Tyra
Araw na ng flight namin papuntang France kaya naghahanda na kami papuntang airport, simula nung gumising kami ay wala nang nagtangkang mag salita at tumitig sa isa't isa pero kahit ganoon ramdam ko na binabantayan ako ni Cassie. Tinutulungan niya din ako sa pagbuhat nung luggage ko sa sasakyan.
"Tyra, wait. I'm sorr-" pinatigil ko siya gamit yung kamay ko saka ngumiti ng kaunti, alam kong si Cassie yung taong hindi basta bastang nag sasabi ng 'Sorry' sa isang tao kaya hindi ko man lang alam kung bakit napatawad ko na agad siya sa ginawa niya. Nagulat din ako sa nangyari at nadala katulad niya pero sumagi sa isip ko si kuya Tyrone na galit na galit saakin. Sina mama at papa na ikinahihiya ako pero kung pareho kami ni Cassie ng nararamdaman ay walang pagdadalwang isip ay ipaglalaban ko siya.
"Shh, i forgive you Cassie. Ayoko din namang sirain yung vacation natin kaya mag enjoy na lang tayo, just you and me, no more fights. " ngumiti siya at yinakap ako ng mahigpit. "Thank you. " bulong niya sa tenga ko saka hinalkan niya ko sa noo. Ewan pero sa tuwing hinahalkan niya ko noo ay kinikilig ako, para kaming mga teenager dito.
Nakarating kami sa France ng mag gagabi na, tumuloy kami sa isang sikat na hotel. Weird man pero kinuha namin ni Cassie yung isang bed lang pero malaki, sino bang aayaw sa cuddle? Everyone loves cuddling!
"Wow. " bulong ko ng makalabas ako ng veranda ng room namin. "beautiful isn't it? " bulong saakin ni Cassie ng mayakap niya ko patalikod. Kita kasi mula dito yung Eiffel Tower, napaka gandang pwesto yung nakuha namin.
"Very... Romantic. " ramdam ko naman na napa ngiti siya at hinarap niya ko. Ngayon ko lang nakita sa mga mata niya yung saya, pagkamiss at pagmamahal na nakuha na niya. Hinihimas niya yung pisngi ko habang nagtitigan lang kami, alam ko din na may gusto siyang sabihin at may kung ano sakanya na pinipigilan siya. I want ask pero ayoko siyang pangunahan.
"When the right time comes, handa akong ipa alala ang lahat..." meron pa siyang sinabi ngunit hindi ko na narinig dahil sobrang hina at hinalkan na niya ko. Ikinapit ko yung mga braso ko sa leeg niya habang siya sa bewang ko, i will never get tired of this. Naghiwalay na kami pero nakapatong parin yung yung mga noo namin sa isa't isa at nakapikit. I wanna enjoy this moment dahil may pakiramdam ako na hindi na ito mauulit.
"Hmm ang sarap nang pancake! " nag inat ako pagkasubo ko ng last na pancake at tumingin sa harap ko. Nakakatitig saakin si Cassie habang nainom ng kape niya kaya nakaramdam ako ng kaba, tumingin ako sa sarili ko kung may dumi ba ko or what. Pagkatingin ko ulit kay Cassie nahagip ng mata ko yung tao sa likod niya na hindi kalayuan saamin, napatayo ako bigla kaya kumunot naman ang noo ni Cassie.
"What's wrong? " nang mapagtanto ko kung sino iyon ay agad ko itong pinuntahan pero may dumaan na bus kaya napahinto ako, pagkalagpas ay wala na iyong babae.
"Tyra? "
"Cassie, i saw my friend! Oh gosh, i really miss her! I need to text her! " na eexcite ko na sabi saka linabas yung phone ko saka nag online.
"Sinong friend? " nalilitong tanong ni Cassie. "Si Rinn! Rinn Valdez, kapatid ni Ren. " chinat ko na siya pero hindi pa din siya online, maya maya siguro mag oonline na to.
"Oh okay. " napatingin ako sa mga mata niya at naglilikot ito. This past few days ang dali na niyang basahin, onti onti na siyang nagpapakita ng emosyon.
"Anong balak natin ngayon? " tanong ko saka uminom, alam ko naman na gusto nitong puntahan ang the Louvre at yung the palace of Versailles. Nabanggit kasi niya saakin yun ng nasa palawan pa kami, gusto niyang libutin yung buong france at balak pa niyang pumunta din sa Spain kung may araw pa kaming natitira.
"Mag gala gala muna, i wanna see kung ano yung mga nasa paligid. " tumango kami at nagsimula nang maglakad. Lahat ata ng store ay napasukan na namin, nakikipag usap sa mga bata at matatanda kahit mahirap sakanila mag English pero kahit ganoon marunong naman pala mag French etong si Cassie. Napaka sexy pang pakinggan, para bang inaakit niya ko.
"Merci fille, passez une bonne journée" see!? Nag photoshoot din kami dito, ako yung model at si Cassie naman ang photographer kahit ayaw ko ay kinukuhanan pa din niya ko.
"Cassie, punta tayo sa Rienè. " hila ko sakanya habang busy siya sa pag inom ng frappe, ngayon ko lang napag tanto na ang ganda niya at sexy sa suot niya. Lalo na yung blonde niyang buhok, damn natural daw yun.
"Rienè? Bakit? "
"kaibigan ko may ari nun saka malapit daw sa Eiffel Tower yung shop niya kaya tara na! Wag na natin palampasin toh! Namiss ko din yung kaibigan ko. " linabas ko yung puppy eyes ko at nag please na nag please kahit para akong bata. Masisisi niyo ba ko na makikita ko na si Rinn!
"Fine, tara na nga. " hinila na niya ako at sumakay na kami bus, hindi ko parin maiwasan mamangha sa paligid. Tumingin ako sa katabi ko na may hawak hawak na frappe at yung camera niya.
"Cassie, sure ka bang natural yang blonde hair mo? " pag uusisa ko dahil hindi ako matahimik. "Oo naman, bakit? " nagtatakang tanong niya, tinitignan niya ko na parang nababaliw na ko.
"E bakit yung mga magulang mo, brown hair naman. "
"Yes they are pero hindi kami sakanila nagmana. " sabi nito sabay kinalikot yung camera niya.
"Kami? Edi pati mga kapatid mo? "
"Yes, lahat kami blonde. Lahat kami nag mana sa lola naming Americana pero iba't iba yung mga kulay nang mga mata namin. " tumango tango naman ako dahil nasagot na yung mga katanungan ko.
"Here look at this. " may pinakita siya na picture, tatlong babae na may mga blonde hair. Nakakatuwa lang dahil parang latest yung photo. "Last month lang yan tinake sa America,pumunta ako dun for two days para sa business. " naka upo silang lahat at naka ngiti, bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan. Nasa gitna si Cassie na may blue eyes, sa right side naman niya ay isang napaka gandang babae na kulay black na mata. Black na black, nakakatakot pero hindi ko maiwasan na mapa hanga.
"That was Caela, yung tinutukoy ko sayo na gago pero ayun nag aaral ng medice. " natatawang niyang sabi kaya hinampas ko siya.
"Nagmana ako kay lola na may blue eyes, si Caela naman kay mama na black na black pero minsan nagbabago ito at nagiging gray, ang astig noh." tumango tango ako at tinuro yung nasa kaliwa niya, napaka jolly niyang tignan. "Bunso niyo? "
"Yes, ang pinaka mamahal naming bunso. Jolly siya pero sa piling tao at napaka mahiyain sa iba. "
"Tara na. " pagkababa namin ay agad kong nakita yung shop nito, totoo ngang napaka sikat ng clothing line ni Rinn dahil sa labas pa lang ay kitang kita na! Napakalaki ng shop niya kumpara sa iba, agad kong hinila papasok si Cassie.
"Bonjour Mesdames, que puis-je faire pour vous?" (Good afternoon ladies, what can i do for you? ) tanong nung isa sa mga sales ladies, timingin ako kay Cassie para humingi ng tulong. Tinaasan niya ko ng kilay pero nag pout na ko, ngayon lang Cassie aba!
"Anong sasabihin ko? "
"Sabihin mo hinahanap ko yung kaibigan ko na si Rinn Valdez. " Katulad nga ng sinabi ko kagabi, nag papakita na ng emosyon si Cassie kaya hindi ko maiwasan maintriga pag naririnig niya yung pangalan ni Rinn.
"Rinn Valdez est là? Elle est notre amie."
"Oh je vois, est-elle Mme Tyra Tuaxon?" (oh i see, is she Ms. Tyra Tuaxon? ) narinig ko yung pangalan ko kaya tumango ako kahit hindi ko alam yung tinanong niya, baka minumura na ko ng dalwang to.
" Attendez ici, je vais appeler notre patron." (Wait here, i just call our boss. ) tumango si Cassie at tumingin na saakin. "Tatawagin na daw niya. " simpleng sagot nito saka tumingin sa mga damit.
"Thank you! " hinalkan ko siya sa pisngi at napatawa dahil namumula si Cassie. Nag bublush siya! Ang cuuuute!
"Tyra! " agad akong tumingin sa tumawag saakin at sinugod siya ng yakap, isang mahigpit na yakap. "oh gosh Rinn! Na miss kita sobra! "
"Hinay hinay lang Tyra, h-hindi ako maka-hinga! "
"Ay sorry hehe, namiss lang talaga kita! " bumitaw na ko at hindi ko mapigilan yung ngiti na gumuguhit sa labi ko pati na rin yung sayang nararamdaman ko.
"I miss you too Tyra, so sino tong kasama mo? " tukoy niya sa babaeng naka talikod saamin at nag busy busyhan sa pagtingin ng mga damit. "oh. " hinila ko saamin si Cassie at pinaharap dito, halata ko sa mukha ni Rinn na nagulat ito pero agad niyang binawi at ngumiti. Mas lalo tuloy akong naguguluhan.
"Cassie, si Rinn close friend ko at Rinn, si Cassie Savedra. My... " parang akong tanga dito na hindi ko alam ang sasabihin, ano nga bang kami?
"My friend too. " tumango tango naman si Rinn na parang umoo na lang siya. "It's nice to meet you Cassie. " sabi ni Rinn habang naka ngiti ng todo.
"Mee too, Rinn. " tinanggap ni Cassie yung kamay nito na may ngiti, ngayon ko lang nakita yung ngiting niyang yan, para bang. Kompleto.
Pumunta kami sa pinaka malapit na restaurant dito, hindi ko din maipagkaka ila na sobrang sarap ng mga pagkain nila. Tamang tama sa kwentuhan naming tatlo, buti na lang ay agad silang nagkasundo at para bang sila yung magkaibigan na magkababata na matagal nang hindi nagkita sa sobrang daldal.
"Wow that's nice, in your age CEO ka na agad. " puri ni Rinn habang hinahiwa yung meet na nasa plate niya.
"Well yeah, walang inaksayang oras at panahon sina Dad para lang e training ako. " natatawang banggit nito kaya napa ngiti ako, tamang desisyon nga ang pagsama ko sakanya dito.
"As expected." nakangiting banggit ni Rinn, tatanungin ko sana kung anong ibig sabihin niya dun pero naunahan ako ni Cassie na parang sinasadya niya talaga.
"Busy ka ba Rinn? Pwede mo ba kaming e tour dito sa france? " pinunasan niya yung bibig niya at kinuha yung sinerve ng waiter. Napaka takaw talaga nitong babaeng to, naka dalwa na ata siyang dessert.
"I would love that pero kailangan kong tapusin yung dinedesign ko para maka uwi ako sa pilipinas kasabay niyo. "
"Sayang nama- talaga!? " gulat na tanong ko dito, tumingin siya saakin at ngumiti habang natango.
"oh my gosh Rinn! Buti naman! "
"Yup, sa pilipinas naman ako mag tatayo ng Reinè. "
Well the day is tiring pero masaya, more days like this, please.
--