CHAPTER 4

1689 Words
Pagsapit ng kanilang hapunan ay kasabay ni Darius naghapunan ang maging asawa na si Leah at si Sarah. Naninibago si Sarah sa mga masasarap na pagkaing nakahain sa Dining table. Gusto niyang kumain ng malakas kaya lang ay mahihiya siya sa amo ng kanyang ate Leah na maging asawa nito. Napansin naman ni Darius ang mahinang pagkain ni Sarah na parang nahihiya. "Sarah, huwag kang mahiya dito. Ito na ang pamamahay niyo ng ate mo. At gaya ng sinabi ko, magiging amo na rin kayo dito at pwede kayong mag-utos sa mga katulong rito kung anong iuutos niyo. After I marry your Ate Leah, we're family. So, don't be shy here, okay? At next year, papaaralin kita sa Private school, ako ang gagastos sa pag-aaral mo hanggang sa pag graduate mo ng college." Mahabang wika nito sa kanya. Napatigil naman siya sa pagsubo dahil nakinig sa mga sinasabi nito. At natuwa siya sa kanyang narinig. Thanks God, swerte na talaga ito nila ng ate niya. " Narinig mo, Sarah? so, huwag kang mahiya rito." Sigundang wika pa ng kanyang ate Leah. Matamis niyang nginitian si Mr. Darius Enriquez habang nakatingin ito sa kanya. " Thank you po talaga sa'yo, S-Sir." Sabi pa niya. Kumunot naman ang noo nito sa pagtawag niya rito ng Sir. " Diba sinabi ko sa'yong 'Kuya Darius' na ang itawag mo sa akin?" Paalala pa nito sa kanya. " Eh, Kasi.. po.." "Sarah, I'm going to be your sister's husband, so call me Kuya, and let go of the shyness you feel." Wikang muli ni Darius. "Sobrang thank you po sa kabaitan niyo po sa amin ng ate ko, Kuya Darius. Sana di po kayo magbabago." Sabi pa niya rito. Natawa naman si Darius sa kanyang mga sinasabi at halatang na amused ito sa kanya. Pati ang ate niya ay nakangiti ito. "Yes, Sarah. Mabait talaga ako basta hindi rin pasaway at sana huwag kang pasaway sa amin ng ate mo." Nakangiting wika ni Darius. " Naku, hindi po. Hindi na po ako bata, Kuya Darius. Kaya promise po na hindi po ako pasaway sa inyo ni ate." Sabi naman niya. " Okay, okay.. Kumain kana ng mabuti at huwag kang mahiya. Iisipin mong pamamahay mo ito." Muling sabi nito. " Opo.." Ani Sarah. " Thank you lagi, Hon." Sabi pa ni Leah sa maging asawa. " You're always welcome, honey." Tugon pa ni Darius. Pagkatapos nilang mag dinner ay pumanhik na sa kuwarto sina Leah at Darius. Nasa kuwarto na ni Darius natutulog si Leah. At iisa na sila ng kuwarto nito. Si Sarah naman ay pumasok na rin sa kanyang kuwarto. At doon nalang siya maghihintay kung kailan siya aantukin. Kinuha niya ang kanyang notebook at nagsusulat ng mga poem. Mahilig siya sa pagsusulat ng mga poem, declamation at mga script. Kaya kung maboboring siya minsan o di kaya nalulungkot ay nagsusulat siya ng mga poem. Puno na nga sa mga poem ang kanyang notebook na isa. At naaaliw din siya sa tuwing inulit niya pagbasa ang mga iyon. Isa sa mga poem niya ay may nais iparating na damdamin at iba naman ay inilabas ang tunay na saloobin. Naisip nga niyang isulat bilang poem ang paglisan sa mundo ng kanilang mga magulang at kung gaano kasakit na mawala ang mga ito. Kinabukasan ay nagising si Sarah sa mga katok sa pintuan ng kanyang kuwarto. Napabalikwas naman siya