CHAPTER 18

1980 Words
"Jacoob ! Laro tayong pitik bulag ! Dali ikaw taya !" Pumunta ako sa likod niya at kinalabit ko siya pero di niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Kaya tumakbo naman ako sa harap niya. "May knock knock joke ako !" Nilagpasan niya lang ako. "Jacob ! Turuan mo ko magluto" "Jacob may assignment kana?" Bakit ba ang hirap hirap kunin ng atensyon ni jacob? Para lang akong hangin kung daanan niya psh. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang school , sabi niya para raw makapag exercise kami. Kahit tumanggi naman ako siya parin ang masusunod. Paano ko ba makukuha ang atensyon niya? Hmmm , isip mayday , isip. ALAM KO NA ! "A boy and a doctor was fishing. The boy is the doctor's son but the doctor is not the boy's father. Who is the doctor?" Tuwing nakikita ko sila ni xavier laging ganito ang pinag uusapan nila kaya sa tingin ko medyo effective to. Hah. "So what's your-- aww!" Biglang huminto sa paglalakad si jacob kaya nauntog ako sa likod niya. Napangiti naman ako , hah finally napansin niya na rin ako. "Ms. Sofia !" Naglaho ang ngiti sa mga labi ko ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ng isang witch. Tumabi ako kay jacob para makita kung tama ba ang pagkakarinig ko . Mabilis pa kay flash ay biglang nawala sa tabi ko si jacob at nakita kong nandun na siya agad kay Ms. Sofia at tinulungan niya itong dalhin ang mga gamit ,  na ikinasimangot. Naningkit ang mga mata ko habang pinapanood silang masayang naglalakad na para bang hindi ako kasama ni jacob kanina at nagtatawanan pa talaga sila ah ! Madapa sana sila o kaya makatapak ng tae tutal parehas silang mukhang tae psh ! Okay Mayday keep calm and stay fab *hingang malalim* then *flip hair* "The doctor is the mother of the boy" Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita. "Who cares?!" Singhal ko kay Rosgan na nasa tabi ko. Inirapan ko siya at padabog na nagmartsa paalis. Nakakaimbyerna ! Haaays. Dahil sa nangyari kanina nawalan na ako ng ganang makinig , I mean magtyagang makinig sa boring na topic , katulad nitong science hindi ko alam kung na san ang problema eh kung na sakin ba , sa teacher or sa subject talaga. Para akong nanonood ng movie na chinese ang sub title. I know chinese words pero yung basic lang for the sake of my angkong amp. Tinignan ko ang relo ko... 3 2 1 Tumunog ang bell ng school hudyat na break time na. Agad kong kinuha ang gamit ko at tumayo sabay lakad palabas. Feeling ko nga naunahan ko pang lumabas ang teacher ko eh , well nevermind ang importante di ko makasabay si jacob kumain. Galit ako sa kanya , ganto talaga kapag maganda nagagalit. Umorder ako ng pagkain at umupo sa sulok. Matiwasay akong kumakain ng biglang may umupo sa tabi ko. "Oh bakit mag isa ka? Di mo ata kasama yung maangas mong kaibigan" "Sinong nagsabing umupo ka dyan?" Walang gana kong sabi kay Rosgan , minsan di ko talaga maisip kung bakit ako kinukulit ng lalaking to eh. "Well , sabi ng utak ko?" "Wow may utak ka pala?" Gulat kong sabi. Realtalk  , nagulat talaga ako. "Wow ka rin ! Ang sakit mong mag salita ah " Kinuha niya ang tinidor ko at tinusok ang manok na nasa plato ko at akmang isusubo niya na ito ng pigilan ko tsaka kinuha ang tinidor sa kanya at ako ang sumubo ng manok. "Wag ka masaktan sinasabi ko lang ang totoo" Pahabol kong sabi sabay tap ng balikat niya. Nakita ko namang napasimangot siya at nagsimula ng kumain. "Tandaan mo lagi mayday my friend kapag may problema ka nandito lang ako lagi para sayo ha? Wag na wag kang mag iisip ng makasasama sayo" Seryosong sabi ni Rosgan , at yung mukha ko habang sinasabi niya yun? Nandidiri ako. Like eww? What the hell is he saying ? Are we in some kind of telenobela? "What's with the drama a-hole friend?" "Ang sinasabi ko lang wag kang gagaya sa kaklase nating nagpakamatay" Napatingin ako sa kanya ng seryoso , may nagpakamatay samin? Bakit di ko alam? Oh I forgot , wala pala akong pake kaya wala rin akong alam hays. "S-sino? Kailan?" "Hindi mo ba alam? Ano nga bang ineexpect ko sayo? Si Daniela yung top 1 namin , sa pagkakaalam ko naging partner mo siya sa chem eh. Kaninang umaga lang , nakita ang bangkay niya sa chem lab nakalambitin" OMG ! Si partner ?! Daniela pala name niya , anyway bakit naman siya nagpakamatay? Wala naman sa itsura niya na gagawin niya yun , she's jolly , smart I mean super smart. Smart kasi ako lang yun , super smart siya na yun. Bigla tuloy akong nawalan ng ganang kumain , somehow I feel that she is a very kind person siya nga lang ang gumawa nung activity namin sa chem nun eh , wala siyang angal na gumawa. "Sorry , sorry!" Sabi ng babae ng mabangga niya ang lalaki , nalaglag din ang ilan sa mga gamit ng babae . Agad niya itong dinampot at mabilis na naglakad paalis. Napansin ko namang may naiwan pang gamit na nasa paanan ko maya dinampot ko ito. Tissue lang pala , akmang itatapon ko na ng mapansin na may nakasulat dito kaya binuklat ko. At halos tumayo ang mga balahibo ko sa nabasa ko. I  know who you are , so better be careful. I'm watching you. Agad kong nilukot ang tissue at sinilid sa bulsa ng palda ko. "Okay ka lang mayday?" Nag aalalang tanong ni Rosgan , tumango ako bilang tugon. Pero ang totoo , hindi ako okay. Pano ba naman ako magiging okay eh may nakakaalam na ng totoo kong pagkatao ! Katapusan ko na ba? Mapupunta na ba ako ulit sa kamay ni angkong? Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko. Okay , Breath mayday , baka nagkamali lang? Tama. Baka hindi naman talaga para sakin yung nakasulat diba? Baka masyado lang akong napaparanoid. Napaangat ako ng tingin ng marinig na kumalampag ang mesa namin . Umupo si jacob sa harap namin ni Rosgan at tinignan ako ng seryoso. Naalala ko nanaman yung sa tissue , bigla akong napaisip,  para sakin ba to o para kay jacob? "What?" Masungit na tanong ni jacob na nakapagpabalik sa ulirat ko. Nag iwas ako ng tingin at kinuha ang gamit ko sabay alis. "What the hell is her problem?" Rinig kong sabi ni jacob pagkaalis ko. Psh , problem my ass. ✖✖ Kung papipiliin niyo ko kung science o PE ? Ay peste sa science nalang ako . Mapagttyatyagaan ko pang pag aralan yun kaysa sa PE. Cancel tong mga sports na to no. Ikaw ba naman palakihin sa bahay diba. Kung pwede lang gawin yung ginagawa ko sa dati kong school eh , yung natutulog lang ako sa bench o kaya sa clinic o kaya nanonood lang ako sa kanila something like that in short wala talaga akong ginagawa sa PE class namin kailangan ko lang makakuha ng mataas na scores sa mga quizes at periodical test. Pinapwesto na kami ng prof namin . Hiwalay ang boys sa girls. Kaming girls volleyball , samantalang ang boys basketball. Napatingin ako sa side ng boys nagsisimula na pala silang maglaro at na kay jacob ngayon ang bola. Nagkatama ang tingin namin at ngumiti siya sakin. What the hell does that mean? Sa sobrang bilis ng pangyayari namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa sahig at pinalilibutan ng mga kaklase ko. "Maydayy!" Rinig kong sigaw ni Rosgan pero ang sakit ng mukha ko parang napipi yung ilong ko. "Move!" Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses pero di ko masyado maaninag. Ikaw ba naman tamaan ng bola ng basketball sa mukha full force pa ah !! Naramdaman kong binuhat ako kaya pinilit kong dumilat at nakita ko ang nakakabwiset na mukha ni jacob. Bakit ba siya ganito sakin? Kakagaling lang ng sugat ko sa braso tinamaan niya naman ako ngayon ng bola sa mukha. SA MUKHA PA TALAGA AH , SA MAGANDA KONG MUKHA TAKE NOTE SA MAGANDA KONG MUKHA ! Hindi naman halatang galit ako diba , alam niyang ayaw na ayaw kong tatamaan ako sa mukha. "Sir dadalhin ko po siya sa clinic" Rinig kong sabi ng kumag , aba dapat lang binato bato mo ko eh. Naramdaman ko may naglagay ng panyo sa ilong ko kaya dinilat ko ulit ang mga mata ko at nakita ko si rosgan na nag aalalang nakatingin sakin. "Nag dudugo ang ilong mo" Sabi niya sakin. "Tabi ,dadaan kami" Naramdaman kong binangga niya si rosgan . Tssk , napaka talaga ng lalaking to. Nagising ako sa ingay ng boses ni Jacob. "Kailangan ko po talagang mahanap si Nurse Mary Grace Talon." "Hijo matagal na ngang wala dito ang nurse na yun" "Yung babae pong yan , kamag anak niya po si Mrs Talon at kailangan niya pong mahanap ito para mahanap niya na yung mama niya. Sigee na ms naawa na po talaga ako sa kaibigan kong yan" What? Is he referring to me?! Did he just used me para mahanap kung sino man yang mrs talon na yan?! Ang lakas niya ah , dinamay niya pa ako sa kalokohan niya. "Pasensya na hijo pero wala talaga akong alam" "Sige ho salamat" Sumusobra na talaga yang si jacob saakin ah ! Sigurado akong sinadya niyang ibato ang bola sa mukha ko !! Siya na nga tong may atraso sakin , siya pa may ganang batuhin ako ng bola ! Bumukas ang kurtina at agad kong sinalubong ng masamang tingin si jacob. Lumapit siya sakin. "Tumayo ka na diyan , uuwi na tayo" Kinuha ko ang bag ko at nilagpasan siya. Ang kapal kapal ng mukha niyang tamaan ako sa mukha ! Okay lang sana kung sa tiyan o sa paa pero bakit sa mukha pa !huhu feeling ko talaga nadislocate yung ilong ko. "Hoy!" Sabi niya pero di ko siya pinapansin. "Masakit ba? Sorry na kailangan ko talagang gawin yun para madala ka sa clinic at makausap ko yung nurse" Anong klaseng tanong ang 'masakit ba?' !!!! Siya kaya batuhin ko ng bola sa MUKHAA ! "Kapal kapal ng mukha mo!!" Pinaghahampas ko sa kanya ang bag ko , kung may plano siyang ganun sana sinabihan niya ako para ready ako at di nabibigla . "Aray ! Araay. Tama na !" Doon ko na nilabas lahat ng galit ko sa kanya simula kaninang umaga hanggang ngayon. Ang kapal kapal ng mukha niya binastos niya ang p********e ko huhu. Di man lang siya muna nagsorry bago niya ako binato para atleast diba isa nalang kasalanan niya. Pero hindi eh ! "Ano ba masakit sabi!" "Dapat lang sayo yang unggoy ka !" "Isa nalang papatulan na kita" Patuloy ko siyang pinaghahampas at siya naman panay ang ilag at salag. "Hah! Akala mo natatakot pa ako sayo!  Utot mo ! Sige patulan mo ko para magkatuluyan na tayo!" "Kadiri ka kung ano ano pinagsasabi mo. Kilabutan ka naman" "Wow ang arte arte mo ! Ikaw pa ba ang lugi !" "Talaga tignan mo nga yang---" "Ahm. Excuse me hijo , hija" Napatigil kami sa pagbabangayan ng biglang lumapit samin ang may katandaan ng babaeng janitor. Nagkatinginan muna kami ng masama bago tignan si manang. "Bakit ho?" Pagtatanong ni jacob. "Diba hinahanap mo si Grace Talon?" Naging seryoso ang mukha ni jacob kaya ginaya ko siya para kunwari alam ko rin. Sino ba yun? "Opo . Bakit?" Tumingin sa paligid si manang. "Sumunod kayo sakin" Sumunod naman kami kay manang lumabas kami ng school at nagtungo sa medyo tagong lugar. May inabot na papel si manang may jacob. "Matagal na akong nagttrabaho dito sa Shinzui. Isang mabuting kaibigan si Grace para ko na siyang nakababatang kapatid. Pero sadyang maraming kababalaghan na nangyayari sa shinzui at dumating sa punto na umalis siya rito. Pero bumalik siya noong nakaraang dalawang taon , at sinabi niyang may maghahanap daw sa kanya na kapatid ng isa  sa mga naging estudyante dito. Tapos ibigay ko raw ito sa taong yun" Manghuhula naman pala tong si Mrs. Grace Talon , pahula ko kaya kung magugustuhan din ako ni Jacob? "May kapatid ka ba na nag aral dito sa shinzui?" "Opo" "Kung gayon sana walang makaalam nito. Mag iingat ka" "Salamat po" Ngumiti ang matanda at umalis na. Binuklat ni jacob ang papel kaya napatingin din ako. Napakunot ang noo ko , address ba ito? Ah okay gets ko na ! Nagkatinginan kami ni Jacob at sabay na tumango. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD