Pinauna ko na si Jacob sa canteen kasi di ko na talaga kayang pigilan ang call of nature . Ang pinaka malapit na CR ay yung malapit sa library . Dahil malapit ito sa library wala masyadong katao tao at tahimik. Halata namang maraming book lover ah sa sobrang dami ng tao na halos paghinga ko nalang yung naririnig ko at tanging hangin nalang ang nasasalubong ko. Bigla tuloy akong kinilabutan , napalingon ako ng maramdamang parang may sumusunod sakin pero wala naman akong nakitang tao. Para akong nasa horror movie ah ! Binilisan ko nalang ang paglalakad at hindi ko na pinansin yung pakiramdam na parang may nagmamatyag sakin. Pagpasok ko ng CR agad akong nagtungo sa cubicle at ginawa ang dapat gawin. Huminga ako ng malalim at napatitig sa repleksyon ko sa salamin . Why are you scared mayday? There's nothing to be scared of . Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay.
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang namatay ang ilaw. Wala akong makita ni katiting na ilaw wala dahil walang bintana sa CR , kulob ito . Wala talaga akong maaninag , sobrang dilim. Pinatay ko ang gripo at walang emosyong nakatingin sa salamin , hindi ako kumukurap. Sa loob loob ko pinapakalma ko na ang sarili ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pero pinanatili ko ang kalmadong postura. Pinapakiramdaman ko ang buong paligid ng biglang bumukas ang ilaw. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na.
Pagpasok ko sa canteen agad kong hinanap si Jacob at nakita ko naman siya agad. Pag upo ko ay napaangat siya ng tingin.
"What took you so-- are you okay?"
Ininom yung tubig na nasa lamesa
"Are you sick or something? You look pale"
"I'm fine. Lets eat!"
I try my best to be jolly pero di ko pa rin maalis ang pangambang naramdaman ko kanina. Kitang kita ko sa mukha ni jacob ang pagtataka at halatang gusto niyang magtanong pa pero pinigilan niya nalang ang sarili niya. Binalewala ko ang mga tingin niya at kumain na.
"Alam na ba ng angkong mo?"
Napatigil ako sa pagkain ko.
"Ahm, yeah"
"So hinahanap ka na nila?"
Tumango ako.
"What's your plan?"
Plan? Actually I havent thought of one. Napakagat ako sa labi ko.
"Well... I was planning na sa sabado after I do the chores aalis ako para magtatanong tanong"
You've heard it right ! I will do the chores specifically the cleaning of the condo on saturday ! Tsk. Nabasa ko sa net na para maging isang mabuting asawa dapat palaging malinis at maayos ang bahay. Tsaka since si Jacob ang nagluluto , ako nalang ang naghuhugas. #IdealGirl
"Okay"
✖✖
"Paalam na sainyo"
Kinuha ng prof namin ang gamit niya at lumabas na ng classroom. Niligpit ko na rin ang mga gamit ko at sabay kaming tumayo ni Jacob at naglakad palabas kaso napatigil ako ng biglang may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa nakahawak sakin at tinaasan siya ng kilay.
"Hatid na kita . May kotse ako"
Nakangiting sabi ni Rosgan , wooh medyo lumakas ata ang aircon sa room ah. Gusto kong sabihin na meron din kaming kotse nasa bahay nga lang ng angkong ko sa laguna tssk.
"Thanks but no thanks"
Ngumiwi ako at dahan dahang tinanggal ang kamay niya sa braso ko tapos nginitian ko siya. Tumingin ako kay jacob na nakasimangot na nag aantay sa pinto . Inayos ko ang polo ni Rosgan at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Bye"
Sabay lakad paalis. Nagpaalam ang mga kaklase namin samin at naglakad na kami palabas ng school.
"Anong kakainin natin mamaya?"
Tanong ko habang naglalakad kami sa may kalsada.
"Bubog"
"Sige kapag di mo kinain yun ah !"
"Psh !"
Napalingon ako sa likuran namin at napakunot ako ng may motor na sobrang bilis ng takbo . Lasing kaya ang driver ? Nang medyo malapit na siya kay jacob nagtaka ako ng hindi siya tumigil at mas pinabilis ang pagpapatakbo kaya nanlaki ang mata ko at agad na niyakap si jacob paatras dahilan para maout of balance kami sa sobrang bilis ng pangyayari . Napahiga ako sa kanya at nakitang nakaalis na ang motor na muntik ng makabangga samin.
"M-maday"
Napatingin ako kay jacob na nakatulala sa braso ko tapos dahandahan niyang dinampi ang mga daliri niya rito. Naguguluhan ako sa ekspresyon ng mukha niya para siya natatakot na natatae. Nang tanggalin niya ito ay may bakas ng dugo kaya napatingin ako sa braso ko at ---- OH MY !!
Nanlaki ang mata ko at napaupo sa sahig. Nanginginig kong sinubukang hawakan ang braso kong may saksak ng kutsilyo at patuloy ang pag agos ng dugo. B-bakit hindi k-ko naramdaman? Biglang nagdilim ang paningin ko.
Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang paligid. Uupo na sana ako ng biglang pumasok si Jacob. Halatang nagulat siya ng makitang gising na ako kaya agad siyang napatakbo papunta sakin at inalalayan akong umupo , napangiti naman ako. Ehem concern siya hihi.
"You okay?"
"No. Sino bang magiging okay matapos masaksak sa braso ? Hello ! Magkakapeklat tuloy ako!"
Napasimangot ako at para napahinga ng maluwag si Jacob.
"Okay ka na nga"
Ha? Pano niya naman nasigurado? Hindi ako okay ! Yung sugat ko ajuju. Epal naman kasi si kuyang naka motor akala ko mananagasa lang yun pala may pag saksak din siya tss. Pag nakita ko talaga yun gagawin ko siyang palaka bwiset siya !
"Teka sino naglagay nito?"
Turo ko sa benda na nasa braso ko.
"Ako"
"WEE?!"
"Ako nga ! Gumamit ako ng tinatawag na internet tapos nagsearch ako sa website na tinatawag na google at dun ko nakuha ang info kung pano ka gagamutin"
" Wag mo kong gawing tanga psh ! "
Inirapan ko siya. Bigla niya akong tinignan ng seryoso kaya ginaya ko siya pati ang postura niya na ikinasimangot niya.
"Stop mocking me"
Nagkibit balikat lang ako.
"Anyway , dont ever do that again you stupid crazy brat girl."
Napasimangot ako sa sinabi niya. What the hell lang.
"Hey , I am not stupid ! Lagi nga akong nasa top 5 wala sa lahi namin ang tanga ! Tsaka jacob wag ka nga dyan , kala mo naman talaga nalulungkot ka ! Wag kana makonsensya di bagay sayo at hindi naman ikaw ang nanaksak. And I think kung ikaw yun you'll do the same"
Nung pinaglakad mo nga ako ng pagkalayo layo di ka nakonsesya dito pa kaya tsss. Akala mo naman talaga , pero sige sakyan natin ang pagpapaganggap ng mahal ko si jacob medyo kinikilig ako makitang ganito siya. Para kaming mag asawa , tas nag aalala siya sakin ngayon at aalagaan niya ako hanggang maging okay ako . ( sige mayday lokohin mo pa sarili mo )
"Not sure of that"
Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko , ano pa nga bang ineexpect ko sa isang Jacob Louis Yco? Sinira nanaman niya ang napakaganda kong imahinasyon. Tsss.
"Jerk."
Ngumiti siya sakin , nakakainis bakit ngumingiti lang siya kapag napipikon o inaasar ako para bang yung ngiti niya sensyales na panalo siya laban sakin. Arrgh ! Nobody can drag me down !!
"Its really not safe now"
Napa angat ako ng tingin kay Jacob.
"Oo naman sa dami ba nama ng mga kidnaper , magnanakaw , holdaper , drug addict , r****t ! Kabila't kanan may krimen . Mahuli lang talaga sila ni Pressy Duterts yare sila. Mapapa baba-bye world sila. Hays. Kaya ikaw mag ingat ka sa tokhang ah."
"What the hell are you saying? I'm talking about the person who attacked us. I'm sure he / she is one of our so-called-enemy."
AHHHHH. Yun pala ang sinasabi niyang di na safe akala ko naman dahil sa mga naddrugs ang everything . Kaya pala medyo nagulat ako bat bigla niyang natopic yun ... parang out of the blue lol. Ako pala ang di nakaget. Sareh.
Bigla kong narealize yung sinabi ni Jacob , tama siya sobrang di na nga ligtas. Napangiwi ako.
"Ang hirap pala maindentify kung sino ang aatake satin kasi parehas tayong may kalaban , parehas may gustong manakit sating dalawa"
Parehas na may gustong pumatay samin ni Jacob kaya di na ako dapat pang magulat kung bukas o sa makalawa ay may manaksak ulit samin o maghagis ng bomba dito sa condo.
Parehas na kaming damay sa gulo ng isa't isa.
"Advance sorry kung madadamay ka dahil sa gulo ko"
"Same"
Sabay kaming napahinga ng malalim.
"Do you want to go back to your angkong now?"
" I may be brat and crazy as hell but I am not definitely a coward. I'll continue the fight"
Nginitian ko siya , isang ngiting nagsasabing laban lang choss.
"Okay if you say so"
Tumayo na siya.
"Let's eat , nagluto ako"
Biglang kuminang ang mga mata ko. OMG ! Nagluto siyaaaa hart hart LOL. Ang sarap sarap sarap kaya magluto ni babe jacob like sarap 10x . Kasing sarap niya hahahaha lol.
"Buhat?"
Nagpuppy eyes ako sa kanya.
"Anong buhat ano ka baby? Tsaka braso mo ang nasaksak hindi paa. Kung ayaw mo bumaba , wag kang kumain."
Tinalikuran niya ako at lumabas ng kwarto ko. Bakit pa nga ba akong umaasa na bubuhatin niya ako tssk.
Edi sana pala sa paa nalang ako nasaksak amp.
-------------