bc

Exchanged Heart [ Completed✓ ]

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.9K
READ
HE
fated
sweet
small town
like
intro-logo
Blurb

Long-term boyfriend ng actress na si Hannah Lindsey ang male actor na si Froilan Dantes. Pero katulad ng ibang relasyon, dumaan din sila sa isang mabigat na pagsubok na humantong sa hiwalayan.

Her boyfriend is having an affair with Maricar Asuncio-a famous actress and has a long-term non-showbiz boyfriend, Duwayne Fuentez.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Natagpuan na lamang ni Hannah ang kanyang sarili na kasama ang lalaking mainit ang dugo sa kanya. Si Duwayne Fuentez.

Mapigilan pa kaya ni Hannah ang namumuong pag-ibig niya para kay Duwayne?

Paano kung siya lang ang nagmamahal at ang lalaki ay gustong gumanti lamang?

Paunawa: Isa ito sa pinalad na maisasalibro. Sana patuloy n'yo akong suportahan sa aking writing journeym

2023©MissContessa

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
KATATAPOS lang ng meeting ni Hannah para sa upcoming romance movie. Dapat ay siya ang bidang babae sa pelikula. May mga ilang shoot pa silang gaganapin sa ibang lugar sa probinsya ng Samar. Her boyfriend, who is also a famous male actor, did not attend that meeting because he was sick. Paglabas niya sa silid na 'yon agad siyang sinalubong ng kanyang make-up artist na si Danica Torres. Akma siya nitong papahiran ng lipstick sa labi nang pigilan niya ito. "Danie, wala tayo sa shoot," saway niya sa babae. 'Danie' for short, siya lang ang tumatawag ng ganoon dito. Kaibigan kung ituring niya ang kanyang make-up artist. "Miss Hannah, bakit sandamakol na naman ang face mo?" usisa nito sa kanya habang sinasabyan siya nitong maglakad sa hallway. "Paano ba naman kasi, gusto nilang palitan ang role ko sa ipapalabas na bagong movie namin ni Froilan!" tukoy niya sa nobyo. Isa pa sa kinaiinisan niya, pumayag naman si Froilan sa gagawin na pagbabago sa magiging role niya. Hindi man lang nito nabanggit sa kanya. Silang magkasintahan ang bida sa upcoming romance movie nila na 'SUMMER LOVE'. Then now, kontrabida na ang kanyang role. Ang actress na si Maricar Asuncio ang ipinalit sa kanya para maging bida. Maricar Asuncio- isang sikat na actress sa kabilang network. Lumipat ito sa TVC Network kung saan ay doon sila nagtatrabaho ng kanyang katipan. Froilan Dantes-popular male actor. Hunk, handsome and tall. Fifteen years na ito sa larangan ng pag-aartista, nauna ito sa kanya ng six years. Almost three years in relationship na rin sila ng nobyo, kahit na nga parang siya lang ang todo effort para tumagal ang kanilang relasyon. Sa sobrang pagmamahal niya kay Froilan, nagmumukha na siyang asong sumusunod dito. Sa mga dumaan na anniversary nila bilang magkasintahan. Siya ang madalas gumagawa ng surprises para rito na sinusuklian lang nito ng halik para mawala ang tampo niya. As usual, dahilan na naman nito ay abala sa mga project, etc. Maganda at sexy naman siya. Fil-am siya. Pero lumaki siya na hindi man lang nasilayan ang mukha ng kanyang ama. She was only seventeen nang makuha bilang model sa whitening product ng isang dambuhalang kumpanya. Model din siya sa ibang mga gym clothes sa isang sikat na clothing company bago pa man siya makuha bilang isang artista. Sa umpisa, umeekstra lang siya hanggang sa makilala na sa industriya sa larangan ng pelikula. "Pauwi ka na po ba, Miss Hannah?" tanong sa kanya ni Danica. "Hindi. Pupuntahan ko sa condo niya si Froilan." "Gusto n'yong samahan ko na ka-" "Huwag na," pigil niya sa sasabihin nito. "Pakisabi kay Allan, bukas na lang kami magkita." Si Allan Mendoza naman ang kanyang stylish na bading, mahilig magsuot ng mga dangling earring. "Sige po." "Sige na, maiwan na kita." Tinungo na nga ni Hannah ang kanyang kotse. Nang makasakay na siya ng kotse ay sumilip pa siya sa bintana para kawayan si Danica na nakatanaw naman sa kanya. Ibinababa na niya ang salamin ng bintana. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot palayo sa lugar na iyon. Nasa tapat na ngayon si Hannah ng condo ni Froilan. Huminga muna siya nang malalim bago tuluyan bumaba ng kanyang kotse. Gusto niyang makausap ang nobyo. Gusto niya itong tanungin dahil sa pagpayag na palitan siya bilang kapareha nito. Masama ang loob niya dahil hindi man lang nito ipinaalam sa kanya. May susi siya ng condo ni Froilan kaya hindi na siya kumatok. Sumilip muna siya sa loob ng condo, tahimik at parang walang tao. Pero nakita naman niya ang sport car ng nobyo na naka-park sa garahe. Maingat siyang pumasok sa condo. "Froi?" tawag niya sa pangalan nito. Walang sagot. Napatingin siya sa hagdan. Maingat ang hakbang na ginawa niya. Napasulyap siya sa suot na wrist watch, four o'clock pa lang ng hapon. Totoo nga sigurong masama ang pakiramdam ng nobyo, mukhang tulog ito sa loob ng kwarto nito. SINUNDAN ni Duwayne ang babae hanggang makapasok na rin siya sa condo na iyon. Kilala niya ang babae, si Hannah Lindsey. Isa rin sa mga sikat na artista, girlfriend ni Froilan Dantes. Paalis na sana siya kanina nang matanaw niya itong lumabas ng building. Ayon sa mga kaibigan niya, nakita raw ng mga ito ang kanyang nobya sa isang club kasama ang actor na si Froilan Dantes. May kumakalat ding mga larawan na lagi magkasama ang dalawa. Hindi niya iyon pinansin dahil magkasama ang dalawa sa upcoming romance movie ng TVC Network. Ayon pa sa girlfriend niya, ganoon daw ang buhay showbiz. Mahal niya ang nobya kaya handa siyang unawain ang klase ng trabaho nito. Pumunta siya sa TVC Network para kumpirmahan kung totoo ba ang kanyang nalaman. Hindi na siya natutuwa sa mga naririnig niya ukol sa nobya. Tingin niya ay hindi na kasama sa trabaho ang magsama ang dalawa sa isang club. Akmang kakatok na sana sa pinto si Hannah, nang marinig ang mga ungol mula sa loob ng kwarto. Nangunot ang noo niya. Napalingon siya sa kanyang likuran dahil parang may mga matang nagmamasid sa kanya. Isang matangkad na lalaki ang kanyang nakita. Sisigaw sana siya dahil sa gulat pero agad natakpan nito ng isang kamay ang bibig niya. "Hindi ako masamang tao," bulong nito sa kanya. Tinanggal nito ang kamay na nakatakip sa bibig niya. "Sino ka?" nagawa pa niyang tanungin ang lalaki. Hindi siya nito sinagot. Nagkatinginan sina Duwayne at Hannah, parehong narinig ang sunod-sunod na ungol mula sa loob ng kwarto ni Froilan. "Oh... right there that feels so good!" Napahumindig si Hannah sa kinatatayuan. May kasamang babae sa kwarto nito si Froilan. Hindi lang basta may kasama, may milagro pa itong ginagawa kasama ang malanding babae na panay ang ungol. "You like that, sweety?" Ang animal na Froilan! May pa-sweety pang nalalaman! himutok niya. "That feels so good..." Mariing naikuyom ni Duwayne ang mga kamay. Kilala niya ang boses ng babaeng nasa loob ng kwarto. Pakiramdam niya para siyang bulkan at anumang oras ay sasabog dahil sa nadaramang galit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook