Jacob's POV
Napangat ako ng tingin kay Jack dahil bigla niyang pinatay ang TV. Can't he see?! Im watching. Binagsak niya ang remote sa table . Binalik ko ang tingin ko sa tv at nakapokerface na tinignan ito habang nakacrossed arms.
"What did you do?!"
"I dont know, what you're talking about."
"Si Mayday"
Napakunot noo ako at napatingin sa kanya , waiting for the next thing he will say
"3 days na siyang wala sa hotel niya , I contacted her friends pero sabi nila hindi pa raw pumapasok si MD"
"So? Maybe , she's just roaming around"
Tinignan niya ako ng dissapointed look.
"You're the last person she talked to before siya umalis sa hotel na yun. And knowing you for sure may ginawa ka o nasabi kang hindi maganda. "
"Ouch. Such a judgemental person."
Sarcastic kong sabi , nagulat ako ng bigla niya akong kinwelyuhan kaya napatayo ako.
"You dont care about her huh? She's missing jacob for goodness sake !"
Kinalas ko ang pagkakahawak niya sakin.
"I dont care. Ano bang pake mo sa babaeng yun ?!"
"She cares about you and I feel sorry for her . Hindi mo ba naisip na baka may kinalaman ang mga kumidnap mo sa pagkawala niya? The moment na nagpatulong ka sa kanya at buong tapang siyang sumama para iligtas ka , ibig sabihin nun ay konektado na kayo kahit papaano."
Tinamaan ako big time sa sinabi ni Jack. Not knowing those little acts became the way for Mayday to be connected to me and that's not good. Damn it.
The reason why iniiwasan ko siya o gusto kong magalit siya sakin ay para layuan niya na ako kaya nga ayoko rin pumayag na sumama siya sakin kasi nga ayoko siyang madamay sakin. But I feel bad for her noong kinwento niya yung family niya , I wasnt really expecting that she will tell me about that.
Kahit naman ganito ako may konsesya pa rin ako .
"What do you want me to do then?"
I know that's a stupid question.
"What the hell?! Can you hear yourself ? You're an asshole ! If you cant protect her or be good to her then better leave her alone. Kasi naawa talaga ako sa batang yun !"
"Asshole eh? So what are you? A f*cking hero?"
"Wala ka na talagang repesto sakin no. Ano bang ikinagagalit mo? dahil tinago ko sayo? Hiniling sakin yun ng ate mo jacob!"
"Hindi ako mababaw para magalit ng ganto sayo dahil lang doon . Nagagalit ako kasi wala kang nagawa para iligtas o tulungan ang ate ko. Habang busy ka dito , nakakakain , nakakahinga ng maayos si ate doon naghihirap na pala at alam mo yun. Alam mo ang dinadanas at dadanasin niya pero wala kang ginawa!"
Huli na ng mapansin kong nagsisigawan na pala kami ni Jack.
"Anong nangyayari?"
Nag aalalang tanong ni manang. Nagsukatan kami ng tingin ni Jack.
"Nawawala ho kasi si Mayday"
Sagot ni Jack.
"Si mayday ba kamo? Eh kakapunta lang nun kanina dito ah? Nakakapagtaka nga at madaling araw siya pumunta. Ay oo nga pala nakalimutan ko may liham siya na iniwan para sayo jacob"
"Nasan po yung liham?"
Pagtatanong ko kay manang.
"Nasa kwarto ko halika hijo"
Umakyat si manang , susundan ko na sana siya ng biglang hawakan ni Jack ang braso ko kaya tinignan ko siya ng masama.
"Uulitin ko. If you cant protect her or be good to her then better leave her alone. Maawa ka dun sa babae"
Kinalas ko ang pagkakahawak niya sakin at sinundan si manang.
Matapos kong makuha ang letter ay agad akong nagtungo sa kwarto ko at umupo sa harap ng study table ko.
If you want to get your damn briefcase meet me tonight 7:30 pm at the bus station , Im leaving.
Itutuloy niya talaga ang plano niya.
"She cares about you and I feel sorry for her . Hindi mo ba naisip na baka may kinalaman ang mga kumidnap mo sa pagkawala niya? The moment na nagpatulong ka sa kanya at buong tapang siyang sumama para iligtas ka , ibig sabihin nun ay konektado na kayo kahit papaano."
"Uulitin ko. If you cant protect her or be good to her then better leave her alone. Maawa ka dun sa babae"
I need to decide now between staying or leaving.
✖✖
MD's POV
Hinahawi ng hangin ang buhok ko , nakatitig lang ako sa mga bituin sa langit. Sana tama tong desisyon na gagawin ko, matagal ko na rin itong pinag iisipan at yung nangyari kay Jacob made me realize that life is short, hindi natin alam kung anong mangyayari saatin. Kailangan ko na makatakas saamin bago ako mag 18 dahil malamang iaarrange marriage ako ng lolo ko. Naisip ko rin na hindi ko na dapat pa pinilit si Jacob na isama ako , I can go to manila by myself. Hindi ko na siya dapat dinamay pa sa problema ko. Sigurado naman akong darating yun para kunin ang briefcase at baka magdiwang pa kapag sinabi kong wala ng kondisyon. Minsan feeling ko talaga ang bait bait ko . Habang naghihintay ay tahimik kong pinapanood ang mga tao sa paligid ko.
Natatakakot ako.
Natatakot ako sa pwedeng mangyari dahil naglayas ako at hahanapin ko si mama. Kaya rin gusto ko sumama kay Jacob kasi
Natatakot ako mag isa.
Baka kasi may multo sa titirhan ko o sa pupuntahan ko. Joke. Di ako duwag no , sinong duwag ! Anyway , Pero diba di ko naman mapipilit ang isang tao. Hindi na ako nasanay eh lagi naman ako mag isa lalo na kapag birthday , pasko at bagong taon.
Maya maya ay may tumabi sakin at nag abot ng kape kaya tinignan ko siya.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang mukha ni Jacob .
"Kunin mo nangangalay ako"
Tsk. Masungit pa rin. Aalis na nga lang ako , masungit parin siya. Hays. He's hopeless. Kinuha ko sa kanya ang kape at muling tumingin sa malayo.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Hindi ko alam kung naiinis o nagagalit ang emosyon niya pero di ko siya tinitignan baka mamiss ko choss. Napaisip din ako sa tanong niya? Well , aalis ako?
"Tatlong araw kang nawala at wala kaming ideya kung nasan ka! Malay ba namin kung nakidnap ka na , nabenta na ang mga lamang loob mo."
Ay grabe siya ohh ! Yan ba ang iniisip niya kapag galit siya sakin? Napaka sweet niya talaga ever !
"May inasikaso lang ako para dito sa pag alis ko besides wala namang may pake kung mawala ako. Baka nga magdiwang pa sila"
"Your friends, di mo ba naisip na mag aalala sila sayo"
Friends? huh.
"Actually I dont really know kung may totoo akong kaibigan na mag aalala para sakin. Di ko alam kung magiging kaibigan ko pa sila kapag wala na ako sa side ni lolo"
Its not that sinasabi kong plastic sila Krissy and Aldrin but the reason why we became friends dahil ang mga parents nila ay konektado kay lolo at sa kanila ako pinagkatiwala. In short pinabatay ako ni lolo sa kanila. Krissy's parents are working for my angkong while Aldrin's parents is one of the business partners of angkong.
"Punong puno ka ng electrons sa katawan mo no? Napaka negative mo eh."
Wow bumabanat ba siya? Dapat ba akong kiligin? lol. Kinuha ko ang briefcase at inabot sa kanya. Para matapos na.
"Yan binibigay ko sayo kapalit ng kapeng to. Hindi mo na kailangan pang sumama sakin."
Tumayo ako at kinuha ang bag ko dahil dumating na anh driver ng bus.
"Alis na ako"
Tinalikuran ko siya at naglakad nanpapasok ng bus.
Goodbye Jacob , hanggang dito nalang tayo ------
Ay ako lang pala kasi walang tayo. Pero bago ako makasakay ay nagulat ako ng hinawakan niya ang wrist ko.
"Bakit mo ko iniwan dun!"
"Ha? Syempre sasakay na ako----"
Napatigil ako ng makitang may dala siyang malaking bag at isa pang bag. Gulat akong tumingin sa kanya.
"Di mo ba ako narinig? Sabi ko okay lang kahit di ka sumama"
Pinakita niya ang ticket niya saakin at akmang maglalakad papasok sa bus pero hinarang ko siya.
"Bakit ba ayaw mo ko papasukin ? Sayo ba yang bus?"
Tinignan ko siya ng diretso.
"Hindi mo ko kailangan kaawaan jacob"
"Sinong nagsabing naawa ako sayo?"
Napatulala ako sa sinabi niya. Di ko maintindihan bakit aalis din siya? Baka naman sasabay lang diba? Feeling mo talaga mayday.
Hinawakan niya ulit ang wrist ko at nagsimulang maglakad.
"Lets go , from now on wag mo ng isipin na nag iisa ka.
Kasi nandito na ako "
------------