Chapter 5: I believe in you

968 Words
YNA FLORES After mangyari ang insidente na iyon samin ni Anna, mas gumaan ang pakiramdam ko pag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay mapagkakatiwalaan ko siya sa mga bagay na alam kong walang dapat makaalam. Sa tingin ko ay mas kailangan ko ng isang taong maiintindihan ako sa mga bagay na ito. “Yaya?” Bahagyang tanong ko kay Yaya Belle. Narito kasi ako sa dining area dahil maghahain na siya for my lunch. “Bakit? Anak?” Malumanay na tugon niya sa’kin. Ang sarap talaga makarinig na para bang mayroon akong mother figure. “Yaya, gusto ko kasing itanong sa’yo. Sa tingin mo ba mapagkakatiwalaan ko si Anna?” gusto ko rin hingiin ang opinyon niya. Habang lumalaki din kasi ako ay siya na ang kinagisnan kong Ina inahan ko, kaya naman alam ko na mapagkakatiwalaan ko siya sa mga bagay bagay. “Sa tingin ko ay mabuting tao naman si Anna, ngunit, may kutob ako sa kanya na may tinatago siya sa’yo na kailangan mong malaman agad.” Sabi naman ni Yaya habang naririnig ko na kinakalikot niya ang mga pinggan at kutsara. “Sa tingin mo ay may tinatago siya sa’kin?” Bahagya kong tanong sa kanya. “Oo anak. Yan lamang ang pakiramdam ko sa kanya ha. Ngunit, alam ko na mabuti siyang tao.” Segunda naman ni Yaya Belle. Natahimik ako at napaisip, ano kaya iyon? Narinig ko naman na tumutunog ang cellphone “Anak tumatawag ang Daddy mo.” Sabi ni Yaya Belle saka pinahawak sa’kin ang phone. “Hello Dad?” Tugon ko kay Daddy. “Anak? I need you sa office today, kaya mo bang pumunta ngayon?” mukhang may problema si Daddy. Hindi kasi siya tatawag kung ang problema niya ay kaya naman agad masolusyonan mag isa. “Anong meron Dad? May problema po ba?” alalang tanong ko sa kanya. “I can’t explain over the phone, can you come over?” Sabi nito saka binaba ang cellphone. “Yaya! Pack my things, we need to go to the office right now, may problema si Daddy.” Sabi ko at agad naman umakyat si Yaya Belle para kunin ang mga gamit ko. Mabilis na nagtungo kami sa Opisina ni Dad. Hindi ko alam if ano ang nangyari pero mukhang importante at malaking bagay ito para sa kanya. ______________________________________________________________________________ JULIANNE SAMONTE Hingal akong nagtungo pabalik sa Van namin. Dala ko ang isang USB na galing sa opisina ni Francis na maaaring magamit kong ebidensya laban sa kanya. Sa dami ng napakinggan kong pag uusap nila ng kanyang kasabwat sa telepono, sigurado ako na ito ang USB na hinahanap ko matagal na. “Agent Amaya, bakit parang hingal na hingal ka naman?” Alalang tanong ni Agent louie. Pinakita ko sa kanila ang dala ko. “Ano yan?” Takang tanong naman ni Agent Simon, “Ito yung USB na matagal ko ng hinahanap sa opisina ni Francis.” Sabi ko sa kanila. “Ayan na ba ‘yong naglalaman ng mga impormasyon regarding doon sa sindikato na kinasasangkutan niya?” Tanong ni Agent Louie. “Oo, kaya ano pang hinihintay natin. Isalpak nyo na ‘to dyan sa computer para makita natin yung data na nilalaman niyan. Makikita din namin lahat ng ebidensya na kinakailangan namin para madiin ka Francis. ______________________________________________________________________________ YNA FLORES Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at talagang may bumabagabag sa isipin ko. Parang may masamang mangyayari. Hindi ko sigurado pero… Ayoko munang mag isip ng masama kahit kanino lalo na kay Anna. Alam ko na mapagkakatiwalaan namin siya. Sa kabilang banda ay alam ko sa sarili ko na may hindi pangkaraniwang mangyayari sa buhay namin. Pag mga ganito kasing sitwasyon ay agad ko itong nararamdaman. Iniisip ko na lamang na sana ay hindi ito magkatotoo. Agad namang nagsalita si Dad, “Namiss kita Anak.” Wika niya, naramdaman ko na niyakap niya ako. “I miss you too, Dad.” Sambit ko habang niyayakap ko naman siya pabalik. “I’m sorry if hindi kita mabigyan ng oras anak, masyado akong nagiging busy this past few days.” Sabi niya sabay halik sa noo ko. “It’s okay Dad, andyan naman si Ana na madalas ko rin nakakasama at nakakausap. Masaya ako na nakakausap ko siya kapag masyado kang busy sa trabaho.” Sabi ko naman sa kanya. “Mukhang close na kayo ng Secretary ko a.” Segunda niya. “Madalas kasi siya nagpupunta sa bahay Dad, kaya madalas ko din siyang nakakasama at usap. Napakabait niya.” Sabi ko kay Dad. “Mabuti naman at hindi ka nabobored kapag wala ako. O siya, mauuna na ako ha. I’ll just call your driver to pick you up.” Narinig ko na nagbukas ang pinto at sabay na nagsalita ang isang babae, familiar ang kanyang boses. Marahil ay si Ana ito. “Sir Francis, kahit ako na po ang maghahatid kila Ma’am Yna sa mansyon.” Pagaalok niya. “Okay, sige. Ikaw na bahala sa anak ko. Bye my love.” Sabi ni Dad sabay halik sa pisngi ko, narinig ko na papalayo na si Dad. Agad naman hinawakan ni Ana ang kamay ko, ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nadulas ako na siya namang sakto na paghawak niya sa bewang ko. Ramdam ko na malapit ang mukha niya sa mukha ko dahil nararamdaman ko din ang paghinga niya. Agad na mabilis na tumibok ang puso ko. Hindi kaya? Ngunit ayoko muna ito isipin sa pagkat, siya ay Secretary ni Dad at isa pa ay alam ko sa sarili ko na hindi ako pumapatol sa babae. “Pasensya na Ma’am Yna, maagap lamang ako dahil baka kung ano ang mangyari sa inyo.” Tumikhim naman ako at sinabing “ Okay lang, salamat.” Habang tumatagal ay nakukuha na niya ang loob ko, at ang… puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD