan ka ng anak.."ngayon ko naintindihan kung bakit mas pinili ni Veronica na kitilin nalang ang sarili nya kesa ipagpatuloy ang buhay. Sa ugali ng ama nya at dahil narin sa kapatid nya na si lola Isabela ay naisip ko na nakakasakal pala talaga ang apelyidong Hermosa na dumadaloy sa aking dugo. "sumasagot ka pa!"muli akong sinabunutan nito napangiwi ako dahil sa sakit ng anit ko. Fuckshit ang sakit! Sa sobrang sakit ay napapikit ako ang paglagpak ko sa sahig ang siyang naramdaman kong huli bago ako nawalan ng malay. Nagising na lamang ako na masakit ang ulo. "sis.."napalingon ako sa gilid ko at doon ko lang napansin na may tao pala doon. "k-kuya?"pagkasabi ko nun ay agad kong pinalibot ang mata ko. Nandito ako ngayon sa aking silid.Napabuntong hininga ako. Sa dami ng sakit na nararanasan ko sa panahon ni lola ay ayoko ng bumalik pa.Sana ay hindi na ako mabalik pa roon kahit na kailan. "how are you feeling?"my kuya asked. "dizzy but I'm fine.."I smiled at him. "kinabahan ako sayo pati ang bisita ay nataranta sayo.."natatawang ginulo nito ang buhok ko. "bisita?"takang tanong ko. "yup..si Mr. De Silva.."napamaang ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at sumilip roon ang lalaking kamukha ni ginoong Julio. "I'm just checking if you're awake..you shocked all of us by the way.."he smiled at me. "aahm..sorry.."usal ko. "no need..just take a rest the doctor said that you're stress and your body cant take it.."napatango ako sa kanya. Stress ako sa kamukha mo! "I will take my leave now..take care.."yumuko ako sa kanya as a sign of respect. Kailan pa ako naging Japanese? "bukas sis babalik tayo sa doctor mo bago tayo magbabakasyon sa Batanes.."napalingon ako kay kuya. "bakasyon?"I asked. "oo..Mr. De Silva decided to prolong the deeds of sale sa house natin doon dahil mukhang kailangan mo raw ng fresh air..I think he likes you sis.."napaubo ako sa sinabi nya. "get lost kuya!"asar na sigaw ko kaya naman tumatawang lumabas ito ng silid ko. I hope this time I'll stay here in my own year for good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD