Muli na naman siyang napilitan na titingnan si Kuya Darius. At sinalubong ang mga tingin nito sa kanya. "Dahil nasabi niyo po yun sa akin ay meaning, mula po sa puso niyo yun Kuya Darius, kaya huwag na po ninyo akong bilhan ng kung anu-ano, kontento na po ako kung anong meron sa akin ngayon." Sabi niya rito. Natigilan naman si Darius sa kanyang mga sinasabi. Parang nahimigan nitong dinibdib ni Sarah ang kanyang mga sinasabi rito na huwag nitong dalhin ang mga gamit na binili mula sa kanyang pera. Hindi naman siya ganoon kung anong negative na nasa isip nito ngayon. " I'm so sorry, hindi ko sinadyang masabi ko yun, Sarah. Basta, nandito lang ako kung anong mga kakailanganin mo. Don't think about what I'm saying to you." Sabi ni Darius. Hindi na siya muling sumagot pa rito. Hangga't

