Hindi nga nagkamali si Sarah. Hindi talaga siya gaanong nakatulog dahil sa nangyaring halikan nila ni kuya Darius kagabi. Kinaumagahan ay parang ang bigat ng pakiramdam niya dahil kulang talaga siya sa tulog. Matapos siyang nakapagligo at nagbihis ng uniform sa umagang iyon ay sinuklay niya agad ang kanyang mahabang buhok. Ang susunod naman na gagawin niya ay lalabas na upang mag-almusal. Parang nahihiya tuloy siyang muling makaharap si Kuya Darius lalo na't makasabay niya ito sa almusal ngayon. Kung hindi naman siya lalabas agad at mag-almusal kasama sa mga ito ay tiyak na male-late din siya sa School. Wala siyang magawa kundi lalabas nalang talaga, buti sana kung wala si Kuya Darius at ito'y maagang umalis tulad sa minsang ginawa nito. Pero kadalasan ay nariyan talaga ito sa tuwing almus

