CHAPTER 23

1315 Words
"Annyeong haseyo Ajumma !" Masaya kong bati kay Ajumma diane at niyakap siya. Niyakap niya naman ako pabalik at pagkatapos ay inanyayahan ako sa sala nila. "Mabuti naman at napabisita ka Mayday" Halata parin sa mga mata niya ang lungkot , malamang Mayday , sariwa pa ang sugat na sanhi ng pagkawala ni Daniela. Ilang araw palang ang nakakalipas ng malibing ito. "Kamusta po kayo?" Ngumiti siya ng mapait. "Ito , pinipilit kong magpakatatag. Miss na miss ko na ang anak ko" Mukhang maiiyak na siya kaya hinagod ko ang likod niya na parang sinasabi na nandito lang ako ajumma.  Kabog diba ! Gossh ang bait ko. Turn on babaeng mabait na maganda pa. Hays. "Kaya niyo po yan. Sigurado naman akong binabantayan kayo ni Daniela sa taas at ayaw niyang nakikitang malungkot kayo." Puno ng pangungulila , lungkot at sakit ang mga mata na pinukol sakin ni Ajumma. Kinompose niya ang sarili niya at ngumiti ng pilit sakin. "Salamat. Ay teka ikukuha lang kita ng maiinom at makakain." "okay po" "Saglit lang ha" Tumayo siya at nagtungo na sa kusina. Agad ko namang binuksan ang bag ko ,at tinawagan si jacob. Wala pang isang ring ay sinagot na niya ito , ay medyo kinilig ako dun ah lol. "Hey" [ hey ] Napangiti naman ako. Waaaah bakit ang sexy ng boses niya sa phoneeeeeee !! OMGGG ! Natutuwa na akong pakinggang ang boses ni Jacob kasi bigla akong nakarinig ng mga yapak. "She's here na" Agad kong tinago ang phone ko sa loob ng bag ng hindi binababa ang tawag para marinig ni jacob ang usapan namin. Nandito lang naman si jacob malapit sa bahay ni Ajumma para if ever na may mangyari ( sana wag naman ) to the rescue siya. #JacobMyHero lol.  Nginitian ko siya ng umupo siya sa tapat ko. "Ahm ajumma , tungkol sa pagkamatay ng anak niyo na sinabi niyong di siya nagpakamatay. Totoo pong naniniwala ako dun. Kahit saglit ko lang po nakasama si Daniela alam ko pong di niya gagawin yun." Literal na saglit  ko lang siya nakasama nung may activity lang sa chem. Di ko nga siya napapansin sa room lol.  And the best actress award goes to..... maydaaay ! *palakpakan* "Gusto ko rin pong makatulong , may mga kakilala po akong makakatulong . May kaibigan po akong detective" Correction : FORMER detective , which is tito jack. Sorry for using you tito jack. Nakita ko namang parang nagiging kombinsido siya sa mga sinasabi ko. "Pero kailangan niyo po sabihin sakin lahat ng nalalaman niyo na makakatulong sa kaso. Payag po ba kayo?" Say yes say yess cause I need to know ~ hahahah kumanta. Tumango siya sakin  at napangiti naman ako. "Payag ako" "Wala po dapat ibang makakaalam ng pag uusapan natin dahil delikado. Hindi natin alam kung sino ang binabangga natin" Ay May pag bangga na si Ate mo mayday. Hahahaha gusto ko na talagang tawanan ang sarili ko dahil sa mga pinag gagagawa ko. Di ko talaga aakalaing aabot ako sa puntong magiging feeling detective na rin ako lol. Okau serious mode ulit. "Walang makakaalam . Mapagkakatiwalaan naman kita mayday diba?" Tinignan ko siya ng sincere at ngumiti. "Mapagkakatiwalaan po" "Salamat. Sasabihin ko na lahat ng nalalaman ko" Naging seryoso ang mukha ko. "May PTSD (Post -traumatic stress disorder )si daniela , pero matagal na yun , okay na siya at nagamot na siya. Kaso ilang araw bago siya mamatay parang bumabalik. Tuwing gabi lagi siyang nanaginip ng masama , lagi siyang umiiyak , sumisigaw. Hindi siya makatulog. Sobrang nag aalala na talaga ako sa kanya kaya isang gabi tinabihan ko siya matulog. Mas nauna pa ata akong nakatulog sa kanya nagising nalang ako ng madaling araw at naabutan siyang yakap yakap ang tuhod niya habang umiiyak. Tinatanong ko anong problema ang sabi niya bumabalik daw sila." Biglang tumayo si Ajumma. "May ipapakita ako sayo" Umalis siya saglit at maya maya ay bumalik na may dalang notebook. Binuklat niya ito at ipinakita sakin. Punong puno ito ng sulat puro pangalan nila Sceven , Abby , Jezreel at Bryan ang nakasulat at mahahalata mong sobrang diin ng sulat niya. Yung parang sinasaniban siya ng mga panahong sinusulat niya to. Nilipat ko sa kabilang pahina at ganun din ang nakasulat. Ano bang kaugnayan ni Daniela kayla Jezreel , Sceven , Bryan at Abby? "Lagi niya rin sinasabi ang mga pangalan ng apat na yan habang humahagulgol siya o kaya minsan maririnig ko nalang siya nagsasalita mag isa at binibigkas niya ang mga pangalan na yan. Hindi kaya sila ang pumatay sa anak ko?" Agad akong napailing bilang tugon. Malabong sila ang pumatay dahil patay na si Ate Jezreel , si Sceven nawawala raw ganun din sila Bryan at Abby. At sa pagkakaalam ko ang ate ni jacob ang biktima. "Masyado pa pong maaga para mag conclude" Seryoso kong sabi habang dahan dahang hinahawakan ang bawat letra na nakasulat sa notebook tapos ay nag angat ako ng tingin sa kanya. "Maari ko po bang malaman kung paano po nagkaroon ng PTSD si Daniela?" "Sa pagkakaalala ko noong grade school pa siya nun , grade 4 ata ? February.  Nagkayayaan silang magkakaibigan maglaro ng volleyball sa school nila. 5:30 palang ng umaga umalis na sila. Inaasahan ko na mga tanghali uuwi na siya kasi ganun naman yun lagi kapag naglalaro sila. Nagtaka ako ng  maghahapon na wala pa siya. Makulimlim pa naman nun mukhang uulan. Nung bumuhos na ang malakas na ulan lumabas ako pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makita si daniela na nakaupo sa tapat ng pinto umiiyak siya , basang basa at sobrang dumi. Dun na nagsimula yun ayaw niya ako kausapin , di ko alam kung anong nangyari ayaw niyang sabihin sakin. " "Grade 4 pa po pala eh bakit ho biglang bumalik ?" "Sa tingin ko dahil yun sa pagkamatay ng bestfriend niyang si Eliana , kailan lang din namatay si Eliana . Nung pagkalibing kay Eliana  dun na nagsimula. Ilang araw din siyang umabsent at nagkulong sa kwarto niya. Sa una akala namin kasi nangungulila siya sa bestfriend niya pero hindi , alam kong may mali sa anak ko. " So kamamatay lang din ng bestfriend niya? Kilala kaya nila Rosgan si Eliana? Kaya pala pagkatapos nung activity sa chem di ko na siya nakita. Hahaha joke di ko sure di ko naman talaga siya napapansin hehe. Feeling kunwari may alam lang. Anyway , back to serious mode ulit. Ibig sabihin nung namatay si Eliana tsaka bumalik ang PTSD ni Daniela . "Pano po ba namatay si Eliana?" "Hindi mo ba alam? Hindi ba't dati ring section 1 si eliana ngayong taon lang siya nalipat ng section" "Kakalipat ko lang po sa Shinzui" "Ahh bago ka lang pala. Aksidente ang nangyari kay Eliana , nabangga yung kotseng sinasakyan niya. Ang kaso ang driver lang ang nakaligtas si Eliana hindi na." Hindi ba dapat ang mas may tyansang mamatay ay yung driver? Hindi naman sa pinapatay ko na yun driver. You know just saying.. "So kailangan natin alamin kung anong nangyari nung february  2016. Baka may alam ang doctor ni Daniela? Baka may nasabi siya tungkol dun?" "Itatanong ko" Tumango ako. Kinuha ko yung calling card ko sa wallet ko at inabot ito kay Ajumma. "Tawagan niyo po ako kung may nabalitaan kayo , ganun din ako sainyo. " Kinuha niya ito. Sinara ko naman yung notebook ni Daniela. "Pwede ko po bang mahiram to ? Baka may iba pa po akong makita na makakatulong sa paghahanap natin" "Okay lang , basta makakatulong sa paghahanap sa pumatay sa anak ko" Kinuha ko ang notebook at tinago sa bag ko. "Mauuna na po ako. Pupuntahan ko pa po yung kakilala kong detective" Sinuot ko ang bag ko at tumayo. Tumayo rin si Ajumma at lumapit sakin. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Maraming maraming salamat sa pagtulong mayday" "Wala pong anuman ajumma." Humiwalay siya sa pagkakayap at inayos niya ang buhok ko. "Bibisita nalang po ako ulit" Ngumiti siya sakin at tumango. "Mag iingat ka" Nagpaalam na ako kay Ajumma at lumabas na ng bahay nila. Pagkalabas ko , kinuha ko ang phone ko at tinignan ito. Naka end na yung call at may message. Inopen ko yung message. Fr : Jacob Nauna na ako sa condo para hindi sila maghinala. Mag iingat ka . ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD