CHAPTER 11

1586 Words
"Good afternoon !!" Masaya kong bati kay Jacob na kumakain sa dining table . Sa sobrang pagod ko kahapon late na ako nagising , ito namang si Jacob di man lang ako ginising para makapag almusal. Lunch na tuloy kakainin ko. Bigla siyang naubo. Hala nagulat ko ata kaya nabulunan ,  agad kong sinalin ang tubig at inabot sa kanya. Kinuha naman niya ito at ininom naman niya ito. "Psh" Sungit pero nginitian ko lang siya at kumuha ng plato tapos tumabi sa kanya. Bukas ko nalang gagamitin yung favorite kong plato , kutsara't tinidor tsaka baso. Personalized kasi yun no ! Excuse me lang di yung basta basta. "Aalis ako mamaya , ilock mo ang pinto. " "Arassoo ! Saan ka pupunta?" Tinignan niya ako ng poker face at nagpatuloy kumain. "Sabi ko nga di na ako magtatanong" Pagkatapos niyang kumain ay tumayo na siya at nagtungo sa kusina. Binilisan ko ang pagkain at sinundan siya , kasalukuyang nagsisipilyo siya ng lapitan ko siya "Jacob!" Sigaw ko sa kanya. Nabuga niya yung toothpaste ng wala sa oras, parang naging magugulatin naman ata tong si Jacob . Agad siyang nagmumumog at humarap sakin. "Pwede ba wag ka nga bigla biglang sumusulpot ! At hindi ako binge kaya wag ka sumigaw." Napanguso naman ako sa sinabi niya. Tinitesting ko lang naman kung papansinin niya ako. Nilagpasan niya ako at kinuha ang bag niya sa sofa tapos sinuot ang shades. Napabuka ang bibig ko dahil sa kagwapuhan niya. "Alis na ako" Hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya sa tagal kong natulala. Grabe napaka gifted ni Jacob , gwapo na matalino pa. Napailing ako at hinugasan ang pinagkainan ko tapos ay umakyat ako sa kwarto at naligo. Pagkatapos kong maligo ay pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto ko habang nakapamewang. Hmmm. Masyadong plain , boring. Hindi fabulous ! Kailangan na bonggang make oveer !! Napasmirk ako sa fabulous idea ko.  Tumigil ang taxi kaya napatingin ako sa labas. "Miss nandito na po tayo" Inabot ko ang bayad ko at bumaba na. Kailangan kong pumunta ng National Book Store para maabili ng mga art materials. When I was young mom used to design my room every month or every after 3 months  ,papalitan niya ng theme ang kwarto ko kasi gustong gusto niya ang pagdedesign. Sa kanya ko nga ata namana ang fashion sense at pagiging Fabulous ! Pumasok ako sa national book store at namili na ng mga kailangan ko nasa kalagitnaan na ako ng pagkuha ng  paint brush ng biglang bumangga sakin kaya nahulog yung dala kong basket at nalaglag ang mga laman nun. Oh myy gossh ! Tinaasan ko ng kilay ang babaeng naka school uniform,  nakayuko at di siya magkandaugagang damputin ang mga nahulog na gamit. "Sorry po sorry !!" Narinig ko naman ang bungisngis ng mga estudyanteng babae na kaparehas niya ng uniform. Tatlo sila , yung isa mukhang dinidemo pa kung pano niya tinulak ang babaeng ito. Inabot ng babae sakin ang basket "Sorry po ulit hindi ko po sinasadya", agad siyang nagtungo sa mga babaeng tumatawa. Binigay ng tatlo ang bag nila sa babae at walang angal niya itong binitbit tapos kinuha niya rin yung basket na punong puno. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa ? Pero mas lamang yung natatawa ako like duh ? Running ba siya bilang martyr of the year? My gosh ! This poor pathetic girl is so hopeless. Bigla akong may naisip na idea since I dont want this day to be boring. Let's make it a bit productive. Lumapit ako sa babaeng nakabangga sakin kasama ang tatlong babaeng parang pinagsasasapak ang mga labi tapos nilublob sa inidoro at flinash ang mukha. Binangga ko yung babaeng nakabangga sakin at sinigurado kong malalaglag yung mga dala niya lalo na yung bagay na dala niya at success naman ako. Napatingin silang lahat sakin. "Sorry po sorry" paghingi ng tawad noong babaeng binangga ko at akmang dadamputin na niya ang mga gamit ay agad ko siyang pinigilan kaya napatingin siya sakin. Nakatingin silang lahat sakin at inaantay ang susunod kong gagawin. Sinipa ko ang mga bag nila papunta sa kanila na kininanganga ng bibig nila. "b***h!" Sabi nung babae sa kanan.  Magkamukha sila noong nasa kaliwa parehas na mahaba ang buhok tapos yung nasa gitna maikli ang buhok. Taas noo ko silang tinignan at nag smirk. "Yan quits na tayo" "What the hell are you talking about?" Mataray na sabi ng nasa gitna si Ms. Bitchy short hair. "Diba tinulak niyo ang babaeng to para mabangga ako at dahil dun nalaglag ang basket ko" Nanlaki ang mga mata nila na parang di nila inexpect ang sasabihin ko. "And so? Bakit mo sinipa ang mga bag namin!" Sabi nung nasa kaliwa. "Just to remind you na mga kamay ko para kunin at dalhin yan" Bored kong sabi. "You are being too conceited my dear" Malamig na sabi nung short hair. "Bakit ka ba nangingielam?!" Sabi nung nasa kanan. "Well. Just because ....,," Tinignan ako ng masama ng nasa gitna at lumapit sakin di naman ako nagpatinag. FYI , Im Mayday Larsson  and nobody can drag me down. Charing ! Hinablot niya ang braso ko at diniin ang mahahaba niyang kuko agad ko itong kinalas at akmang sasampalin niya ako pero naunahan ko siya hinawakan ko ang kamay niya at binend ito dahilan para mapasigaw siya sa sakit  "Ouch !! Ouch!!" Naglapitan naman ang mga kaibigan niyang impakta. "What is going on here?" Napatingin kami sa babaeng nagsalita  , nanlaki ang mata ng mga estudyante at napayuko. Binitawan ko siya at lumapit samin ang isang magandang babae na mukhang anghel at tansya ko nasa 20's na siya. Pormal ang kanyang kasuotan , na nagpapadagdagan sa kagandahan niya mukha siyang marangal na tao . Well ako rin naman  , tumayo ako ng tuwid at tinignan siya ng diretso. "M-mam Sofy" Bulong nung babaeng alagad ni short hair. What the teacher nila to?! " I said whats going on here" Nag angat ng tingin si short hair. "Mam nanggugulo po kasi yang babae na yan samin " Turo niya sakin , wow girl ingat sa pagtuturo baka manuno. "We're just buying stuffs for our school project tapos binangga niya po si Irah at ito na po tinry namin ipagtanggol si Irah pero.." Umacting siya na nasasaktan kaya napairap ako sa isip isip ko. What a drama queen. Akala ko ba sa palabas lang to , jusme marami palang kalahi si Cheska rito. Cheska is my mortal enemy at our school , ganyang ganyan ang ugali niya isa siyang queen be wannabee. Pathetic right? "Is that true Irah?" Pagtatanong niya sa babaeng nasa tabi ko yung binubully ng tatlong unggoy na to. Tinignan muna ni Irah ang tatlo bago sumagot. "Yes mam" Hah. What a coward , siya na talaga ang martyr of the year ! Siya naaa.  Now I am surrounded by bunch of pathetic bitches and a stupid teacher. "Sino ka para bullyhin ang mga estudyante ko? You look like a fine lady but look at your attitude , you know miss napaka uneducated ng inasta mo nasa public place ka pa naman at itong mga binubully mo ay mga estudyante ko you should know that--" "Whatever. Save it . I am not interested on what youre going to say. Next time teach your students the essence of their body especially their hands" Kinuha ko ang basket na dala ko at nilagpasan sila pero biglang hinawakan nung teacher ang braso ko kaya napatigil ako. "Say sorry" Sorry? Why would I ? I havent done anything wrong !! They should be the one saying sorry here ! "No." Matigas kong sabi at kinalas ang kamay niya sa braso ko at naglakad na paalis. Di ko napansin na medyo pinagtitinginan pala kami.  My gosh what a scene ! Dahil sa nakakahiyang scene kanina ay napagdesisyonan ko nang umuwi, okay na sana kung hindi lang sumali yung teacher nila na obvious naman na walang kaalam alam sa tunay na ugali ng mga estudyante niya.  "Haaaay" Bumagsak ako sa kama ko sa sobrang pagod. Tinignan ko ang relo ko , geez 6:30 pm na pala bakit wala pa si Jacob. Anyway , finally natapos na rin ako sa pagdedesign ko sa kwarto.  Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Omg ! IT'S SOOOO FABULOUSSS !!!! pink is heart !! Yan makakatulog na ako ng matiwasay.  Makakapagfeel at home na ako . Napaupo ako ng marinig na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napangiti ako ng makitang si Jacob ang pumasok , nakatingin siya sakin ng seryoso. Nandito na pala siyaa. Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya "Jacob !!!" Open arms akong tumakbo papunta sa kanya ang kaso umalis siya sa pwesto niya kaya tumama ang mukha ko sa pinto.  -_- "Where did you get all the materials?" Agad kong kinompose ang sarili ko at lumapit sa kanya. "Super ganda diba ! Ako nagdesign niyaan!" # Turn on babaeng magaling magdesign  hehe "Okay naman siya" Napanguso ako. Humarap siya sakin kaya napaatras ako. "San mo nakuha ang materials?" "Well bumili ako sa national bookstore" Kinunutan niya ako ng noo. "Lumabas ka?" "Malamang ! May national bookstore ka ba dito sa loob ng condo?" Pinitik niya yung noo ko. "Araay!" Hinimas ko ang noo ko at kinagat ang labi ko. "Wag mo nga akong pilosopohin" "Oo malamang ! Tsk!" "Bakit di mo sinabi sakin?" "Ha? Kailangan ko bang sabihin sayo?" "Yes." Seryoso niyang sabi . Napataas naman yung kilay ko bakit ko naman kailangan magpaalam sa kanya? "Waeyo?" "Nakikitira ka sakin so you are my responsibility. Kaya next time sabihan mo ko" Biglang may idea na sumagi sa isip ko. OMGGG ! Hindi kaya nag aalala siya sakin? Wait kinikilig ako. Omg, concern saakin si Jacob.  "Whats with that smile? Do you understand me?" Binigyan ko siya ng ngiting wagas pero seryoso parin ang mukha niya . Sabi na may tinatagong kasweetan tong si Jacob eeeh. "Ne" ( yes)  "Wag kang mag isip ng kung ano ano , ayoko lang magkaproblema dahil sayo. Kumain na tayo" Nilagpasan niya ako at lumabas ng kwarto . Sus ! Nakangiti akong lumabas ng kwarto. ----------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD