CHAPTER 2

1591 Words
Parang naninibago si Sarah sa laki ng bahay ng mga Enriquez. Pagpasok nila sa loob ay nakita niyang may mga katulong sa loob at medyo nahiya pa siya nang pinagtitinginan sila ng mga katulong roon. "Ate, dito ka pala nagtatrabaho? napaka swerte niyo po dahil amo po niyo ay magiging asawa niyo, Ang galing makapag-asawa kayo ng mayaman at sobrang guwapo pa ate. " Pabulong na wika niya sa kanyang ate Leah. " Yes, Sarah. Ako pa, sa ganda kong ito ay naiinlove sa akin si Sir Darius at ngayon pakakasalan niya ako iilang araw nalang. Sa hotel I held yung kasal namin. at super excited na ang ate mo." Mahinang sagot pa ni Leah sa kapatid. Napatikhim naman si Darius na papalapit sa kanilang magkapatid. Kaya tumigil naman sila sa pag-uusap. "Welcome home, Sarah. and Don't be shy here, think of this as your sister's home too because she's going to be my wife." Malaki ang boses na wika sa kanya ni Mr. Darius Enriquez. " S- salamat po, Sir." Sabi niya rito na tila nakadama ng pagkapahiya. "Kuya na rin ang itawag mo sa akin mula ngayon. At may mga katulong rito na pwede mong utusan kung may iuutos ka." Sabi nito sa kanya. Wow, ang bait pala ng mapapangasawa ng kanyang ate Leah. " Naku po, nakakahiya, K-kuya." Sabi pa niya. "Sabi ko huwag kang mahiya dito, kayo ng ate mo." Simpleng ngiting wika nito sa kanya. "Honey, aalis muli ako, at Ikaw na ang mag guide sa Kapatid mo kung saan ang kuwarto niya. Malinis lahat ang kuwarto dito sa first floor, at ikaw na ang pumili ng maging kuwarto for your youngest sibling." Sabi pa ni Darius. " Yes, Honey, thanks for your kind. I love you so much." Sabi pa ni Leah rito. " How so sweet my honey. Te quiero mucho también." Anito sa salitang English at espanyol. At saglit na nilips to lips ni Darius si Leah kahit nasa harap lang nila si Sarah. Napatanga naman si Sarah dahil parang nakakita siya ng sene sa personal. Sa probinsya kasi nila sa meycawayan bulacan ay hindi siya nakakita ng ganoon. Normal lang pala iyon para sa mga mayayamang lalaki na tulad ni Darius. At nasanay na rin pala ang ate niya. Pagkatapos nitong hinalikan Ang kanyang ate ay tuloyan na itong nagpaalam upang aalis na para sa importanteng lalakarin nito. Ang mga katulong naman na mga kasama ni Leah ay nahuli ni Sarah na parang napaismid ang mga ito. Parang naiinggit ang mga ito kay Leah. Magsalita sana siya ngunit hinila na siya ng kanyang ate upang siya'y ihatid nito kung saan ang kanyang kuwarto. Sobrang lawak at laki ng pamamahay ng mapapangasawa ng kanyang ate Leah at para kay Sarah ay parang nanaginip lang yata siya na ganito ka yaman ang maging asawa ng ate niya. Dinala siya ng kanyang ate sa Isa sa mga kuwarto sa first floor ng mansion na iyon at Isang malawak at magandang kuwarto iyon. " Wow, ate ang ganda ng kuwartong ito, sobrang swerte niyo po ate, Leah." Masayang wika niya sa kapatid. " Kaya nga, di ko naman akalain na magkagusto sa akin ang amo ko, Sarah. Marami namang babae na mayayaman at magaganda rin, pero ako talaga ang nagustohan niya. Hindi rin ako nagtanong kung may naging girlfriend ba siya, pero siguro meron, sa guwapo ba naman niya at mayaman pa ay siguradong meron. But thankful ako dahil ako ang napili niyang pakasalan." Sabi pa ng ate niya. " Pero ate, parang nagsasalita siya kanina ng ibang language, ano yun?" Tanong naman niya sa ate niya. "Isang haft Spain si Darius, Sarah. Isa sa pinaka mayaman ang pamilya niya sa bansang Espanya. At Siya na lang ang nandito sa Pilipinas at ang kanyang mga magulang ay nasa Spain ngayon ang mga ito. Minsan, dadalaw sa kanya rito ang kanyang mga magulang." Sagot nito sa kanya. " Wow naman! Isa pala siyang haft Spain? kaya pala bukod sa matangkad ay ang guwapo pa ni Kuya Darius ate." Sabi naman niya. Kusa silang naupong dalawa ng kanyang ate sa kama ng bagong kuwarto niya habang patuloy na nag-uusap nito. "Oo, dahil Filipina ang kanyang Ina at Pure Spain Ang kanyang ama. at sobrang yaman nila, Sarah. May mga negosyong beach resort dito sa pilipinas si Darius at pati na mga hotel." Muling wika ng kanyang ate habang makita sa mukha nito ang sobrang tuwa at kilig na pakakasalan ito sa isang tulad ni Mr. Darius Enriquez. " Grabe ka talaga ate, napakaswerte niyo po. At Teka, parang napaismid yung isa sa mga katulong dito kanina habang nakatingin sa atin? Ano yun? di mo ba friend yun?" Usisa pa ni Sarah. Natawa naman ito sa kanyang tanong at sinabi. " Si Delfa yan, naiinggit talaga yan sa akin dahil di sila makapaniwala na maging girl friend ako ng amo namin at ngayon ay pakakasalan pa." Sabi pa ni Leah na nakangiti. " Ganoon po ba ate. Kaya pala, pero yung ibang katulong ay okay lang po ba sila?" Usisa pa niya. " Yes naman, si Delfa lang ang hindi. But after sa wedding namin ni Darius ay ganap na talaga akong magiging amo nila kaya pilit na ring susunod sa gusto ko yang Delfa na yan. At ikaw ha, huwag kang matakot rito, tularan mo si ate na matapang." Sabi pa nito. " Opo, ate. Salamat naman po at nagustohan po kayo ng amo niyo ate, dahil kung hindi, tiyak na magtitiis ako ng matagal kina tiyang Marcia. Ang pangit ng ugali niya." Sabi niya rito. " Alam ko yan, kaya nga sobrang nag-alala ako sa'yo doon. Kilala ko na Kasi si Tiyang, kaya lang no Choice ako na doon kita iiwan upang malapit lang kitang masusupportahan, Sarah. Hindi na ako makakauwi ng Meycawayan dahil malayo na." Sabi naman nito sa kanya. Pagkatapos ng Masayang pag-uusap nila ng kanyang ate Leah at biglang naging emosyonal na naman siya. Dahil naalala niya ang kanilang mga magulang at ang Meycawayan kung saan sila nanirahan. " Oh, bakit ka na naman umiiyak?" Tanong ng ate niya. "Naalala ko lang po sina inay at itay, Ang biglang pagkawala nila sa buhay natin, ate. " Aniya rito na pinahid ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. "Masakit nga parin hanggang ngayon, pero ignore mo lang, okay? nandito pa ako, hinding-hindi kita pababayaan, Sarah. Mahal na mahal kita dahil nag-iisa lang kitang Kapatid." Sabi ng kanyang ate Leah. "Salamat po ate, mahal na mahal ko rin po kayo, buti nalang at may ate pa ako, paano nalang kung nawala sina nanay at tatay na wala po kayo?" Patuloy na hikbi niya. "Huwag kanang umiyak, tama na. Ipagdasal nalang natin na sana'y maging maligaya na rin ang mga magulang natin sa kanilang kinalalagyan ngayon." Sabi pa ng ate niya at niyakap siya nito. Nasa 15 years old palang Siya at ito'y nasa Twenty-two na. Nag-aaral pa siya ng grade nine sana sa Meycawayan ngunit natigil ang pag-aaral niya doon dahil sa nangyaring trahedya sa kanilang pamilya. Kaya sa susunod na pasukan nalang siya muling mag-aral. " Oh sige, ayusin mo na ang mga gamit mo rito sa kuwarto mo at I arrange, iiwan na muna kita." Paalam ng ate niya sa kanya matapos siya nitong mayakap. " Sige po ate. Kunti lang naman to." Aniya rito. " Huwag kang mag-alala sabi ni Darius ay magshopping daw tayo para sa mga bagong damit natin at mga gamit sa sarili." Kinilig pang wika ng kanyang ate. " Sige, sige po ate." Nakangiti na ulit na tugon niya rito. Lumabas na nga ito ng kuwarto niya at agad niyang tiningnan ang paligid ng kanyang buong kuwarto. Maayos at maganda iyon at may mga kagamitan rin doon na mamahalin. Halos di parin siya makapaniwala na kuwarto niya iyon. Naisip din niya dati na nangangarap ang ate niya noon na makapag-asawa ito ng mayaman. At ito na Ang katuparan sa mga pangarap nito. Bukod sa sobrang mayaman ang lalaking mapapangasawa nito ay binata pa at napakaguwapo din dahil haft spain ito. Maganda din naman kasi ang ate niya at pati na rin Siya ay may mga nagsasabing maganda din siya. Pareho silang magkapatid na may taglay na ganda. Magkaiba lang ang klaseng ganda nila. Medyo strikta ang beauty ng kanyang ate Leah. May medyo mataas itong kilay na parang laging galit at may malalantik itong pilik mata at matangos na ilong. Iba naman ang kanyang beauty, may maamo siyang mukha, tamang kurba ng kilay, katamtamang labi at matangos na ilong. Ang kanyang mga mata ay di naman gaanong mahaba ang pilik-mata nito pero parang lagi iyong nangungusap. Kapwa naman sila maputi ng kanyang ate. May mga hitsura kasi kapwa ang kanilang mga magulang kaya namana nila iyon sa mga ito. Bigla naman siyang nalungkot nang muking maalala ang nanay at tatay nila kung buhay lang sana ang mga ito ay tiyak na matutuwa din ang mga ito na ikakasal na ang kanyang ate sa isang mayamang lalaki na naging amo nito. Maya-maya'y lumabas na si Sarah mula sa kanyang kuwarto pagkatapos niyang na i-arrange ang kanyang mga damit at gamit. Naaliw Siya na pinagmasdan ang mga mamahalin at antique na mga kagamitan na naka display sa malawak ng mansion na iyon at ang magandang design din sa loob ng malaking tahanan ng mga Enriquez at magandang iyon tingnan na di nakakasawa at parang nakakarelax pa iyon. Sobrang linis din sa loo ng buong mansion dahil siyempre may mga katulong at maintain ang linis at magandang view sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD