bc

The Unexpected Deal With Malik The Engkanto

book_age18+
279
FOLLOW
5.9K
READ
dark
HE
opposites attract
playboy
superpower
like
intro-logo
Blurb

Isang dalaga na may simpleng buhay at naninirahan sa isang maliit na baryo sa probinsya.Amethyst, simple ngunit may angking ganda at alindog na pumupukaw sa atensyon at damdamin ng mga kalalakihan.Masaya itong namumuhay kasama ang kanyang ina at kapatid na kapwa babae din.Sa edad na sampung taon, ay maaga nawalan ng tatay si Amethyst ngunit hindi iyon naging hadlang upang itaguyod sila ng kanilang ina.Nagsumikap ang kanilang ina upang mapagtapos si Amethyst sa kanyang pag aaral.Dahil nais ni Amethyst na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, nag desisyon itong lumuwas pa maynila at makipagsapalaran doon.Makalipas ang halos dalawang taon na pagtatrabaho sa maynila,nakatanggap ito ng tawag na siyang nagpaguho sa kanyang mundo .Pumanaw ang kanilang ina dahilan upang mapilitan siyang bumalik sa kanilang probinsya.Ngunit sa pagbabalik niya sa kanilang tahanan ay dito na magsisimulang magulo ang kanyang mundo.Ang pagdating ng isang estrangherong lalaki na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter1
“Anak, mag paalam ka na sa papa mo.” Wika ni nanay habang mugto ang mga mata.Ito ang araw ng libing ni tatay at halos di ako makapaniwala na wala na ito at kailanman ay hinding hindi ko na ito mahahagkan pa.Hawak hawak ang aking kamay ni nanay habang bitbit si ayana ay agad akong natigilan. “Amethyst, halika na.Alam kong ayaw ninyong malayo sa papa ninyo pero kailangan mong tanggapin ang katotohanang wala na ang papa mo.” Naiiyak muling saad ni nanay ngunit tila may nag uudyok sa akin na lumingon muli sa kung saan inilibing si papa.Agad kong hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni nanay at daling tumakbo papunta sa puntod ni papa.Hindi ko alam kung bakit, ngunit napabuntong hininga na lamang ako.Mula sa pag titig sa nitso ni papa ay nag angat ako ng tingin upang sana ay umalis na ngunit natigilan ako nang makita ko ang mga kalalakihan na puros nakaputi ang kasootan na siyang hindi rin kalayuan mula sa aking pwesto.Alam kong nakita nila akong nakatitig sakanila at sigurado rin akong nakatitig din ang mga ito sa akin.Ang labis ko pang ipinagtataka, nang bigla itong nagsiyukuan na tila na nagbibigay galang sa akin.Alam ko yung mga ganun kasi nanonood ako ng mga palabas sa tv tulad ng encantadia.Seryoso kong tinitigan ang mga lalaking nakaputi hanggang sa mag angat na ang mga ito ng kanilang tingin.Sa labis na pagtataka ay dali kong nilungon si nanay upang sabihin sa kanya at ituro ang mga kalalakihan sa aking harapan ngunit nang lingunin kong muli ang mga ito ay tila naglaho ang mga ito na parang isang bula na siyang ikinagulat ko.Umihip ang malakas na hangin na siyang kilabot ang hatid sa akin.Nagpalinga linga pa ako upang hanapin ang mga ito ngunit ni isang bakas ng mga ito ay wala. “Amethyst lumalakas na ang hangin anak! nag babadya ang pag ulan.Kailangan na nating umalis.” Saad ni nanay.Muli kong nilungon ang pwesto kung saan ko nakita ang mga lalaki at saka nag desisyong umalis na.Akma na akong aalis nang muli akong matigilan at mabilis kong nilingon ang puntod ni tatay.Napakunot ang aking noo at dahan dahang nag yuko at may pagtatakang inabot ang violet na rosas mula sa nitso.Wala ito kanina dito at sigurado ako don.Pero saan galing ito? imposibleng sa biniling rosas ni nanay dahil kami pang dalawa mismo ang bumili ng puting rosas para kay tatay.At isa pa, hindi ba't very common naman sa mga nag luluksa na puting rosas ang gagamitin lalo na sa mismong araw ng libing? kaya saan galing to? “Amethyst anak, halikana.” Saad ni nanay at magkasama naming nilisan ang lugar na iyon. * MAKALIPAS ANG WALONG TAON, “Nagtatampo ka pa rin ba?” Ito ang tanong ko sa bunso kong kapatid na si Ayana matapos itong humiga sa aming kama ng padabog at patalikod.Four years ang agwat ko sa kanya.Nasa ikatlong taon na ito ng highschool at isang taon na lamang ay gagraduate na ito at magkukulehiyo na. “Hoy, talaga ba? hindi mo ko papansinin? o sige, kung yan ang gusto mo bahala ka.” Agad akong tumayo sa higaan at muling isinalansang ang mga gamit na dadalhin patungo sa maynila para bukas.Nang masigurado kong na ayos na ang lahat ay saka lamang ako nag bihis ng pantulog.Tahimik ang paligid at puro kuliglig ang maririnig sa labas.Dali kong kinuha ang kahoy na siyang nag sisilbing tukod upang maingat ang sara ng aming bintana.Nakapikit kong dinama ang malamig na simoy ng hangin.Ang kaluskos ng dahon at preskong amoy nito ang tiyak kong mamimiss ko.Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni ay nagdesisyon na akong humiga.Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang likuran ng ang aking bunsong kapatid.“Alam kong ayaw mong malayo ako sainyo ni nanay.Pero kailangan umalis ni ate para matulungan kitang makapagtapos ng pag-aaral.Hindi ko maatim na si nanay pa din ang kakayod para mapag-aral ka.Tama na yung ilang taon n'yang pagpapakahirap sa bukid at pagtinda ng mga kakanin para lang mapagtapos ako.Pangako, magsusumikap si ate para makuha mo ang kurso na gusto mo.Magtatayo tayo ng malaking bahay at pagagawan kita ng sarili mong kwarto.Pangako, aahon din tayo sa hirap.Alam kong hindi mo naiintindihan ang pag alis ko pero balang araw maiintindihan mo rin ang lahat.Mahal na mahal ka ni ate.Kayo ni nanay.” Lumuluha kong sambit at matamang hinaplos ang buhok ng natutulog na si ayana.Madilim pa nang umalis ako sa bahay.Sa totoo nga lang ay ayaw ko na sanang ni isa kina nanay at Ayana ang sasama sa akin dito papunta sa terminal dahil feeling ko, mas mahirap magpaalam kapag ganun.Pero itong si nanay mapilit.Talagang hindi pumayag na hindi niya ako ihahatid papuntang terminal.“Anak ko, mag iingat ka don ha? wag ka magpapagutom.Lagi kang tatawag sa amin ni bunso.Mamimiss kita anak ko.” Umiiyak na sabi ni nanay.Heto na nga ba ang sinasabi ko eh.Mas mahirap mag paalam kapag naririto siya.Naiiyak lang ako.Mabilis kong pinahid ang aking luha at hinaplos ito sa kanyang pisngi.Nay, opo hindi ako magpapagutom.“Pangako, pagkarating na pagkarating ko sa maynila tatawagan ko po kayo agad ni Aya.Please wag po kayo masyado mag isip.Okay lang po ako.Balang araw magkakasama rin tayong tatlo at hindi na natin kailangan maghiwa-hiwalay pa.Pangako yan Nay.” Saad ko. “Oh, wala na bang sasakay? paalis na ang bus.” Sigaw ng kundoktor habang iwinawagayway ang kamay na may nakasiksik pang mga papel sa bawat pagitan ng kanyang mga daliri na sa tingin ko ay ticket. “Nay paano ba yan, kailangan ko ng umalis.” “Oh siya sige anak mag iingat ka ha? wag mo kalimutan tumawag agad pagkarating mo doon.” Saad ni nanay na lumuluha at mahigpit akong niyakap at dinampian ng halik sa aking pisngi.Mapait na ngiti ang aking pinakawalan habang kumakaway kay nanay habang bitbit ang aking gamit paakyat ng bus.Akma na akong hahakbang paakyat ng bus nang matigilan ako. Ateeee! ate ko! Sigaw ni Aya na humahangos ng takbo. “Sandali lang kuya please.Magpapaalam lang ako sa kapatid ko kahit isang minuto lang po please.” Pagmamakaawa ko sa kundoktor at driver.Kumakamot naman ang driver sa kanyang ulo ngunit kalauna'y pumayag din.Dali kong tinakbo ang aking kapatid na umiiyak habang nakasuot pa rin ng pajama at halos gulat ko pang tinitigan ang ang tsinelas nito na magkaiba ng kulay at itsura habang ang buhok naman nito ay hindi man lang sinuklay. “Ateee.” Umiiyak nitong tawag sa akin at mabilis ko ito niyakap at inalo gamit ang aking kamay na humahaplos sakanyang likuran.Pigil ang luha kong pinalo ang pwetan nito na siya namang ikina-igik nito. “Aray! ate naman eh.” “Yung tsinelas mo magkaiba.Yung buhok mo mas maganda pa yung walis tambo.May panis na laway ka pa sa bibig mo.May patampo tampo ka pang nalalaman d'yan tapos pupuntahan mo rin naman pala ako dito.” “Eh ate, sorry na ma mimiss kita.” Wika nito naa ikinangiti ko.“Hays, juskong bata ito.Halika nga dito.” Saad ko at mabilis na kinurot ito sakanyang pisngi at niyakap.Malungkot man na aalis ako sa lugar kung saan ako lumaki ay kahit papaano, masaya kong nilisan ito.Dahil na rin sa pamilya kong sumosuporta at punong puno ng pagmamahal para sa akin.Nakangiti kong pinagmamasdan ang paligid at kabundukan sa labas ng bintana ng tumatakbong bus.“Tiyak kong mamimiss ko ang lahat ng ito.” Sa pag andar ng bus at pagtitig sa kapaligiran ay bigla akong natigilan nang mahagip ng aking mga mata ang mga kalalakihang nakasuot muli ng puti habang nakatitig ang mga ito sa akin.Halos mapatayo pa ako sa pag silip muli sa bintana upang tignan ang mga ito ngunit tulad ng dati, walong taon na ang nakakalipas, tila isa itong bulang naglaho muli.Hindi ko alam kung sino at ano sila.Pero isa lang ang alam ko.Ang mga lalaking iyon ay hindi normal na tao.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook