Tyra
"Tibo ka ba? " naaasar na tanong ko sakanya, wala nang hiya hiya!
Bigla naman siyang tumawa ng malakas pagkatanong ko nun, yung tawang nangangasar at hindi makapaniwala. Gustong gusto ko na lamunin sarili ko at mawala sa mundong ito sa kahihiyan. Sa buong buhay ko hindi ko pa to nagagawa pero hindi ko pa din talaga maiwasan na mapatigil at mapatitig sakaniya, para akong hinehele sa ganda ng boses niya at kahit sa pagtawa. God, how could someone be this beautiful?
"Unfortunately no, as you can see i have a fiancé and that's your brother. " simpleng sagot nito.
"Okay. " aalis na dapat ako nang hilahin niya yung braso ko pabalik, puta. Kanina pa to ah.
"Why? " bored kong tanong kunyari hindi ako nahihiya sa tanong ko kanina, that was so unappropriate to ask.
"Nothing." umalis na ko pagka sabi ko nun dahil hindi ko na nakayanan, pumasok na ko nang kwarto ko para makapag linis na ng katawan at makatulog na din. I'm just hoping na makalimutan niya yung scene kanina at ma cancel din yung kasal nila at yung bahay nilang pinapa design saakin. Alam ko naman na pumayag ako kahit ayoko pero kung hindi ko naman gagawin wala naman sila magagawa diba, mindset ba mindset.
"Hello? Yes, speaking. One of my architects will assist you for today. Okay, no problem Mr. Alejandro. Goodbye. " that's my new applicant in London kaya agad kong inimail yung isa sa mga pinaka magaling na architect ko para mag asikaso sakanya, pagkatapos nila gawin ang dapat nilang gawin ay pinapa verify nila saakin bago e approved at ipakita sa clients namin.
"Sinasabi ko na nga bang bata ka. " gulat akong napatayo sa upuan ko at nakita si mama na nakatayo sa pinto ng kwarto ko.
"Hindi porket cancel lahat ng pinapagawa sayo ng kuya mo e mag tatrabaho ka na at saka ano sabi namin sayo kung bakit ka naandito? " sermon niya habang sinasara yung laptop ko, buti na lang na email ko na yung architect ko. And yes, cancel lahat. Yung redesign ng company ni Cassie, yung bahay nilang pinapa design saakin at most importantly na move yung kasal nila ng one year and 6 months dahil sa busy sched nilang dalwa lalo na si kuya na next week ay lilipad na sa Thailand para asikasuhin yung company namin doon. One week na din ang nakakaraan nung mangyari yung you-know question na walang kwenta. Kaya sobrang saya ko na nacancel lahat, after all may awa ang Diyos at may liwanag sa dulo.
"Last applicant ko na si Mr. Alejandro and i will take a vacation na. Mag fofocus na ko sainyo and sa company ko dito. " paninigurado ko kay mama saka ngumiti ng pagka tamis tamis, i know she can't no to me by doing that. Ganito din naman ang ginagawa niya saakin para mapapayag ako ang magpa awa, might as well do that to her mindset ba mindset. Napa buntong hininga na siya at napa sige. Bumaba na ko at nag paalam na bibisita muna ako sa ginagawang building ng company ko.
"Umuwi ng maaga Tyra, bukas na alis natin para sa vacation. " pagpapaalala ni mama, may five days vacation kami sa boracay bago umalis si kuya.
"Sama ako! " sigaw ni Tyler.
"Bawal. "
"Hala, pag ako bawal pag sila pwede? " nagtatampong banggit nito. Natutuwa ako sa reaction nito kaya aasarin ko pa dapat siya ng maalala ko na kailangan naming umuwi ng umaga saka baka hindi ko ma meet yung head ng engineer.
"Fine, basta wag ka makulit doon. " napa thumbs up naman si ogag at nauna nang pumasok sa kotse ko. Handa pala si ogag kaya pala bihis na bihis, alam na aalis ako. Wala na kong nagawa kung hindi pumasok at nag drive na. I'm sure na sinabihan to ni mama na may balak akong umalis, knowing Ty he's interested sa engineering.
"Wow, ang laki pala ng pinagawa mo ate. " inilibot ni Tyler yung mata niya sa ginagawang building habang sinusuot yung helmet.
"Actually hindi dapat ganito kalaki ito kaso pina doble ni papa. " sabi ko dito habang tinitignan yung blue print ng masuot ko yung helmet ko.
"Ms. tuaxon! It's nice to see you! " bati nung lalakeng na nasa late 40s na kasing tanda niya lang ata si mama, siya yung may ari ng Valdez Engineering Co. Kaibigan din siya ni papa kaya nagka discount kami sakanya hehe.
"It's nice to see you din po Mr. Valdez. " sabi ko dito at nakipag shake hands, ganun din yung ginawa ng kapatid ko.
"To formal hija, Tito Ron na lang since kaibigan ko naman tatau niyo! " masayang sabi nito saka ginulo yung buhok ni Tyler, natutuwa to si tito kay Tyler.
"Sige po, no prob. "
"Oo nga pala, papakilala ko sainyo yung naka head dito and it happens na anak ko siya. " sabi ni tito Ron habang naglalakad kami papuntang table at may naka upo doong lalake.
"Anak this is Archi. Tyra Tuaxon the owner of this company and her brother Tyler. " pagpapakila niya saamin, ngumiti naman yung lalake that makes him cute.
"and this is my son. Engr. Reniel Gio Valdez."
"Nice to meet you." nakipag shake hands ako sakanya at ngumiti. Nakipag feast bomb din siya kay Tyler at ngumiti.
"So, i can tour you around to explain those things. " tumango naman kami at humiwalay sina Tito Ron at Tyler dahil pupuntahan daw nila si dad na nasa baba. Naglalakad kami ngayon habang ine explain niya yung ginagawa sa paligid habang ako ay tumatango at tinitignan mabuti. Na iilang ako minsan sa mga titig niya, ang creepy niya tumitig pero cute hihi.
"... We can assure you na, matibay ang building na to and maganda. " no doubts, alam ko naman na mapagkakatiwalaan sila since si papa din ang pumili.
"Okay. Thank you Engineer Reniel. "
"Ren na lang. " i was to say something ng dumating sina Dad.
"Mukhang may nag kakamabutihan dito ah. " sabi ni dad na ikinatawa nina Tito.
"Dad naman. " natatawang bigkas ko din at umiling-iling, pano ko tuloy sasabihin kina dad na yung anak nila ay may gusto sa both sexes pero the good thing is more on sa boys ako. Ma aattract lang ako sa babae then wala na, nag fade away na kaya hindi ko binibigyan ng label ang sarili ko kaya siguro ganito din ang nararamdaman ko kay Cassie na hindi ko masyado binibigyan ng pansin but it actually bothers me.
"Single pa ba si Tyrone pati si Tyra? " tanong ni tito Ron kay papa habang paupo kami sa table dito na may mga naka lagay na blue print.
"Si Tyrone hindi na, may Fiancé na siya. Si Tyra naman, wala pa saka wala pa ata siyang balak maging taken. " tumingin si dad saakin saka ngumiti, nakuha mo dad! Parang may balak pa ata si tito na ipagkasundo kami. Nako.
"Oh ganon ba, sayang naman pero Tyra don't worry naandito naman anak kong si Ren. Diba bagay pare, architect and engineer. " ang saya naman masyado ni tito, akala niya ata may something ako sa anak niya.
"Anak, gusto mo bang magka engineering sa company mo? Pwede kayong maging partners ni Engr. Ren. " Pag susuggest ni dad.
"Great idea! It's Tuaxon and Valdez Architects and Engineers Co. ! Kaso masyadong mahaba, what do you two think? " tumingin sila saamin saka ako patagong siniko si Tyler saka umiling.
"It's okay from me, how about you? " tanong ni Ren saakin.
"I'm sorry pero, i have to decline. Hihintayin ko si Tyler saka ako mag lalagay ng engineer sa company ko, mas maganda yun kasi parehas kaming Tuaxon. " pag eexplain ko dahil kanina pa ko sinisiko nito, pinag promise niya kasi ako na siya ang magiging partner ko paglaki niya. Hindi na ko tumanggi pa dahil kapatid ko siya saka hawak namin ang apilyido ni papa.
"So.. mag Engineer pala ang bunso mong anak! " tumango naman si Dad at ngumiti saamin. Alam kong masaya siya dahil dinadala namin yung apilyido niya at alam kong mas lalong masaya si lolo kung buhay pa siya.
"Sayang naman pero we respect your decision." banggit ulit ni tito. Nagpaalam na kami tatlo dahil nag aatubili na si mama sa kakatext at tawag saamin.
"Tara na, baka na usok na sa galit si mama. " natatawang banggit ni Tyler na ikinatawa namin.
"Hay nako, gusto ko lang sabihin sa inyo na... Proud na proud ako sainyo."
"Wag muna pa, hindi pa ko nakaka graduate e. " pagpigil ni Tyler, kala mo talaga e.
"Then make me more proud, ikaw din Tyra. " tumango ako saka sumakay na kami sa kotse, magkahiwalay kami ni papa dahil dala niya din yung sasakyan niya. Pumasok kami sa bahay na na usok na nga sa galit si mama, tas sumabay pa na hindi pa pala kami nakaka impake ni Tyler kaya habang nag iimpake kami ay sumabay yung pagbunganga saamin.
"Nako kayong mga bata kayo! Maaga akong mamamatay sainyo! " sigaw ni mama saamin habang naka sandal sa pinto ng kwarto ko, binuksan din ni mama yung pinto ni Tyler para marinig yung sigaw niya.
"Andrea, tumigil ka na. Mas lalo kang papangit niyan sige! " gusto ko sana matawa kaso baka madakdakan nanaman ako ni mama, pag ni nanay Loren talaga ang nagpatigil kay mama ay wala na siya magagawa. Narinig ko naman yung pagtawa ni kuya Tyrone habang papalapit saamin.
"Ma, easy. Ganda ganda mo e. " pangbobola ni kuya, sinarado ko na yung bag saka kumuha ng masusuot ngayon.
"Oo nga ma, sayang yung pagpapaganda niyo e. Labas muna kayo at ako naman magpapaganda. " sabi ko dito saka tinulak sila papalabas ng kwarto ko, patago namang nag apir kami ni kuya bago isinarado ang pinto. Naka suot na si kuya ng shorts, T-shirt at shades. Handang handa na e. Nag suot ako nang Romper, Dark blue siya kaya litaw na litaw yung kaputian ko at kagandahan. Off shoulder din kasi siya at shorts bukod mabulaklak din siya. Nag messy braid ako saka nag lagay ng light make up bago bumaba na kasama ang maleta ko. Daig pa namin yung mag iibang bansa sa dami ng maleta, isang tao isang maleta kasi jusko. 6 kami tas kasama pa yung girlfriend ni kuya.
--