Tyra
"Ate! Bumaba ka daw, may bisita ka sa baba! " napa irap naman ako ng sumigaw si Tyler mula sa pintuan ko habang nakatok, sino ba kasing bisita yan. Iniistorbo yung pagpapahinga ko, sa pag kakaalam ko wala akong kaibigan dito sa pilipinas plus kahit assistant ko yan or employees or kahit sino man related to work ay mas prefer kong mag meet sa labas.
"Susunod na! " sigaw ko din at bumaba na ng kama. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, sa baba lang naman punta ko kaya hindi na ko nag palit. Ayos naman yung short shorts, malaking t-shirt, messy bun at slippers pagkatapos noon ay bumaba na ko. Nagtataka naman akong linibot yung mata ko sa living room, wala naman akong nakikitang bisita o tao man lang. Nakababa na ko at tutungo dapat ako sa kusina nang may narinig akong sigaw sa labas mula sa naka bukas na sliding door, pumasok doon ang magandang babae kasama ang bulldog naming aso at nagtago sa likod ko. Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko muna dahil mukhang natakot talaga yung isa, mabait kaya tong bulldog namin.
"Tyler! Stop! Tyler! " pagpapakalma ko saka kinuha yung collar nito bago tinali mula sa labas, tumingin ako doon sa babae na pawis na pawis.
"Really? you named your dog 'Tyler'? " hindi makapaniwalang tanong niya habang nag pupunas ng pawis, i don't know pero i find it hot kahit nag pupunas lang ito. Kung hindi ako nagkakamali hinabol to ni Tyler para makipag laro, ganoon kasi yung aso na yun pag may nakikitang hindi niya kilalang tao akala niya makikipaglaro sakaniya.
"Yes. " simpleng sagot ko bago nagpakuha sa dumaan na kasambahay ng maiinom at pagkain.
"Your brother's name is Tyler am i right? " tumango ako bago umupo sa sofa at ganoon din yung ginawa niya. She's wearing a gray dress above the knee with a pitch blazer.
"isn't cute? " tanong ko pa habang naka ngisi, sakto namang pag dating nung mga pagkain. Agad naman siyang uminom ng tubig pagka hain nito.
"That's bullshit. " singit nung kapatid ko na si Tyler at umupo sa tabi ko saka kumuha nung bread. Walang hiya talaga to, mabuti na lang madami yung hinain saamin.
"He's right, that's bullshit. " pag sang ayon ni Cassie kay Tyler, napa 'see' naman si Tyler at binelatan pa ako. Nag hanap pa ng kakampi ang gago.
"I don't care, tumaas ka na. May pag uusapan pa kami. " tapik ko sakanya, bago siya tumaas kinuha na niya yung isang klase ng tinapay saka tumakbo. Mukhang nasarapan siya doon.
"TYLER! "
"Akin na to, kumuha ka na lang ulit. " napa buntong hininga naman ako saka tumayo para kumuha sa kusina, bago ako maka alis kailangan ko muna dumaan sa harap niya kaso hinila niya yung braso ko at napa upo sa tabi niya.
"No need, i already ate before going here. "mahinang sabi nito dahil napaka lapit niya saakin, yung hininga niya tumatama na saakin. Hindi ko matatanggi na ang bango niya. Sobra. Naka tingin lang ako ngayon sa mata niyang kulay blue, sa pag kakaalam ko ay may lahi ang mga Savedra dahil mga blonde hair ang mga anak nito pero iba iba ang kulay ng mata nila. Hanggang sa bumaba na yung tingin niya sa lips ko, nakita ko naman na napalunok siya at binalik ang tingin sa mga mata ko. Nagulat na lang ako nung pumikit siya saka ilalapat na yung lips niya sa lips ko nang kurutin niya yung binti ko.
"Ouch! " lumayo ako sakanya at tinulak siya bahagya sa balikat niya. Ano bang problema niya? Aaktong hahalikan ako tas panggigilan ba naman yung binti ko, saka bakit niya ko hahalkan? Hindi ba siya aware na parehas kaming babae at for pete sake, girlfriend or fiancé na siya ng kuya ko! May singsing na nga e! Walang hiya tong babaeng to, hindi na nakuntento sa isang Tuaxon!
"Hey ladies! " bati ni kuya at umupo sa tabi ng girlfriend niya. Parehas sila ni kuya na naka business attire, siguro pupuntang opisina ang mga to. Tumayo ako at umupo sa harap nila para maging maayos yung usapan o kung ano man kailangan nila saakin.
"Anong kailangan niyo? " impatient na tanong ko dahil hindi pa rin ako maka get over sa nangyari kanina, eto namang si Cassie e parang walang nangyari kung maka straight face.
"Having a bad day sis? " nung dumating kayo oo! Sinuportahan ng kamay ko yung ulo kong naka hilig to make a boring gesture. Bahala kayo diyan.
"Well, gusto lang namin sabihin sayo na may e cacancel kami. " Yes! Yes! Yung kasal yun! No, yung proposal yun please or pwede din both. Mas maganda yun, tinaasan ko sila ng kilay senyales na ituloy nila.
"E cacancel namin yung about sa company ni Cassie, e rerebuild na lang yun for respect to her grandfather pero yung sa bahay namin ay tuloy. "
"And yung wedding? " pahabol ko na ikinangisi naman ni Cassie.
"Tuloy princess. " sagot ni kuya, nag buntong hininga muna ako bago inayos yung upo. Yung kita yung pinanggigilan niya kanina, ano pa ba edi yung mahaba at mapuputi kong legs. Kita ko naman na napatitig doon si Cassie at laking ngiti ko naman. Ano ka ngayon huh, kita niya ba yung namumulang parte sa legs ko bwiset.
"Worf! Worff! " galit na singhal ni Tyler na naka silip sa sliding door, nakatingin siya ng nakakatakot kay Cassie na ikinagitla naman niya. Naramdaman ata ng aso ko na may nag momolestiya sa amo niya, good boy.
"Nasaan pala si Ty? " takang tanong ni kuya Tyrone saakin ng makita niya yung bulldog ko. Si Ty naman yung aso kong Siberian husky.
"Nasa loob ng kwarto ko. " simple kong sabi, napa kagat naman ako ng labi kong makita si Cassie na halatang nagulat at nakatitig lang saakin. Siguro iniisip nito baliw ba ko para ipangalan sa mga aso ko ang name ng bunso namin, next time pangalan naman niya.
"Mga anak, naka hain na yung dinner. Naandun na din yung mama at papa niyo. " Naka ngiting tawag saamin ni nanay Loren, tumango naman kami at pumunta na doon pero pinuntahan ko muna si Ty sa loob ng kwarto ko para ibaba siya at maka kain na din.
"Ty! Let's go! " agad naman siya lumabas at nakipag unahan saakin, i luv dogs. Wala namang problema doon sina mama at papa. Gusto ko pa nga ng maraming aso at iba't ibang lahi pa. Mas maganda pag si Cassie nakuha ko din, oh my gosh! Ano ba tong iniisip ko.
Umupo ako sa tabi ni Tyler, yung kapatid ko at katabi niya din si nanay Loren habang nasa harap nila ay yung mag syota at si mama.
"Tyler, palit tayo. " magkatapat kasi sila ni Cassie habang yung katapat ko ay si kuya, na bibiwisit ako pag kaharap ko si kuya.
"Bakit? " bulong niya.
"Basta." no choice naman siya dahil mas matanda ako sakanya, nag start na kaming kumain habang nag kekwentuhan. Nalaman ko na mag sisix years na pala sila at nangyari yun nang umalis ako ng pilipinas para mag aral sa US, hindi masyadong cliché yung love story nila dahil mag best friend naman yung family namin sakanila at walang umepal. Nalaman ko din na, tatlo silang magkakapatid na babae at siya ang panganay. Nasa America daw yung dalwa at doon nag aaral.
"Kelan sila uuwi? " tanong ko, napatingin naman siya sakit at dinilaan muna yung lower lip niya. Na curious ako dahil never ko pa naman na meet mga kapatid niya or kung sino man na Savedra noon kaya nag tataka din ako kung paano nag meet tong pamilyang namen at pamilya nila.
"1 month before my wedding. "
"Dad! Unfair, dapat nasa America ako ngayon. "
"Tyra, naandito ka para saamin at para makapag break ka sa trabaho mo. Masyado kang workaholic at hindi maganda yan. " hindi na lang ako nag salita dahil naiinis na talaga ako pero naiintindihan ko naman. Hindi naman nila alam na nag tatrabaho pa din ako ngayon kahit nasa pilipinas ako, i have my ways.
"How old are you Tyra? " biglang tanong ni Cassie at uminom ng wine.
"I'm 25, you? "
"26." 27 na si kuya, hindi na rin masama. Patuloy parin siya sa panunukso saakin gamit yung p*****a sa lips niya habang nakatingin saakin, nag uusap naman sila about sa business ng may binulong saakin si nanay Loren.
"Ang gandang dilag niya diba? " tanong nito habang nakatingin kay Cassie na nag sasalita, ang ganda ng boses niya. Kayang kaya ko tong pakinggan kahit about sa business yung pinag uusapan nila, kahit nga tumahol lang din siya ay okay na.
"Mas maganda po ko diyan. " napatawa naman si nanay Loren at inakbayan ako.
"Parehas kayong maganda, sa tingin ko ay hindi mo siya natatandaan. " Umalis na kami sa hapag kainan at dumiretso sa sofa.
"Nag meet na po ba kami noon? " may pagtataka kong tanong.
"Kababata niyo siya. " pag cocorrect niya saakin.
"Hindi ko ho talaga siya maalala. "
"Huwag kang mag alala hija, bukas i kekwento ko lahat sayo. Ngayon ay matutulog na ko, hindi ko na kaya mag puyat. " tumawa naman si nanay Loren at sinamahan ko na siya makapunta sa kwarto niya. Sakto namang pagkaharap ko ay naandun din si Cassie, ang lapit ng mukha niya. Hinila ko siya sa swimming pool area bago pa siya makagawa ng ikina iinis ko at maganda doon dahil walang tao.
"Let me go! " sigaw niya na ikina tigil ko at tinakpan yung bibig niya, nagulat naman ako nung pagkalapat ng kamay ko ay saktong naka feel ako ng uncomfortable at hindi ko alam yung feeling. Agad ko namang inalis yun ng maramdaman ko yung ngisi niya at malambot niyang lips, hindi na ko naka tiis kanina pa niya ko inaasar.
"Tibo ka ba? " naasar na tanong ko sakanya, wala nang hiya hiya!
--