CHAPTER 24

1715 Words
"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang kwarto?" Masungit na sabi ni jacob habang magkatabi kaming nakahiga sa kama at nakatitig sa ceiling. Tumagilid ako , paharap sa kanya "Ano sa tingin mo ang koneksyon ni daniella kayla jezreel and friends?" Pagtatanong ko . Huminga siya ng malalim. "Hindi ko alam , kailangan kong malaman kung anong nangyari nung february lalong lalo na yung araw na nagkaroon ng PTSD si Daniella ." "Bakit hindi nalang natin tanungin si tito jack--" "Ayoko ng madamay pa siya." Napanguso naman ako. Infairness kalmado siyang tao ngayon di niya ako sinisigawan. Nagulat ako ng biglang humarap siya sakin , sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. OMG ikikiss na niya na ba ako?!!!! Ito na ba yun? Ito na ba yung first kiss ko?!  Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko. "OUCH!!" Napadilat ako ng pitikin niya yung noo ko. "Ano ba! Bat ka ba namimitik !?" "Bat may pagpikit pikit ka pa dyan?! Umalis kana dyan maaga pa tayo bukas" Tinulak niya ako ng malakas kaya bumagsak ako sa kama.  Bakit ganito kasama ang lalaking ito. "I HATE YOU!!" Sigaw ko sa kanya. "Bilisan mo umalis at patayin mo ung ilaw tas lock mo na rin yung pinto" Napakuyom ako ng kamay at padabog na naglakad paalis. Malakas kong sinara yung pinto "OY YUNG ILAW !!" bahala kang bwiset ka ! ✖✖ "Dyan lang po sa gilid" Sabi ko sa tricycle driver . Bumaba ako at nagbayad "Teka sigurado ka na bang dito na?!" Pagpigil sakin ni Jacob. "Oo nga . Promise !" Tinignan niya ako ng naniningkit ang mga mata. "Yan din ang sinasabi mo kanina ! Alam mo ba kung anong oras na?" Napatingin ako sa relo ko. "4:15pm" "4:15 na at 12pm tayo nakarating dito sa pampanga !! 4 na oras na tayong naliligaw !!!" "Naririnig kita wag mo kong sigawan !!" Paepal to , magkaharap lang kami kailangan pa akong sigawan ! Tsaka kasalanan ko bang maraming kamukha yung resthouse ni daddy ! Pag nakakakita ako ng kamukha ng resthouse ni daddy bumababa kami lol. Wala namang masamang magtry diba ! Tsaka ang tagal tagal na nung huling punta ko doon. "Ahm. Excuse me , hijo at hija. May maitutulong ba ako sainyo?" Nilagpasan ko siya at pumunta kay manang. "Dito po ba yung resthouse ni Edward Larsson?" "Dito nga , sino ba kayo?!" OMGGG! FINALLYYYYY !! WOOH WOOOHH !! Napatalon pa ako sa saya at may pagsuntok pa ako sa ere. I cleared my throat para sa bongga pagpapakilala ko. Ano bang magandang sabihin? Ako po yung napakagandang anak ni Edward Larsson ---- "Siya po yung anak nun , pwede na po ba tayong pumasok ? Ang sakit na po kasi ng paa ko" Napatigil ako sa pag iisip ng makitang naglalakad na sila papasok . Walangya talaga tong si jacob nauna pa sa anak ng may ari. Pagpasok namin , I feel like home.  Walang nagbago. Itong ito parin yun. Yung sala na pinanonooran namin nila mommy at daddy ng cartoons. Yung kusina na nilulutuan ni mommy tapos kami ni daddy nakaupo sa stool at inaantay siyang matapos. Yung malalaki naming larawan na nakasabit sa may hagdanan. "Ang ganda at gwapo pala ng parents mo eh. Bakit di ka dun nagmana? Ampon ka no?" Sinamaan ko ng tingin si jacob na nasa tabi ko at tinitignan ang mga picture namin. "Ikaw ba talaga yan mayday?" sabi nung manang at tumango ako. Pinakita ko sa kanya yung wallet ko na may family picture naming tatlo kaso bata pa ako dito. "Hindi mo ba ako matandaan?" Tinignan ko siya maigi at pilit na inalala . "Nanay Crising?!" "Ikaw nga yan mayday!" Nagyakapan kami. Matagal ng kasambahay dito si nanay crising halos dito na nga siya tumanda. At tuwing nagbabakasyon kami dito , inaalagaan niya talaga ako. "Bakit ngayon  ka lang pumunta dito?" "Pasensya na po ang dami po kasing nangyari" "Kasama mo na ba yung mama mo?" Umiling iling ako. "Kaya nga po ako nagpunta dito. Kasi hinahanap ko po siya" Tumango siya sakin "Mamaya na natin pag usapan yan dahil mukhang pagod na pagod ang kasama mo" Parehas kaming napating kay jacob na nakaupo na pala sa sofa at mukhang pagod na pagod. "Kasintahan mo ba siya?" "Sana" Bulong ko. "Ha? Ano yun?" "Hindi po. Kaibigan ko lang po." "Ah ganun sayang naman. Bagay pa naman kayo , maganda ka gwapo siya. Artistahin nga yung mukha niya eh. Artista ba yan?" Bulong sakin ni nanay. Nginitian ko siya. "Nako hindi po" Medyo tsismosa to si nanay ah. "Ay ganun ba" "Nanay aakyat lang po ako sa taas pwede pong paasikaso nalang siya?" "Ay yung susi ng kwarto mo hindi ko alam kung nasan alam ko kinuha yun ng mama mo eh" Binuksan ko ang bag ko at nilabas ang kwintas na may susi. Pinakita ko ito kay manang. "Binigay niya po sakin nung bata ako" Ito yung pinaka huling bagay na naibigay sakin ni mommy bago siya ilayo sakin ni Angkong. "Kung gayon sge umakyat kana at tatawagin nalang kita kapag luto na ang pagkain. Ako na rin muna bahala kay pogi" Tumango ako at umakyat na sa taas. Una kong pinuntahan ang kwarto ni mommy at daddy. Pagpasok na pagpasok ko rito bumalik lahat ng masasayang alaala ko kasama sila. Madalas kapag hindi ako makatulog tumatabi ako sa kanila. Ako yung nasa gitna at yakap yakap nila ako. Tapos bago kami matulog kakantahan kami ni mommy. Pinigilan kong maiyak. Matapang ka diba mayday , wag kang umiyak. Umupo ako sa kama at hinawakan ito. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan. Nilibot ko ang buong kwarto . Ang ibang damit ni mommy at daddy na pangbakasyon ay nasa closet parin.  Sunod kong pinuntahan ay ang office ni dad na office din ni lolo dati ( father ni daddy ) Malinis ang opisina , nakaayos ang mga gamit . Dati ,  Nagagalit si mommy kapag nagbabakasyon kami dito tas makikita niyang nagttrabaho si daddy dito.  Pero magpaplano kami ni daddy para suyuin siya tapos magbabati na sila. Huli kong pinuntahan ang kwarto ko. Hindi ko na masyado matandaan ang ayos ng kwarto ko. Dahan dahan ko itong binuksan at sumalubong sakin ang kadiliman. Malamang patay ang ilaw eh kaya binuksan ko ito. Mala pang prinsesa yung kwarto ko. Lahat ng gamit ay kulay pink. Agad napansin ng mata ko ang isang maliit na tent malapit sa kama ko.  Naalala ko na , sa sobrang laki ng kama ko mas ginugusto ko nalang matulog sa tent. Sinilip ko ang tent dahil medyo maliit ito hindi ako kasya . Napangiti ako ng makitang nandito yung favorite kong teddy bear si elmo. Actually dalawa silang paborito ko si Elmo at Cookiemonster. Nasa kwarto ko sa bahay ni angkong si cookie monster.  Hala omg bakit di ko nga ba siya nadala? Ang laki kasi di na kasya sa tatlong maleta ko. Kinuha ko si elmo mula sa tent at tumayo. Kaso biglang may nalaglag na puting envelope. Dinampot ko ito at binasa ang nakasulat sa labas. To : my princess mayday Napakunot ang noo ko , para saakin ba ito? Napaupo ako sa kama ko at binuksan ang sulat habang si elmo nasa tabi ko. Dear princess ,       Sa panahong binabasa mo na ito malamang hindi mo na kami kasama ng daddy mo. Hindi ko inakala na aabot sa ganitong punto ang angkong mo , akala ko okay na kayong pamilya ko sa kanya pero hindi pala. Kung nalaman ko lang agad sana , hindi na akong pumayag na tumira ulit kay Dad. Anak patawarin niyo ako ng daddy mo. Hindi ko ginusto na magbigyan ka ng isang tragic na buhay. Patawarin mo ko kung hindi pa kita makuha sa angkong mo dahil natatakot ako na baka ipapatay ka rin niya gaya ng ginawa niya sa daddy mo. Hinding hindi ako papayag na mangyari yun sayo. Miss na miss na kita , gustong gusto na kitang mayakap. Kahit makita lang kita masaya na ako. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng daddy mo at pangako magkikita rin tayo .                                                   M.C Cookiemonster 2481 Sabi ko di ako iiyak eh , pero kasi---- di ko na mapigilang humagulgol. Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko. Gustong gusto na rin kitang makita mommy sobra at mahal na mahal ko rin kayo ni daddy. Biglang may kamay na pumatong sa balikat ko kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko si jacob na nakatayo sa harapan ko. Umupo siya sa tabi ko pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pag iyak. Hindi ko alam pero sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko. Inilapit ako ni Jacob sa kanya at niyakap ako , mas lalo akong napaiyak sa ginawa niya. ✖✖ "Hindi na ba talaga magbabago ang isip niyo. Gabi na oh" Nandito kami ngayon sa labas ng resthouse at pauwi na. Wala namang masyadong naikwento si nanay crising sakin dahil mabilis lang din daw ni mommy dito dahil sinundo siya ni angkong. Binilin din daw ako ni mommy kay nanay dahil alam niyang balang araw ay pupunta ako dito. Ibinigay niya na rin sakin ang titulo ng resthouse. "Sigurado na po kami kasi may pasok pa po bukas" "Osge mag iingat kayo , carding ikaw na bahalang maghatid sa kanila sa sakayan ah!" Tumango naman ang kasing edad na ni nanay crising na tricycle driver. Niyakap ako ni Nanay Crising tsaka tuluyan na kaming sumakay. "Wala bang iniwan sayo ang mama mo maliban sa titulo?" Napatingin naman ako kay jacob "Wala na" "Sigurado ka? Wala ba siyang nabanggit sa sulat?" "Wala nga!" Pero parang di kumbinsido si jacob kaya nilabas ko ulit ang sulat. "Oh ayan basahin mo ! Tsk" Nagcrossed arms ako at tumingin sa labas. Anong oras na kami nito makakauwi. Muli ko namang tinignan si jacob na seryosong nagbabasa. Sus gusto niya lang chumismis  sa kung ano yung sulat ni mommy sakin eh. "Ano may nahanap ka?" "Cookiemonster 2481" Nanlaki ang mata ko at hinablot ang papel. Oo nga may nakasulat na maliit sa babang bahagi ng papel. "Bat di ko to napansin kanina" "Umiyak ka kasi agad !" Sinimangutan ko siya. Ano kayang ibig sabihin nito? Bigla kong naalala ang favorite kong teddy bear na si elmo------ damn hindi kaya ........ "Yung isa ko pang favorite na teddy bear ang tinutukoy niya" "Oh nasan na yun?" Napakagat ako sa labi ko. "Nasa kwarto ko sa bahay ni angkong " Pano ko makukuha yun? Eh di naman ako pwede pumunta dun tsaka kahit mag ninja ako mahigpit ang security dun  makikita parin ako . Okay isip mayday isip ...... "Alam ko na !!---- ouch!" Napahawak ako sa ulo ko dahil nauntog ako. Si manong naman di dahan dahan mag drive psssh !! "Ano?" Nilabas ko ang cellphone ko at may tinawagan. "Hello.......henry" --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD