"Yes po angkong"
Magalang kong sabi sa harap ng screen , kasalukuyan kami magka video call ni Lolo na nasa Singapore para sa businesa trip. I call him angkong kasi Chinese siya , ang asawa niya si lola ay pure na pilipino naman , kaya si Mommy , half half. Sabi ng karamihan nagmana raw ako sa daddy ko na phil-am. Mabuti nalang because I dont to be like angkong.
"Okay po. Take care angkong ! See you soon"
Ngumiti ako at nagpaalam na . Inend ko na yung call at dumapa sa kama. Okay what to do ? Tumingin ako sa kisame. Gosh ! Im so bored !! Kasi naman , ayoko muna pumunta kayla jacob like hello baka beastmode sh*t nanaman yun ! Tama na yung sugat ko sa kamay para dumistansya muna. Tsaka ko nalang siya ulit kukulitin kapag nakapag recharge na ako ng energy ko.
Nagring yung phone ko kaya agad ko itong kinuha na nakakalat sa sahig at tinignan yung screen.
"Tssk"
Nadissapoint naman ako ng makita si Aldrin ang tumatawag akala ko si Jacob pero sino niloko ko diba wala ngang kalaman laman ang contacts nun ! Tinapon ko yung phone ko at humiga.
Napakunoot noo ako nang marinig na may nagdoor bell. Sino naman kaya yun? Wala naman akong inaasahang bisita ah? Tinatamad akong tumayo at binuksan ang pinto. Nag angat ako ng tingin para makita kung sino ang tao. Pag tingin ko ay nanlaki ang mata ko at halos malaglag na yung panga ko
OOHH TO THEE EMMM TO THE GEEEE ! SI JAAACOOOB ?! WHAT ON EARTH IS HE DOING HERE?!!
"Hmm. Hi?-"
Agad kong sinara ang pinto at napasandal ako. OMG ! NAKITA NIYA AKO AT MY WORST ....... Worst...... worst me? Wala akong kaayos ayos ! Baka nga nakita niya pa yung morning glory ko. Tapos.. tapos wala pa akong suklay suklay tapos yung suot ko? WAAAAAAHH! Muli kong sinara ang pinto.
"Hey ?!"
"WAIIT !!"
Napakaripas ako ng takbo sa banyo.
Mga pang limas beses ng tumitingin sakin si Jacob pero tuwing tumitingin siya nag iiwas ako ng tingin or kunwari may aayusin ako. Nahihiya parin ako sa itsura ko kanina no ! Baka naturn off na siya. Wag naman sana.
He cleared his throat. Napadiretso naman ako ng upo.
"Ahm. Bakit ka napadalaw? Okay na ba yung paa mo?"
Halaa hindi kaya. Magsosorry siya dahil kahapon?
*imagination*
Biglang lumapit si Jacob at lumuhod sa harap ko tapos hinawakan ang mga kamay ko.
"Sorry Mayday. Hindi ko sinasadya na masigawan at masaktan ka sana patawarin mo ko. "
"Okay lang medyo masakit lang"
Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kamay kong may benda ay hinalikan. OMGG !!
"Masakit pa ba?"
Naspeechless ako kaya napailing nalang ako.
"Gusto sana kita yayain lumabas para makabawi rin ako"
WAAAAH HE'S ASKING ME ON A DAAATEEE !!
--------
"Im here to get the briefcase"
Dalawang beses akong napakurap at napatingin sa kanya, ano raw? Tama ba ang pagkakarinig ko?
"Ha?"
Baka nagkakamali ako ng rinig, ang alam ko magsosorry siya tapos yayayain niya ako magdate.
"I said kinukuha ko na yung briefcase"
Nanlumo ako sa sinabi niya at para bang nawasak ang puso ko. Babye dream date ! Napayuko ako. Ganun nalang ba yun? Kapag binigay ko na ang briefcase mawawalan na ako ng dahilan para lapitan pa siya.
"And to say Thank you and sorry"
Napa-angat ako ng tingin at napakunot ng noo. Nabibingi na ba ako? Literal na sinundot sundot ko ang tenga ko para icheck kung may tutuli at maging clear ang pandinig ko.
"Pakiulit nga?"
"Are you a retard? A Retarded lunatic ? Tss. You really like repeating huh. I said thank you for...", he looked away, aw he's cute.
"saving me...." he continued.
Wow para napilitan pa siya ah ,parang medyo labag sa loob., pero okay lang kinikilig ako. Medyo may pagpula siya ng mukha.
"And?"
Sinamaan niya ako ng tingin. What? Im just asking for the next thing he will say!
"Im sorry for hurting and shouting at you yesterday"
Pinipigilan ko ang pagngiti.
"Okay forgiven !"
Masaya kong sabi at napatingin naman siya sakin na parang gulat nagulat.
"You're not mad?"
"Nope!"
Napailing siya at umupo ng maayos tapos tinignan ako ng seryoso.
"Okay. Lets get down to business"
"Okay"
"Kukunin ko na ang briefcase"
"Well , business involves negotiation. Lets have a deal"
Kinunutan niya ang ng noo pero napasmirk lang ako.
"I'll give you back the briefcase in exchange you will let me come with you in Manila and let me stay with you. "
Gulat na gulat siya sa sinabi ko
"How did you know about that?!"
*flashback ( noong pabisita siya sa hospital chapter 7 )*
Dahan dahan kong binuksan yung pinto at nagkaroon ng onting awang. Napatigil ako sa pagbukas ng marinig na nag uusap sila .
"So whats is your plan?"
"Im going to manila , I'll find them and avenge the death of my sister , mother and everyone"
"Yan din ang sinabi ng ate mo noong una pero tignan mo ang nangyari sa kanya."
"Keep your friends close and your enemies closer"
"Jacob , I dont want to risk another life ! "
"This isnt your life its mine besides matagal ko na rin itong pinaplano , If I die , then I die its fine because there's no reason for me to live"
"Think about it Jacob---"
"Stop it Jack. My decision is final and I want you to stay away from me"
Napaatras ako at napatakbo. Sandali muna akong umupo sa bench at nag isip tsaka pumasok sa loob. Pagpasok ko parang normal lang , para walang naganap na usapan kanina.
*end of flashback*
Nagkibit balikat lang ako.
"So? Deal?"
"No"
Tinignan ko siya ng seryoso.
"Then , I wont give you the case"
"Just give it to me mayday , you dont know what youre saying"
"I'm perfectly aware of what I am saying. I want to go with you"
Napatayo siya sa inis.
"This is non sense just give it to me"
"No"
Matigas kong sabi.
"Damn it"
Sigaw niya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang braso ko tapos nilapit ako sa kanya.
"Tell.me.where. the hell is it !!"
" I told you , you need to agree to my condition first!"
Binitawan niya ako at napahilamos sa mukha tsaka dumistansya sakin . This is frustrating him. Im sorry jacob but I want to escape from this damn life. Ito na ang opportunity para makawala ako.
"Kapag sumama ka sakin there is a big possibility that you'll die ! Mapapahamak ka ! Marami ng namatay ng dahil dito. This isnt a game for you to play with!"
"I am not afraid to die , after all, we were born to die. Please just let me come with you"
"Why?"
Di niya makapaniwalang sabi.
"I am so sick of my life . Gusto ko sumama sayo hindi lang dahil gusto ko ng thrill sa buhay or whatever , gusto ko ng makatakas kay angkong at hahanapin ko na ang mama ko. Tsaka malay mo makatulong ako sayo. Tutulungan din kita. Ayoko ng maging sunod sunuran sa lolo ko katulad ng mga magulang ko. The reason why angkong is still keeping me ay para mapasunod si mommy. Take me with you , at hahanapin ko ang mommy ko."
Naalala ko nung bata ako , kitang kita ko kung gano pinahihirapan ni Lolo si daddy sinasaktan niya physically and mentally, pero si daddy hindi siya nagreklamo tinanggap niya lang lahat , inintindi niya but still hindi parin iyon sapat para kay lolo kaya pinaghiwalay niya ang mga magulang ko. My dad died and the cause of death is suicide tapos naaksidente rin si mommy noon. She survived pero nilayo siya ni lolo sakin kasi biglang bumagsak ang kompanya kaya pinakasal si mommy sa mayamang business man at ginamit akong hostage ni lolo para mapapayag si mommy sa lahat ng gusto niya. Angkong never love me as his grandchild or as a family. Isang hostage lang ang tingin niya sakin. Wala namang nakakakita ng importansya ko eh. Mayaman nga kami pero ang messed up naman ng pamilya namin.
Napaiwas ako ng tingin at napaupo dahil nanghihina ako. Naninikip nanaman yung dibdib ko pero di ko pinahalata sa kanya.
"Now that you know my story. Sana pumayag ka na sa deal."
Im so not used of telling other people my story. Wala ngang nakakaalam na si angkong ang lolo ko. Alam lang ng mga tao galing ako sa isang mayamang pamilya since may malaking share si lolo sa school. Syempre tinatago ni lolo ang totoong identity ko. Sa panahon ngayon kayang kaya ng bilhin ng pera ang katototohanan. Pag dinadala niya naman ako sa mga events pinapakilala niya kong anak ng pamangkin niya tapos iaarrange niya ako ng date sa mga ka business niya para rin sa kabutihan niya. Ganyan lang lagi. But I pretended to be happy , to be contented. I pretended to have a perfect family. Im a great pretender right?
"Fine. I will give you time para mag isip. Kapag sumama ka sakin mawawala na sayo ang lahat lalo na ang luho mo. Just tell me when you're ready."
Huminga ako ng malalim. Nahihirapan na talaga akong huminga. Ito na ata ang sumpa ng pagiging Chen.
"Pag isipan mo ng mabuti mayday , once you've got yourself in danger dont tell me that I didnt warned you."
------------