Cassie
"Coffee. " inabot saakin ni Tyra yung coffee kaya galak ko itong kinuha, nasa airport kami ngayon, maaga yung flight namin kaya eto kami nag aantay tawagin pati si Rinn naandito at tulog na tulog sa tabi ko.
"Mag cr lang ako saglit, Cassie. " tatayo na si Rinn ng pigilan ko siya. "Samahan na kita. " ngumit ito at umaling. "Huwag na, kaya ko na saka bantayan mo yang si Rinn. " natatawa niyang sabi bago umalis na.
Masaya ako na sumama saakin si Tyra kaya mas lalong naging maganda yung bakasyon ko, ang saya lang na makasama siya ulit at yung pag ngiti niya na namiss ko talaga ng sobra. Yung mga ngiti niyang dahil saakin, alam kong nung nakita ko siya ulit may pwersa saakin na tumutulak na kunin ko siya ulit pero hindi madali yun. May reputasyon akong dapat kong alagaan, mas mahirap pala ngayon kaysa sa dati.
"Rinn! Akin yan, bat mo ininom!? " hindi ko man lang namalayan na kuniha na niya yung kape sa kamay ko at ininuman na.
"Hindi mo kasi iniinom. " pangatwiran nito saka uminom ulit. "Kahit kailan talaga Rinn, wala ka pa ding pinagbago. " naiiling na sagot ko dito, ngumiti ito at yinakap ako. Alam kong nung magkita kami sa shop, puro tanong ang nasa ulo namin at kami lang ang makakasagot ng mga tanong namin.
"Gustong gusto kong gawin sayo to nung nagkita tayo sa shop. " Mas lalo pa niyang hinigpitan kaya tinampal ko na yung braso niya, nakaka sakal kaya.
"Aray ah, napaka brutal ko talaga. "
"Napaka ano mo kasi, mag uusap pa tayo. " tumango ito at inayos nanamin yung sarili namin baka makita pa kami ni Tyra at magtaka kung bakit kami ganito ka close.
"Tyra, dito ka na lang. Ako na sa gitna. " sabi ko para pagtulog si Tyra ay makapag usap kami ni Rinn, sana lang ay hindi ito matulog. Tatlong seats kasi yung kinuha namin para wala nang mahiwalay.
"Sure ka? " tumango na ko at pina una siya dahil siya ang malapit sa bintana. Mabuti na lang, pagkatapos ng nangyari ay hindi siya nagtampo. Nakakagulat yung tanong niya at miski ako ay hindi ko alam ang isasagot, ano nga ba kami? Nasa himpapawid na kami ng nakatulog si Tyra, inihilig ko siya sa balikat ko at matamang tumingin kay Rinn na patulog na din.
"Wag kang matulog huy. " pinitik ko yung noo niya, she give me a glare saka siya kumuha ng chips. Ayoko ng patagalin to dahil baka isa saamin ay madulas, tahimik ang buong airplane kaya yung boses namin ay hindi masyadong malakas. Sapat na kaming dalawa lang ang makarinig saka nasa tabi namin si Tyra.
"So, bakit kayo magkasama ni Tyra? " panimula ni Rinn, bumuntong hininga muna ako bago magsalita dahil alam kong pagsasabihan ako nito.
" Boyfriend ko si Tyrone. " nabulunan siya kaya agad kong binigay yung tubig na hawak hawak ko, uminom muna siya bago tumingin saakin. Eto na.
"What!? Are you insane!? " pabulong pero pasigaw na sabi nito saakin.
"Rinn, eto lang ang naisip kong paraan para makalapit ulit kay Tyra. " pag dadahilan ko, she let me explain kaya agad ko ito kinwento.
"Sabay kaming nag training ni Tyrone sa company namin at sakanila, sa tulong na din nina daddy at tito Arnold. " si tito Arnold ang daddy nina Tyra. "That time, nalaman ko na wala ding matandaan si Tyrone sa nangyari pero alam niya na magkakilala kami simula nung nga bata pa tayo. "
"Wait wait, so parehas sila ni Tyra na may amnesia? "
"Oo pero magkaiba sila, kung si Tyrone ay nakalimutan yung mismong 'nangyari' si Tyra naman ay lahat ng pagkabata niya. "
"Oh gosh. " alam kong sumasakit yung ulo niya sa mga nalaman. "Naka usap ko si tita Anny, pagkatapos daw maka recover nina Tyra at Tyron ay lumipad na sila pilipinas at doon na tumira kaya wala na kong balita sakanya pagkatapos nun. " nalulungkot ko na bigkas, hinawakan ni Rinn yung kamay ko at pinisil.
"Ikaw, bakit kilala ka agad ni Tyra? " tanong ko dito.
"Nung umuwi ako sa pilipinas, hindi ko inaasahan na makikita ko siya. Nung una, hindi ko inakala na siya yun pero nakipag kaibigan pa din ako hanggang sa ipakilala ako ni Tyra kina tita Anny. Nung una nagulat din sila pero masaya sila na nagkita kami kaya ayun, sabay na din kami nag aral. " buong buhay ko sa America ako tumira at nag aral kasama ang mga kapatid ko at si lola. Umuwi lang ako ng pilipinas nang mag training ako.
"At ano namang pumasok sa isip mo at jinowa mo ang kapatid ni Tyra huh? " napangisi naman ako at tumingin dito ng nakakaloka. "Wala akong gusto doon Cass, ang akin lang halata naman na gusto ka din ni Tyra ngayon. Mahirap tuloy ang set up niyo. "
"Unang una Rinn, wala akong sinabi na gusto mo si Tyrone, pangalawa kala ko ba lesbian ka, pangatlo wala pang kami at pang apat may reputasyon ako."
"Alam ko naman Cassie na ayaw mo biguin ang mga magulang mo pero paano naman yung kasiyahan mo? Ang reputasyon mo pwede ding mawala pero ang kasiyahan hindi, panghabay to. "
"Ewanko Rinn pero may nangyari nung friday lang. " tumingin ito saakin at tinaasan ng kilay.
FLASHBACK
"Cassie... " tawag nito saakin, tumingin ako dito na naka upo sa kama. "Ano yun? "
"May gusto lang sana akong itanong. " dahan dahan niyang sabi na para bang kinakabahan. Umupo ako sa tabi nito pero katahimikan ang bumalot saamin, nakaka ilang buntong hininga na siya pero wala pa din siyang sinasabi.
"Ano ba tayo Cassie? " buong lakas niyang sabi pero hindi tumitingin saakin, yung lakas ko kanina ay parang bulang nawala.
"H-hindi ko alam, Tyra. " tumawa siya pero pilit. "Silly me, boyfriend mo pala yung kuya ko. " tatayo na sana siya nang hilahin ko siya at yinakap.
"Please give us a time Tyra, parehas tayong incomplete na hindi pa pwede. Wag kang susuko. "
FLASHBACK ENDS
"Pagkasabi ko nun, tumango lang siya at yinakap din ako. " pag kwento ko dito at tinignan si Cassie na himbing na natutulog sa balikat ko.
"May balak ka bang pakasalan yang si Tyrone? "
"Actually no, wala akong balak pero si daddy kasi, nagpupumilit din."
"Cassie Cassie Cassie, hindi ko alam sasabihin pero... ayusin mo to, ayusin natin. " napangiti naman ako at ginulo buhok niyo.
"You have us Cass and stop playing with my hair gosh."
"Cassie! Tyra! Welcome back! " sigaw nina tita Anny at tito Arnold habang kumakaway bigla ko tuloy na miss sina daddy, nasa America sila ngayon.
"and oh, Rinn! Welcome back too! "
"Hello tita. " bati ni Rinn at yinakap niya ang mag asawang Tuaxon.
"Wow! So complete kayo ngayon, this means a Celebration!! " natutuwang sigaw ni tito Arnold at inakbayan kaming lahat bago maglakad. Sa kanan niya ay kami ni Tyra at sa kaliwa ay si Rinn, madalas din niya gawin ito dati kaya napapangiti na lang ako.
"Complete? Anong ibig mo sabihin pa? " oh shoot, we almost forgot that.
"Oh i mean, si kuya mo din ay naka uwi na kaya mag cecelebrate tayo. " tumango tango naman si Tyra habang si tito ay napa buga ng hangin, tumingin ako kay Rinn na naka ngisi at iiling iling saakin.
Hays, buhay.
--