Reputation 14

1226 Words
Tyra "Welcome hoooome! " pagkapasok na pagkapasok namin ay bumungad saamin sina Tyler, nanay Loren at kuya Tyrone na may hawak hawak na banner pati na rin party popper. "And welcome back to you, Rinn. " naiiyak na lumapit si nanay Loren kay Rinn saka yumakap. "Salamat po nanay. " lumapit din si kuya Tyrone para yakapin si Cassie, umiwas ako ng tingin dahil may kirot sa puso na tuwing makikita ko sila magkasama ay hindi ko mapigilang makaramdan nito. "Kawawa ka naman ate wala kang kayakap, ako na lang hug mo. " panunukso saakin kapatid ko kaya imbis na e hug siya ay dumiretso ko dito sa likod niya para yakapin sina Tyler na bulldog ko at Ty na Siberian husky. "owww i miss you too guys. " hinalkan halkan ko si Ty saka yinakap ng mabuti. "Kawawa naman tong kapatid kong to. " inakbayan ni kuya si Tyler saka ginulo yung buhok, para kasing nalugi siya bukod doon napahiya pa siya at napagtawanan ng nga oldies. "Tara na sa hapag kainan, madami kaming hinanda! Mga paborito niyo at buti na lang Rinn nakapag luto ako ng kaldereta ko! " masiglang hinila ni nanay Loren si Rinn at Cassie sa hapag kainan, hindi naman tumanggi yung dalwa dahip halata namang natatakam na sila. Katabi ko si Rinn at Cassie kaya napapagitnaan nila ako. Katabi rin ni Cassie si kuya kaya yung attention ko ay na kay Rinn. "Rinn, try mo tong lasagna ni mama masarap. " buong galak niya naman ito at tinikman. "Masarap nga tita! " natuwa naman si mama kaya naparami din ang kain ni Rinn sa lasagna, nagulat na lang ako nung may chicken sa plato ko. Tumingin ako kay Cassie na pinaglalagyan niya pa ng Pizza. "You don't have to do this Cassie, si kuya asikasuhin mo. " sabi ko dito saka pinagpatuloy yung paggayat ng chicken. "Kaya na niya yan, he's a grown man na. " napatawa naman ako kaya hinayaan ko na siya, this woman makes me crazy lalo na nung hinihimas himas niya yung legs ko sa ibaba ng lamesa. "So how's your vacation with Tyra, Cassie? " tanong ni papa. Pinunasan muna ni Cassie yung bibig niya bago sumagot. "Masaya po tito, madami din kaming na try na mga activities at bago lang. " Even sa palengke ay nakapunta kami, tinry din naming mamelengke para may ulam kami. "Mabuti naman, kita ko naman sa mga mata niyo at labi na nag enjoy kayo. " ako lang ba nag iisip na double meaning yun o sadyang madumi na talaga isip ko, oh gosh. "That's true, Pano niyo nga pala nahagip si Rinn? " "Well ma, biglaan lang talaga ang lahat at napa sugod kami sa shop niya sa paris. Napaka ganda ng nakuha niyang pwesto. " tumingin si papa saaming tatlo at pinag siklop ang mga kamag niga bago ngumiti na para bang naiiyak na. "Proud ma proud kami sainyo. " tumango sina mama at Nanay Loren. Tumango lang sina Cassie at Rinn habang naka ngiti ng sagad. Parang may hindi ako alam. "Opps stop that drama, who wants to try this red wine na nabili ko. " mukhang masarap kaya pinatulan na namin. Pagkatapos naming kumain ay pumunta ang oldies sa sala at kaming tatlo ay sa mini bar kasama yung red wine ni kuya. "Hmm ang sarap pero i want vodka. " naghanap si Rinn ng gusto niya sa mga naka display doon, ganoon din si Cassie kaya sa paghahanap nila ay nagka untugan sila. "I got- ouch! " "Hahampas ko to sayo! " "Sige subukan mo! " "Ops guys stop that, kunin niyo na yan. " kinuha na nila ito at nag serve na nang para sakanila. Margarita