Tyra
Pagkababa ko ng hagdan, i saw her. I saw the most beautiful girl I've ever seen sa buong buhay ko, the way she smile and laugh. Alam kong totoo yun at hindi peke. Yung mga mata niyang nag niningning sa sobrang saya habang nakikipag kwentuhan kay nanay Loren, ang ganda.
"Oh naandito na pala yung makulit kong alaga. " sabi ni nanay Loren habang nakatingin saakin, nakatalikod saakin si Cassie kaya dahan dahan siyang tumingin saakin saka ngumiti. Damn it.
"Paborito niyo naman. " hirit ko pa bago siya tumawa at tumango. Saaming tatlo ako ang pinaka makulit, sakit sa ulo at hindi makuha sa isang salita pero kahit ganoon ako ang pinaka paborito ni nanay Loren. Katulad ko daw kasi si mama noong bata pa ito at dalaga. Tungkol sa pinangako niyang kwento ay hindi pa natutuloy dahil may ginagawa siya minsan, ako at ang gusto niya ay kami lang dalwa.
"Tara na ladies! " sigaw ni dad saka kinuha niya yung maleta namin, nagsilabasan na sila habang nagpatira ako para kunin yung natitirang gamit.
"Let me help you. " hinawakan niya yung kamay kong nakapatong sa maleta ni nanay Loren. I feel something again, something na napaka lakas na matatalo pa si meralco.
"W-wag na, isa na lang naman toh. " pag babawi ko sa kamay ko, sobrang lapit niya actually. Hindi ba niya alam yung salitang 'space'. Umalis na ko kaagad at binigay ito kay dad, na tinutulungan ni Butler Jay at nung driver namin. Sasama nga pala si Butler Jay saamin para may magbabantay pa din, hindi maiiwasan na may magtangka saaming pumatay at accident.
Hours passed at nakarating na kami sa malawak na lugar na pagmamay ari daw ng mga Savedra, pumasok kami sa loob pero mas lalong lumawak pa at may mga helicopter, airplanes at kung ano ano pang klaseng pampalipad.
"Wow. " wala sa anong banggit ni Tyler. Gaano ba kayaman ang mga Savedra? Sumakay na kami sa isang private airplane, mas malaki ang mga upuan dito at mas komportable. Magkakaharap yung mga upuan, apat apat tas sa gitna nila may table. Magkatabi naman sina Dad at Tyler sa unahan, sumunod si nanay Loren at Mom, kuya Tyrone at Cassie. Ako ang panghuli na walang katabi.
"Tyra, okay ka lang diyan? "
"Yes, dad. Gusto ko rin naman mag solo. " tumawa si kuya Tyrone at tumingin saakin.
"Mag boyfriend ka na kasi. "
"Nah no thanks, I'm good. "
"Sus balita ko, bagay kayo ni Engr. Ren." pangangasar nito kahit kelan talaga napaka chismoso neto, nakita ko naman yung pasimpleng tingin saakin ni Cassie na parang naiinis sa nangyayari. Ano meron dito?
"Dad oh! " sumbong ko naman saka hinampas ng unan bago umupo sa likod nila. Lumipad na yung eroplano at katahimikan ang bumalot, natutulog na yung mga oldies kasama si kuya, si Tyler naman nag mumusic lang gamit headphones at si Butler Jay naman ay nasa tabi ng pilot. iidlip sana ako ng namalayan kong tumayo si Cassie at umupo sa tabi ko. Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay.
"What are you doing here? " pabulong na tanong ko dito.
"This.. is my plane?"
"I mean, dito. Sa upuan na toh? "
"Nothing, pwede naman ako umupo kahit saan diba? " hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa bintana.
"You know Pat- Tyra, we can be normal friends or like s-sisters. We can start again, yung normal. " parang ang bait nito habang sinasabi iyon saakin, parang may laman. Nung nasa states pa kasi ako, ang naririnig ko tungkol sakanya ay masungit, napaka sungit at pinaka sa mga masungit.
"Okay. " simpleng sagot ko, simple but i meant it. Para kay kuya Tyrone at kina mama. Alam ko naman na gusto nilang may connection kami nito.
"Friends? "
"Sisters in law. " nakangiti na may ngisi kong sabi dito kaya mas lalo itong napangiti at yinakap ako. Napa kagat naman ako ng labi ng hawakan niya ko sa bewang at hapitin pa ko. Oh gosh.
Nang makarating kami sa boracay ay mag gagabi na kaya nag punta muna kami sa sarisariling kwarto para makapag ayos bago kumain ng dinner. Si dad at Butler Jay ang magkasama sa isang kwarto tutal close naman yung dalwa habang si mom at nanay Loren, kuya Tyrone at Cassie, ako at si Tyler ang magkasama.
"Tyler, punta lang ako sa Jacuzzi. " pag papaalam ko habang kinukuha na yung mga kailangan ko.
"Sino kasama mo? Si ate Cassie? "
"Hindi noh! Ako lang! " agad kong bigkas saka umalis na, narinig ko naman tumawa muna siya bago nag babye saakin. Pumunta na ako at nag babad doon. Buti na lang ay solo ko ito ngayon at pinareserve talaga to ni daddy. Rinerelax ko ang sarili ko nang may naramdaman akong may nakatitig saakin kaya naglikot ang mga mata ko.
"What are you doing here? " agad na tanong ko.
"Sa tingin mo, ano? " hindi ko na siya pinansin at nagbalik sa ginagawa ko kanina.
"Do you remember anything about your childhood? " seryosong tanong nito at tinabihan ako.
"Wala. " totoo naman, ni isa sa mga ala ala ko noon ay wala akong naalala kahit yung mga birthdays celebration namin ay hindi ko din maalala. Kung hindi pa sinabi saakin ni nanay ay hindi ko malalaman. Ramdam ko naman na tumahimik siya kaya napatingin ako dito, she's smiling bitterly. Yung mga mata niyang napaka ganda ay binabalot ng kalungkutan. Ewan pero, i can't take it na ganyan siya kaya pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya. May saplot pa rin naman kami sa katawan.
"We're best friends Tyra. " sabi nito saakin at tumingin. Sa pagkakatanda ko noon ay wala akong naging kaibigan maliban kay Rinn, Rinn Gail Valdez. Anak ni tito Ron at kapatid ni Ren. Close friend ko lang si Rinn noong mga bata pa kami hanggang ngayon.
"and.. "
"and what? " tumingin na ko dito ng diretso at umalis na sa pagkakahilig ko dito. she smiled bitterly and look away from me. May binulong siya pero hindi ko naman narinig kaya linapit ko yung mukha ko sakanya, tinapat yung tenga ko sa bibig niya para marinig.
"Pardon? " naghintay ako ng sagot niya ngunit wala akong narinig, kaya tumingin ako dito na naka tulala din saakin bago kinagat yung tenga ko.
"Aray! Bat mo ginawa yun? " sabi ko sabay layo sakanya at hinawakan yung tenga ko. Para akong tanga dito na nanginginig at parang may kung ano sa katawan ko lalo na sa stomach. Tangina, bampira ba to?
"Nothing. " sabi nito sabay ngiti. Napaka weird, bwiset.
"Bilsan mo diyan, mag didinner na. " naramdaman ko naman na tumayo siya at umalis. Nagbabad muna ako ulit saka dumilat para mag ayos.
Hindi ako makapaniwala na, mag best friends pala kami dati pero bakit wala akong matandaan ni isang katiting na ala ala kasama siya. Matanda na ba talaga ako para makalimutan yun? Oh gosh sumasakit ulo ko kaka isip. Pagkapunta ko sa table namin near the sea ay lahat sila naandun na at nag seserve ng pagkain. Nasa pangtulog ang suot naming lahat dahil nakakapagod naman talaga ang araw na to, to think na galing pa kami sa mga trabaho namin. Bukas mag stastart ang bakasyon.
"So, how's the building Tyra? " tanong saakin ni kuya habang nakuha ako ng pagkain.
"It's okay, may tiwala naman ako kay tito at engr. Ren. " Bat hindi ko man lang napansin na magkamukha nga pala sila ni Rinn at daddy yon ni Rinn. ang sama ko namang best friend. Parang tanga naman si kuyang tumingin kina mama at papa na parang nag papanic.
"Y-you know them? " tanong ni kuya.
"Yes son, na meet ni Tyra sina Ron kanina at nag pakilala sila. " si dad na ang sumagot saka wala din akong gana makipag kwentuhan dahil nagugutom na ko saka ayoko din muna isipin yun dahil bakasyon to. Lilibangin ko muna sarili ko.
--