“Okay great! one more shot.Tingin ka sakanya and smile as if you guys were talking.Okay nice! okay good job guys let's take a break.”
Matapos ang photoshoot ay agad akong umupo at dali rin naman akong inabutan ng aking assistant ng bottle water.
“Ang galing mo talaga sissy! ang gaganda ng kuha mo.Hindi na kailangan dumaan pa sa matinding editing.Di tulad nung sa sairah na yun.Kung makasigaw akala mo napaka galing.”
Wika ni chloe na halatang iritadong iritado ang mukha.
“Sshhh sissy ano ka ba, yang bibig mo d'yan.Mamaya nand'yan lang yun sa tabi marinig ka pa.”
“Sus, malakas lang loob nun kasi kabit ni Mr.Montivon.Konting konti na lang talaga yang sairah na yan sakin.Subukan n'ya pang malditahan ka at baka magulat na lang sya na may humihila na sa buhok n'ya.I swear, isa pang gawan ka niya ng kamalditahan ako mismo mag sasabi kay Mrs.Madison tungkol d'yan sa kabit ng asawa niya.”
Saad ni chloe.Hindi ko naman maiwasang hindi matawa dahil halos malukot na nito ang plastic bottle sa kanyang kamay.
“Hayaan mo na sissy.Ang importante naman ay wala tayong taong tinatapakan.”
Saad ko na ikinanguso lamang nito.Im currently working as professional photographer here in manila.Halos dalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito at nagbabalak na rin akong magtayo ng sarili kong studio.
“Siya nga pala sissy.Kanina pa nag riring yung cellphone mo.Tumatawag ang nanay mo ayaw mo bang sagutin?”
Sa sinabing ito ni chloe ay muli akong nakaramdam ng lungkot at inis.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masasabing kaya ko na ulit makipag usap kay nanay tulad ng dati.Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko na ganun niya lang kadaling nalimutan ang papa.Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksyon nang malaman kong tatlong bwan pa lang ang nakakalipas mag mula ng umalis ako sa amin para mag trabaho dito sa maynila nang makarating sa akin ang balitang nag asawa na agad si nanay.At isa pa sa ikinagalit ko sa kanya nang malaman kong buntis na ito.Simula noon, ay hindi ko na kinausap pa si Nanay.Isa pa sa alalahanin ko ang aking kapatid na si Ayana.Ayon kay aling Weng na tanging contact ko sa aming lugar ay nag rebelde raw si Aya.Lagi raw itong umuuwi ng madaling araw na.At isa pa, dapat ay nasa collage na ito pero dahil dalawang beses na itong bumabagsak ay hindi ito makaalis alis sa third year dahilan upang lalo akong magalit kay Nanay.Halos araw-araw kong sinusubukan tawagan si Aya pero ni isa sa mga tawag ko ay hindi naman nito sinasagot.And worst, binlock nito ang number ko.I was really planning na mag resign na after five months.Binabalak kong mag tayo na ng sariling studio ko at saka ko kukunin si Ayana.Nag aalala na rin kasi ako sa kapatid ko na yun.Kung hindi ni Nanay maibigay ang aruga na kinakailangan ni Aya ay ako na lang mismo ang gagawa nun para sa kapatid ko.Muling inabot sa akin ni Chloe ang nag riring kong cellphone at rumihistro roon ang pangalan ni Nanay.Saglit ko itong pinagmasdan at bandang huli ay napagdesisyonan kong turn off na lamang ang cellphone.Agad ko iyong inabot kay chloe na mataman lamang akong pinagmasdan.Sa dalawang taon kasing pananatili ko rito sa Maynila ay wala ata akong sekreto na hindi alam nitong si Chloe.We're both living on the same apartment for almost two years at pati nga violet kong balat sa balakang na itinuturing kong lucky charm ay alam na alam rin nito.
“Okay guys 30 minutes is over.Let's back to work.Yung model make sure na naka ayos na.In just five minutes we're going to start.”
Saad ko habang pumapalakpak ang mga kamay.Tulad ng dati, buong araw kong ginugol ang aking sarili sa pagtatrabaho.Sa ganito kasing paraan nalilimutan ko pansamantala ang mga dinadala kong problema.Pero pagdating ng gabi, lahat ng alalahanin, kalungkutan,at problema ko ay isa isang nagsisink in sa utak ko.Gabi-gabi akong nilalamon ng kalungkutan hanggang sa makatulugan ko na lang ang pag iyak.Tapos pag gising sa umaga okay na naman ako.Dating gawi, gigising, kakain maliligo at papasok.Sa ganito umikot ang mundo ko sa dalawang taong pamamalagi ko rito sa Maynila.
Beshy huy!
“Ha? a-ano yun?”
Tanong ko kay Chloe habang tulalang nakahalumbaba sa lamesa.Kararating lang namin dito sa apartment at hindi ko na nga namamalayang tulala na pala ako.
“Ang sabi ko, ano ba ang gusto mong kainin? mag order na lang tayo ng food.Dahil ubos na pala yung stock natin ng ulam sa fridge.”
“Ha? ahm sige kung ano ang gusto mo yun na lang din ang akin.”
Saad ko habang iiling-iling na lamang ako nitong pinagmasdan.
“Hay naku sissy, tulala ka na naman d'yan.Iniisip mo pa rin ang mama mo 'no? alam mo advice ko lang sayo, kausapin mo na.Kahit ano pang pagkakamali niya, Nanay mo pa rin yan.”
Wika ni Chloe na nagpatahimik sa akin.Kasalukuyan kaming nakahiga na ni Chloe at hanggang ngayon ay dilat pa rin ang mga mata ko samantalang si Chloe ay humihilik na at mahimbing na ang tulog sa ibaba.Double deck kasi itong higaan.Bali ako ang nakapwesto dito sa itaas samantalang siya ay sa ibaba naman.Sa totoo lang, nagtatalo ang isip ko sa mga sinabi ni Chloe kanina.Kung tutuusin ay may point naman siya.Nanay ko pa rin siya at kahit ano pa ang kasalanan niya, hinding hindi nun mababago na siya ang nag paaral, nagpalaki at nag aruga sa akin.Napabuntong hininga na lamang ako sa isipang ito.
“Tama, oras na siguro para ayusin ko ang relasyon namin ni Nanay.”
Sambit ko sa aking sarili at dahan dahang bumangon mula sa pagkakahiga at inabot ang litrato naming apat kung saan naka hang ito sa pader malapit sa aking uluhan. kumpleto pa kaming pamilya dito.Si Nanay, si Tatay, ako at si Ayana.Nakangiti kong pinagmasdan ang litrato naming apat at dahan-dahan iyong isinabit muli ngunit laking gulat ko nang bigla iyong mahulog.
“Shit.”
Saad ko nang pulutin ko ito at di sinasadyang mahiwa ang aking daliri ng frame na nag crack sa gitna.Nakapagtataka lang na nabiak ito sa gitna gayong hindi naman malakas ang pagkakabagsak nito at isa pa, sa foam naman ito bumagsak.Napakalakas ng kabog ng aking dibdib na kahit ako'y hindi ko rin mawari kung bakit.Halos manglaki pa ang aking mata ng mapagtanto kong natuluan na pala ng dugo ang litrato ni Inay.Labis ang kaba sa aking dibdib.Halos atakihin ako sa aking puso nang Malakas na tumunog ang aking cellphone sa kailaliman ng gabi
“Bakit tumatawag si Aling Weng ng ganitong oras?”
Tanong ko sa aking sarili at may pag mamadaling inabot ang aking cellphone.
He-hello aling Weng, napatawag ho kayo?
“Eneng, kailangan mo ng umuwi.”
Ho? te- teka bakit po ba? kinausap po ba kayo ni nanay? paki sabi po..
“Neng, wala na si Helena.Patay na ang nanay mo! umuwi ka na.”
Saad ni Aling Weng na nag paguho sa aking mundo.Halos hindi ko matanggap ang katotohanan mula sa narinig ko kay Aling Weng.Sinubukan ko pang matawa at magbingi-bingihan sa narinig.
“Patay na ang Nanay ninyo Amethyst.Umuwi ka na.”
Pag uulit ni Aling Weng habang pumapalahaw ng iyak sa kabilang linya.Nag umpisang mamuo ang luha sa aking mga mata.Unti unting lumalim ang aking pag hinga at hindi makapaniwala sa nangyari.Sa labis na pagkatuliro, mula sa itaas ng deck ay bumagsak ako pababa sa sahig.
Amethyst!!!!!!!!
Sigaw ni Chloe at mabilis akong nilapitan at hinawi ang mga buhok kong humarang sa aking mukha habang ako naman ay tila manhid at baliwala lamang ang pagkakahulog mula sa itaas.
“Diyos ko ayos ka lang ba amy? amy?magsalita ka!”
Sigaw ni Chloe habang hawak ang aking pisngi.Nag umpisang maglaglagan ang luhang pilit na pinipigilan.
Hi-hindi totoo yun.Hindi totoo.Hindi patay si Nanay.Tumatawag pa siya sa'kin kanina eh.Di-diba nakita mo? hmmm hmmm dibaaaaaaa? ahhhhhhh.Mama ko!!!!!
Hindi na napigilan pa ang emosyon at tuluyan na akong bumigay.Mabilis akong niyakap ni Chloe habang malakas akong pumapalahaw ng iyak.Dali nitong dinampot ang cellphone at kinausap nito si Aling Weng.
“Hello, opo, opo, ako na po ang bahala kay Amy.”
Wika ni Chloe habang mahigpit akong yakap yakap.