para kay Cassie at Vodka kay Rinn. Nag palitan din sila kaya no choice kung hindi tumikim na din ako. "Rinn, look. Mukhang masarap yun oh. " turo ni Cassie sa itaas kaya napatingin si Rinn doon. "ay oo nga, wait kunin ko. " masayang makita na nagiging close na sila sa maikling panahon, i think makakabuo kami ng magandang friendship pero kay Cassie kasi, i want more than friends. I want her to be mine, the love of my life at ang makakasama ko habang buhay. Nakatalikod si Rinn saamin kaya tinake ni Cassie yung chance para halikan ako, hindi na ko naka reklamo pa dahil nalulunod na ko sa mga halik niya. Naging mapusok siya at naglalakbay yung kamay niya sa legs ko. "Hmmm. " "Got it!" humiwalay na kami at humirit pa siya ng smack bago kuhain yung bote. Sakto namang pumasok si kuya Tyrone at hinalkan si Cassie sa pisngi. Imbis na ako ang mapataas ng kilay, mas mataas pa ang kilay ni Rinn sa nakita niya. May gusto ba to kay Cassie? "Why are you here? " masungit na tanong ni Rinn, yeah Rinn go for it! "Woah easy this is our house. " inakbayan niya si Cassie at ininom yung nasa baso ni Cassie. Oh jeez, tumayo ako para kuhaan ng bagong baso yung pinakamamahal ko. "I mean sa room na to, Girls bonding namin to noh. " napangiti naman ako habang pabalik sa upuan ko. "Ugh what? Tyra oh, si Rinn. " pag sumbong nito saakin. "Sorry kuya pero only girls are allowed. " "Okay fine, aalis na ko. Sabi nga pala nina Dad dito na kayo matulog. " turo niya sa dalawa at tumango ang mga ito. "Enjoy! " last na sinabi nito bago sinarado, tumayo si Rinn at linock ang pinto. "ayan, para safe. " nag kwentuhan lang kami habang nainom at nakain. Simple lang pero naging maayos at masaya ang gabi namin. Medyo tipsy na kami ng makalabas ng mini bar sa bahay, hating gabi na din kaya tahimik na ang paligid at medyo madilim. Nangunguna si Rinn sa paglalakad at sabay naman kami Cassie, silang dalawa ang pinaka lasing dahil sunod sunod ba naman uminom. "Hmm Tyra. " umakbay siya saakin saka ngumiti. Ugh this woman, ang bigat. Inunahan niya ko sa paglalakad saka kinuha yung apat na sunflowers naka display. Sasawayin ko sana siya ng bigyan niya si Rinn ng isang sunflower. Napatigil naman ako sa lakad at nakaramdam nanaman ng kirot, eto na ba yung sinasabi nilang 'selos'. "Thank you Avreaaa! " ngumiti ng matamis si Rinn bago ito yumakap. Pumunta si Cassie saakin at binigay yung tatlo pang sunflowers. Lahat ng 'selos' na nararamdaman ko ay napawi na parang bula, ngumiti ako bago ito tinanggap. What a sweet gesture for a drunk woman. Nagulat ako nang siniil niya ko ng halik pero saglit lang iyon, napa tingin ako kay Rinn naka tingin saamin. "Tara, i want to sleep na. " yaya nito na nakangiti ng todo, so much smiles for today. Pumunta kami sa kwarto ko at kaagad kaming bumagsak sa kama. Gumapang kami mula sa unan at nagkumot, ako sa gitna nila habang si Rinn ay naka hilig sa balikat ko at si Cassie naman ay nakayakap saakin. Ang cute namin to be honest. "I mish u guys, sana ganito lagi. Wala nang magbabago. " salita ni Rinn saka nang natulog. Tumango naman si Cassie at hinalkan ako sa pisngi. Sana hindi matandaan ni Rinn yung nakita niya kanina, yung paghalik saakin ni Cassie at sa kalasingan nila ay kung ano ano na pinagsasabi nila. Hay buhay, full of surprises . --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD