Hindi nakapagsalita si Sarah sa papuring iyon sa kanya ni Kuya Darius habang nagtama parin ang mga mata nilang dalawa. Dinig na dinig pa niya ang lakas ng t***k ng kanyang dibdib. Nasanay naman siyang kadalasang pinupuri siya sa pisikal na anyo niya na siya'y maganda pero ayaw naman niyang pinupuri siya sa asawa ng kanyang yumaong ate Leah na parang may iba ng kahulogan iyon. Parang tumatayo tuloy ang kanyang balahibo kung iisipin na magkagusto ito sa kanya. Siyempre, kahit sino naman siguro ay makaramdam ng ganoon dahil asawa ito sa kanyang yumaong kapatid at lalo na't ito pa ang dahilan ng pagkawala ng kanyang ate. "S-sige Kuya, m-maiwan ko muna kayo." Parang medyo nanginginig niyang sabi rito. "Sandali, may ibibigay pa ako sa'yo. Nakalimutan ko palang may nabili akong magandang dre

