Muli na namang dinama ni Sarah ang matatamis na mga halik ni Kuya Darius sa kanya. Parang muli na naman siyang nawala sa sarili dahil sa hatid ng mga halik ni Kuya Darius. Ramdam na ramdam niya ang mga matitigas na mga braso nitong nakayapos sa kanyang likod. Parang di siya halos pakawalan ni Kuya Darius at halos di siya tigilan sa mga halik nito ngayon sa kanya. " Napakatamis ng mga labi mo, Sarah. Parang di ako magsasawang halikan ka ng halikan." Sabi nito sa kanya nang tumigil ito sa paghalik sa kanya upang magsasalita. Para namang nahimasmasan si Sarah sa gayuma ng mga halik ni Kuya Darius nang tigilan siya nito sa paghalik kaya't mabilis niya itong itinulak. Mabuti nalang at binitawan naman siya nito nang itinulak niya ito. " Maghihintay ako, Sarah kung kailan mo sasagutin. Sana

