CHAPTER 12

1385 Words
Bigla akong naalimpungatan kaya napaupo ako sa kama. Binuksan ko ang lampshade at tinignan ang orasan. 11pm palang pala  , akala ko naman umaga na. Tumayo ako at lumabas ng kwarto , naningkit ang mga mata ko ng makitang bukas pa ang ilaw sa baba. HALA ! M-may magnanakaw kaya? Napatakbo ako sa kabila at sumadal sa pader tapos medyo sumilip #feelingactionstar.  Dahan dahan akong bumaba habang nakasandal sa pader. Kailangan ko ng pang depensa ! Tamang tama katabi ko ang kusina kaya kumuha ako ng mga gamit. Okay 1 , 2 , 3...... akmang hahampasin ko na ang lalaki ng sandok  nang  mapatigil ako sa kalagitnaan. Teka , familiar ang likod na to ah. "Jacob?" Napalingon sakin ang lalaking inaakala kong magnanakaw "What the hell?!" Sigaw niya sakin at tinignan ko naman siya ng puno ng pagtataka. "Bat may kawali ka sa ulo mo?!" Napahawak naman ako sa kawali sa ulo ko at binaba. Napatingin din siya sa sandok na hawak ko. "Pang self defense ! Akala ko kasi magnanakaw ka eh syempre kapag umatake yung magnanakaw baka tamaan yung mukha ko. Di ko kakayanin kapag nagasgasan ang maganda kong mukha!" Napahampas siya sa mukha niya at umiling. Bakit tama naman ah?! Matamaan na lahat wag lang to like hello alagang alaga ko kaya to tapos magagalusan lang ng isang magnanakaw. #preventionisbetterthancure. Tumalikod siya at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit naman ako at tinabi ang mukha ko sa pisngi niya para kapag humarap siya sakin makiss niya yung pisngi ko. Hihi ! Lol. Nakaupo siya sa sofa at naglalaptop ako naman nasa likod niya nakatayo. "Anong ginagawa mo" "Nag eenroll" Napalayo yung mukha ko sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya. Agad akong umupo sa tabi niya. "Bakit ka mag eenroll? Saan?!" "Para mag aral malamang" "Saan?" "Sa shinzui academy , paaralan kung saan nag aral ang ate ko" "Ano?! Nababaliw ka na ba? Gusto mo na bang mamatay? Sabihin mo lang bigyan kitang lubid o kutsilyo!" Tinignan niya ako ng nakakunot noo. "Baka nakakalimutan mo last last week kinidnap ka nila at muntik ka ng mamatay!" Pagpapaalala ko sa kanya , baka lang kasi nakakalimutan niya. Halos atakihin kaya ako sa puso nung nakita ko siyang duguan. "I know--" "Oh ! Wag mo kong gagamitan ng quotation na ' Keep your friends close and your enemies closer' " sabi ko with matching pagquotation pa sa ere. "Matagal ko ng pinag isipan to mayday" "Aren't you afraid na mangyari ulit ang nangyari sa ate mo? You know history repeats itself" "If it will happen again , I'll make sure I'll make a difference" Seryoso niyang sabi  habang nakaharap sa laptop , napahinga ako ng malalim. Bigla siyang humarap sakin ng nakakunot ang noo. "You seem to know a lot of things huh" Nanlaki ang mata ko at nginitian siya . "Ah? Eh. Onti lang naman yung narinig ko lang sa hospital ! Promise !" Tinaas ko ang kanang kamay ko. "Siguraduhin mo lang" "Arasso!" Napahinga ako ng maluwag , pinagpawisan ako dun ah. Actually medyo may alam ako dahil tinanong ko si Tito Jack sinabi ko kasing willing akong tulungan si Jacob kaya nagbigay siya ng onting infromations sakin , onti lang naman. "Ahm. Jacob?" "What!" "Galit ka?!" Sigaw ko pabalik , tinignan naman niya ako ng masama at binalik ang tingin sa laptop. Ang hirap naman kunin ng atensyon nito. "Pwedeng mag enroll din ako?" Napatigil siya sa pagttype at napatingin siya sakin. "At bakit?" "Para mag aral duh!" Hah. Akala mo ah bumabalik din sayo lahat ng pabalang mong sagot sakin. Well , *flip ng hair* "Ayoko" Hinawakan ko yung braso. "Sigee na pleasee !" Nagpacute ako sa kanya ,nandidiri niyang inalis ang kamay ko sa braso niya. Wow arte ! "Tigil mo nga yan mukha kang aso!" Dumistansya sakin at napairap naman ako. "Bahala ka gawin mo ang gusto mo basta ioff mo tong laptop pagkatapos mong gamitin" Tumayo siya at naglakad paalis. YEEESSS ! "Saranghae Jacob ! Goodnight!!" Sigaw ko dahil nasa hagdan na siya nag heart sign pa ako hihi. "Saranghae my ass ! Bangungutin ka sana" Sigaw niya pabalik. Ang sweet niya diba -_- . Humarap ako sa laptop at nagsimula ng magtype. Kailangan ko parin naman mag aral kahit hinahanap ko si mama. Ayokong maangatan ako ng bobong si cheska kahit wala na siyang pag asang tumalino. Isa siya sa mga halimbawa ng beauty with no brain. Madaling natapos ang online enrollment ko . Akmang iooff ko na ang laptop ni Jacob ng biglang may nagpop out na e-mail. Galing kay Xavier , ayoko mang buksan dahil personal yun pero parang gusto ko , kailangan kong mabuksan? Tinignan ko muna ang paligid kung may sign na Jacob . Okay clear , clinick ko ito at bumukas. Hey Jake ! Alam mo ba kung nasan si Ms. MD ?  Nawawala kasi siya at kinukulit ako nung kaibigan niya na tulungan daw natin siyang hanapin si MD . Ang sabi ni krissy kailangan raw nila mahanap si MD bago dumating ang lolo niya kundi malalagot daw sila di ko maintindihan kung bakit. Anyway , kupal ka isa ka rin ! uso ba ang paglayas ngayon tss . Magreply ka dude. Asap. Agad kong dinilete yung message at inoff ang laptop ni Jacob. So , alam na ni angkong na naglayas ako at uuwi siya rito. Kailangan kong magdoble ingat para di nila ako mahanap. Sorry Krissy at Aldrin kung naiipit kayo dahil sakin. Pagkatapos kong mag enroll ay agad ako nagtungo sa kwarto ko para matulog na.  "Ano ba kanina ka pa dyan !!" "Saglit ito na nagbibihis na!" "Ano?! Nagbibihis ka palang sabi mo kanina magsasapatos ka na!" "Ha? Oo nga nagsasapatos na!" Sigaw ko habang blinoblower ang buhok ko. Pupunta kami ngayong Shinzui para opisyal ng makapag enroll. Sunod sunod na kumatok si Jacob. Wala ba siya ng tinatawag na 'patience'? "Ano ba bubuksan ko na tong pintong to at kakaladkarin kita pala palabas!" Ay ang harsh ah , umagang umaga. Binuksan ko na ang pinto at nginitian siya. Pansin kong napatulala siya tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa at  pinitik ang noo ko. " Sa school lang tayo pupunta !" "Oo nga ! Pang school naman to ah?!" Tinignan ko ang suot ko , I'm wearing Black & White triped long sleeve shirt , suede botton down skirt and boots. Super pinag isipan  ko kaya kung anong susuotin ko. "Bahala ka " Umiiling niyang sabi. Naglakad na siya pababa at sumunod naman ako. Nagtaxi kami papuntang Shinzui since wala naman kaming kotse hays. Kailangan ko na atang sanayin ang sarili ko sa pgacocommute. #StruggleIsReal. Pagpasok namin ng school ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante na para bang isa kaming celebrity couple. Ehem , COUPLE. Taas noo akong naglakad habang suot suot ang shades ko. Pinadiretso kami sa principal's office. In fairness ang laki ng school na to ah,  pangmayaman.  Buti na lang may secret bank account ako at kahit papaano may naipon akong pera. Pagpasok namin sa office ay agad kaming binati ng principal at pinaupo. Tinanggal ko ang shades ko. "Good morning , I am Ms. Rose Layne Cruz the principal and welcome to Shinzui Academy" Nginitian ko siya samantalang si jacob naka poker face lang. Nagsimula na siya magdiscuss ng mga bagay bagay pero syempre hindi ako nakinig.  Maya maya ay may kumatok kaya napatingin ako sa pinto at dahan dahan itong bumukas at pumasok ang isang magandang babae na nasa 20's at nakapag guro na attire----- OMG ! WAIT. I Know her ! Hindi ba siya yung teacher nung mga pathetic losers na nakita ko sa national bookstore. SIYAAA NGAA ! Bago pa siya lumingon saakin ay agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang buhok ko at humarap kau Jacob. "What the hell is your problem?" Sa halip na sagutin ko siya ay tinignan ko lang siya. "Okay , Mr. Louis and Ms. Larsson. This is Ms. Sofia Lee Gonzalvo and she will be you adviser" Hindi ako tumitingin dun sa teacher pinanatili ko ang tingin ko kay jacob at napansin kong parang natulala siya kay Ms. Sofia. Omg dont tell me nastarstruck siyaa?! NOOOO. "Mr. Louis , is there any problem?" Tsaka lang bumalik sa katinuan si Jacob at biglang tumayo kaya napatingin ako sa kanya "Im Jacob Louis please to meet you" Yumuko siya at inabot ang kanyang kamay. Napangiti naman si ms. Sofia na ikinairap ng mga mata ko , flirt. Tsk ! Inabot ito ng teacher at nagshakehands sila. "Nice to mee you too mr. Louis , i hope you well in my class" "Ms. Larsson are you okay?" Napaupo ako ng maayos ng tawagin ako ng principal dahila para mapatingin silang lahat sakin. "Ahm , masakit lang po ang ngipin ko" Medyo trying hard akong mag iba ng boses nun. I think I am in big trouble. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD