CHAPTER 22

1236 Words
"Parang may himalang nangyayari. Tama ba tong nakikita ko? Yung kasama mo nakikipag usap sa mga babae?" Napairap ako sa sinabi ni rosgan hindi ko na nga yun pinapansin siya naman pansin ng pansin. Psh ! May mission kasi kami ni jacob ngayon oplan hanap ng informations about kayla Sceven , Jezreel , Abby at Bryan . Kaya magtatanong tanong kami sa mga estudyanteng naabutan sila. Kaso ito namang si jacob mukhang nag eenjoy ata sa pakikipaglandian sa mga peste niyang fangirls !! May paghawak hawak pa !TSSSSSK. Kung tinutusok ko sila ng tinidor makatawa pa kaya sila niyan?! Nag iwas ako ng tingin at humarap kay Rosgan na kumakain na. Keep calm mayday and stay fab *flip hair* "So kailan ka nagsimulang mag aral dito?" Nangalumbaba ako habang inaantay ang sagot ni Rosgan. Napatigil siya sa pagkain at tinignan ako ng naniningkit ang mga mata. "Kailan ka pa naging interesado sakin?" "Pasalamat ka nga kahit papaano nagiging interesado pa ako sayo!" Pssh. Kung di lang dahil kay Jacob di ko naman to pakikisamahan si rosgan. Tsaka wow swerte niya sinabayan ko siya kumain tss. Isang Mayday Larsson sumabay sa mukhang kukong intsik na to. Meron nga talagang milagro sa araw na to. "Edi thankyou!" "Tssk!" Sinimulan ko ng kainin ang pagkain ko. "Hmm , kailan ba ako nagsimulang mag aral dito? Ahmm... simula grade 1 ata . Kami nila Charity and friends niya tsaka mga kaibigan ko rin. Kami ang original na section 1 hanggang sa nabawasan at nadagdagan." "Ahhhh. Eh may kilala ka bang Sceven ? Narinig ko kasi yung name niya somewhere tas naging interesado ako" Nakita kong nagulat siya. "H-ha? Ah ...eh.. syempre kilala ko yun sino ba namang hindi nakakakilala kay kuya Sceven eh pamilya niya ang nagtayo nitong Shinzui at dad niya ang dating may ari--" "What do you mean dating may ari?" "Hindi na siya ang may ari ngayon , di ko alam kung sino , kung kamag anak niya ba o ano , bigla nalang kasi siyang nawala raw." "Ahh eh nasan na si sceven?" "Alam mo nahuhurt na ako ah. Akala ko interesado ka saki kaso parang mas nagiging interesado kana kay Kuya Sceven." "Pssh sagutin mo nalang" "Walang may alam kung nasan na siya. Kasabay din siyang nawala ng tatay niya." Aww sayaang ! Akala ko pa naman pwede ko siyang maging kaibigan ! Hays gawa kaya ako Oplan hanapin si Mr. Sceven ! Para sa kinabukasan ng tuition ko !! "Hindi niyo na dapat pinag uusapan pa ang wala na" Sabay kaming napatingin sa nagsalita. "Charity" Tawag ni Rosgan. Samantalang ako tinignan ko lang siya ng nakapoker face. Pake niya ba? "Pwede ko bang mahiram saglit ang pinsan ko? Kailangan namin siya para sa meeting." Mataray niyang sabi , hindi ko alam kung nature niya na ang maging b***h o sakin lang siya ganito. Well , whatever. "Okay" "Sorry mayday ah next time nalang tayo ulit kumain !! " Nakangiting sabi ni rosgan at kinuha ang gamit niya. Aalis na sana siya kaso bigla siyang bumalik at tinap ang ulo ko at ngumiti ng wagas na halos di ko na makita ang mga mata niya tsaka sumunod sa pinsan niya. Ang weird weird talaga ng rosgan na yun palaging nakangiti pagkaharap ako , muntanga. Tumingin ako sa table nila jacob at nagulat ako ng makitang nakatingin din siya sakin. Nginitian ko siya at agad ding nag iwas ng tingin. Napahawak ako sa bandang puso ko , bakit ba ang bilis na naman ng t***k nito? ✖✖ "Magbihis ka may pupuntahan tayo" Sinara ko ang magazine na binabasa ko at tinignan si jacob na nasa harap ko at naka suot ng black na maroon na v-neck , black pants at converse. "San tayo pupunta?" "Basta ! Wag kang mag shoshort ah !" Sinamaan ko siya ng tingin bago umakyat sa kwarto ko. Dahil feel ko makipag couple na damit kay baby jacob ko. Nagsuot ako ng maroon na plain dress tapos converse. Hala , bakit parang feeling ko magdadate kami? Hoho. Kailangan super gorgeous ako ! Matapos kong mag ayos bumaba na ako agad dahil excited akong ipakita kay jacob ang ayos ko , well di naman ako masyadong nag abalang mag ayos dahil maganda nanaman na ko light make up lang tas blower ng buhok. Pagbaba ko agad na napatingin sakin si jacob na nakaupo sa sofa. Nawala ang kunot ng noo niya kaya nginitian ko siya. Tumayo siya at nilagpasan ako. "tara na" Agad akong sumunod sa kanya. Sobrang bilis niyang wala na akong poise kung maglakad maakasabay ko lang siya pssh !! Tahimik kaming sumakay ng tricycle . Bakit hindi ako matignan ni jacob? Panget ba ayos ko? Hindi naman makapal ang make up ko ah. Ayoko nga ng makapal eh kasi baka maging clown ako. Tapos hindi naman sobrang ikli ng dress ko kasi alam kong ayaw niya nun. Saan ba ako nagkamali?!! Saan ba ako nag kulang ?!! Binigay ko naman ang lahat ah?! Hahaha choss. Tumigil ang tricycle at bumaba si jacob , sumunod din ako at tumingala para tignan kung nasan kami. Halos mapanganga ako ng makita kung nasan kami. "Omg di pa ako handa !" Nasa tapat kami ng simabahan "Ha?!" "Jacob gusto kita pero hindi pa ako handang magpakasal !" Bigla akong binatukan ni jacob "Ouch!" "Napaka asumera mo ! Nandito tayo para magdasal. Hihingi tayo ng tulong sa lahat ng bagay na gagawin natin at hihingi rin tayo ng tawad sa mga kasalansan natin." Seryosong sabi ni jacob at pumasok sa loob. Napanganga ako sa sinabi niya. Tama ba ang rinig ko? Si jacob nagdadasal? Ngayon nalang ako nakakita ng lalaking humihingi ng tulong sa Diyos , lalaking nakakakilala pa sa Diyos. Napangiti ako at sumunod kay jacob. Tumabi ako kay jacob at lumuhod din. Hindi ko maiwasang mapatitig kay jacob na taimtim na nagdadasal. Hindi ko inexcpect na makikita ko ang ganitong side ni jacob. Humarap ako sa harapan at pinagdikit ang mga kamay sabay ipinikit ko ang mga mata ko. Hello Lord , long time no talk. Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa lahat kahit ganito ang buhay ko biniyayaan niyo naman ako ng kagandahan di jk lang po pinapatawa ko lang kayo. Maraming bagay akong dapat ipagpasalamat , isa na dun yung buhay pa ako at ang pagbigay mo kay jacob sakin. Salamat po kasi pinagkaloob mo sakin si jacob kahit papaano hindi ko nararamdaman na mag isa ako at alam kong may kasabay akong lumaban. Lord humihingi kami sayo ng strength at guidance sa lahat ng bagay na gagawin namin. Wag mo po kaming pababayaan , lalo na si jacob. Tulungan mo po kami , tulungan mo po akong mahanap ang mom ko at tulungan niyo rin pong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate ni jacob. Sorry sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Nagtitiwala po ako sayo na matutulungan mo kami. Amen. Dinilat ko ang mata ko at nakita kong wala na sa tabi ko si jacob. Nakaupo na pala siya. Umupo ako sa tabi niya. "Anong pinagdasal mo?" "Pinagdasal ko na sana maamin mo na sa sarili mo na gusto mo ko" Nakangiti kong sabi sa kanya na ikinailing niya. "Joke lang , pinagdasal ko na tulungan niya tayo katulad ng sinabi mo" "Bukas pupunta na tayo sa bahay nila daniela para kausapin ang mama niya tapos sa linggo pupunta naman tayo ng pampanga para magtanong tungkol sa mama mo. Handa kana ba?" Tumango ako. "Hindi tayo habang buhay makakapagtago. Kaya sisiguraduhin kong bago nila ako mapatay , nagawa ko na ang dapat kong gawin para pabagsakin sila" Humarap ako kay jacob at tinignan siya ng seryoso. "Sisiguraduhin kong bago ako mahanap ni angkong , nahanap ko na ang nanay ko" Sabay kaming ngumiti at tumango. Lord , huwag mo kaming pababayaan. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD