Dumating nga ang araw sa kasal nina Leah at Darius. Lahat ng kakilala ni Darius at mga kaibigan ay dumalo sa kasal nila sa hotel. Sa gitna ng reception ng kasal ay nakita pa ni Sarah ang pagluha ng kanyang ate Leah. Naisip nitong ikinasal ito na sila nalang dalawang magkapatid. Dalawa ang ibig sabihin ng luhang iyon, Una, Luha ng kaligayahan iyon dahil natuloy talaga ang kasal nito at ni Darius at ito'y ganap ng Asawa ni Mr. Darius Enriquez. At pangalawa ay luha ng pagkalungkot dahil naikasal itong wala na ang kanilang mga magulang.
Lumapit siya sa kanyang ate Leah at sa bagong asawa nitong si Kuya Darius. Nag congratulate siya sa mga ito at pagkatapos ay niyakap siya ng kanyang ate Leah. Maraming nagsasabi at nagbubulongan sa wedding party na iyon na magandang bata si Sarah dahil mas nakikita ang ganda nito ngayon sa ayos nito at sa suot na gown. Mas lalo siyang gumanda sa suot na gown sa wedding party na iyon ng kanyang ate Leah. At nagmumukhang dalaga na rin siyang ganap kahit siya'y fifteen pa lang. Nagsilapitan na rin ang mga kakilala ni Darius at mga malalapit na kaibigan at nag congratulate din ang mga ito.
Naging maayos naman ang takbo ng party ng kanyang ate Leah hangga't sa natapos ang lahat. Nagpaiwan ang mga ito sa hotel at doon matulog Ang mga ito ng isang gabi. Kaya't siya lang ang nauwi sa Mansion. Ang ipinagtataka lang niya kung bakit hindi umattend ng kasal ang mga magulang ni Kuya Darius. Kinabahan siya baka hindi nagustohan ng mga magulang ni Kuya Darius ang kanyang ate Leah dahil wala ang mga ito sa araw ng kasal ng anak ng mga ito.
Kinabukasan ay maagang nauwi ang kanyang ate Leah at si Kuya Darius. Narinig pa niyang nagpaplano ang mga ito na maghoneymoon ng One week sa ibang bansa. Masaya naman si Sarah nang makitang masaya rin ang kanyang ate at nakita niyang mahal ang ate niya ng mayamang asawa nito.
"Sarah, maiwan na muna kita Ng Isang linggo dito sa Mansion dahil magho-honeymoon kami ng Kuya Darius mo. At huwag kang mag-alala dahil ibinilin kita kay Nanay Perla. Mabait si Nanay Perla at kung ano Ang mga kakailanganin mo ay utosan mo lang sila at ang ibang mga katulong dito." Sabi pa ng kanyang ate sa kanya.
" Ahh, yes ate. Huwag po kayong mag-alala, malaki na po ako ate, at kaya ko na ang sarili ko. At isa pa isang linggo lang naman kayo ni Kuya Darius sa ibang bansa diba? At good luck po ate sa honey moon niyo ni Kuya Darius." Nakangiting wika niya rito.
" Oh, thank you, Sarah. Sige lang video call nalang tayo lagi." Sabi pa ni Leah.
" Opo, Ate." Masayang tugon niya rito.
Mabilis namang sumapit ang araw ng flight ng mga ito papuntang America kung saan gusto ni Darius na doon ang mga ito maghoneymoon. Sa loob ng Isang linggo na wala ang ate Leah ni Sarah ay parang nakaramdam naman siya ng kalungkutan. Sa totoo lang ay natatakot siyang mapag-isa sa buhay, tanging ang ate nalang ang natitirang nagmamahal sa kanya dahil ito nalang ang pamilya niya. Hindi niya na alam kung anong mangyari sa kanya kung ito'y mawawala pa dahil nawawala na nga ang kanilang mga magulang paano nalang kung pati ang ate niya ay mawawala din sa kanya? Ang ginawa ni Sarah ay lagi siyang nagtatambay sa balkonahe sa Second floor habang nakaupo at nakatanaw roon sa magandang tanawing makikita sa ibaba ng mansion at sa unahan. Kitang -kita niya Ang malawak na paligid ng malaking mansion na iyon at ang mga magagandang halaman sa Hardin. Sinadya niyang dalhin ang kanyang notebook na sinusulatan niya ng kanyang mga tula. Mas makakabuo siya ng magandang idea sa poem kung maganda at tahimik ang Lugar na kanyang pinagmasdan. Nakaramdam siya ng lungkot dahil sa pagkaka miss niya bigla sa mga magulang na pumanaw na at ngayon sa kanyang ate Leah na nasa America ngayon.
Hinanda niya ang kanyang ballpen at binuklat naman niya agad ang kanyang notebook. At sumulat siya ng kanyang unang stanza ng kanyang tula.
( Sa aking pag-iisa, lagi kong naalala, mga mahal sa buhay na nasa kabilang buhay...
Lungkot ang nadarama, puso'y nasasaktan,
Masayang alaala, di na mababawi pa... )
Iyon ang unang stanza ng kanyang tulang naisusulat, ang tungkol sa pagpanaw ng kanilang mga magulang at muli siyang natigil at muling nagmamasid sa buong paligid. Kapag ganitong nag-iisa at nalulungkot siya ay mas gumagana ang kanyang imahinasyon sa pagsusulat ng poem.
Matagal-tagal rin siyang nagtambay sa balkonahe at nang makadama siya ng pagkaantok ay pumanaog na siya mula roon. Sa elevator nalang siya dumaan upang mapadali ang pagbaba niya. Pumasok na siya sa kanyang kuwarto at gusto niyang matulog. Nasa tanghaling tapat iyon at talagang nakakaantok ang Oras na iyon. Kahihiga palang niya ay may kumatok na sa kanyang kuwarto.
" Ma'am, Sarah." Anang tinig ng katulong na kasama ni Nanay Perla na si Aling Gina.
Tamad naman siyang bumangon ngunit pilit niyang ginawa at binuksan ito.
" Bakit po, Manang Gina?" Tanong pa niya rito.
"Hindi ka pa daw nag lunch, Ma'am, sabi ni Nanay Perla." Sagot nito sa kanya.
Naninibago naman siyang tawagin siya ng mga katulong na 'Ma'am' ngunit hindi nalang niya kinontra iyon dahil kagustohan iyon ni Kuya Darius.
" Busog pa po ako, Manang. Sabihin niyo lang po Kay Nanay Perla ay mamaya nalang ako maglunch." Sabi niya rito.
" Oh, sige po, Ma'am." Sabi naman nito at nagpaalam na sa kanya at tumalikod.
Muli naman siyang humiga at ibinagsak ang matamlay na katawan sa kama pagkatapos niyang maisarang muli ang kanyang kuwarto.
_____
Mabilis lang naman lumipas ang isang linggong honey moon nina Leah at Darius sa America at sila'y nauwi na rin agad. Ngunit para kay Sarah ay sobrang tagal na iyon dahil gusto na niyang muling makita ang kanyang ate. Sa isang linggo ay dalawang beses lang sila naka video call ng kanyang ate Leah. Parang nawaglit ang pag-alala niya nang muling nakabalik na ang ate Leah niya at ang asawa nitong si Darius.
"Kumusta po ang honey moon niyo ate?" Tanong pa niya.
" Okay lang Sarah. At may pasalubong kami sa'yo. Binilhan ka rin ng Kuya Darius mo nang kami ay mamili ng mga Jewelry sa America." Masayang wika ng kanyang ate Leah.
At ibinigay agad nito sa kanya ang isang maliit na kahon.
" Wow!! talaga ate?" Bulalas pa niyang sambit.
" Yes, natuwa naman ako nang maalala ka ng Kuya Darius mo. At binili niya talaga ito para sa'yo. Open it." Utos pa nito sa kanya.
Excited naman ni Sarah na binuksan ang maliit na box. Namangha siya nang Makita ang isang napakagandang Bracelet na halatang mamahalin!
" A-ang ganda po nito ate! thank you po!" Sobrang natutuwa niyang wika rito.
" Isang High- end Jewelry iyan, Sarah at talagang mamahalin na bracelet iyan kaya doon ka sa Kuya Darius mo magpasalamat." Nakangiting tugon ng kanyang ate.
"Opo! talagang magpapasalamat po ako sa kanya ate!" Walang pagsidlan sa tuwa na sagot niya sa kanyang ate.
"Sige na, puntahan mo na Siya sa Lobby, nasa Lobby Siya at naghihintay sa akin. ipagtimpla ko muna siya ng kape." Sabi nito sa kanya.
" Sige po ate, pupuntahan ko muna si Kuya Darius." Muling tugon niya sa ate Leah.
Tumungo na ito sa komedor upang magtimpla ng kape sa Asawa nito. At siya naman ay bitbit ang maliit na jewelry box ay pinuntahan si Kuya Darius sa Lobby. Naabutan pa niya ito na nakasandal roon sa sofa. Halatang pagod ito mula sa flight ng mga ito dahil kararating pa nito at ng kanyang ate Leah. At Ang kape lang ang pampawala ng pagod nito. Kung hindi kape ay wine. Agad naman siyang napansin nito nang siya'y paparating. Simpleng hinagod siya nito ng tingin at nakadama siya ng sobrang hiya nang maalalang nakasuot lang pa la siya ng maiksing short. Nakalimutan niya palang magpalit ng pang ibabang suot dahil sa sobrang excited niya nang malaman mula sa katulong na dumating na ang kanyang ate Leah at si Kuya Darius. Kinatok siya kanina ng katulong na si Manang Gina.
" Sarah.." Sambit pa nito sa kanya nang mapansing napatigil siya dahil nakadama siya ng hiya sa harap ni Kuya Darius.
" M-magandang Araw po, Kuya Darius. Nais ko lang pong magpasalamat sa ibinigay niyo pong pasalubong sa akin." Aniya rito na ipinakita ang dalang maliit na jewelry box.
Napangiti naman ito sa kanya.
" Yan lang pala ang kailangan mo, akala ko kung ano na.".Sabi nito sa kanya.
" Sobrang thank you po, Kuya Darius. Ang bait po ninyo sa amin ni Ate Leah." Aniyang napangiti na rin dito.
Nakatingin ito sa kanyang mukha at hindi naman niya maintindihan kung bakit parang napapaso siya nang magtama ang mga mata nila ni Kuya Darius. Siguro naiilang lang talaga Siya dahil sa suot niyang maiksing short sa harap nito.
"Magpakabait ka lang lagi ay di lang yan ang matatanggap mo mula sa akin." Sabi naman nito sa kanya.
" Yes po Kuya, salamat po talaga. Ang tuwa ko po nito." Muling wika niya.
" Bienvenida Siempre, Sarah." Ang Sagot nito sa salitang Spain.
Napanganga naman siya dahil di niya ito naiintindihan.
" I said, welcome always. At next time, huwag kang magsuot ng mga ganyan ka iksing short, Sarah. ¿Entiendes?" Wika pa nito sa kanya sabay muling napadako ang tingin nito sa kanyang suot.
Kaya muli siyang napahiya.
" Okay po, Kuya, sorry po, nakalimutan ko lang magpalit bago lumabas ng kuwarto." Hiyang-hiya na sagot niya rito.