"Ano ba yang ayos mo? Inoperahan ka ba sa mukha?!"
Sabi ni Jacob na nakaupo sa kama ko at nakasuot na ng uniform samantalang ako ay nakapambahay pa pero nakaligo na nanaman. Nakatulala ako sa salamin. Puno kasi ng benda yung mukha ko , ang dahilan? Ayokong magpakita dun sa pesteng teacher na sinagot sagot ko sa national bookstore.
"Wag na lang kaya ako pumasok?"
Pag aalinlangan ko. Teacher siya at hindi lang basta teacher , ADVISER PA !! Baka pag initan pa ako nun . Malamang nakatatak na sa utak nun na may attitude ako tsss. Okay lang mas may attitude naman yung mga estudyante niya.
"Anong arte naman yan?"
Ehhh kasi namaaan eh !! Kaka-enroll lang namin kahapon tapos papasok na kami ngayon !! Hindi pa ako handang humarap dun no. Tumayo si Jacob.
"Magbihis ka na bilisan mo , ayokong malate"
Sabi niya habang naglalakad palabas.
"Teka nga ! 6:30 palang naman ah"
8am pa ang klase namin tsaka 15 or 20 mins lang naman ang byahe namin papuntang school pero nakabihis na siya and ready to go na.
"Ayoko lang malate"
Masungit niyang sabi sabay padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko. I smell something fishy. Bakit parang excited siya pumasok? Napakunot naman ako ng noo.
Pagpasok namin sa school , katulad kahapon pinagtitinginan parin kami ng mga tao. Napagdesisyonan ko na rin na tanggalin ang tapal ko sa mukha , after all I am Mayday Larsson bakit ako mahihiya sa isang teacher . Tsaka hello bakit ko tatakpan ang napakaganda kong mukha , ang mga ganitong mukha dapat di kinakahiya.
Tahimik kaming naglakad ni Jacob papuntang classroom. Okay aaminin ko , kinakabahan ako ng very slight. Very slight lang ! Syempre kasi new environment. Buong buhay ko sa laguna na ako nag aral , home school ako nung nursery hanggang elementary tapos nag highschool ako or grade 7 dun sa school namin ni Jacob. Laging bahay at school lang ako , syempre bantay sarado.
"Hey , you okay? "
Napatingin ako kay Jacob agad ko naman siyang nginitian at tinanguan. Nauna siyang pumasok at sumunod ako. Biglang nanahimik ang buong classroom , taas noo naman akong naglakad not minding their stares. Ito ang ayaw ko kapag transferee para kang alien na bumaba sa lupa. I mean si Jacob lang pala ang alien ako pala Angel hoho. Umupo kami sa bakanteng upuan sa gitna. Buti nalang katabi ko si Jacob. Pagkaupo ko ay huminga ako ng malalim. Sobrang naninibago ako sa environment , wala na yung mga taong tumatawag sakin ng Ms. MD wala na yung mga umaalalay sakin. Wala na ako sa palasyong kulungan ko.
"Oh the princess is nervous"
Napatingin ako kay Jacob na nakangisi , para bang natutuwang panoorin ako.
"Shut up!"
I hissed. Its okay MD keep calm and stay fab. Saktong dumating na yung prof namin na si Ms. Sofia amp. Pagpunta niya sa may table ay agad siyang may hinanap , nang makita niya si Jacob ay agad na napangiti siya pero nawala rin ang ngiti sa mga labi niya ng makita ako. Nginitian ko naman siya ng pang asar. Pero seriously speaking hindi ko gusto ang awra ni Ms. Sofia . Mukha siyang angel sa labas pero may tinatago sa loob. I'm not being judgemental pero yun yung nararamdaman ko. Okay fine , I'm judgemental.
"Okay class we have new students here. Please introduce yourself"
Tumayo kaming dalawa at nagtungo sa unahan.
"Hi ! , I'm Mayday Larsson just call me MD . 17 years of age"
Nginitian ko naman silang lahat , isang pekeng ngiti.
"Hi MD!"
Sigaw ng isang chinitong nakaupo sa likuran.
"Mr. Rosgan"
Saway nung teacher , subalit ngumiti lang siya sakin at kumaway pa. Crazy , napailing ako sa utak ko. Tinignan ko naman si Jacob na nakatingiti sa prof namin .Whats with him. He seems to be a very happy person , take note "very happy" infront of that teacher. Muli akong napatingin dun sa sumigaw na lalaki at ngayon naman ay parang pinagsasabihan siya ni Ms. b***h Short hair. Didnt I mention? Kaklase ko silang 4 pathetic losers , actually ngayon ko lang napansin nung tumayo ako sa harap. Nakaramdam kasi agad ako ng dark aura at mga masasamang mata na nakatingin sakin tas yun nakita ko sila.
"Ahm. Hi.."
"Helllooo!!"
Sabi ng mga girls in chorus. Masamang tingin ang pinukol ko sa mga babaeng yun pero mukhang di nila ako napapansin dahil busy sila kakatitig kay jacob. Damn it. Kung pwede lang takpan ang mukha ni jacob eh sana pala ginawa ko kanina bago kami pumasok.
"Girls quiet!"
Saway ni Ms. Sofia , syempre reaction ng boys? Mga nakasimangot maliban dun sa baliw na lalaking sumigaw kanina na panay ang ngiti sakin. Hindi ba siya nangangalay?
"Continue , mr louis"
"I'm Jacob Louis----"
"KYAAAAAAAAH!!"
"Omg ang gwapo ng name niya parang siya lang!!"
"So hoot !!"
"Kyaaaah!!"
Hindi na natuloy ni Jacob ang sasabihin niya dahil nagkagulo na ang mga babae na ikinairap ko. Psh. Wala ng nagawa si Mam kundi paupuin na kami tsaka nagdiscuss. Siguro sa 2hrs na discussion namin naka 10 beses pataas akong irap dahil sa mga malalanding tingin ng mga kaklase kong babae kay jacob at ito namang si Jacob as usual walang pake . Wala naman siyang ibang ginawa tumitig kay Ms Sofia oh diba kahit saan ako lumingon nakakairita. Ang sarap dukutin ng mga mata nila lalo na si jacob para di na siya makatitig sa teacher na yun. Tsk. Tapos sa pangalawang subject naman halos mapuno ko na ng drawing yung notebook ko sa sobrang boring ! Ano nga bang sinusulat ko? Well dinodrawing ko lang naman yung scenario dito sa room pinagsasaksak ko ng ballpen yung mga ambisyosang frog na titig ng titig kay jacob halos mapunit ko na yung notebook ko eh. Anyway bibili nalang ako ng bago.
"Hi jacob , gusto mong sumabay samin kumain?"
Malanding sabi nung mga babae nakita ko namang nakatingin din samin yung mga babaeng na-encounter ko sa National Bookstore at ng tinignan ko sila ay inirapan nila ako. Well , Whatever losers ! Tumayo ako.
" sorry not sorry pero sabay kaming kumain !"
Nginitian ko sila ng sarcastic na ikinasimangot naman nila.
"Sige next time nalang"
Sabi nung isang girl , there is no next time my dear.
"Kailan ka pa naging si Jacob?"
"Well sinabi ko lang yung magiging sagot mo in a nicer way"
Dapat nga silang magpasalamat sakin eh , there 2 possible things na irespond ni Jacob its either isnobin niya o sungitan niya.
"And how did you know na di ako papayag?"
"I know you better than anyone else in this school"
Umiling siya at naglakad na kami palabas ng room kaso bago pa kami makalabas ay may humarang nanaman samin and this time si crazy boy na and his gang.
"Hi MD"
Matamis siyang ngumiti sakin at kinuha ang kamay ko sabay halik. Tinignan ko lang siya.
"I'm Rosgan Bienavides , gusto ko sanang imbetahan ang isang napakagandang binibini--"
Hindi pa natatapos sa mabubulaklak na salita si Rosgan ng putulin na siya ni Jacob
"No , we're having our lunch together . Back off"
Hinawakan niya ang kamay ko ang tinabig ang mga kasama ni Rosgan. Imbes na magtaka at mapatingin kay jacob nakatulala ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Sa sobrang pagkatulala ko di ko na napansin na inalis niya na pala ang kamay niya.
Jacob cleared his throat.
Napatingin ako kay Jacob , agad kong kinompose ang sarili ko.
"Kailan ka pa naging si MD?"
" well I just gave them an answer in a straightforward way"
" at pano mo naman nalaman na yun ang --"
"I know you better than anyone else in this school"
Napatulala ako sa sinabi niya , wait thats my line !! Arggh ! Is he mocking me ?
-----------