Tyra
"Hello Tyler! " bati ko at kumaway sa gilid bago umupo sa tabi ni mama. Hindi ko naman maiwasan na mapa ngiti ng sobra dahil sa inis na inis na mukha ng bunso namin. Kakatapos ko lang maligo at magpalit nang pambahay bago bumaba dito at nadatnan sila na kumakain na.
"Worf! Worff!! " sagot naman nito.
"Good boy Tyler! Catch! " saka ko hinagis yung dog food and yes, I named our bulldog 'Tyler' na name din ng bunsong kapatid ko. I don't know kung anong pumasok sa isip ko basta pinangalan ko lang sa aso namin yun.
"I really hate you. " pabulong na sabi niya sakin.
"I love you too. " pabulong ko din na sagot saka kumindat dito bago napatawa nang irapan niya ako.
"Stop that, kumain na kayo. " nasa Garden kami ngayon habang nakain ng merienda kasama si nanay Lorena, may pagka matanda na din si nanay. Yaya siya namin nina kuya pati na rin si mama, simula nung linuwal daw si mama ay si nanay Lorena na yung nag alaga dito hanggang ngayon kaya alam ni nanay yung nga pinag daanan ni mama. Walang pamilya si nanay kaya tinuring na namin siyang isang tunay na pamilya at dito na pinatira para makabawi daw si mama sakanya plus mahal na mahal to ni mama na parang tunay na niyang ina.
"hmm i miss your churros nanay!" masiglang sabi ko dito sabay yakap sakanya, totoo naman. Lagi siyang naghahanda saamin dati nito. Churros na may ka partner na chocolate habang nag kekwentuhan, minsan nga ay sinasamahan pa namin ito ng vanilla ice cream na paborito ko.
"Jusko po kang bata ka, hindi ka na nag bago! " natutuwa nitong sabi saka ako kinurot bahagya sa pisngi, ito ang paborito niyang gawin simula nang bata pa lang kami.
"I will not nanay. "
"Siya nga Pala Tyra, pinapapunta ka ng kuya mo sa Silvertree Restaurant para mag dinner. " Banggit ni mama habang kumakain din, nag tataka naman akong tumingin dito dahil bakit doon pa. Pwede namang dito kung gusto niya pag usapan yung naging attitude ko kahapon sa party, saka hindi ko kasalanan kung ako yung naging center of the attention kahapon kaysa sa girlfriend niya. Ni hindi ko nga alam na ako pala, masyado akong naging busy sa pagiging bored ko saka totoo naman na hindi ko talaga kasalanan dahil si tito Avniel naman ang nag announce na ako ang nasa likod ng mga designs na iyon so bakit parang kasalanan ko pa?
"Why? " inis kong tanong bago sumubo.
"It's not about the party don't worry, kinausap ko na sila about diyan and they cleared na there's no big deal. Masyado lang ano yang kuya mo pag pasensiyahan mo na. " tumango na lang ako saka pinag patuloy ang pag kain. "But you still need to go Tyra, someone's giving you a proposal. " napa buntong hininga naman ako saka binaba yung hawak hawak kong utensils.
"Ma, as soon as possible gusto ko nang makabalik sa America. Naandun yung pinaka company ko saka ayoko muna tumanggap ng mga gawain dito. " pag sasabi ko nang totoo, although i have my own branch here sa PH na pinapatayo pa lang naman ayoko pa din and everything is going perfect here. My assistant is doing a great job finding employees and everything, napa hanga pa ako dahil may mga clients na, but i think mas gusto ko pa din sa America since i started there first, doon nag bunga lahat ng pinag hirapan ko.
"Tyra, hindi mo pwede tanggihan yun-"
"Yes i can mama. " pag mamatigas ko, I have all the rights to say no.
"For your brother please. " napa isip naman ako doon kasi kuya ko pa din siya after all kahit na minsan ayoko at naiinis ako sakaniya including yung ugali niya. If ever i am going to accept the offer nang hindi pa tapos yung pinapagawa kong company dito, magiging special treatment ito or pwede ko siyang tanggapin as a project sa company ko sa America.
"I will try. " maikling sagot ko.
"Pinapa bilis na din ng papa mo yung pag gawa ng company mo dito para makalipat ka na and one more thing, do this for your family and nanay Loren. Wag ka muna bumalik ng America dahil namiss ka namin at magpapakasal na din ang kuya mo. " napa ubo naman ako sa sinabi ni mama kahit wala na ko kinakain, agad kong kinuha yung tubig at ininom ito.
"Gosh, bakit ang bilis!? saka i have no plan to stay here for good, i don't also have a plan to base my--"
"Tyra, please. Stay here in the Philippines, naandito kame. Ayaw mo ba kami makasama? " Napa hilamos naman ako ng mukha ko dahil sa inaakto ng ina ko. Ginagamit nanaman niya ang pagpapa awa niya knowing na hindi ko siya matitiis, my gosh.
"Ma, hindi naman sa ganoon but i also have to consider my assistant and her decision. " pagsasabi ko ng totoo, nahihiya naman ako kahit ako ang boss niya. May pamilya din naman yung tao.
"Don't worry, she's okay with that. Favor pa daw sakaniya since naandun ang family and Boyfriend niya. " napa nga nga naman ako sa sinabi nito na parang everything is planned and naayos na.
"You planned all of this? "
"Yes, kaya please Tyra stay here. Kakasal na ang kuya mo, ikaw kailan? ni boyfriend nga wala ka pati manliligaw mo hindi mo pinapansin kaya sumusuko sila agad. " Napa iling naman ako at napa hilot ng sintido ko. If they really love me, they have to pursue me pero seeing them giving up agad, hindi nila ako mahal. Halo halo na ang nararamdaman ko, sobra akong naiinis at nalulungkot knowing na wala na ako magagawa kung hindi mag stay dito saka bakit naman ata sila nag mamadali sa kasal nila? Dahil ba ito sa merging ng company?
–
Bumaba na ko ng kotse ng maka dating ako sa restaurant, binati ako nung guard pati na ding yung waiter na naka abang, hinatid niya ako agad papunta sa table ni kuya Tyrone na nasa VIP area.
"Sorry, am i late? " tanong ko kay kuya nang maka beso ako sakanya.
"No, you're just in time. " tumingin ako agad sa nagsalita sa likod ko kaya laking gulat ko nang makita ang girlfriend ni kuya, kala ko ba kaming dalwa lang ni kuya?
"Kuya, kala ko ba tayo lang dalawa? " agad kong tanong, wala nang bati bati sa girlfriend nito.
"Hindi ba nasabi ni mama na kasama natin si Cassie? " agad naman akong sumagot ng 'no' at umiling pa. Pano ako makakapag concentrate at makakapag reklamo kung naandito mismo yung distraction.
"Okay, hayaan mo na at naandito naman na tayong lahat. Take your seats na, ladies. " No choice na ko dahil naandito na, nasa harap ko naman sila umupo magkatabi. Hindi ko alam kung tama ba itong pwesto namin dahil hindi ko maiwasan tapunan ng tingin si Cassie. Napag desisyunan namin na kumain muna kami bago mag usap, ramdam ko naman na parang may nakatitig saakin kaya nag angat ako ng tingin ko. Right, kuya's girlfriend is staring at me and smiling sweetly to me when i look back. Hindi ko alam kung in a friendly way ba yun or is she seducing me? Don't get me wrong, hindi ako mahangin. I'm just stating what i see, base on her smile and eyes. I can see seduction and excitement? or is she f*****g teasing me? Whatever, pinagpatuloy ko na yung pagkain ko at sinerve na yung dessert. Doon ko na napag pasyahan na magsalita na.
"So, saan tayo mag start? " tanong ko, dahil hindi ko alam kung ano unang e tatanong ko.
"Proposal muna. " maikling sagot ni kuya habang busy sa kinakain niya.
"Kaninong Proposal? "
"Mine. " sagot ng girlfriend ni kuya, hindi ko naman maiwasan ulit na daanan siya ng titig mula sa blonde niyang buhok papunta sa kulay asul niyang mata.
"Gusto ko sanang ikaw yung mag design ng company ko, gusto ko siyang e rebuild pero bagong design. " straight to the point niyang sabi, this time napaka seryoso na niya.
"I'm sorry pero babalik na agad akong America." Gulat na tumingin saakin si kuya at napatigil din siya sa pagkain niya. Alam kong nag usap na kami ni mama tungkol dito pero seeing kuya's reaction, mukhang wala siyang alam doon pati na din itong babae na to na mabilis naman natago ang pagka gulat niya.
"Tyra, pagsasabayin ko na. In 9 months papakasal na kami ni Cassie at kung tungkol diyan sa company mo dito sa pilipinas. Pinapa bilis na ni papa at pwede mo naman tanggapin na agad yung proposal. " pursigido nitong sabi.
"Kuya, pwede akong bumalik dito sa pilipinas bago yung wedding niyo. " nagpipigil lang talaga ako ng inis saka hindi ako tumitingin sa babae dahil i can't deny na natutulala ako at nalulunod sa mga mata niya.
"No, gusto kong nasa pilipinas ka ngayon para saamin at kina mama. We need everyone's opinion at kasama ka na dun. " what the heck, wala naman akong kaalam alam sa wedding na yan saka i think kaya na nila yan. May wedding planner naman sila, pwede pa nila kuhain yung pinaka the best.
"At saka about doon sa Proposal, accept it. Regalo mo na yun saamin pati na rin yung pag design ng bahay namin but don't worry you are still paid. " hirit pa ni kuya sabay ngiti.
"Damn it fine. Parang may magagawa naman ako pag tumanggi pa ko. " sabi ko bago umirap saka tumingin na doon sa girlfriend niyang kanina pang hindi nag sasalita, naka titig siya saakin kaya ginantihan ko din. Napa ngiti naman siya at nag wink. Napa ilag naman ako doon dahil sa binigay na weird feeling niya saakin. Dukutin ko kaya mata nito.
"Bukas kayo mag start ni Cassie. "
"Kami? " takang tanong ko ulit at napatingin sakanilang dalawa.
"Yes, kasama mo siya para makita niya yung dinedesign mo and she can also give idea kung paano ang gusto niya. " i hate my life really.
"I hope we can bond Tyra. " muling nagsalita yung girlfriend ni kuya at saka ngumiti nanaman. What the heck, mang seseduce tas seseryoso tas mang seseduce nanaman. Ang g**o niya, hindi ba pwedeng magpaka friendly look naman siya. For pete sake, girlfriend siya ng kuya Tyrone ko.
"Right, sana magkasundo kayo just like before. " just like before? napa kunot naman ang noo ko at magtatanong na sana nang maunahan ako ng blandidang ito.
"The food is good, we can order more and i am also looking forward to know you more Tyra. " Ngumiti nanaman siya nang pagkatamis tamis.
Napa buntong hininga na lang ako at tumango, how I hate my life here in the Philippines but somehow. I kinda like it and it excites me.
--