CHAPTER 17

1779 Words
A party hat on my head , balloons everywhere , hotdogs with marshmallows , clown and his stupid assistant . My gosh I hate drugs , I mean I hate Henry Chua for dragging me here . I'm trying soooo hard to stay cool for the sake of henry's little sister's birthday. Tanong niyo naman kung ilan kaming bisita? Well nakakatuwa dahil 10 kaming lahat kasama ang birthday girl , kami ni henry at ang 7 batang napulot namin sa gilid gilid at pinilit naming sumama dito. Idagdag pala natin yung 3 maids nila so 13 na woohh napaka saya (sarcastic) Tanong niyo rin kung kanino galing ang napakaraming regalo? Well , kay Henry lang naman galing lahat yan binili namin lahat yan -_- at itong party na ito kanina lang namin to ginawa. Oh diba napaka prepaired ni Henry para sa 7th birthday ng kapatid niya. Tsss. Ang "help" na sinasabi niya ay ang tulungan ko siyang mag organize ng party para sa kapatid niyang babae , gusto niya raw kasi bigyan ng memorable na birthday dahil wala ang mga magulang nila busy sa trabaho at hindi niya kaya mag isa kaya pumayag na ako. Well actually in the first place di naman talaga ako papayag like duh why would I help him  pero dahil sa give and take kuno niya wala akong choice. Para na rin pamparami ng bisita sumama na ako at malamang sa malamang nag uusok ng ang ilong ni Jacob sa sobrang tagal ko . Bahala na bukas na ako maglilinis ng condo. Kasalukuyang kainan na at nandito ako sa sulok kain ng kain. Hindi ko na kayang isipin ang salitang 'diet' sa mga oras na ito kasi gutom na gutom na ako. Hindi ko naman alam na ganito pala mag organize ng party my goodness ! Nakakahaggard ng bonggang bongga. "Hindi ka naman gutom no" Umupo sa tabi ko si henry at kinuha ang natitirang chicken sa pinggan ko. Tinignan ko siya ng masama. Para akong tigreng inagawan ng pagkain. "Easyyy. Marami pang pagkain doon" Napadistansya siya ng onti saakin. Kumalma ako at hinayaan nalang na malunok ni Henry ng matiwasay ang manok. Tinaasan ko siya ng kilay at uminom ng tubig sabay nagpunas ng tissue sa gilid ng bibig ko. Napangiti naman ako ng makitang may pagkain siya sa gilid ng labi niya . Parang bata psh. Inabot ko sa kanya ang tissue at tinuro ang gilid ng labi niya. Agad niya naman itong pinunasan at nakita ko ang onting pamumula niya dahil sa pagkahiya. Bigla kong naalala ang oras kaya tinignan ko ang relo ko at halos lumuwa ang eyeballs ko sa nakita ko. OH MY GOSH. 6:30 pm naaa !! Yaree na talaga ako kay jacob nito ! Tinignan ko yung phone ko at nanlumo ako ng makitang naka tatlong missed calls na si Jacob. Bihira lang akong tawagan ni jacob as in bihira lang kapag nag isang missed call na siya ibig sabihin inis na yun kapag pangalawa galit na , pano pa kaya pag pangatlo?! Super mad boy na !! Savee meeh. Napatakip ako ng mukha ko. "Hey , masakit na ba ang tiyan mo?" Umiling ako at tinignan ng naiiyak  si henry. "What's the problem?" "I really need to go now" Jacob is going to kill mee. Nakita ko naman na nawala ang kunot sa noo niya. "Okay , tawagin ko lang si hana" Sasabihin ko sanang wag na kaso nakaalis na siya so no choice ako kundi mag antay ajujuju. RIP mayday. Inayos ko na ang gamit ko at tumayo na ng makitang papalapit ang magkapatid. Ngitian ko si Hana at bumaba ng onti para maging magkalevel kami. "Happy birthday !" Inabot ko sa kanya yung regalong binili ko kanina. "Thank you po ate MD" Kiniss niya ako sa cheecks at hinug. Aww this little kiddo is so sweet unlike he's brother . Inalis niya ang pagkakayakap saakin at nagpaalam na. Hinatid ako ni Henry sa labas ng bahay nila. "Nag abala ka pang magbigay ng regalo" "Wow parang di mo naman alam eh kasama nga kita nung bumili tss" Napangiwi siya at umiling. "Anyway , thanks for helping me out" "Dont thank me , pumayag ako kapalit ng pananahimik mo kaya sana tumupad ka sa deal" "Dont worry , may isa akong salita" Pinagbuksan niya ako ng gate , humarap ako sa kanya. "Annyeonghee gyea seyo" (goodbye) Kinunutan niya ako ng noo na para bang nakarinig ng alien language pero imbes na mag explain kung anong meaning ng korean word na yun ay nginitian ko siya ng matamis at naglakad paalis.  Gusto kong matawa sa expression ng mukha niya , ewan ko ba parang ang cute niya ngumiti. Eww did I say cute? What I mean is nakakatacute. "Wait" Napalingon ako sa kanya at nakita kong lumapit siya sakin. "There's something I want to say" "Okay , spill it" "hindi galing sakin yung bulaklak na binigay ko sayo , pinilit lang ako ng well kaibigan ko? Na ibigay yun sayo siya talagang may gustong yayain ka sa date. Napag utusan lang akong ibigay yun sayo." Kinunutan ko siya at nagflashback sakin yung pagbisita niya sa room namin hawak hawak ang bulaklak at chocolate. Kaya pala parang nakakapagtaka na biglang nagkainteres sakin ang isang swimmer na katulad niya. Well bakit pa nga ba ako magtataka sa ganda ko ba namang ito. Choss! So kapah pumayag pala ako ibig sabihin hindi siya ang makakadate ko kundi yung kaibigan niya? Malamang sa malamang MD , pinaabot nga raw diba tss. Tsaka syempre di naman mangyayari yun. #NotInterested. "So?" "Sinasabi ko lang na wala akong gusto sayo baka na misunderstood mo" Wow kapal nito ah. Ano namang pake ko diba. "Whatever , I dont care. Yun lang ba sasabihin mo?" Tinignan niya ako ng seryoso , bigla akong nakaramdam ng iba sa mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko. Ang ganda ng mga mata niya, na mas lalong nagpa dagdag ka kagwapuhan niya. Ang mga mata niya , para bang---- "And take care" dahan dahan niyang hinaplos ang buhok ko at halos hindi ko matanggal ang pagkakatitig sa kanya . Nilagay niya ang hood ko sa ulo ko at pinat ang ulo ko. "You can go now. " Tsaka naputol ang pagtitig ko ng sabihin niya yun. My gosh MD what were you thinking? Get your ass together ! Tinanguan ko siya at tinalikuran. "See you again mayday" Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Magkikita pa nga ba kami? Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Why do I feel like being comfortable with that guy? -- Sa awa ng Diyos wala namang nangyaring hindi maganda sakin , nakasurvive ako kay jacob. Effective ata ang pagdarasal ko sa bus. Buong byahe nagdasal lang ako ng sana wag ako pagalitan ni Jacob at mukhang malakas ako kay Lord , hindi nga ako pinagalitan wahahaha kaso nakatikim naman ako ng isang malutong na pitik sa noo. Okay lang atleast wala ng mas masamang nangyari. Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko para kumuha ng tubig. Bago kasi matulog lagi akong umiinom ng tubig pero napatigil ako sa paglalakad papuntang kusina ng makitang bukas ang sliding door ng mini terrace sa sala kaya naglakad ako papunta dun at nakita kong nakatayo si jacob . Tinabihan ko siya at tinignan ang tinitignan niya. "Bat di ka pa tulog?" Napatingin siya sakin. "I can't sleep" Simple niyang sagot , tumango na lang ako. "Bakit ang tagal mong nakauwi?" This time ako naman ang napatingin pero thia time di na siya nakatingin sakin. Bakit ba hindi ko magawang mapatitig ka sakin jacob? Pero bakit kapag si mam sofia? "Tinulungan ko si henry para sa birthday party ng kapatid niya" "Henry C ?" Napakunot ako ng noo. Kilala niya si henry? "The man who gave you flowers?" OHH MY GOOSH! Bakit niya alam? Eh nasa hospital siya? Naghire kaya siya ng spy? Is he stalking me? Kikiligin na ba ako? Ganito ba yung mga nababasa ko na stories , yung kunwari walang pake si boy kay girl pero ang totoo meron tapos lagi niyang sinusundan o pinasundan para updated siya dun sa babae?!! Hindi kaya may tinatagong HD (hidden desire) sakin si Jacob? OOMMMMMMOOOOO. "H-how did you know?" "Nabasa ko sa card ng bulaklak ng binigay mo sakin noon tss" Nawala ang lahat ng excitement ko sa narinig kong explanation niya. Naalala niya pa yun -_-  asa pa akong magkaka pake siya sakin diba. Parang pag tuwing tungkol sakin lagi nawawala yung pake niya. "Kailan ka pa naging matulungin?" Sabi niya habang nakatingin sa mga kotseng dumadaan. Sa tono ng pananalita niya parang hindi siya nagtatanong. "Tumulong ako para hindi niya ipagsabi na nakita niya ako" "Oh okay" Mas lalong lumakas ang hangin na humawi sa buhok namin ni Jacob. Katahimikan ang namayani samin. Kahit ganito lang kami ni jacob parang nakakaramdam ako ng saya sa loob ko. Hindi ko alam kung masaya ako na magkatabi kami , na magkasama kami , na nananatili parin siya sa tabi ko.  Pero masyado pang maaga para maging masaya dahil dito. Anong malay ko diba pero sa future pa naman yan tsaka ko na poproblemahin sa ngayon dapat kong icherish ang bawat moment kasama siya.  Para sakin medyo romantic na ito , magkatabi kami sabay na tinitignan ang magandang view at walang panlalait na naririnig mula kay jacob. "Pwedeng magtanong?" Napaangat ako ng tingin kay jacob.  Gusto ko man siyang sagutin ng 'nagtatanong ka na nga eh' pero ayokong sirain ang mood tsaka baka mabatukan pa ako no kaya tumango nalang ako. "Bakit Ms. MD ang tawag nilang lahat sayo para ka nilang reyna kung ituring" Talagang wala siyang alam sakin , ngayon lang ako nakakita ng estudyante sa school na yun na hindi nakakakilala sakin. "Sabihin nalang natin na sobrang makapangyarihan ang angkong ko , malaki rin ang share niya sa school na yun . Kaya kong magpakick out ng estudyante , marami na akong napaalis dun. Kaya takot sila sakin , malakas ako sa principal eh takot lang nila kay angkong" "Kaya tinotolerate nila ang katigasan ng ulo mo" "Grabe ka naman ! Kahit ganito ako , alam ko naman ang limitations ko no! Psh" Bakit parang ang sama sama ng tingin niya sakin para bang ako yung kontrabidang b***h na mayaman geez. "Chinese ka diba?" "1/4 lang ata ?" "Bakit ka nagsasalita ng korean ? Bakit di chinese?" Wow kailan pa siya naging interesado sakin? Ehem ehem sign na ba to? LOL. "Masama bang magkorean? Mas gusto ko ang korean sa chinese eh. Ang cute cute kaya ng mga koreano , hindi sa kpop fan ako or something ah? I just like speaking their language . Kapag nagchchinese kasi ako naalala ko lang si lolo eh. Being Chen makes me sick" Nakatitig lang siya sakin kaya nginitian ko siya. "Ako naman pwede akong magtanong?" "Bawal" Napasimangot naman ako , ang dayaaa naman eh! Siya pinayagan ko tapos ako bawaaal !! Tsssk. "Inaantok na ako , daldal mo kasi eh" Nagtatanong tanong siya tapos sasabihan niya ako ng madaldal ! Ibang klase talaga. "Goodnight mayday" Hinawakan ng isang kamay niya ang balikat ko at naglakad na paalis. Hindi ko alam pero napangiti ako. Goodnight jacob. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD