Tinitigan pa ni Sarah ang mga magagandang kagamitan roon na ngayon pa niya nakikita, tulad ng mamahaling Artworks na Isang Original paintings,
mga likhang sining iyon na tiyak na sobrang mahal.
At may mga kasangkapang antique din na bihira nalang makikita ngayon na mula pa sa kasaysayan at tiyak na may malaking presyo din ang mga ito. Nakita din niyang may mga mamahaling alahas na naka display tulad ng mga brilyante, esmeralda, rubi, at iba pang mahahalagang bato na naroon. At napansin din niya ang mga high-end na electronics tulad ng mga state-of-the-art na telebisyon, sound system, at home theater. At ang walang sawa niya talagang tinitigan ay Ang mga magagandang brilyante at Esmeralda. Hangga't sa nagulat nalang siya nang may biglang magsalita sa kanyang likuran.
"Baka kukunin mo ang mga iyan ha? may presyo yan, at para sa kaalaman mo ay mayroong CCTV ang buong mansion na ito kaya walang pweding magnakaw dito." Anang tinig ng isang babae sa kanyang likuran.
Nagulat pa si Sarah at agad na napalingon sa kanyang likuran. Isang katulong iyon ng mansion na walang iba kundi ang nagngangalang Delfa. Yung sinasabi ng kanyang ate na naiinggit rito.
"Hindi naman po ako magnanakaw ate." Sabi pa niya rito.
" Ay bakit? may tao bang aamin na magnanakaw siya? diba wala?" Sabi naman nito sa kanya.
Dumating naman ang isang May edad nang katulong. Naka uniform talaga kapwa ang mga katulong sa loob ng mansion na iyon.
" Oh, Delfa bakit parang pinagalitan mo si Nene?" Tanong pa nito.
"Ay ikaw pala Nanay Perla. Eh, ito kasing bagong dating na kapatid ni Leah ambisyosa, parang nagkaka interes na kukunin iyang mga nakadisplay na mga alahas. Akala niya siguro walang Cctv rito sa loob ng mansion." Sabi naman ni Delfa.
" Naku, tinitingnan ko lang naman po hindi naman po ako magnanakaw." Sabi naman ni Sarah.
" Hoy, Delfa, umayos ka nga diyan. Kung makarating to kay Sir Darius baka mapapalayas ka dito ng wala sa Oras. ilang days nalang ay magiging amo na rin natin ang ate niyang si Leah. Naku, baka mapapalayas ka dito ng wala sa Oras. Mawawalan ka talaga ng trabaho at yang bunganga mo, Control mo nga yan, bakit mo nasabing ambisyosa si Leah? Nagkagusto talaga ang amo natin sa kanya at mapipigilan mo ba yun?" Sermon pa ni Nanay Perla sa kasama nitong katulong. Tinatawag itong nanay dahil ito ang pinaka matanda sa limang katulong sa buong mansion ng mga Enriquez.
Napairap nalang si Delfa.
"Hay naku, hindi bagay na katulong lang at kasama natin ay magiging amo natin. Eeyy.." Sabi pa nito.
" Idi, magbalot kana sa mga damit mo, tiyak na mapapalayas ka dito kung ipagpapatuloy mo yang ugali mo." Piliosopong wika naman ni Nanay Perla.
" Si Nanay Perla naman." Inis pang wika nito.
"Maiwan ko po muna kayo, Manang-" Paalam at sambit niya sana ngunit bigla itong nagsalita.
" Nanay Perla, ako si Nanay Perla, Nene. At masanay kanang tawagin akong nanay." Putol naman sa gustong itatawag niya sana rito.
" Sige po, Nanay Perla. " Ngumiti naman niyang wika rito.
" Ilang taon kana ba?" Tanong pa nito.
" Fifteen po, nanay." Sagot niya rito.
" Ahh, ganoon ba. Pareho kayo ng ate Leah mo, puro mga magagandang bata." Sabi naman nito.
Muli naman siyang napangiti.
" Salamat po, Nanay Perla." Aniya rito.
Mabuti nalang at mabait Ang pinakamatandang katulong ng Mansion ng mga Enriquez kaya parang nabawas-bawasan naman ang pagkahiya niya. Kahit mga katulong lang ito pero nahihiya parin siya dahil sa isiping katulong lang din ang ate niya roon kaya lang nagustohan ito ng among binata ng mga ito.
Pagsapit ng hapon ay nakita ni Sarah na bagong ligo ang kanyang ate Leah. Maya-maya'y darating na kasi ang mapapangasawang amo nito at gusto ng ate niya na Fresh ito pagdating ng mapapangasawa nito. Sabay silang nagmeryenda sa balkonahe ng kanyang ate Leah ng hapong iyon. Dinala siya nito sa second floor kung saan may malaking balkonahe doon at pweding makita ang malawak na paligid ng mansion. At medyo mahangin doon at napakaganda Ang tanawing makikita sa ibaba ng mansion. Kitang-kita rin doon ang buong Hardin na may mga magagandang halaman.
" Ate, baka mapagalitan po tayo dito." Sabi naman niya sa ate Leah niya.
" Sino ba ang magagalit? Si Darius lang ang amo dito kaya Wala ibang magagalit at isa pa, lagi kaming nakatambay rito ng Kuya Darius mo." Sabi nito sa kanya.
" Ganoon po ba ate. Hindi parin ako Feel at home rito. Alam niyo naman po na galing lang tayo sa mahihirap na pamilya tapos bigla nalang makalasap ng ganito karangyang pamumuhay. Paano kung magbago yung amo mo ate at palalayasin tayo?" Nag-alalang wika niya sa kanyang ate.
" Ano bang nasa isipan mo, hindi yan mangyayari, Sarah. Mahal na mahal ako ni Darius, at siyempre, sobrang mahal ko rin siya." Sabi ng ate niya sa kanya.
" Eh, yung katulong na nagngangalang Delfa, parang inis na inis Siya sa atin. Pinagsabihan pa akong baka nanakawin ko daw yung mga diyamanteng alahas na naka display, yung may nakalagay sa alahas na iba't-ibang type na bato, ate." Sabi niya sa ate niya.
Napasalpok naman ang malditang kilay ng kanyang ate Leah.
" Ano? makikita talaga ng babaeng yan." Pagbabanta pa ni Leah.
Makikita sa mukha ni Leah ang katapangan nito. At hindi ito nahihiya man lang sa mga katulong na umasta na rin itong parang amo.Yun kasi ang gusto ni Darius na magiging amo na rin ito lalo na't matapos ang kasal ng mga ito. Napatda ang pag-uusap nilang magkapatid nang makitang dumating na si Darius. Pinagbuksan ito ng guard sa mansion upang maipasok nito ang kotse nitong dala. Kitang-kita lang kasi mula sa balkonahe sa ikalawang palapag ng mansion kung saan sila nakatira. Halatang natutuwa ang kanyang ate sa pagdating na ng amo nitong maging asawa.
" Dito ka lang ba, Sarah? Sasalubungin ko muna ang kuya Darius mo." Paalam nito sa kanya na nagmamadali.
"Opo ate, dito nalang po muna ako dahil maganda po dito." Sabi naman niya sa ate.
" Oh Sige. ubusin mo na yang meryenda mo." Sabi ng ate niya at umalis agad ito upang bumaba ng second floor.
Naiwan naman si Sarah na nag-iisa. Tiningnan niya ang kanyang meryenda at inubos niya iyon kahit busog na siya.
Masaya namang sinalubong ni Leah ang kanyang mapapangasawa. Natuwa naman itong nakatitig kay Leah nang makitang fresh at bagong ligo si Leah. Saglit na hinalikan nito si Leah.
" Napaka fresh naman ng magiging Misis ko." Nakangiting wika nito. Kaya mas lalo naman itong gumuwapo nang makangiti.
Mabait talaga si Darius ngunit may pagkakataon din itong Wala sa mood at masungit lalo na kung may Hindi ito nagugustohan. Pero alam naman ni Leah kung paano mag adjust ng mga ganoong ugali.
"Gusto mo agad na timplahan kita ng kape, honey??" Malambing na tanong ni Leah rito.
"Okay, ikaw naman talaga ang taga timpla ko dahil ikaw lang ang nakakuha kung anong taste ng kape ko." Sabi nito kay Leah.
Nagmamadali namang tumungo si Leah sa Komedor ng mansion at nagtimpla ng kape para sa maging asawa. Pagbalik ni Leah ay naabutan na nitong nakaupo at nakasandal sa Armchair si Darius. Inilapag agad ni Leah sa maliliit na coffee table ang isang mainit na kapeng nasa tasa para kay Darius.
" Thank you, honey." Sabi pa ni Darius at tinikman agad nito ang kapeng idinulot ni Leah.
" Where's your younger sister? Okay lang ba siya dito?" Tanong pa ni Darius.
" Ahh, yes naman, hon, nasa balkonahe siya sa second floor, dinala ko siya roon dahil alam kong magugustuhan niya ang tanawin doon. Alam mo naman na nalulungkot pa ang batang yun dahil sa nangyari sa aming mga magulang. " Sagot agad ni Leah rito.
"Okay, hon. You and your sister can go shopping tomorrow, and pick out a gown for her to wear to our wedding party the next day.." Sabi ni Darius.
Ikinatuwa naman ni Leah ang narinig mula sa magiging asawa.
" Thank you so much, hon." Malambing na namang wika ni Leah rito.
Muling siniil ng halik ni Darius si Leah nasa Living room sila ng mansion at alam nilang walang papasok na mga katulong roon dahil pribado ang Lugar na iyon. Mainit namang tinugon ni Leah ang mga halik ni Darius. Ang totoo'y nakuha na ng among binata ang virginity ni Leah kaya para kay Leah ay natural nalang para dito ang pakikipagtalik kay Darius dahil di na magtatagal ay magiging asawa naman ito ng among binata nila. Sa loob Ng living room na iyon ay tanging mga ungol lang nila ang maririnig roon at walang ibang makakarinig kundi sila lamang. Kung gaano ka hot si Darius pagdating sa s3x ay tinumbasan naman iyon ni Leah. Ayaw nitong papalitan ito ni Darius sa ibang babae kaya gagawin nito ang lahat upang di maghanap ng iba ang lalaking minamahal.
Samantalang si Sarah ay pumanaog na Mula sa second floor sa balkonahe. Sa stairs siya dumaan, gusto niyang maranasang bumaba ng mahabang hagdan. Dalawang palikong hagdan na mahaba Mula sa ibabaw papuntang First floor.
" Thank you po Lord, na binigyan niyo po ang ate ko ng mabait at mayamang lalaki. Ako naman po sana'y bigyan niyo rin sa huli ng lalaking kahit hindi lang mayaman ay faithful naman sa akin at may magandang trabaho ay ayos na po sa akin, di nalang po ako mangangambisyon ng mataas. Kahit hindi ako makapag asawa sa huli ng lalaking tulad sa mapapangasawa ni ate Leah ay okay lang at kontento lang po ako sa simpleng buhay na yung hindi naman naghihirap at may masayang pamilya." Sabi pa ni Sarah sa kanyang sarili habang papanaog sa mataas na hagdan.