Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa bintana ng bus. 6am na , maaga akong umalis sa condo ni Jacob dahil kailangan kong maabutan si Manang mamalengke . Hindi ako pwedeng pumasok sa loob ng mansyon dahil paniguradong di na ako makakalabas kaya mag aabang nalang ako sa labas. Sinuot ko ang hood ko at shades tsaka tumayo dahil bababa na ako. Sinabit ko sa likod ang bag ko. Nang tumigil ang bus ay bumaba na ako at sumakay ng tricyle. Pagbaba ko agad akong humanap ng spot na mapag tataguan at tinignan ang relo ko. Any minute now darating na si manang. Usually kasi 6:30 yun namamalengke , sana di nagbago yung oras ng pamimili niya. Magtyaga akong nag intay. Maya maya ay nakita ko na si manang naglalakad dala ang basket na lagi niyang bitbit tuwing mamalengke. Inantay kong dumaan siya sakin at ng nasa tapat ko na siya ay agad ko siyang hinila na ikinabigla niya. Pilit na nagpupumiglas si manang , hindi siya makasigaw dahil tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko. Bakas din ang takot sa kanyang mga mata.
"Manang ako to"
Bulong ko. Binitawan ko siya at tinanggal ang shades ko. Kumunot ang noo niya at tinignan ako maigi.
"Ms. MD?"
Tumango ako.
"Ay jusmiyo kang bata ka san ka ba nagsusu susuot? Alam mo bang nandito na ang angkong mo at pinapahanap ka na niya"
Napahinga ako ng malalim. So nandito na pala si Angkong. Malamang nag uusok na ang ilong nun sa galit.
"Manang kailangan kita makausap"
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa nanay ko"
Napatahimik siya sa sinabi ko. Alam kong kahit papaano ay matutulungan ako ni manang cynthia , matagal na siyang naninilbihan sa mansyon namin . Bata pala ang nanay ko ay naninilbihan na siya doon kaya alam ko na may alam siya.
"Anong meron kay Marissa?"
"Wag tayo dito mag usap manang baka makita ako"
Tumango siya at muli kong sinuot ang shades ko tapos nag simula kaming maglakad. Dinala ko si Manang sa MCDO since yun yung gusto niya. Pumwesto kami sa pinaka sulok.
"Bago ko sagutin ang tanong mo sabihin mo nga sakin kung bakit ka naglayas hija. Alam mo bang pinag alala mo kaming lahat."
"Sorry po manang , gusto ko po kasing hanapin ang nanay ko"
"Hahanapin mo si Marissa?"
Di makapaniwalang tanong ni manang. Tumango naman ako bilang tugon.
"Kaya po sana tulungan niyo ko"
"Bakit hindi mo nalang sabihin sa angkong mo tutal siya naman ang nakakaalam"
Umiling ako.
"Matagal ko ng sinabi kay angkong yan pero wala."
Actually tuwing uuwi siya tinatanong ko lagi si mama ang sabi niya busy daw. Kapag naman nag uusap kami sa video call tyinityempuhan ko kung nasa mood siya kapag mag tatanong ako pero wala parin akong sagot na mahanap.
"Manang alam mo naman na hindi ipapakita ni angkong sakin ang nanay ko"
"Sige sabihin mo ano ang maitutulong ko"
"Ano po yung lugar na alam niyong huling pinuntahan ni mama?"
Napatigil siya at napaisip.
"Sa pagkakatanda ko , dalawang taon na ang nakalipas nung nasa eskwelahan ka pa ay umuwi ang mama mo rito para kumuha ng gamit ang totoo ay tumakas lang siya sa angkong mo balak ka na nga niyang kunin pero nagdadalawang isip siya dahil wala pa siyang maipambubuhay sayo. Pumunta siya ng pampanga sa rest house ng papa mo . Pero alam ko nahanap din siya ng lolo mo"
Rest house sa pampanga , sa pag kakaalam ko nakapunta na ako doon.
Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya kinapa ko ito sa bag ko.
"Excuse me po"
Sinagot ko ang tawag at nilagay sa tenga ko ang phone
[ where the hell are you?! ]
Agad akong napasimangot bakit ba laging galit tong si Jacob sakin tsss.
"Easyyy , nandito ako sa laguna"
Narinig kong napabuntong hininga siya. Ano nanaman kayang problema ng kumag na to.
[ akala ko... ]
"Akala mo ano?"
[ wala ! Bilisan mo dyan , sabi mo maglilinis ka bago ka umalis ! Tss ]
Napakagat ako sa labi ko , omg nakalimutan kong maglinis muna ng bahay pano ba naman umalis ako ng bahay mga 4:30 am inaalala ko si manang baka kasi di ko maabutan tsaka sino ba namang maglilinis ng bahay ng mga 3am no !
"Arasso , arasso"
[ psh mukha kang aso ]
Sasagot pa sana ako ng biglang maputol ang linya argh !
"Sino ang kausap mo ? Mukhang masaya ka ah. Kasintahan mo ba yun?"
Halos masamid ako sa sinabi ni manang 'kasintahan amp'.
"Nako hindi po kaibigan ko lang po"
"Masaya akong makitang ngumingiti kana , mukhang mas okay ka ngayon"
Nginitian ko si manang. Hindi ko alam kung sobrang sungit ko ba sa kanila noon kasi parang hangang hanga siyang makita na nakangiti ako .
"So balik po tayo sa topic , pagkatapos po ng usapan niyong yun nakapag usap pa po ba kayo ni mama?"
Naiinggit ako kay manang , kahit katulong lang siya nagagawa niyang makausap ang nanay ko eh akong anak? Simula ng ilayo siya sakin ni angkong di ko na siya nakakausap.
"Hindi na eh. Sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa na siya kasama ang asawa niya"
Para akong sinaksak sa puso ng marinig ang salitang asawa. May pamilya na kaya siya doon sa ibang bansa ? Masaya na kaya siya roon ngayon? Nasasaktan ako sa ideya na baka masaya na ang nanay ko sa buhay niya ngayon at di na niya ako kailangan.
"Ah ganun po ba"
Malungkot kong sabi.
"Naku Ms MD , gusto pa kitang makausap pero marami akong bibilhin ngayon dahil nandyan ang angkong mo alam mo naman yun"
Kinuha niya ang basket niya at tumayo.
"Sige po salamat po manang. Sana po walang makakaalam ng pagkikita natin lalo na si angkong"
"Makakaasa ka Ms. MD . Basta mag iingat ka palagi ah at kung kailangan mo ng tulong wag kang mahihiyang lumapit sakin"
"Opo. Ingat ho kayo"
Nagpaalam na siya sakin at umalis na. Napahilamos ako ng mukha. Pano mo hahanapin ang isang taong parang ayaw naman ata magpahanap?
Ma , kailangan mo pa ba ako? O masaya kana sa buhay mo ngayon?
Inubos ko yung fries at cokefloat ko tsaka ko napagdesisyunang umalis. Lutang akong lumabas ng MCDO , bakit di ko nga ba naisip na baka may iba ng pamilya ang nanay ko since pinakasal naman siya ni Angkong sa ibang lalaki.
Pero hindi eh , naniniwala pa rin akong kailangan ako ni mama .
Sa sobrang pag iisip ko di ko na namalayang may nabangga na pala ako. Napaangat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nabangga ko .
Oh sh*t wala pa naman akong shades !!! Holy cooww.
Nakita ko ang gulat sa reaksyon niya.
"M--"
Agad kong tinakpan ang bibig niya at hinila sa gilid. Nang medyo nasa sulok na kami ay agad ko siyang binitawan.
"Henry."
"Wow , I'm glad you still remember me"
May hint ng sarcasm sa tono niya hello ! Pano ko ba naman siya makakalimutan eh akala ko siya na si Henry Sy Junior psh.
"So kamusta ang wanted ngayon sa buong laguna?"
Katulad ng dati medyo malamig yung boses niya na para bang lagi siyang bored sa kausap niya pero ganun lang talaga yung boses niya.
"Wanted?"
"Pinaghahanap ka sa buong laguna"
Ano pa nga bang inaasahan ko kay Angkong.
"So anong ginagawa mo dito?"
Pagtatanong ko.
"Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko niyan?"
"None of your biz"
Mataray kong tanong.
"Same"
Bored niyang sagot. Why the hell am I talking with this freak.
"Whatever ! I'll be going now. Sana wala kang pagsasabihan na kita mo ko"
"Wait.. since nandito ka na , I'll be asking for your help"
"And why on earth would help you ?"
"Well you're asking for a favor. Give and take. I'll do what you want in return help me"
Nginiwian ko siya , hah what the hell. Parang this past few days lagi akong naiisihan ah psh.
"Fine whatever spill it !"
Ngumiti siya sakin na ikinairap ko.
--------------------