CHAPTER 10

1108 Words
"Stop staring , its creeping me out ! " Pero imbes na sundin siya ay nanatili ako sa pwesto kong nakapangalumbaba at nakatitig sa kanya. Nagbeautiful eyes pa ako pero natigil lang ako ng sinakop ng buong kamay niya ang mukha ko at itinulak ito. Inis kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko. Pano di ako makahinga tsaka baka mapipi yung ilong ko ! "Aray ah!" "Tss" Sumandal siya at muling pumikit . Hindi ko kasi siya makausap dahil nakaearphones siya kaya tinitigan ko na lang siya tapos ayaw niya parin tsk. Bahala siya. Nakangiti akong tumingin sa bintana ng bus.  Hindi ko alam pero ang saya ko pakiramdam ko nga hindi na ako nag iisa. Sana nga totoo na hindi na mananatili ka sa tabi ko Jacob. Kasi kung iiwan mo rin ako gawin mo ng mas maaga para hindi masyado masakit. Umayos ako ng upo at pinikit ang mga mata ko, mahaba haba ang byahe kaya matutulog muna ako.  "Hoy retarted lunatic , gising na" "Panget" "Bakulaw" "Tanda" "Unggoy" "Ba----" "OO ITO NA GISING NA!! MORE LAIT MORE FUN KA ENO?!" Inis kong sabi kay Jacob pano ba naman kasi pwede namang kalabitin nalang ako o gisingin ng maayos kaso yung pagkalabit niya may kasamang lait eh ! Tumayo ako at kinuha ang dalawang maleta ko at isang bag. Pagbaba namin sa bus ay tinignan niya ako , yung tingin niya parang nakakaewan , ------  di nakakakilig eh. Parang nakakaasar. "Anong tingin yan?" "Yung totoo dala mo ba buong bahay niyo?" "Tsss. Hindi ako mabubuhay ng wala ang mga ito. Babies ko kaya to!" Sabay hinimas himas ko yung  mga maleta  ko. Hello !  Di ko kaya kakayaning mabuhay ng wala ang mga damit ko , my beloved shoes , my make ups , cosmetics , favorite kong plato , baso , kutsara , tinidor , laptop , even my teddy bear  hmm ano pa--- napansin kong di pumapara ng taxi si Jacob. "Hoy bakit di ka pumapara ng taxi? Ano maglalakad tayo?" Tinignan niya ako at biglang ngumisi na kininanuot ng noo ko. Ano naman kayang kangisi ngisi sa sinabi ko? "you gave me a great idea" ------- 30 minutes later -------- Bumagsak ako sa lupa kasabay ng mga gamit ko. "Malayo pa ba?!" Pagod na pagod kong sabi ! Pano ba naman yung great idea na sinasabi niya ay maglakad nalang daw kami papuntang condo ng Ate niya na titirhan namin para raw "makatipid" since "malapit"  lang naman daw. Di ko naman alam na ganito ang definition ng MALAPIT sa kanya ! Nanghihina na yung mga tuhod ko at ang sakit na ng paa ko . Hinubad ko yung sapatos ko. "Hoy ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga dyan nasa gitna ka ng kalye!" Tinignan ko siya ng masama. Nung sinabi niya na maglalakad nalang daw kami nung una ang saya saya ko , nagpaparty nga ako sa sa kaloob looban ko eh. Kasi akala ko yun na yung chance para maging sweet kami sa isa't isa . Alam mo yun , yung bigla nalang magkakasanggi ang mga daliri niyo tapos tuluyan niya ng hahawakan ang kamay mo. Nakakakilig diba? Pero hindi eh, Hinding hindi ! Hindi nga kami sabay maglakad kasi napakabilis niya maglakad. Like yung lakad niya, takbo na saakin.  "Pwede ba. Magpahinga naman tayo!" Singhal ko sa kanya , kahit crush ko siya naiinis parin ako ang sakit sakit na kaya ng paa ko ! Tas parang siya pa easy easy lang! "Pumayag payag ka diba. Tayo na" Aba malay ko bang ganito ang sasapitin ko kung alam ko lang edi sana di na ako pumayag. Wait a minute kapeng mainit  ---- anong sabi niya?! "Tayo na?!" "TA-yo na ! Hind tayo na ! May stress yun !" Napapout naman ako , sorry naman nabigla rin ako eh. Ano wala ng ligaw ligaw kami na agad. Excuse me lang no. Choss ! As if naman diba. "Dali na malapit na tayo" "Kanina ka pa malapit ng malapit eh ! Nalanghap ko na lahat ng polusyon wala parin tayo roon   yung totoo sa mindanao ba yan?!" Napapadyak ako sa inis at pagod. "Para kang bata" Hay napaka walang puso talaga nitong kumag na to. Di ba siya naawa sakin? Kung yung mga lalaki lang yan samin for sure pagpawisan lang ako ng isang butil papaypayan na nila ako at tutulungan. Iba ka talaga Jacob. "5 mins lang talaga , masakit na kasi yung paa ko" Seryoso kong sabi habang nakayuko. Tanggal ang kulit ko dahil sa p*******t ng paa ko. Napaangat ako ng tingin ng makitang magkasing level na kami at nakatalikod siya sakin. Napangiti naman , sabi na may tinatago ring kasweetan ang lalaking ito eh ! Pakipot pa sa una , maawa rin pala. "Piggy back ride?" Masaya kong sabi bigla naman siyang humarap sakin. "Anong piggy back ride? Ano ka siniswerte?" Pinitik niya yung noo ko kaya napahawak naman ako dito. Namumuro na talaga itong si JAcob ! Inaabuso niya ang p********e ko porket alam niyang crush ko siya.  "Ipapasabit ko lang yung bag mo sa likod ko naawa kasi ako sayo ng onti diba? Kaya tutulungan nalang kita magbitbit" Napapoker face ako sa sinabi niya. Wow tinulungan niya pa ako magbibit eh pinaka magaan nga yung bag ko ! Inis kong binigay sa kanya ang bag at nagsapatos tapos ay tumayo na. Pinagpatuloy namin ang aming alay lakad. Feeling ko nga malapit na maging death march  tong ginagawa namin eh ! "Aray ko po" Napasapo ako sa noo ko at napaatras. "Bat ka ba bigla biglang tumitigil?!" Hindi siya sumasagot kaya tinignan ko ang tinitignan niya at nanlaki ang mata ko. "OMG WE'RE FINALLY HEREEE!!" Masaya kong sabi at tumakbo papasok sa loob. Sa sobrang excitement ko nakalimutan ko na di ko pala alam ang room, kaya no choice ako kundi hintayin ang kukupad kupad na si Jacob. Sumakay kami ng elevator. "Can you please stop giggling?" Pero di ko siya pinansin , bat ba siya kinikilig ako eh. Sa wakas makakahiga na rin ako. Im sooo damn tireeeeed. Pagpasok namin sa condo nila "Saan ang kwarto ko?!" "Hindi ka na ba makapag--" "Saan na nga?" Excited kong tanong partida nakafull smile pa ako. Pagkakita ko kung gano kaganda ang condo ng ate niya napawi lahat ng pagod ko. Feeling ko condo ito ng artista eh. "Tss sa kaliwa" "Okay !" Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi tapos ay dinala ko na ang mga gamit ko at umakyat. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko parang nagliwanag ang buhay ko. May liwanag ang buhay !! Yung kama parang kumikinang  . Agad kong binitawan ang mga gamit ko at humiga sa kama. Napapikit ako at dinama ang lambot ng kama. Bakit parang 10 years naman ata akong di nakahiga sa malambot na kama. Tomorrow is another day , I dont know what will happen but there's one thing Im sure everytime Jacob is around me I feel secured even though I am not sure if he will protect or be good to me. -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD