Tyra
"Ate saan lakad mo? " tanong ni Tyler ng makita niya kong nag aayos ng buhok, hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin ni Ren basta ang sabi niya susunduin niya ko. Naka skirt na yellow, black na crop top na long sleeves at light make up.
"May lakad kami ni Ren. " tumango na lang ito at umalis na, parang hindi siya interested kay Ren ah. Pagkatapos ko mag suklay ay lumabas na ako ng mansion, bumungad saakin sina papa na kasama yung mga bodyguards niya pati si butler Jay na kausap si Ren. Hindi muna ako lumapit sakanila at dumiretso ako kay nanay Loren na naka tanaw lang malapit sa pinto.
"Nay bakit ang daming bodyguard? " tanong ko dito, bumuntong hininga muna siya bago tumingin saakin. "May nag tangka kasing bumaril sa tatay at nanay mo kanina sa byahe niya, buti na lang ay alerto si Butler Jay at yung mga bodyguards. " automatiko namang napa sugod ako kina dad.
"Dad, Mom are you okay? " lahat sila tumingin saakin ng may paghanga, alam ko naman na sexy ako at maganda kaya nasanay na din ako ng pinag titinginan. Tumango naman si mom bago umalis, nahilo ata kaya hinayaan na namin.
"Yes anak, be careful sa lakad niyo ni Ren." tumingin siya kay Ren at tumango. Mukhang sinabihan na niya si Ren kaya pinagbuksan niya ko ng pinto at sumakay na. Naglakad naman papasok sila Dad kasama si nanay Loren. Wala naman na kakaaway sina mama at papa para patayin sila, lalong lalo na sa business dahil dinadaan nila ito sa maayos na usapan at gawain.
"Hey, you okay? " tumingin ako kay Ren na naka tingin sa kalsada, matipuno si Ren na naka black t shirt, leather jacket at pants. Halata naman na siya yung pinapangarap ng mga babae bukod sa ka gwapuhan niya ay nasa kanya na ang lahat pati ang bait. Parehas sila ni Rinn.
"Baka matunaw ako Tyra. " natutuwa niyang sabi kaya napa irap na lang ako. May kahambugan din pala tong lalake na to. Nagpunta kami sa isang Korean restaurant kaya na excite ako dahil matagal tagal na din akong naka kain ng korean food.
"Do you like it? " tanong nito saakin kaya ngumiti ako. "Oo naman, salamat nga pala. " Dumating na yung mga inorder niya kaya natakam ako sa dami, lalong lalo na yung bibimbop. Oh gosh, sana pala hindi ako nag crop top.
"So, kamusta si Rinn? " panimula ko habang nag lalagay ng beef sa gitna namin. Tinapos niya muna yung nginuya niya bago magsalita.
"She's okay, sumisikat na yung clothing line niya sa America at sa France. " Isang fashion designer si Rinn, 'Rienè' ang pangalan ng clothing line niya. "That's good, kelan siya babalik? " na eexcite na kong makita yung babae na yun dahil matagal tagal ko na din siya hindi nakikita.
"Ewan ko pa pero pinag daday off siya ni papa. " pagkatapos namin kumain ay nag punta kami sa building para e check yung ginagawa nila. Napa hanga naman ako sa nakita ko, onti na lang may branch na ko sa pilipinas. "Do you like it? " tanong ni Ren saakin na nasa tabi ko. "I love it. " pag cocorrect ko. Tumawa naman siya at pumunta sa harap ko.
"For you. " nag labas siya ng bouquet of flowers, isang tulips. Ang hilig niya sa tulips, pero agad kong naalala nung sinira ni Ty yung bigay niya kaya napangiti ako bago kunin ito. "Paborito mo daw yan sabi ni Tyler. " naka kunot akong tumingin sakanya saka tumango na lang. Anong pumasok sa isip ni Tyler at nag sinungaling pa yung lalakeng yun, alam naman niya na ang paborito kong bulaklak ay sunflowers.
Naglibot libot pa kami sa buong building bago bumaba ulit sa sasakyan niya. "Saan mo pa gustong pumunta? O uwi na kita? " tanong ni Ren saakin bago niya pinagbuksan ako ng pinto, pag ka upo ko ay biglang may nag text saakin.
From: 09xx xxx xxxx
Come to my office, ako na maghahatid sayo pauwi. Alam kong kasama mo yung lalake na yan, ngayon na.
Nakapasok na si Ren sa sasakyan niya at pina start yung kotse niya, nagtataka akong bumaling ulit sa phone ko at nagsimula nang mag tipa.
To: 09xx xxx xxxx
who's this?
Wala pang ilang segundo ay nag reply na kaagad ito.
From:09xx xxx xxxx
Cassie.
"Sa CA Savedra Company tayo. "
"Yung main building nila? " tanong agad nito kaya tumango ako. "Bakit? Anong gagawin natin don? " agad na tanong nito pagka andar niya.
"Doon mo na lang ako e baba, may e memeet lang ako. " tumango na lang ito at pinag drive ako. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ako nasunod.
"Are you sure? Baka pagalitan ka ng papa mo? " paninigurado niya.
"Yes saka kilala naman nila si Cassie at girlfriend siya ng kuya ko ahahaha. " Girlfriend o Fiancé? Nah don't care. Tumango na lang siya at pinag drive ako. Nahahalikan ko na nga e.
"Salamat ngayon at sa flowers Ren, nag enjoy ako. " sabi ko bago bumaba ng sasakyan niya at nakipag beso. "No problem, ingat ka. " bago ako pumasok ay hinantay ko muna bago umalis siya, pagkapasok ko ay binati ako nung guard pati na rin yung receptionist.
"Cassie's floor. " sabi ko dito at ginuide ako papuntang elevator. Ano nanaman bang kailangan nun ni Cassie at pinapunta nanaman ako. It's 3 in the afternoon. Ang sarap lang matulog ngayon.
"What do you want? " agad kong tanong dito. Nakita ko siya na naka upo sa table niya habang naka halumbaba na naka tingin sa laptop niya. Mula sa boring na face niya ay nagliwanag ito at tumayo.
"Kanino galing yan? " turo niya sa hawak hawak kong tulips. "Kay Ren, bakit? " pumunta siya saakin at kinuha yung flowers bago tinapon sa basurahan.
"Cassie! Bigay yan saakin ni Ren. " inis na sigaw ko dito, effort pa yun ni Ren noh.
"I don't care, let's go out. " agad na sabi nito at kinuha yung bag niya.
"No, gusto kong magpahinga. " tanggi ko. "Okay, no problem. " hinila niya ko pababa at papasok ng kotse niya saka nag maneho. Hinayaan ko na lang siya dahil inaantok na ko, gusto ko yung amoy ng sasakyan niya, amoy Cassie. Ngumiti siya saakin bago ako tinangay ng antok.
"Cassie? " agad kong na sabi ng makita ko siya wala na sa tabi ko at gabi na. "Here babe. " tumingin ako sa likod at nakita siyang naka upo, naka bukas yung likod ng sasakyan niya kaya lumabas ako bago pumunta sakanya. Naka hilig siya dun habang may comforter, may pizza, fries tas milk tea kaya agad akong tumabi sakanya.
"Ang ganda ng stars. " bigla kong sabi at lumabas ng kaunti para malaya kong matignan yung langit. Napaka dami. Naramdaman ko naman na may humawak sa bewang ko at naka hilig yung ulo ni Cassie sa likod ng balikat ko. Meron siyang inabot saakin kaya tinignan ko ito, isang sunflower kaya napangiti ako bago kuhain.
"Sinabi ba sayo to ni Tyler? O ni mama?" natatawa kong tanong. "No, i just know it. " tumango na lang ako at inenjoy na lang namin yung ganito, yung malapit kami sa sarili namin habang nakain at nag titigan sabay tatawa.
"Cassie look! May shooting star. " Kinuha ko yung pisngi niya at tinutok kung nasaan yung shooting star. "Wish Tyra. " sabi nito saakin kaya pumikit ako, wala namang masama kung e tatry ko diba pero imbis na mag concentrate ay napa dilat ako sa sinabi ni Cassie.
"Comeback to me. " sabi nito bago ako tumitig sakanya, naka tingin na pala siga saakin. May sakit at pagmamahal yung mga mata niya. Mas lalo pa niya ko dinikit sakanya at onti onting lumapit yung labi niya sa labi ko. The kiss was full of love and loneliness. Kahit ilan beses pa niya ko halikan ay hindi parin magbabago, yung mga animal sa loob ko na laging nagkakagulo. It was magical.
Hinatid niya ko pauwi ng 9 na may mga ngiti sa labi namin. "Andito na tayo. " sabi nito bago sumandal at tumingin saakin. Ganun din yung ginawa ko, ngumiti at pinagsiklop yung mga kamay namin. am i really inlove to her?
"I have to go, bye. " sabi ko at hinigit siya para sa isang halik sa lips at sa pisngi. Binuksan ko na yung pinto at naka tayo na nang hilain niya ko para sa isang matamis at mahabang halik. "Byee. " hinalkan ko yung ilong niya bago tumayo ulit.
"One more thing Tyra. " inis akong umupo ulit sa sasakyan at tumingin sakanya bago siniil siya ng halik. Halatang nagulat siya pero ilang seconds lang naman ay gumanti na siya, naka hawak ako sa pisngi niya habang yung isa ay nasa pintuan ng sasakyan niya.
"Okay na ba? " asar na asar kong tanong.
"No, i mean yes! g-gusto ko lang sana samahan mo ko sa Palawan for one week at sa France for another one week. " nagtataka akong tumingin sakanya bago sinarado ulit yung pinto. "Vacation, we deserve that Tyra bago ka magtrabaho ulit. Please. "
--