CHAPTER 20

1257 Words
Bumaba kami sa kotse. Nakaburol si daniela sa bahay nila kasi yun , yung kagustuhan ng mama niya. Sabay na pumasok si Jacob at Mam Sofia sa loob na ikinasimangot ko. Parang wala lang silang kasama ah ! TSSS. #madgirl . "Tsk!" Taas noo akong pumasok sa loob at saktong pagpasok ko may babaeng dumaan na may dalang tray kusa akong napasunod kay ate hanggang sa nakarating na pala ako sa kitchen at takang tingin ang pinukol sakin ng babae. Nahihiya ko siyang nginitian. "Pwedeng makahingi?" Nagpuppy eyes , panandalian ko ng kinalimutan ang hiya at pagiging mahihin ng bigyan ako ng pagkain. Kasalanan to lahat ni Jacob eh !! "May kanina ba?" Nagulat ang babae sa sinabi ko. "M-meron po" Agad siya kumuha ng kanin at ulam. Napangiti ako ng makita ang pagkain sa harap ko. Hello food ! Nice to mee youuu hoho. Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay at pumikit. Thank you for the food ! Dumilat ako at nagsimula ng kumain. Simot sarap yung pinggan , kumikinang sa linis yung pinggan. Uminom ako ng tubig at sumandal. Hays solve na akoo ! Si jacob kaya? malamang gutom na yun hah buti nga sa kanya . Yan ang napapala niya kakasama sa teacher na yun . Pabida siya ah , pwes mamatay siya sa gutom. Ay wag pala mamatay mamahalin ko pa siya , magutom lang pala. Hindi makapaniwalang nakatingin sakin si Ate kaya tinignan ko siya ng innocent look. Anong problema niya? "G-gusto mo pa?" Alinlangan niyang tanong. Pinunasan ko ng tissue yung gilid ng labi ko at tumayo. "Ani , jeongmal gamsahamnida" ( thankyou very much )  Nag bow ako at naglakad. Tumigil ako ng nasa pinto ng ako ng kitchen nila. Naka nga ngang nakatitig sakin ang babae. Hays alam ko namang nakakatulala ang ganda ko bakit kailangan niya pang ipahalata psh. Kinindatan ko siya at nagwave ako tsaka lumabas. Paglabas ko agad kong hinanap si jacob medyo marami ng tao karaniwan ay prof o kaklase namin. Napatigil ako sa paghahanap ng biglang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako rito. "Kanina pa kita hinahanap , where the hell did you go?!" Binigyan ko siya ng isang sweet smile na ikinanuot ng noo niya. "Kumain lang ako" Binitawan ni Jacob ang braso ko at nilagay ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pants. Waah ! He looks cool ! "Puntahan mo ngayon yung nanay ni daniela at kausapin mo" "Ha? Bakit ako lang? Tsaka bakit ko kakausapin? As if I killed her daughter !" Bigla niya akong pinitik sa noo kaya tinignan ko siya ng masama. "Makiramay ka , kaibigan mo yun diba? ! Kinausap na namin siya kanina ni mam sofia wala ka" Pinatalikod niya ako at tinulak papunta sa taas. "Pssh fine , fine !" Umirap ako at umakyat. "Have many times do I have to tell him that he's not my friend?" Padabog kong bulong habang naglalakad. Nasan na ba yung nanay nun? Maliit lang tong taas nila daniela may tatlong kwarto tapos terrace sa dulo. Wala namang tao eh tssk ! Akmang aalis na ako ng biglang may narinig akong may umiiyak. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at muling pinakinggang ito Pinakinggan ko maigi kung saan nanggagaling yung iyak at dahan dahan akong naglakad papunta dun aa bukas na pinto. Omg ! Hindi kaya si daniela yun. Mas lalong lumakas ang iyak , lumakas din yung t***k ng puso ko. Lumingon lingon ako para tignan kung may tao ba pero wala ako lang ang tao dito sa taas.  Hindi kaya minumulto ako ni daniela kasi dinideny kong kaibigan ko siyaa?! Pero totoo naman eh we're not friends ! Naging partner ko lang siya once sa chemistry ! Huhu Sumilip ako sa bukas ng pinto , medyo madilim mabuti nalang bukas yung lampshade. Geez , Why do I feel like I'm in a horror movie ! Okay , mayday get your ass together ! Since when did you become a coward , malay mo may last words lang si daniela sayo. Huhu but why meeeee. Napasinghap ako ng makitang may babaeng nakayuko sa may kama at siguradong siya ang umiiyak. Lakas loob akong naglakad papalapit sa kanya at dinutdot ko yung balikat niya para makasigurado kung tao ba siya o kaluluwa ! Dahan dahan niyang inangat ang kanyang ulo at halos magpigil ako ng hininga. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang isang medyo my edad na babae ang mukhang nakita ko. Atleast hindi nagmumultong kaluluwani daniela diba ! Napalunok namn ako. Okay what the hell am I going to do now?! Wait is she daniela's mom. "Ahm are you daniela's mom po?" Tumango tango siya. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at inabot sa kanya. Tinanggap niya naman ito at pinunasan ang kanyang mga luha. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong kwarto pero madilim kay di ko masabi kung kanino bang kwarto to. Tinignan ko ang mom ni daniela dahil katabi niya lang ang lampshade pansin na pansin ang pamamaga ng kanyang mga mata , pamumula ng ilong at pagkagulo ng buhok. Bigla akong nakaramdam ng awa kaya umupo ako sa tabi niya. "Condolence po. I'm daniela's classmate." Its first time to encounter situation like this. Believe it or not first time kong makakita ng nanay na namatayan ng anak. Wala naman kasi akong masyadong kakilala dati bukod kay aldrin & friends , krissy at mga katulong sa mansyon pati driver. Wala pa naman sa kanilang nakakaranas niyan ATA o baka meron na at wala lang akong pake. "Hindi siya nagpakamatay" Napatingin ako sa sinabi ng mom ni daniela "Po?" "Si daniela , ang anak ko hindi siya nag pakamatay!!" Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. "Tulungan mo ko !! Walang naniniwala sakin pero totoo yun hindi magagawang magpakamatay ng anak ko. Kilala ko siya" "Kumalma po kayo , pano niyo po ba nasabi na hindi nagpakamatay si daniela?" Bigla niyang binitawan ang kamay ko at tinignan ako. Gusto kong maniwalang nababaliw na ang nanay ni daniela dahil sa sobrang pangungulila sa anak pero may nagtutulak sakin na makinig sa ginang. "Sasabihin ko sayo pero ipangako mo sakin na..... na tutulungan mo akong hanapin ang pumatay sa anak ko" Nanginginig niyang sabi at muling pinunasan ang kanyang mga luha. Napakagat ako sa labi ko. Ayoko ng madamay sa iba pang gulo , tama na yung samin ni jacob. "Please , nagmamakaawa ako. Gusto kong bigyan ng hustisya ang anak ko... ang mahal kong ai daniela.. siguradong sobrang nasaktan siya nung pinatay siya at wala man lang ako dun para tulungan siya. Wala akong kwentang ina!" Humagulgol siya kaya niyakap ko siya. Mariin akong napapikit at napahinga ng malalim. "Hindi ko po maipapangakong mahahanap ko ang sinasabi niyong pumatay kay daniela pero susubukan ko po" Mas humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Wala ng urungan nasabi ko na. Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin. Umayos siya ng upo. "Bago siya mamatay , isang linggo siyang balisa , laging wala sa sarili at tulala , malayong malayo siya sa danielang anak ko na masayahin. Tinanong ko siya kung anong problema pero ayaw niya magsalita. Hanggang sa dalawang araw bago siya mamatay nakita ko siya sa kwarto niya iyak siya ng iyak at sinabi niya na natatakot daw siya at ayaw niyang mamatay. Lagi niya ring binabanggit ang pangalang sceven , jezreel , abby at bryan. Hindi ko alam kung sino sila. Akala ko nababaliw na yung anak ko pero totoo pala yung sinasabi niyang may gustong pumatay sa kanya. Sana pala pinaniwalaan ko edi sana natulungan ko siya." Halos hindi ako makapaniwala sa kwento ng ginang. Wala namang punto para magsinungaling siya at gumawa siya ng kwento diba? So hindi nga pinatay si daniela? Kaya pala kataka takang bigla siyang nagpakamatay. "M-may pinagsabihan po ba kayo nito?" Umiling siya. "Wala , wala naman kasing gustong maniwala na hindi nagpakamatay ang anak ko" "Naniniwala po ako sayo" -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD