Reputation 10

1339 Words
Tyra "Tyra. " tawag saakin ni mama kaya napalingon ako dito, may dala siyang tea at lumapit saakon. "Can i join? " "Of course ma. " nasa terrace kasi ako nag papahangin at saka nag iisip dun sa alok ni Cassie. Saturday pa lang at kailangan bukas ay makapag desisyon na ko kung sasama ako sakanya. "Nasabi saakin ni Cassie. " hindi na ko nagtaka dahil close sila, gusto ko sana tanungin si mama about dun sa napag usapan nila ni Cassie dito din si Terrace pero mananahimik na lang ako. "Do you want to go with her? To be honest you two need a vacation. " sumang ayon naman ako kay mama dahil habang kaya pa namin ay dapag ma enjoy namin ang mga sarili namin saka gusto ko siyang makasama habang wala pa si kuya at gusto kong malaman kung mahal ko na ba siya pati na rin kung parehas kami ng nararamdaman "Hindi ba dapat ma, si kuya Tyrone yung yayain niya dahil siya yung jowa niya. " napatawa naman si mama at umiling. Linagyan niya yung tasa ko at binigay saakin. "Alam mo naman nak yung kuya mo ay ubod ng KJ kaya samahan mo na si Cassie, relax and enjoy. " ako lang ba yung nag iisip na may ibang meaning pa yung sinabi ni mama. "Parang dati lang. " bulong ni mama. "Parang dati lang? " tanong ko kaagad kaya nagitla si mama. "ouch! " natapon sakanya yung tea niya bago tumayo. "Okay ka lang ba ma? " "Ay nako, maliligo na ko. Maiwan na kita diyan. " pumasok na din ako sa kwarto ko, kinuha ko muna yung binigay niya saakin na sunflower at inamoy. Sasama ba ko o hindi? Ang hirap mag desisyon, kung gusto ko nang kasagutan kailangan kong sumama. Natulog ako nang hawak hawak ko yung sunflower. Nakita ko si Cassie na naka upo at pabaling baling yung ulo niya na parang may hinahanap. Naka dress siya at naka shades kaya kitang kita ko yung legs niya. Pumunta ako sa likod nito at hinalkan yung pisngi niya. "Dito na lang butler Jay, salamat sa pag hatid. " sabi ko habang linalagay niya sa tabi yung luggage at tumango. "No problem Tyra, mauna na ko. Ingat kayo Cassie. " hindi naman nagkakalayo yung edad namin, at saka anak siya ng driver namin dati pa kaya nagkakalaro kami niyan dati. Si papa na din ang nag pa aral sakanya at naging butler siya sa ibang bansa bago bumalik dito at pag silbihan si papa. "He's cute, right? " bulong niya saakin kaya napa tingin ako dito, ang lapit lang ng mukha niya pero siya agad ang umiwas. Marami din kasi ang tao dito. "Akala ko hindi ka na sasama. " sabi nito bago umupo. "Nah, gusto ko din pumunta sa palawan. " and yeah, yung plano ko dapat hindi ko makalimutan. "Wow. " ayun lang nasabi ko pagka pasok namin sa rest house ng pamilyang Savedra dito sa palawan. Hindi siya gaano kalaki pero may second floor, may apat na room sa itaas. "So, saan room mo? " tanong ko kay Cassie. Napa ngisi naman siya sabay turo sa harapan niya, may pinto dun at may pangalan na 'Cassie Avrea'. "E saan room ko? " tinuro ulit ni Cassie yung pinto niya. "Diyan tayong dalawa? Hindi ba pwede sa iba? " turo ko sa dalawa pang pinto. "Tyra, sa mga kapatid ko yan at naka lock yan. Wala saakin yung susi ng mga yan. " napa pout naman ako bago tumango, ano pa nga ba magagawa ko. Papasok na sana ako nung nabuksan niya yung pinti pero tinulak muna niya ko sa pader bago hinalikan, kinapit ko yung mga kamay ko sa leeg niya at humalik na din. "You don't know kung gaano ako nagpigil kanina para lang hindi ka halikan. " Seryosong sabi niya sabay halik ulit saakin pero this time ay peck lang. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa babae na to e. Pumasok kaming dalawa at nakita yung kama niyang king size, may table sa gilid, book shelf, banyo at cabinet. Napa ngiti naman ako nung nakita ko yung picture frame na naka sabit. Isang masungit na bata habang nasa likod ng beach, tumingin ako kay cassie na may tinatagong picture frame sa side table niya. "Cassie! Ano yan? " napa talon naman siya at agad niya itong sinarado at linagay yung lock. Ganun ba ka private yun para lagyan pa ng lock. "Uhm wala. " pumunta siya saakin at yinakap ako patalikod. Pinatong niya yung baba saakin at tumingin kami sa picture frame na nakasabit. "Ikaw yan? " tanong ko. "Yeah, gusto ko nga alisin e. " naiinis na sabi niya kaya napatawa ako. "Wag, ang cute nga e. " sabi ko habang ine enjoy yung yakap niya, i feel safe. Wala nang makakapantay dito, nakuha ng attention ko yung suot suot nitong bracelet sa picture kaya hinawakan ko yung picture sa bandang suot niya yung bracelet. "Familiar yung bracelet. " color black ito pero may isang white na nasa gitna, sa pagkakaalam ko ay distance bracelet to o whatever. Alam kong may kaparehas pa to. Inikot niya ko kaya magkaharap na kami ngayon, inayos niya yung buhok ko saka ako hinalkan sa noo at hinila sa kama. "Magpahinga muna tayo, bukas na tayo mag gala gala. " Nagising ako nang 8:32 PM, pagkatingin ko sa tabi ko ay wala na si Cassie kaya agad akong bumangon para hanapin siya. Mula sa itaas nakita ko siya sa sala na nakatayo habang nanonood, may hawak hawak siyang spatula at naka suot ng apron. Kaya agad akong bumaba at yinakap siya patalikod. "Tyra! You scared me! " sabi nito pero nakangiti, tinapik niya yung kamay kong nasa tiyan niya kaya binitawan siya. Sumunod naman ako sa kusina at naamoy yung adobong ginagawa niya. Ang sexy niya pala tignan sa apron, short shorts at sando. "Hmm ang bangoo! " papuri ko dahil sa unang tingin mo pa lang ay parang wala sakanya yung magluto, tinignan ko din yung nasa lamesa na may sinigang na hipon at rice. Mukhang mapaparami ako ng pagkain ah. "gusto ko sanang mag dagdag ng crab kaso bukas na lang, ako magluluto for you. " sabi nito pagkalagay ng adobo sa lamesa, sumandal siya sa lamesa saka ako hinila para yakapin niya patagilid. "Well thank you in advance Cassie. " sabi ko dito saka hinalkan siya sa lips, sa mga nakaraang araw ay nasanay na kong halikan siya. Sino bang hindi makakatanggi sa lips ng isang Cassie Avrea Savedra. Kumain na kami magkaharap, patuloy pa rin siya sa paglagay ng kanin sa plato ko at mga ulam. "Ohhh I'm full!! " sabay himas sa tiyan ko, napakasarap din kaso ng luto niya kaya napagpasyahan namin na maglakad lakad sa beach. "Cassie.." mahinang tawag ko sakanya, sapat lang na siya ang makarinig. Wala namang tao dito masyado at solo namin ang beach. Kadalasan kasi pag gabi ay meron pa ding mga tao. "hmmm? " hinila niya ko papalapit at pinagsiklop yung mga kamay namin. Perfect. "Kanino ka natutong mag luto? " "Sa mom ko, bata pa lang kami ng kapatid ko ay tinuturuan na niya kami mag luto at magbake. Ayun na din yung bonding time namin. " tumigil siya kaya napatigil din ako, nakikipaglaban siya ng titigan habang papalapit siya saakin. Sobrang lapit namin, miski si hangin ay hindi na makakadaan. "I want to make clear things to you, Tyra. " pagkasabi niya nun ay hindi ko maiwasang kabahan kaya naglikot yung mga mata ko pero lahat nang yon ay nawala nung hawakan ni Cassie yung magkabilang pisngi ko. "Gusto kong wag mo muna isipin yung iba, si Ren, si Tyrone at kung sino man for two weeks Tyra. Just you and me, enjoying. " sabi nito at hinalkan na ko, the kiss was to passionate and loving para bumitaw kaya mas lalo ko itong pinalalim. Paano ba ako nahantong sa ganitong sitwasyon? Masyadong mabilis na para bang hindi na ito bago. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD