Apat na araw. Oo. Apat na araw na akong miserable at hindi lumalabas ng kwarto.Wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok at hintaying tuluyang mamatay ang aking puso. Dalawang linggo na lamang at tuluyan na akong matatali. Matatali sa isang kasunduang hindi ko ginusto.Matatali sa taong hindi ko minahal at kailanman ay di mamahalin. Iisang lalaki lamang ang pakamamahalin ko at alam ko na hanggang sa mga susunod ko pang buhay ay siya at siya lamang ang magiging laman ng aking puso. "Eduardo.."muling tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata ng banggitin ko ang pangalan niya. Nakatulala lamang ako sa kisame ng aking silid habang walang tigil ang patak ng aking luha. "anak.."hindi ko nilingon ang sino mang pumasok sa kwarto ko. Sa apat na araw ko rito ay pinagdadasal ko na sana a