nang bangon baka kung anong Oras na. Nakita niyang maliwanag na ang paligid ng kanyang kuwarto. Mabilis naman niyang pinatay ang kanyang lampshade at binuksan agad kung sino man ang kumakatok sa pintuan. "Ate Leah, good morning po.." Sambit pa niya nang ang ate niya ang bumungad sa kanya. "Good morning too, Sarah. Gabi kana ba nakatulog? bakit mataas na ang sikat ng araw ay tulog ka parin?" Tanong nito sa kanya. " Sorry po ate, Opo, gabi na po akong nakatulog dahil sa pagsusulat ng poem." Sabi pa niya. " Maligo kana agad pagkatapos ay mag-almusal dahil magshopping tayo ngayon, Sarah. Binigyan ako ng Budget ng Kuya Darius mo para ibili natin sa mga damit at gamit natin. Binilhan kita ngayon ng mga bagong pambahay mong mga damit at panlakad. Then.. Gown mo rin para isuot mo sa wedding party namin ni Darius. At pabibilhqn ka rin niya ng cellphone, Sarah." Nakangiting wika ng kanyang ate. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sobrang tuwa sa narinig. " Wow! talaga po ate? okay po! sandali lang , maliligo po agad ako ate!" Tuwang-tuwa na wika niya sa ate Leah niya. " Oh, sige, bilisan mo ha. Mauna na kaming mag-almusal ng kuya Darius mo." Sabi nito sa kanya. " Opo ate!" Paglabas ng kanyang ate Leah ay agad siyang naligo sa banyo ng kanyang kuwarto. Mabuti naman at may nakahandang mga shampoo at sabon roon. Siguro sinadya iyon na may mga stock na ilagay na sabon sa banyo dahil Oras na may bisita ang mga ito ay may mga nakahanda ng gamitin ang mga bisita kung magkataon na doon maka stay sa kuwartong pag-aari na niya ngayon. Mga ilang sandali pa'y lumabas na siya sa kanyang kuwarto na bagong ligo at bihis. Tumungo siya sa malawak na komedor upang kumain na. Wala na roon ang kanyang ate Leah at ang magiging asawa nitong si Kuya Darius. Tanging si Nanay Perla ang naroroon at niligpit nito ang pinagkainan nina ate Leah niya. " Oh, Ikaw pala, Sarah. Kumain kana, Ikaw nalang ang hindi pa kumain. Nakaalis na si Sir Darius, pupunta daw yun sa hotel nito. Doon bukas ang kasal nito at ng ate mo sa mismong hotel lang din nito gaganapin. At sabi ng ate Leah mo ay maghihintay siya sa'yo sa living room pagkatapos mong kumain ay pupuntahan mo daw siya roon para aalis na agad kayo." Mahabang wika ni Nanay Perla sa kanya. "Salamat po, Nanay Perla." Pormal at seryosong wika niya. Tanging ngiti nalang ang iginanti nito sa kanya. Pumuwesto na nga Siya at Kumain habang patuloy naman ito sa pagligpit sa pinagkainan nina ate Leah at Kuya Darius. " Kain din po kayo, Manang? " Sabi niya rito. " Tapos na kami, Sarah. Maagang-maaga palang ay nag- aalmusal na kaming last na mhs katulong para sa aming maagang trabaho." Sabi nito sa kanya. " Ahh ganoon po ba." Sambit ni Sarah. Mga ilang minuto ding naghihintay sa kanya ang kanyang ate Leah. Naabutan niya ito sa Living room na nakabukas ang pinto at nanonood ng tv. Nang makita siya ng ate niya ay pinatay agad nito ang Tv. "Let's go, Sarah. Kanina pa kita hinihintay." Sabi pa ng ate niya. " Sorry, po ate, na naghihintay po kayo ng matagal sa akin." Sabi naman niya rito. " Okay lang. Halika na. Aalis na tayo upang makapagpili tayo ng maayos para sa gown mo at sa iba pang bibilhin pa natin ." Sabi nito sa kanya. " Okay po ate. Excited na po talaga ako." Agad niyang tugon sa kanyang ate Leah. _____ Maghapon nga silang nag shopping ng kanyang ate Leah at sobrang dami na ng pinamili nila. At mas kinilig si Sarah na may new cp na Siya at mamahalin pa ito. Kapwa magagandang damit ang nabili nila ng kanyang ate na hindi lang para sa kanya kundi pati na rin rito. Pagdating nila ay agad nalaman ni Leah na dumating na rin si Darius dahil nakita nito ang kotseng madalas na gamitin nito para sa lakad. Ito'y nasa garahe na. " Sarah, dapat mong pasalamatan mamaya si Kuya Darius mo ha. Dahil pinabilhan ka niya ng cellphone at mga damit. " Sabi ng ate Leah niya sa kanya. "Naku, opo ate. magpasalamat po talaga ako kay kuya Darius." Tugon naman niya. " Basta ganitong oras, nasa balkonahe siya ngayon Sarah sa second floor, baka nakita nga niya ang pagdating natin eh. Sige, dumeretso kana muna sa kuwarto mo upang dalhin itong mga pinamili natin. Doon ko nalang kukunin sa kuwarto mo ang sa akin. pupuntahan ko ang kuya Darius mo sa balkonahe." Sabi ng ate niya sa kanya. " Oh, Sige po ate." Sagot naman niya rito. Dinala na nga niya sa loob ng kanyang kuwarto ang mga pinamili nila ng ate niya. At nagbihis na rin agad siya ng pambahay para maging komportable na rin siya. Mabilis lang naman ang mga kilos niya at lumabas agad ng kuwarto matapos siyang makapagbihis. Mamaya nalang niya I open ang kanyang new cp. Susunod Siya agad sa kanyang ate sa balkonahe upang magpasalamat kay kuya Darius. Nang siya'y nasa lobby na ay nakita naman niya ang nakaupo na si Kuya Darius roon sa may sofa. May kopita at wine na naka Serve sa side table sa harap nito. Tingin niya'y bago palang ito roon dahil katitigis palang nito ng wine sa kopita nito. Napansin niyang pati kopitang gamit nito ay mamahalin din iyon na parang gamit sa isang Prinsipe, halatang mamahalin at imported na wine din ang iniinom nito. Mahilig talaga Ang mga mayayaman sa mga mamahaling wine at favorite nila ito. Agad naman siyang nakita nito. "Magandang hapon po Kuya Darius." Magalang na bati niya rito. " Same, Buenas tardes, Sarah." Sagot naman nito sa salitang Spain. Madali Naman niyang na gets kung ano ang ibig sabihin ng Buenas tardes dahil sa unang word na binanggit nito. Napatingin ito sa kanya. At hindi naman niya naiintindihan ang sarili kung bakit parang gusto niya ang mga mata ni Kuya Darius. Ang guwapo nito at ang mga tingin ay parang laging nakakabighani iyon. " Where's your ate Leah?" Tanong nito sa kanya. " Nandon po sa second floor sa balkonahe, Kuya. Akala niya Kasi ay nandon kayo." Sagot niya rito. " Ahh okay. Kanina ay doon nga ako nakatambay at kabababa ko lang din. Kumusta ang shopping niyo ng ate mo? ¿Os lo habéis pasado bien las dos?" Tanong nito. Napanganga naman siya dahil di niya ito maintindihan. "I mean, nag-enjoy ba kayo?" Muling Tanong nito. " Ah yes po, Kuya! at thank you po sa Cellphone na ipinabili niyo po sa akin. Sobrang tuwa ko." Malapad Ang ngiting pasalamat niya rito. " Welcome, dear." Tugon Naman nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD