Chapter 6: Slowly falling for you

1350 Words
JULIANNE SAMONTE Hindi ko namalayan na oras na pala para sa umaga. Masyado akong napagod kahapon kakasunod kay Francis sa labas. Ngunit, sa dami ng pinagsundan ko sa kanya ay wala man lang akong nakuha ng importanteng impormasyon na kailangan kong malaman. Mukhang sinisimulan na niya ang mga plano niya. Yoon ay ang pag import ng mga Droga dito sa Pilipinas. Agad naman akong bumangon sa hinihigaan ko. Buti na lamang sa Van namin ay may nakabuild na kama na para may matutulugan kami kapag aabutin ng buwan ang amin misyon. Hindi madaling maging spy agent sa totoo lang dahil madami kaming delikadong misyon na pinapasok lalo na’t mga bigating kriminal ang kinakalaban namin. Paglabas ko ng sasakyan ay bumungad naman sa’kin sina Agent Louie at Agent Simon na nagluluto ng almusal namin. “Oy, gising ka na pala Agent Amaya. Kamusta ang tulog mo? Masyado ka atang napagod sa pagsunod kay Francis kagabi?” Agad na bati ni Agent Louie sa’kin habang nagluluto siya ng Almusal. “Hahahaha. Oo nga Amaya. Hinay-hinay lang ah, baka lalong magtago ‘yan sa’yo kapag pinahalata mo na sinusundan mo siya o may sumusunod sa kanya.” Segunda naman ni Agent Simon sa’kin. Agad ko namang tugon sa kanila ay, “Huwag kayong mag alala. Hindi niya ako mahuhuli.” “Sakto at nagluto ako ng agahan. Buti na lang at wala kang pasok ngayon.” Saad naman ni Agent Louie sa’kin. Paglapag ni Agent Louie ng plato na may pagkain, ay agad ko namang narinig ang cellphone ko na nagring. “Si Yna, tumatawag.” Sabi ko. Agad-agad ko naman itong sinagot. “Hello po? Ma’am?” agad na sagot ko sa kanya. “Anna.” Marahang tawag niya sa pangalan ko. Habang tumatagal ay naiinis ako sa sarili ko. Agad-agad kong nilunok ang kinakain ko. “Yes po? Ma’am Yna? “Wag mo na akong tawaging Ma’am, it makes me uncomfortable.” Sabi naman niya sa’kin. “Hmmm… Can we meet?” Sabi niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako agad ng kaba. “Ah sige po. Saan po tayo magkikita?” Tanong ko naman agad sa kanya. “Kahit dito na lang sa malapit na Starbucks sa office.” Sabi naman niya. “Okay po.” Agad ko namang binaba ang cellphone ko saka nagpalit ng damit. Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako agad kung saan kami mag mimeet. Pagpasok ko ay nakita ko na agad siya na nakaupo sa bandang kaliwa kasama si Yaya belle. Paglapit ko naman sa kanila ay agad naman akong bumati. “Hello po.” Agad namang sumagot si Yaya Belle. “Ay nariyan ka na pala. Ma’am Yna, andito na si Anna.” Mukhang seryoso si Yna ngayon base sa kanyang mukha at kinikilos. “Yaya Belle, pwede mo ba muna kaming iwan? I need to talk to her alone.” Sabi naman ni Yna sa’kin. “Ah-eh sige, ikaw na muna ang bahala sa alaga ko ha.” Tumingin naman siya ulit kay Yna, “Anak, mag message ka lamang sa’kin kung magpapasundo ka na samin.” Tumayo naman agad si Yaya belle saka umalis. “May problema po ba ah-eh, Yna?” Marahang sabi ko sa kanya. “I actually don’t share private matters with anybody but… I really trusted you the most since ikaw din naman ang Secretary ni Dad. I’ve been cold to anyone, not to you.” Sabi naman niya saka humigop ng kape. Alam ko na kahit hindi siya nakakakita eh, ramdam niya kung mabuti ang isang tao o hindi. Pero on the other side… Kinilig ako sa sinabi niya na I’ve been cold to anyone, not to you. Napapaisip na rin ako minsan kung nararapat na ba niyang malaman ang totoong pagkatao ko. Teka? Teka? Bakit nga ba pumapasok sa isip ko ang ganitong klaseng ideya? Hindi ba? Trabaho ito? Hindi para lumandi? “Hey? Okay ka lang ba?” Agad na tanong sa’kin ni Yna. “Ah–eh,” hindi ko alam ang kasunod na sasabihin ko. Kinabahan ako bigla. “Anna, if you’re not ready to talk, we can talk—” agad ko naman siyang pinutol sa kanyang sasabihin dahil, gusto ko rin naman siyang makasama. “Hindi, hindi. Sadyang hindi ko lang alam kung ano ang sasabihin ko.” Ha? Ha? Ano daw? Bakit ganoon ang nasabi ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko dahil malapit lang ito sa kanya kaya alam niya na kamay ko iyon. Na siyang lalong nagpakaba sa’kin. “Its okay, but wait… bakit ang lamig ng kamay mo?” Nanlaki naman agad ang mata ko. Saka bumitaw sa pagkakahawak niya. “Ah—eh, Yna, siguro hatid na kita sa bahay niyo. Baka—” Pinutol niya naman agad ang sasabihin ko. “No, I wanna be with you for a while. Just for a while Anna please.” Sabi naman niya sa’kin. Hindi na ako nakaimik ng sinabi niya ito sa’kin. Nahuhulog na ba ako kay Yna? Ngunit… ngunit… may misyon ako na dapat kong unahin. “S-sige.” Ito na lamang ang nasabi ko sa kanya. Ayoko na makipagtalo dahil ganoon din naman ang sasabihin niya. _____________________________________________________________________________ YNA FLORES Hindi ko alam pero magaan talaga ang loob ko sa presensya ni Anna. I really wanna be with her for a while since hindi naman ako laging nakakalabas. Madalas lamang ako sa mansion at nakaka bored na din ang ganoong buhay. Hindi naman siguro masama na hilingin ko iyon sa kanya. Ngunit, hindi ko pa rin maiwasan mag isip kung ano ang nararamdaman kong kutob sa mga ikinikilos ni Dad this past few days. I’m just so clueless. I tried to talk to Patrice but even she did not know what’s happening since sa company din naman si Patrice nagwowork ngunit sa ibang Branch nga lang siya. Mas madalas silang nagcocommunicate ni Dad lalo sa mga international meetings since hawak ni Patrice ang Branch sa Paris at New York City. Naiinis lang ako dahil sa hindi ko nakikita ang aktwal na nangyayari. Sa kutob lamang ako bumabase. Inaya ko naman si Anna na mag shopping since lagi naman si Yaya Belle ang kasama ko. “Are you sure wala kang gagawin today? Baka nakakaabala ako sa’yo.” Sabi ko kay Anna. “Hindi naman. Sakto na pinag day off din ako.” Sabi naman niya. “Hala, you’re supposed to be taking rest pala, nakakahiya.” Alalang sabi ko naman sa kanya. “Nope, okay lang. Basta ikaw.” Sambit niya. “Ha?” Takang tanong ko naman sa kanya. “Ah—wala. Wala.” Bahagyang natawa naman siya. “Hmmm… okay.” Sabi ko naman sa kanya. Pero sa katunayan ay, narinig ko iyon. Napangiti naman ako ng kaunti sa ideya na may ganoon pala siyang side. Pero aamnin ko na may hindi ako maipaliwanag na nararamdaman kay Anna. Na marahil kahit kayo din ay hindi niyo rin ito agad maiintindihan. Marahil ay dahil first time ko ito naramdaman sa tanang buhay ko, kaya siguro hindi ko pa matukoy kung ako ba ay unti-unti ko na siya nagugustuhan. Sa anong paraan ko nga ba siya nagugustuhan? “Yna?” Marahang tawag niya sa’kin. Natigil ang pag iisip ko ng marinig ko ang pagtawag niya sa’kin. “Bakit?” Sabi ko naman sa kanya. “Ah, natahimik ka kasi kaya agad kitang tinawag, baka may iniisip ka na gusto mong pag usapan?” Sabi naman niya sa’kin. “Ah-eh, wala ‘yon, wag mo na lang akong pansinin.” Sabi ko naman sa kanya. Ayoko pa itong sabihin sa kanya dahil baka kung ano naman agad ang isipin niya. “Alam mo, noong bata ako, hindi ko man lang naranasan na makita ang ganda ng mundo.” Sabi ko naman sa kanya. “Ano nga ba ang nangyari bakit ka nabulag?” Sabi naman niya sa’kin. Hindi ko pa maaring sabihin sa kanya dahil una sa lahat ay ayoko na kinakaawaan ako. Ayoko ng may nasasabi sa’kin na sayang ako dahil kahit naman hindi ako nakakakita, ay alam ko na maganda ang mabuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD