"Hey"
Napatigil ako sa pag iisip at agad na tinago ang papel na nakuha ko kanina sa canteen tapos humarap kay jacob na nakasandal sa sliding door.
"Hey"
Nginitian ko siya at naglakad naman siya papunta sakin. Mas hinapit ko ang jacket ko dahil mas lumakas ang hangin dito sa terrace. Tumabi sakin si jacob at inabot ang isa pang mug na hawak niya. Tinignan ko kung ano ang laman nito at napangiti ng makitang gatas.
"Thanks"
Nagkibit balikat lang siya at tinignan ang mga bituin , humarap din ako at tinignan ang mga bituin.
"May problema ba"
Naging seryoso ang tono ng boses niya at nawala ang ngiti sa mga labi ko. Yumuko ako at tinignan ang mug na binigay niya.
Napag isip isip ko kasi na napaka laki na ng problema ni jacob tapos idadamay ko pa siya sa gulo ko. Hindi pa naman huli para umalis ako dito kasi di pa naman alam ni angkong ang tungkol kay jacob. Pero paano kapag nalaman na ni angkong? Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng nasa papel , ako ba o si jacob?
Napatingin ako kay jacob na nakatingin din sakin. Bigla kong hiniling na sana ako nalang , na sana yung pagkatao ko na lang ang nalaman nila hindi yung jacob.
"What's with that look? Hindi ako sanay na---"
Hindi na siya natapos sa pagsasalita dahil bigla ko siyang niyakap. Binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"Ayokong madamay ka sa gulo ko"
Humiwalay ako sa pagkakayakao sa kanya at tinignan siya.
"Aalis na lang ako"
Nag iwas ako ng tingin. Kapag umalis ako hindi ko pa alam kung saan ako titira , wala pa akong plano. Basta napagdesisyunan ko lang na umalis para sa kaligtasan ni jacob. Knowing angkong , malamang idadamay niya si jacob at malala pa siguradong sasaktan niya ito.
Masaya akong makasama si jacob pero hindi sa ganitong sitwasyon.
"You're not going anywhere"
Napatingin ako kay jacob.
"Whether you like it or not , damay na ako sa problema mo at ganun ka rin sakin"
Humakbang siya papalapit sakin.
"We have no choice but to stick together. Kaya kung may bagay kang alam na may konektado saakin sabihin mo at ganun din ako sayo."
Hinawakan niya ang balikat ko.
"Pwede bang magkaroon tayo ng tiwala sa isa't isa pagdating sa ganitong bagay?"
Tumango ako.
"Let's make it clear. Tutulungan natin ang isa't isa as long as one of us ask for help. Pero kung ayaw ng isa satin makialam hindi tayo makikialam. That's the rule , tutulong lang kapag nagpatulong pero kapag hindi , hindi makikialam. Clear?"
"Let me help you too"
Napakunot noo siya sa sinabi ko. I know jacob , hindi siya hihingi ng tulong hanggang sa maging life and death na ang sitwasyon dun lang siya tatawag ng tulong.
"Please"
Ayokong ako lang ang tutulungan niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"That's our rule right? Tutulungan mo ko kapag humingi ako ng tulong sayo then vice versa"
"I'm not asking you to tell me every single detail , ang sakin lang kapag alam mong kakailanganin mo ng tulong maliit man o malaking bagay please dont hesitate to tell me"
Tinignan ko siya sa mga mata at ganun din siya sakin. Huminga siya ng malalim
"Okay"
Nakahinga naman ako ng maluwag , binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya ang kinuha papel sa bulsa ng jacket ko tapos inabot sa kanya. Nagtataka siyang kinuha ito.
"I trust you , I hope you'll do the same to me."
Tinalikuran ko siya at muling tinignan ang mga bituin. Sana tama ang naging desisyon naming parehas na makialam sa gulo ng isa't isa.
Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko kaya napatingin ako dun.
"Thank you"
✖✖
"Hey MD !"
Napatingin ako sa lalaking umakbay sakin.
"Mwo?!"
Masungit kong sabi. Kinunutan niya ako ng noo pero agad ding nawala yun.
"Sama ka sakin mamaya sunduin kita"
"Bakit naman ako sasama sayo?"
Nakataas kilay kong sabi.
"Pupunta tayo sa lamay ni daniela"
"Itatanong ko muna si jacob."
Tinanggal niya ang pagkakaakbay sakin at sinimangutan ako.
"Bakit mo pa siya tatanungin? Di naman siya ang inaaya ko"
"Psh. Shut up!"
"Mayday"
Napatingin ako kay jacob na nasa labas na ng classroom.
"Bye"
Pagpaaalam ko kay rosgan at kinindatan siya. Tumakbo ako papalapit kay jacob at kumapit sa braso niya. Tinignan niya ako ng masama at tinanggal ito kaya napanguso ako.
"Jacob"
"Ano?"
Back to masungit mode nanaman siya. Haaays.
"Punta tayo sa lamay ni daniela?"
"Punta ka"
Napanguso nalang ako sa naging sagot niya.
Pagkauwi namin ni jacob ay nagpalit kami ng damit at nagpahinga saglit tapos lumabas kami para kumain.
As usual dun nanaman kami sa tapsilogan na pinagkakainan namin
"Jacooob ayoko na kumain dito , magluto ka nalang pleaseee!!"
Hinila ko siya para mapigilan ang pagpasok sa tapsilogan. Dalawang linggo na kaming puro silog ang kinakain ! Mapupurga na ata ako dito eh.
"Tigilan mo ako mayday ah hindi mo nga binabayaran ang tf ko eh"
"Babayaran kita!"
"Wala kang maloloko , wala ka ng pera"
"Waah jacoob please !!"
hinihila ko siya paalis pero hinihila niya rin ako papasok.
"Kung gusto mong magluto ako magtrabaho ka at bigyan mo ko ng pera pambili ha"
Pinitik niya yung noo ko. Arrrghh !! Ayoko na talaga ng tapsilog sukang suka na ako , umay na umay na huhu. Biglang may tumigil na kotse sa tabi namin at binaba ang salamin nito. Kaya napatigil kami ni jacob sa pag aaway.
"Jacob , ms . Larsson"
Nanlaki ang mata ko sa tumawag samin. WHAT THE F?!"
"Mam Sofia"
Di makapaniwalang sabi ni jacob. Psssh!! Great . Just great !
"Pupunta rin ba kayo sa burol ni daniela? Sumabay na kayo sakin"
"N---"
"Yes mam"
WHAAAAAT ??
Pinanlakihan ko ng mata si jacob pero tinapik niya lang ang likod ko senyales na pumayag ako. AKALA KO BA AYAW NIYAAA?! Tsaka kakain kami !
Ngitian kami ni Ms. Sofia
"Pasok na kayo"
Binuksan ni jacob ang pinto at pumasok , wala naman akong nagawa kundi sumama. Ayokong maiwan mag isa si jacob at ms sofia no ! Over my dead supet sexy body psssh !!!
"Alam niyo ba kung saan nakaburol si daniela?"
Pagtatanong ni ms sofia.
"Hindi nga po eh"
Malamang hindi , eh hindi naman tayo pupunta doon so bakit natin aalamin ! Nag crossed arms ako. Azaar !
"Mabuti nalang pala nakita ko kayo"
"Oo nga po , salamat Mam Sofia"
Magalang na sabi ni jacob. Wow anong mabuti dun eh naudlot lang naman ang pagkain namin ng lunch dahil sayo !
"Hoy pano yung lunch natin"
Bulong ko kay jacob.
"Hindi pa naman tayo gutom eh. Makilamay na lang muna tayo kay daniela , kaibigan mo yun diba"
Anong tayo? Baka siya lang ang di gutom ! Pano naman ako?! Tsaka anong kaibigan pssh. Nakakainis ang bilis magbago ng isip niya kanina ayaw niya ngayon dumating lang tong pesteng teacher na to pumayag siya agad.
"Wag ka mag alala may pagkain naman dun"
Bulong niya pabalik , binatukan ko naman siya sa inis .
"Aray!"
Tinignan niya ako ng masama. Hah ! Bagay lang yan sayo !
"Miwohaeyo!" ( I hate you )
"Ha?"
"May problema ba dyan?"
Sabi ni Ms. Sofia habang nagddrive.
"Wala po mam!"
Mabilis na sagot ni jacob , inirapan ko siya at tumingin nalang sa labas. I hate him huhuhu.
-------------