Reputation 8

1469 Words
Tyra "Bat mo ko pinatay!? " sigaw ni Tyler saakin at binato ako ng unan. Humagalpak ako sa kakatawa habang tinatahulan ni Ty si Tyler sa tabi ko. "Ano ka ba? Syempre magkalaban tayo kaya pinatay kita! ahahaha" naglalaro kasi kami dito sa sala ng xbox niya. "Mag merienda muna kayo. " Dinalhan kami ni nanay Loren ng turon at lemon juice kaya agad namin itong sinunggaban. "Ay siya nga pala ijah, may nag padeliver nito sayo. " dahan dahang naglakad si nanay Loren sa table na may dalwang bouquet of flowers, isang tulips at isang sunflowers. "Kanino po galing? " kinuha ko yung mga bulaklak saka umupo ulit, hindi ko maitatanggi na mabango ang mga bulaklak kaya miski si Ty ay nakiki amoy na din. Laking gulat ko na lang ng kunin ni Ty yung tulips. "Ty no! Ty! Give- oh gosh. " bago ko pa mabawi sakanya nito ay nasira na niya at na ngat ngat. Pinalinis ko sa maid na dumaan pero na kita ko yung card kaya kinuha ko ito at binasa. I will court you Ms. Tuaxon, sa gusto mo o sa hindi. Have a great day! -Ren Napa iling na lang ako at binulsa yung card. Hindi ba dapat kinikilig ako dahil ayun yung mga gusto ng mga babae, yung makulit at katulad ni Ren. May nangyari kasi nung bumisita ako sa hospital ko na pinapangunahan niya, bigla bigla na lang siyang lumuhod at binigay na tulips saka sabay sabing 'Can i court you? '. Hays, Rinn. Sana umuwi ka na at pigilan mo yung kapatid mo dahil masasapok ko na. umupo na lang ako at hinanap yung card sa sunflowers. Sunflowers are my favorite kaya hindi ko mapigilan makaramdam ng saya. Thank you for yesterday Tyra, more kisses and hugs! ;) "Ate okay ka lang? Bakit namumula ka? " tanong ni Tyler at titingin dapat sa card kaso iniwas ko. "Damot! " sigaw niya saakin at bumalik sa linalaro niya. Tumayo na ko at pumanhik sa kwarto ko na may ngiti. Halo halo yung nararamdaman ko, kilig, hiya, o ano man kasi 'more kisses and hugs! ' gosh. Ano bang meron yanh babaeng yan at nagkakaganito ako. Look, para akong tangang naglalakad pabalik balik habang hawak hawak yung flower na bigay niya habang naka ngiti. "Oh gosh, tutulog ko na lang to. " linagay ko sa side table yung flowers at humiga pero inamoy ko ulit bago magtalukbong ng kumot. Hindi pa man ako nakaka pikit ay may narinig akong bumukas ng pinto ko at nag sarado. Gusto ko sana tignan kung sino yung lapastanganang pumasok sa kwarto ko nang walang paalam at katok kaso may kung ano saakin na nag sasabing 'Wag'. Naramdaman ko naman na umupo ito sa gili ko at unti unti niyang inaalis yung makapal, malambot at pinaka mamahal kong kumot. Tinignan ko na kung sino at laking gulat ko na makita siya dito. Ang malala pa non ay sinugod na niya ako ng halik. Bat ba ang hilig niya kong halikan, hindi pa ba sapat yung sa office niya. Bago pa ko umalis nun ay hinalkan niya ulit ako. Hindi na ko nag protesta dahil nalulunod na din ako sa mga halik niya. "hmmmm." lumikot yung mga kamay niya sa katawan ko saka linipat yung nga halik niya sa pisngi ko papuntang tenga. "Our hearts will take the lead. " magtatanong pa sana ako kaso siniil niya ulit ako ng halik, pina upo niya ko at kumadong siya saakin patagilid. "sweet. " sabi ulit nito saka tumingin ng malagkit saakin. Nasa katinuan pa ko at hindi ko nakakalimutan na girlfriend siya ng kapatid ko kaya sa awa ng diyos ay napipigilan ko pa ang sarili kong galawin siya at mahalin kahit may kaunti na. Sa buong buhay ko hindi ko naisip na magagawa ko to, lalong lalo na na mag ka gusto sa kapwa kong babae. Unexpected things will come at hindi mo ito mapipigilan, especially when it comes to love. "Penny for your thoughts? " tanong nito saka inayos yung buhok ko, sumandal ako sa headboard saka tinitigan siya. Yung mukha niyang binihag na ko nung una ko siyang nakita at mas lalo pa kong nabihag nung naka usap ko siya. Para bang matagal ko na siyang kilala at nakasama. "Why? " gusto ko sanang sampalin sarili ko sa sinabi ko kaso may part saakin na nag sasabing, let your heart speak. "Anong 'why'? " takang tanong niya at hinawakan yung kamay ko saka pinag siklop. "Perfect. " para bang pinaghulma yung mga kamay namin para sa isa't isa dahil napaka perfect niyang tignan. "Bakit mo ko h-hinahalkan? " napa tingin ako sa ibang bahagi ng kwarto ko dahil nahihiya ako. "E ikaw, bakit mo ko hinahalkan pabalik? " pabalik na tanong niya saka hinawakan yung magkabilang pisngi ko saka pinatingin sakanya. Her eyes, her blonde hair, her lips. Very familiar. "My body said it. " "No. " iling niya saka hinawakan yung dibdib ko kung nasaan ang puso. "Your heart said it. " saka niya ko siniil ng halik pero this time, mas careful siya at puno ng pagmamahal. Very passionate. "How are you Cassie? " tanong ni papa sa katabi ko habang nakain, tinigil niya yung pagsubo at nag punas ng labi niya na kanina lang ay nasa labi ko din. "I'm okay po tito. " "Good, e ikaw Ren? " and yeah. napa baba kami ni Cassie dahil kay Ren at napapagitnaan po nila ako. Na tetensed ako dito dahil kanina pa na masama yung titigan nila na parang anytime ay magpapatayan na sila. "Okay din po sir Tuaxon. " pormal na sabi nito. "Tito na lang Ren tutal kaibigan ko yung papa mo at kaibigan din ni Tyra si Rinn. " tumango na lang ito at ngumiti saka tumingin saakin. Ako lang ba o ano na si Cassie lang ang pinapansin ni mama at nginingitian, ang malala pa nun pagkatapos namin kumain ay kasama ni Res si papa at si mama naman ay si Cassie. "Ate mukhang may sariling pangbato sina mama at papa para sayo ah." natatawang bulong ni Tyler. "Pinag sasabi mo? " umiling na lang siya at tumaas na ng hagdan. Tumigil siya nung nasa gitna na siya ng hagdan at tumingin saakin. "Hindi ka manhid ate kaya malalaman mo din yan pero kung ako tatanungin, nasa side ako ni mama. " nagpatuloy na siya sa pag taas, minsan talaga madaling maka pick up si Tyler ng mga nangyayari sa paligid niya. "One more thing ate, kahit hindi ko alam mismo ang nangyari. Ang masasabi ko lang ay, listen to your heart. " sa mga pinagsasabi niya at sa mga pinag sasabi ni Cassie kanina ay hindi ko maintindihan, bakit ba hindi na lang nila diretsuhin at ipaliwanag sakin yung mga gusto nilang iparating. Mahirap ba gawin yun? "Okay ka lang Tyra? " tanong ni Ren saakin ng may pag aalala sa boses, samakit kasi yung ulo ko at nung patayo na ko ay bigla akong napa upo ulit. "Oo okay lang ako, e tutulog ko na lang to. " sabi ko sakanga habang naka ngiti para hindi na siya mag alala. "Oh okay, sleep well." aalis na dapat ako ng magsalita siya ulit. "uhm, Tyra. Pwede ka ba b-bukas? " hindi ko alam kung matatawa ba ko o ano dahil napaka mahiyain niya ngayon. Wala naman ako gagawin bukas kaya umiling ako. "Wala naman, bakit? " napa kamot siya ng batok niya saka tumingin saakin. "Can i ask you for a date tomorrow? " napangiti naman ako sa itsura niya kaya tumango na ko, para siyang si Rinn nung tinanong niya yung crush niya dati sa America na lumabas. "Talaga!? Yes? " tumalikod na ko at pumanhik sa taas. "Oo, sige na baka magbago pa isip ko. " "Yes! Salamat Tyra! " Papasok na dapat ako sa kwarto ko nang nakita ko yung terrace namin sa 2nd floor na naka bukas at nahangin yung kurtina nito. Na curious naman ako kaya lumapit ako dito, nakita ko si na mama at Cassie naka upo habang nainom ng tea. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at nag stay lang dito sa gilid para makinig. "No matter what happend Cassie, i'm on your side. " paninimula ni mama at humigop. Naguguluhan naman akong lumapit ng kaunti para makini, alam kong masama pero sa tingin ko may kinalaman ako sa pinag uusapan nila. "Salamat po tita. " "Tanda mo pa nung mga bata pa kayo? Yung sinabi ko sayo, bago kayo maghiwahiwalay. " tumingin si mama kay Cassie ng nakangiti habang ito ay ngumiti. "Our love will bring us together again. " "You two are meant to be. " Hindi ko alam pero umalis ako dun ng may luhang pumapatak sa mga mata ko, i need clarification Cassie. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD