JULIANNE SAMONTE
“Agent Amaya, may nakikita akong kakaiba.” sabi ni Agent Louie sa kabilang linya.
“Ano ‘yon?” Bigla akong na alerto sa sinasabi niya.
“May kausap siya sa Cellphone niya at mukhang frustrated siya” ang pwesto kasi ng Van nila Agent Louie ay malapit sa Mansyon nila Yna na kung saan, tanaw pa rin nila ang labas ng mansyon nito para in case na may mangyari sa’kin ay may back up agad ako.
Agad naman akong nagtungo sa kinaroroonan ni Francis.
Patago akong tumitingin sa direksyon niya at halatang frustrated nga siya base sa nakikita ko sa body language niya.
“Ano at sino kaya kausap niya no?” segunda naman ni Agent Simon.
“Malay mo, babae niya” pabirong sabi ni Agent Louie sa kanya.
“Asus, sa tanda niyang yan may gana pa siyang mambabae?” Sabi naman ni Agent Simon.
“Malay mo naman” sagot naman ni Agent Louie.
“Magtigil na kayo, kailangan natin malaman if ano ang nangyayari sa kanya at sino ang kausap niya. Agent Simon, kaya mo bang gawan ng paraan na maaccess ang mga call logs ni Francis?” Sabi ko naman sa kanila.
“Sige, tignan ko” Tugon naman niya sa sinabi ko.
“Anong ginagawa mo dyan?” Napatingin naman ako sa nagsasalita. Si Yaya Belle pala ito.
“A-ah, wala po Yaya Belle, may hinahanap lang po ako” at umarte naman ako na may hinahanap sa paligid. Muntikan na ako doon ah, ilang beses na ba ako muntik na mahuli.
“Hinahanap ka ni Ma’am Yna” biglang sabi ni Yaya Belle.
Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Si Yna? Hinahanap ako? Bakit?
“Bakit daw po?” Tanong ko naman kay Yaya belle.
“Hindi ko rin po alam eh, basta gusto ka daw po niya makausap” sabi nito.
“Ah sige susunod na po ako doon” sabi ko naman sa kanya.
Pagdating ko doon sa kinaroroonan ni Yna ay agad ko siyang nakita na nasa bintana siya nakaharap.
“Anna?” mahinahon na tawag niya sa’kin.
“Yes po Ma’am Yna?” agad ko siyang tinawag.
“Sabi ko sa’yo, huwag mo na akong tatawagin na Ma’am.” Sabi naman nito sa’kin.
Ito ba ‘yong gugustuhin kong lokohin? Gugustuhin kong pagsinungalingan? Napakabait niya sa’kin. Parang hindi ko kakayanin na masira ‘yong tiwala na ibinibigay niya sa’kin.
“Bakit bigla kang natahimik?” alalang tanong niya.
“A-ah, may naisip lang po ako bigla.” Sabi ko naman sa kanya.
“Pwede mo naman i-share sa’kin, baka mabigat na ‘yan.” Sabi niya. Alam ko na nagaalala ito sa’kin.
Tinignan ko siya ng mataimtim sa malapit. Alam kong hindi niya ako nakikita pero, nararamdaman niya ako na malapit sa kanya.
“Anna?” tawag niya ulit sa’kin.
“Ano po ‘yon?” Balik tanong ko naman sa kanya.
“Nalulungkot ako, ang hirap mag isa.” Agad naman akong tumabi sa kanya.
“Ang sakit lang kasi ganito na wala akong nakakausap lagi, si Yaya Belle lang ang nakakasama ko lagi, wala akong kapatid” Sabi niya sabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Hinawakan ko naman ang kanyang mga balikat tanda ng pagdamay ko sa kanya.
“Nandito lang ako sa tabi mo, di kita pababayaan” sabi ko naman sa kanya.
Paano ko ‘to nasasabi sa kanya?
“Salamat. Kahit paano, gumaan ang loob ko dahil may nakakausap na ako” sabi nito sabay ngiti.
“Walang anuman” sagot ko naman sa kanya.
_________________________________________________________________________
YNA FLORES
This past few days, palungkot ng palungkot ang nararamdaman ko, pakiramdam ko wala akong karamay, mag isa lang ako sa buhay. Si Dad, super busy sa business. Kaming dalawa na nga lang sa buhay pero pakiramdam ko mag isa ako. Ang hirap pala maging only child no? Kung wala si Yaya Belle, baka nabaliw na ata ako.
Nang malaman ko na si Anna ay nandito sa Mansyon agad ko siyang pinatawag kay Yaya Belle.
“Yaya” mahinahon na tawag ko sa kanya.
“Bakit po Ma’am Yna?” Tanong naman niya agad sa’kin.
“Patawag naman si Anna, pasabi na kailangan ko siyang makausap” sabi ko naman kay Yaya belle.
Maya-maya ay naramdaman ko na may mga yapak na papalapit sa’kin. Pamilyar din ang amoy sa’kin ni Anna kaya alam ko na siya ‘yon.
“Anna?” Tawag ko naman sa kanya.
“Yes po Ma’am Yna?” Agad naman niyang sagot sa’kin.
Ayoko talaga na tinatawag akong Ma’am Yna maliban kay Yaya Belle. Nakasanayan na din niya kasi iyon at napagalitan na rin siya ni Dad ng tawagin niya ako sa pangalan ko kaya hindi ko na siya pinilit.
“Sabi ko sa’yo, huwag mo na akong tatawagin na Ma’am’ medyo inis ko na din itong sinabi sa kanya.
Naramdaman kong nanahimik siya sandali. Ano kaya ang nasa isip niya? Baka iniisip nya na galit ako pero hindi.
“Bakit bigla kang natahimik?” Agad ko siyang tinanong.
“A-ah, may naisip lang po ako bigla.” Sabi naman nito sa’kin.
“Pwede mo naman i-share sa’kin, baka mabigat na ‘yan.” Sabi naman niya sa’kin.
Napapaiyak na ako dahil nasasaktan ako sa mga nangyayari sa’kin. Hindi naman kasi ganito si Dad dati, lagi ko pa din siya nakakausap kahit busy siya.
“Anna?” Mahinahon na tawag ko sa kanya.
“Ano po ‘yon?” Agad naman na tanong niya sa’kin.
“Nalulungkot ako, ang hirap mag isa” nagdadalawang isip pa sana ako sabihin pero wala na talaga akong pagsasabihan.
“Ang sakit lang kasi ganito na wala akong nakakausap lagi, si Yaya Belle lang ang nakakasama ko lagi, wala akong kapatid” bigla naman akong naiyak sa sinabi ko. Ganoon na pala kalungkot ang buhay ko ngayon ko lang naisip.
Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko. Mas gumaan ang pakiramdam ko ng maramdaman ko na hawakan niya ako.
Iba ang pakiramdam ko pag andyan si Anna sa tabi ko, I feel peace.
“Nandito lang ako sa tabi mo, di kita pababayaan” sabi niya naman sa’kin.
Sa sinabi niyang iyon mas lalo akong nakaramdam ng kaba, yung kaba na parang hindi nakakatuwa para sa’kin kasi this is very unusual for me.
“Salamat. Kahit paano, gumaan ang loob ko dahil may nakakausap na ako” sabi ko naman sa kanya. Pero nagpapasalamat talaga ako sa kanya kasi mas naging okay ako nung nakausap ko siya.